Share

Kabanata 2

BUNTIS AKO!

Tila naestatwa ang lahat sa kaniyang rebelasyon. Halos lumuwa na ang kanilang mga mata.

Walang reaksiyon si Lorenzo Tanaleon III. Ang Don at ang Donya ay may gulat sa mukha ngunit mas lamang ang pag-alala. Ang mga Huesca ay hindi rin nakagalaw liban kay Valerie Huesca na tila kalmado sa nangyari. Si Mrs. Ruella Tanaleon ay biglang nahimatay na agad namang nasalo ng kaniyang asawa.

Nang mahismasan ang media ay nagsimula muli sa pag-flash ang mga camera. Dinumog agad siya ng mga reporters.

“Totoo po ba ang sinasabi niyo, Ma’am?”

“Ano’ng pangalan niyo po, Ma’am? Talagang buntis kayo?”

“Si Señorito Lorenzo Tanaleon III po ba ang ama?”

“Pakiklaro po ng sinabi niyo, Ma’am.”

It hit her. Ano ang kaniyang ginawa? Ano’ng gulo ang kaniyang pinasukan? Parang gusto niyang lamunin siya ng lupa.

Ayos lang ‘yan, Maya. Kumalma ka. Para ‘to sa mga kasamahan mo. Isipin mo ang kalagayan nila. Kaunting hiya lang.

Pakiramdam niya’y mabubuwal siya sa pagtutulakan ng mga reporters. Nasa kaniya na talaga ang lahat ng atensiyon. Sobrang nahihilo siya sa sunod-sunod na mga tanong nito.

Isa lang ang paraan para maiwasan niya ang mga tanong ng mga reporters. Ganoon nga ang gagawin niya.

Pumikit siya at umarte na namang muli. Hinayaan niya ang sarili na matumba at umaktong mahimatay. Nagsinghapan ang mga taong nakapalibot sa kaniya ngunit wala man lang nakapigil sa pagkakatumba niya sa lupa.

Mas lalong nakakahiya dahil wala man lang tumulong sa kaniya. Sa halip ay dinumog lang siya ng mga ito. Nais niyang matunaw sa labis na kahihiyan.

“Ano’ng ginagawa ninyo?! Tumawag kayo ng ambulansiya! Guards! Pakikontrol ng mga media.”

Kung sino man ang sumigaw ay pinagpasalamatan niya iyon. Habang tumatagal ay mas lalo siyang kinakabahan sa kaniyang nagawang gulo.

Marami siyang naririnig na boses na nakapalibot sa kaniya. Ilang sandali pa ng maramdaman niya ang pag-angat ng kaniyang katawan. Alam niyang ang guwardiya ang bumuhat sa kaniya dahil sa sandali siyang napamulat.

Gustuhin niya mang magreklamo  ay pinigilan niya ang sarili. Hindi ito ang panahon para mag-inarte pa siya. Ang prayoridad niya ay ang makaalis siya sa lugar na iyon.

“Enzo, ikaw ang magdala sa kaniya sa ospital,” mariin na utos ng Don.

“Why would I do that? I’ll help mom first.”

“No, hijo. You should prioritize this little girl. Maraming magdadala ng mama mo sa ospital. Worry more on your girlfriend. Nakakaawa kung pababayaan mo lang siya.”

Girlfriend? Muntik na siyang mapaubo sa sinabi ng Donya.

“But, Lola—”

“Lorenzo III. Panindigan mo ‘yan. O gusto mong mapahiya?” seryoso ang banta ng Don.

Ramdam niya ang tensiyon sa gitna ng maglolo. What have she done? Malaking gulo talaga ito.

“We will just settle this party pagkatapos ay susunod kami sa hospital,” anang Donya.

After a while, she heard Lorenzo Tanaleon III’s sigh of defeat. Wala itong nagawa kundi sundin ang utos ng Don at Donya. She felt his touch on her back. Sa isang iglap ay buhat na siya ni Señorito Lorenzo III.

Hindi niya maiwasang mapakunot ang noo sa panlalaking pabango na sumalakay sa kaniyang ilong. Ngayon lang siya