Share

Kabanata 3

BUNTIS AKO?

Naibuga ni Rosell ang iniinom na kape dahil sa nabasang text mula sa kaibigan. Umagang-umaga ay ninerbiyos siya sa mensahe nito.

Mabilis niya itong tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot ito.

“Ano’ng buntis ka?! Bakit hindi ko alam?!” sigaw niya rito.

“Hindi ko rin alam kung bakit ako buntis.”

“Ano’ng hindi mo alam? Ano? Nabuntis ka sa isang gabi lang? Ano’ng gamot ang nadali mo? Ayusin mo nga ang sinasabi mo, Maya.”

“Basta, puntahan mo ako ngayon sa ospital. Kailangan ko ang tulong mo. Sasabihin ko sa’yo ang lahat.”

Sumakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. Ano’ng kabaliwan ang ginawa nito? Ano’ng buntis? Sino’ng buntis? Ni hindi nga ito makalapit sa mga lalaki. Paanong nabuntis ito?

Pupuntahan niya ito ngayon din sa ospital. Kailangan niyang malaman ang nangyari.

IBINABA niya agad ang tawag. Hindi nga siya nagkamali na ganoon ang reaksiyon ni Rosell. Sa tono pa lang ng pananalita nito ay talagang naguguluhan ito.

She sighed. Siya rin ay naguguluhan. Hindi niya rin alam kung bakit buntis siya. Bakit hindi niya alam na buntis siya? Sariling katawan niya iyon.

Bago umalis kanina ang mga Tanaleon ay nakatikim pa siya ng ilang insulto kay Ruella Tanaleon na hindi tanggap ang resulta.

“Dr. Fuentes, did you really checked her? Buntis talaga siya? Hindi ba nagkakamali lang kayo?” muling tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“According sa blood tests, it says she’s pregnant. If you’re not satisfied with the results, we can try the PT, urinal test, and ultrasound but I may say that blood test is very accurate.”

Inagaw pa ng ginang ang papel na dala ng doktor. Habang binabasa ito ay hindi rin siya mapakali.

Maya! Paanong buntis ka?

“It’s okay, Tita. We’re still not sure if it is Third’s,” sabi ni Darica Corpuz.

“You’re right, Dari. Paano kung hindi naman ‘yan sa anak ko? Baka kung sino’ng lalaki ang nagmamay-ari niyan at gusto mo lang panagutan ng anak ko?”

Napatingin siya kay Lorenzo Tanaleon III na hanggang ngayon ay abala pa rin sa cellphone nito. Nagtataka tuloy siya kung ano ang pinagkakaabalahan ng lalaki dahil kanina pa ito sa cellphone. Miminsan ay kinakausap ang assistant nito at may kung ano’ng binubulong.

“Let’s have the DNA test,” suhestiyon ni Señor Lorenzo Tanaleon II.

“It’s not possible po at this moment. But we can check on the 8th week of pregnancy through NIPP.”

“I won’t allow it,” sabi ni Donya Emilia.

Napatingin siya sa matanda na nasa kaniyang tabi.

“Why not, Mama?!”

“Hindi ba’t delikado ang prosesong iyan? Ayokong isugal ang kalusugan ng mag-ina.”

“Pero, Mama. Paano kung niloloko tayo ng babaeng ‘yan?”

“Hindi siya nagsisinungaling, Ruella. I can feel that her baby is my grandchild.”

“Mama—”

“Ruella, stop it already. A no is a no.”

Natahimik si Ruella Tanaleon sa tinuran ni Don Lorenzo. Napahinga siya ng maluwag dahil kahit papaano ay may nagtatanggol sa kaniya sa pamilyang iyon. Paano na lang kung pagkaisahan siya?

Ngayon niya napagtanto na tanging sina Don Lorenzo at Donya Emilia lang ang magiging kakampi niya sa mga Tanaleon. Ang iba ay gigil na gigil na mapaalis siya.

She sighed once again after the Tanaleons have left her room. Wala na nga siyang panahon para matulog. Hanggang umaga ay gising na gising siya.

Hihintayin niyang makarating ang kaibigan para makauwi na siya. Kailangan pa niyang alagaan ang kaniyang lolo.Nag-aalala siya sa kalagayan nito. Kailangan niya itong puntahan sa ospital sa baryo. Walang magbabantay roon. Lagot din siya sa kaniyang tiyahin.

Ano mang pilit niya kanina na i-discharge siya sa ospital ay ayaw siyang payagan ni Donya Emilia. Ang sabi ng matanda ay manatili pa siya ng ilang araw upang masigurado ang kaniyang kalusugan.

She’s even more guilty when the old woman sincerely smiled at her. Ilang beses nitong sinabi kung gaano ito kasaya ngayong magkakaapo na ito sa tuhod.

“Don’t worry about the expenses and everything. Pag-uusapan naming maigi ang situwasiyong ito. Hindi namin tatakasan ang responsibilidad sa’yo. I will make sure that you and your baby will be in safe hands.”

It sounds reassuring. Paulit-ulit ang tinig ng matanda sa kaniyang tenga. Kung sana lang ay totoo ngunit nagsinungaling lang siya. She felt sorry for Donya Emilia.

Napatayo siya upang lumabas ng kwarto. Aantayin niya sa labas ang kaniyang kaibigan.

Ngunit hindi pa niya napipihit ang seradura ng pintuan ay nakarinig siya ng ingay mula sa labas.

“What are you doing here?”

Sandali siyang natigilan. Kung hindi siya nagkakamali, ang boses na iyon ay pagmamay-ari ni Lorenzo Tanaleon III.

Bakit nandito ang lalaking iyon? Ang akala niya’y kanina pa ito umalis. Nauna nga itong lumabas kahit ano’ng galit ng Don at Donya na huwag siyang umalis.

Nagwalk-out na nga rin sina Darica Corpuz at Vester Huesca. Kaya bakit nandito pa ito sa ospital? Paano siya ngayon makakauwi nito kung nandito pa ito sa ospital?

Ni hindi nga ito umimik sa buong usapan nila kanina. Hindi rin ito nagulat sa resulta na buntis siya. Mukhang wala talaga itong pakialam. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan. Baka kokomprotahin siya nito ngayon? O baka patayin pa siya.

Hindi ba dapat ay kanina pa sumabog ang lalaking iyon? Nasira niya ang engagement party nila. Tapos ay sinabi pa niyang ito ang ama ng kaniyang dinadala. Ngunit bakit wala itong reaksiyon?

Ito kaya ang tinatawag nilang calm before the storm?

“I’m just checking on that girl,” tinig ng isang babae.

Napasilip siya sa maliit na siwang ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang magkaharap sina Lorenzo Tanaleon III at Valerie Huesca.

Bakit nandito rin ang fiancée? Kailan pa siya dumating? Sasampalin ba niya ako? Kakalbuhin?

Napangiwi siya sa naisip. Malaking pagkakamali talaga ang kaniyang nagawa. Hindi lang siya nagsinungaling, may nasira pa siyang relasyon. Nadagdagan pa lalo ang pagsisisi niya.

Seeing the couple in front of her right now, she feels the tension. Pareho pang hindi nakapagbihis ang dalawa mula sa engagement party ng mga ito. Parehos pang naka-black and white casual dress and suit.

They looked too stunning and elegant. But something about the two is wrong. May kung ano’ng pressure sa gitna nila.

“What do you care anyway? Go home.”

Lumampas si Lorenzo Tanaleon III kay Valerie Huesca ngunit pinigilan siya ng babae sa braso.

“Third, don’t be like this.”

“Don’t call me by that name. And don’t bother visiting my girlfriend.”

Napaawang ang labi niya sa sinabi ng lalaki. What is happening? Girlfriend?

Kailan pa ako naging girlfriend ni Lorenzo Tanaleon III? Bakit hindi ko rin ‘to alam?

Maayos naman ang dalawa sa engagement party. They look like the perfect couple you would dream. Ngunit nang makita niya kagabi ang closeness ni Lorenzo III kay Darica Corpuz ay doon na siya may kakaibang nararamdaman.

She knows there’s something going on.

Pinagseselos ba ni Lorenzo Tanaleon III ang kaniyang fiancée? Para sa ano naman? Ikakasal naman sila. O talaga bang professional playboy lang ito?

“She’s really… your girlfriend?” nanginginig na tanong ni Valerie Huesca.

“Is it surprising? Wala ka ng pakialam kung sino man ang gustuhin ko.”

“Do you really mean that, Third? Hindi mo na ba ako mahal? Ganiyan lang kadali sa’yong sayangin ang five years natin? O sinasabi mo lang ‘yan kasi nasaktan kita?”

Tama nga ang hinala niya. May problema ang magkasintahan. Ano kaya ang ibig sabihin ni Valerie Huesca na nasaktan niya si Lorenzo Tanaleon III?

“Don’t bring that up, Val. You know me. I don’t have a heart, right? Why did you expect I love you? I never loved you.”

Hindi talaga siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Bakit gano’n? Napakarahas ng mga sinasabi ni Lorenzo Tanaleon III sa kaniyang fiancée ngunit napapansin niya rin ang sakit na dumaan sa mga mata nito?

What is happening? Bakit feeling niya’y gustong saktan ng dalawa ang isa’t isa? What’s with this heavy drama?

“Really, Third? Is that why you cheated on me before our wedding?”

Ngumisi si Lorenzo Tanaleon III na para bang may nakakatawa. She suddenly felt goosebumps all over her body. Kakaiba talaga ang lalaking iyon. Nakakatakot.

“Who cheated who? Is it just me who slept around—”

Pak!

Napasinghap siya nang humalagapak ang palad ni Valerie Huesca sa kaliwang pisngi ni Lorenzo Tanaleon III. Napangisi lang muli ang lalaki at dinilaan ang gilid ng labi nito.

Kung may salita man siyang maiilarawan sa nangyayari, isa lang iyon.

Intense.

“Dahil sa’yo! Ikaw ang problema, Third!” umiiyak na sabi ni Valerie Huesca.

“Are you done? If yes, leave now,” malamig namang tugon ng lalaki.

“Are you that heartless, Third?!”

“You’re drunk. Umuwi ka na.”

“I’m not drunk. I’m very sober!”

Napatakip siya sa sariling bibig nang biglang halikan ni Valerie Huesca si Lorenzo Tanaleon III. Mabilis namang tinulak ng lalaki ang fiancée nito.

“Valerie! Stop this and go home.”

“Is my kiss dirty now, Third? You can’t stand me anymore?”

Napailing siya sa nakikita. Hindi niya in-expect na ang maganda at sophisticated na si Valerie Huesca ay may ganitong side. Hindi niya rin in-expect na matatanggihan iyon ni Lorenzo Tanaleon III.

“Val? Ano’ng ginagawa mo rito?” biglang dating ni Vester Huesca.

“Third, am I not important to you now? Huh?!”

“I’m sorry, bro. I didn’t know she will come here at this state. Pauuwiin ko na siya,” sabi ni Vester Huesca kay Lorenzo III habang hawak-hawak ang kaniyang kapatid.

“You’re still unreasonable and selfish!”

Iyon ang huling sabi ni Valerie Huesca bago hinila ni Vester.

What was that? Iba pala talaga ang away ng mga mayayaman. Hindi niya iyon maintindihan ngunit isa lang ang sigurado siya, mayroon talagang problema.

“Did you enjoy the show?”

Parang nahulog ang puso niya sa sobrang kaba ng biglang tumingin sa kaniyang direksiyon si Lorenzo Tanaleon III. Mabilis niyang isinara ang pintuan ng kaniyang kwarto.

Ano yun? May lahi ba siyang bampira? Bakit ganoon ang tingin niya? Kanina pa niya alam na nakikinig ako?

Nais pukpukin ni Maya ang sariling ulo sa kapabayaan. Dagdag problema ito. Wala sa sariling napasandal siya sa pintuan.

“Open the door.”

Napatalon na naman siya sa ikalawang pagkakataon. Ang lakas ng tunog ng katok sa pinto.

“W-wala akong narinig.”

“Fine. Just open the door. May pag-uusapan tayo.”

Ano naman ang kanilang pag-uusapan? Sa tono ng lalaki ay hindi iyon maganda. Baka ibalibag siya nito sa oras na buksan niya ang pinto. Sa taas at laki pa naman ng lalaking iyon, baka itapon siya sa labas ng bintana.

“Pwede naman tayong mag-usap kahit hindi ka pumasok—”

Napatalon siyang muli sa malakas na kalabog ng pinto. Mukhang galit na ang lalaki sa labas.

“Open the damn door, Ms. Aguilar. Don’t make me repeat it three times. You’ll know.”

Napapikit siya sa kaseryosohan ng boses nito. Wala siyang magagawa. Mabilis niyang binuksan ang pinto ngunit lumayo rin siya agad.

“A-ayos lang ako. Hindi mo na ako kailangang kausapin. Uuwi rin ako at hinihintayin ko lang…”

Napatigil siya pagsasalita nang makita ang lalaki na hinuhubad ang coat nito at inilagay sa ibabaw ng kaniyang hospital bed. Kasunod ay ang sinturon nito.

“A-ano’ng ginagawa mo?” kinakabahan niyang tanong.

Patuloy lang ang lalaki sa ginagawa. He even unbuttoned the first three buttons of his white long sleeved shirt, revealing his fair chiseled chest.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang tattoo nito sa malapit sa collar bone papunta sa itaas ng kaliwang dibdib. His silver necklace is dangling on his neck. Kinabahan na naman siyang muli.

“What do you think I’m doing?” tanong ng lalaki habang itinataas ang sleeves ng shirt nito hanggang siko.

Veins on his arms are very visible. She’s highly intimidated right now.

“Ah… Hindi ko alam. A-ano ba yung pag-uusapan natin?” nauutal niyang tanong.

Hindi dapat siya kabahan! Hindi niya dapat ipakitang natatakot siya dahil mas lalo lang siyang kawawa.

Napaatras siya nang biglang itaas ng lalaki ang kamay nito. Akala niya’y kung ano ang gagawin nito. Iyon pala’y tumingin lang sa kaniyang relo.

“Have a seat, Ms. Aguilar,” muwestra nito sa sofa, hindi kalayuan sa hospital bed.

Mabilis siyang naupo roon bago pa magalit ang lalaki. Nakita niya itong naglakad sa kaniyang harap bago tumigil. Mabigat ang presensiya nito. Parang hindi siya tuloy makahinga sa loob ng kwarto.

“Ano ba'ng pag-uusapan natin? Kung tungkol iyon sa nangyari kanina, huwag kang mag-alala. Hindi naman ako ang tipong nakikisali sa personal na buhay ng iba.”

Nakatitig lang ang lalaki na parang wala itong pakialam. Mukhang hindi iyon ang gusto nitong marinig.

“Kung tungkol naman iyon sa… nangyari kagabi, pasensiya na. Hindi ko intensiyong sirain ang engagement niyo.”

“You’re really good in acting, right?”

Natigilan siya sa tanong nito.

“You think I didn’t know your intention, Ms. Aguilar?”

“Hindi ko alam ang sinasabi mo,” tanggi niya rito.

“You’re acting dumb now?” he smirked.

“Ano ba'ng gusto mong iparating?”

“I know everything.”

Napalunok siya sa sinabi nito at hindi na makatingin sa mga mata nito. She already expected this much. Alam niyang hindi tanga si Lorenzo Tanaleon III.

“Kung alam mo na pala, bakit hindi ka nagsalita? Bakit wala kang ginawa?”

Nagpalakad-lakad muli sa kaniyang harapan ang lalaki habang pinapatunog ang leeg nito. Sa huli ay tumigil muli ito sa kaniyang harapan bago humalukipkip.

“I did. What do you mean na wala akong ginawa? It was very obvious that I saved you.”

Naguluhan siya ng ilang sandali sa sinabi nito hanggang sa may napagtanto.

“Ikaw ‘yon!” bulalas niya.

Kaya pala siya buntis! Siguradong minanipula ni Lorenzo Tanaleon III ang resulta. Kayang-kaya niya iyong gawin. Hindi niya lang naisip na kung bakit ginawa iyon ng lalaki. Bakit siya pa? Ano’ng tumatakbo sa isip nito?

“Now that you know, let’s get down to business.”

Nagtaka na naman siyang muli sa sinasabi nito. Saan papunta ang kanilang usapan? Bakit hindi maganda ang pakiramdam niya?

“Tungkol saan?”

“Marry me.”

“Ano?!” gulat niyang tanong.

Namingi ata siya ng ilang segundo. Kung ano-ano ang kaniyang naririnig.

“Be my wife, Ms. Aguilar.”

DUMIRETSO agad si Rosell sa front desk upang itanong ang kwarto ng kaniyang kaibigan. Sa labas pa lamang ng ospital kanina ay halos malula na siya. Paanong nakarating dito ang kaniyang kaibigan?

“Hello. Pwede po bang malaman kung nasaan po ang kwarto ni Mariyanna Aguilar?” tanong niya sa nurse na nasa harap.

“Kaano-ano niyo po ang pasyente, Ma’am?”

“Kaibigan niya po ako.”

“Pasensiya na po, Ma’am. Hindi ko po pwedeng sabihin sa inyo ang room ni Ms. Aguilar. Private po kasi.”

“Ha?” hindi-makapaniwalang tanong niya.

Private? Paanong private? Hindi niya maisip kung bakit nasa isang mamahaling ospital ang kaibigan niya. Ano bang nangyari?

“Nasa VVIP po kasi sila. Hindi ko po pwedeng i-disclose ang information sa inyo.”

“Pwede po bang tawagan niyo na lang? Sabihin niyo na nandito si Rosellinda Dormitorio.”

“Okay po, Ma’am. Hold on a second.”

Bago pa man magsimulang tumawag ang nurse ay may pumigil agad dito.

“No need.”

Napabaling si Rosell sa matangkad at maputing lalaki. Mukha itong mestizo.

“Okay po, Doc.”

Napakunot naman ang kaniyang noo. Isa palang doktor ang lalaki. Bakit hindi ito nakasuot ng lab coat? Bakit kaswal lang ang damit nito?

“Alam ko kung nasaan si Mariyanna Aguilar. Follow me.”

Nagdalawang-isip siya kung susunod o hindi. Sino ba ang lalaking ito?

“Sumunod na lang po kayo kay Dr. Huesca. Kilala niya po ang pasyente,” sabi ng nurse.

Tumango siya sa nurse bago sumunod sa doktor. Kilala daw nito si Maya? Bakit hindi niya alam na may kakilalang doktor ang kaibigan niya?

Tinitigan niyang mabuti ang doktor. Hindi ito pamilyar.

“You’re a friend of Ms. Aguilar? Why are you here? You’ll pick her up?” tanong ng doktor bago sumara ang elevator.

“Ho?” tanong niya.

Sa totoo lang ay hindi niya masiyadong naintindihan. Hindi naman kasi siya nakapag-aral kaya nahihirapan siyang makaintindi ng purong Ingles.

Nakita niya ang nang-iinsultong tingin ng doktor sa kaniya mula ulo hanggang paa. Bakit mukhang may galit ito sa kaniya? Ngayon niya lang ito nakita.

“Is this your hobby?”

“Po?”

“Ugali niyo bang mga taga-bukid ang magsinungaling at humuthot ng pera?”

Nagpanting ang tenga niya sa tanong nito. Klarong-klaro ang tagalog na iyon sa kaniyang pandinig.

“Pasensiya na pero parang nagkakamali ka yata.”

Tumawa ito sa kaniyang sinabi. Ano’ng nakakatawa?

“Where are your manners? Panay ang ‘po” mo kanina.”

Nag-iba na talaga ang timpla niya sa ipinaparating ng lalaki. Nawalan siya ng respeto nang makuha ang ibig nitong sabihin.

“Sino ka ba? At ano’ng karapatan mo para insultuhin kami?”

“I know what kind of people you are. You and your friend like sucking off royal bloods. Kating-kati kayo sigurong makabingwit ng mayayaman.”

Ngayon ay galit na talaga siya. Ayos lang kung siya ang iniinsulto. Pero hindi tama kung pati si Maya ay nadadamay. At hindi rin tama dahil hindi niya alam kung ano ang problema ng lalaking ito. Ngayon niya lang ito nakita.

“Magdahan-dahan ka sa pananalita mo! Ano’ng alam mo sa’min para insultuhin mo kami ng ganito?”

Tumawa ulit ito at bumukas ang elevator. Sumunod lang siya sa lalaki at hindi niya maintindihan kung bakit kumukulo ng husto ang kaniyang dugo.

“Good morning, Doc.”

“Kamusta, Doc?”

Halos umirap siya sa mga nurses at doktor na bumabati sa lalaking nasa harap niya. Bakit ganoon nila ito batiin? Hindi ba nila alam na napaka-ipokrito ng lalaking ito?

Maya-maya ay dinala siya nito sa isang kwarto. Inilibot niya ang paningin ngunit wala siyang nakita kahit sino’ng tao. Wala doon si Maya. Isang malaking mesa sa gitna, sofa, at mga desk ang naroroon.

Sa ibabaw ng mesa ay nakalagay ang mahabang glass na may pangalang Dr. Vester R. Huesca, Director.

“Nasaan si Maya?!” galit niyang tanong.

Hindi siya nito sinagot sa halip ay dumiretso ito sa lamesa ay may kinuhang kung ano sa cabinet.

Pagkaraan ay lumapit ulit ito sa kaniya dala ang ilang libo-libong pera.

“Take this money and go home. Kunin mo rin ang kaibigan mo at sabihin mong huwag niyang guluhin si Enzo at Val.”

Napatingin siya sa inilahad nitong pera. Hindi niya man maintindihan ang buong sitwasiyon ay parang may ideya na siya sa kung ano’ng nangyayari.

“Kulang pa ba ‘to? This is fifty thousand already. You can buy clothes and clean yourself. Hindi ka naman siguro na-disappoint? Hatiin niyo ng kaibigan mo at umalis na kayo.”

Hindi siya nakapag-react. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nainsulto siya nang husto. Hindi niya rin napigilan ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Ganito na ba talaga kababa ang tingin nito sa katulad nila?

Hindi nga siya nagkamali na ganito kalupit ang mundo.

“Sigurado ka ba?” tanong niya sa lalaki.

“What?”

“Medyo mahal ang makipagnegosasyon sa’kin. Kulang ‘yan.”

Malaking pagtitimpi ang tinipon niya bago sabihin iyon.

“You’re this shameless?! I knew it. Makapal talaga ang mga balat niyong mga taga-bukid.  I didn’t expect you to be this wise. You have done this a lot, haven’t you?”

Bumuga siya ng hangin. Hindi niya inakalang matalas ang dila ng lalaking ito. Daig pa ang mga babae kung makapagsalita. Napakahambog at mapagmataas.

“Fine. I’ll give you a blank cheque. Sabihin mo sa’kin kung magkano ang kailangan mo.”

Kinuha nito ang isang maliit na papel at inilahad sa kaniya. Tinanggap niya iyon at napansin niya ang pag-iwas sa kamay nito na mapadikit sa kaniya.

Mukhang nandidiri ito kahit ang konting distansiya lang nila.

Nang makuha ang maliit na papel ay sinubukan niya itong basahin. Ngayon ay siya naman ang tumawa. Mababaliw na rin siya ata sa sobrang galit. Itatawa niya ang init ng ulo.

“Ano’ng tinatawa mo diyan? You’re crazy!” sabi ni Vester sa kaniya.

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtawa at diring-diri naman ang lalaki.

“Pasensiya na. Nakakatawa lang kasi. Hindi kasi ako marunong magbasa kaya hindi ko ‘to kailangan.”

Iyon ang sabi niya bago pinunit ang papel at itinapon sa lalaki.

“Kung wala ka nang matinong sasabihin bukod sa pagtahol mo na parang aso, aalis na ako. Hindi katulad mo, sobrang halaga ng bawat oras ko para sayangin.”

Hindi na niya hinintay na makasagot ang lalaki bago lumabas ng kwarto. Akala ba nito’y matatalo siya ng ganoon na lang? Hindi niya hahayaang insultuhin na lang sila palagi.

Ang problema ngayon ay kung nasaan si Maya. Uuwi sila kahit walang pera. Ayaw niyang masali pa ang kaibigan sa gulong ito at lalo pang lumala.

NAKATITIG lang si Maya sa Marriage Contract na nasa kaniyang harapan. Hindi niya akalaing pinaghandaan talaga ito ni Lorenzo Tanaleon III. Napakabilis.

“You’re Party A and I’m Party B. I’m sure you understand what I mean. Take time to read the terms and—”

“Hindi ako pipirma diyan.”

Nakita niya ang pag-alma ng assistant ni Lorenzo Tanaleon III na siyang nagdala ng kontrata.

“Ms. Aguilar, may problema po ba sa proposal namin? May gusto ka po bang baguhin?” tanong ni Gilbert, assistant ng binata.

“Wala akong panahon para sa kabaliwan niyo. Hindi ako tanga.”

Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ito ginagawa ng lalaki. Hindi siya papayag sa sinabi nito. Paano kung niloloko siya nito?

“Wala akong sinabing tanga ka, Ms. Aguilar. I’m giving you the best option.”

“Hinding-hindi ako papayag sa kalokohan mo. Kung walang halaga sa’yo ang kasal, ibahin mo ako.”

Tumango-tango ang lalaki sa kaniya.

“You still believe in that absurdness? Hindi ka naman siguro naghihintay ng prince charming mo, right?”

Nagngitngit ang ngipin niya sa tanong nito. Mahalaga sa kaniya ang pagpapakasal. Hindi iyon isang biro. Kaya nga hindi pa siya nagkaka-boyfriend hangga’t hindi siya sigurado. Papakasalan niya lang ang lalaking mahal niya. Kaya walang karapatan ang lalaking ito para baliin ang prinsipyo niya.

Isa pa, hindi ba’t ikakasal na ito? Plano ba nitong ikansela ang kasal nila ni Valerie Huesca? At ano’ng mangyayari sa kaniya? Tool for revenge?

“Mawalang-galang na, Señorito Lorenzo. Hindi ako katulad ninyo na ginagawang playground ang buhay. Kung natutuwa kayo na pinaglalaruan ang buhay ng iba, wala akong planong sumali sa laro ninyo.”

“You think this is a play for me, Ms. Aguilar? I’m dead serious here.”

“Pasensiya na. Maghanap ka ng bagong kalaro. At ako, maghahanap ng sarili kong solusyon. Hindi ko kailangan ang walang kwenta mong proposal.”

Pabalik-balik ang tingin ni Gilbert sa kanila. Manghang ngumisi si Lorenzo Tanaleon III.

“I can transfer your grandfather in a more advanced hospital tomorrow. Kahit ipadala ko pa siya abroad. I can provide him the best medicine he needed.”

“Paano mo nalaman ‘yan?!” gulat niyang tanong.

“I told you. I know everything.”

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Kung gayon ay alam din nito ang tungkol sa pakay niya. Alam ng lalaki kung bakit niya ginawa ang lahat ng gulong ito.

“Ms. Aguilar, you really don’t know how this world works. You don’t have an idea. You don’t know who you are dealing with.”

Natahimik siya sa sinabi nito. He’s wrong. Alam niya. Alam na alam ngunit ayaw niyang aminin.

“You know what type of people my grandfather hates? People who are bunch of liars.”

Kinabahan siya sa sinabi nito. She can feel it too because she, herself hates being fooled. Sa oras na malaman ng Don na niloko niya lang ito para matigil ang kontrata nila sa Huesca, hindi na siya nito kakampihan katulad ng nangyari kanina.

“I can talk to my grandfather. Just my words, he can cancel the project with the Huescas. I can do that much.”

Napaangat ang tingin niya sa lalaki. Hindi nga iyon imposible. Kaya niya iyong gawin. He’s the one and only heir afterall.

“Bakit mo ba ‘to ginagawa?”

“I have my reasons, Ms. Aguilar. In the end, you’ll eventually agree to me.”

“Bakit parang siguradong-sigurado ka? Hindi mo ako kilala.”

“I don’t know you, but I know myself. I’m your only choice. I’m the only one who can save you.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Abby Orbanija
maganda kaso Hindi libre mgbasa.mahal pa Ang bayad.pangmayaman.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status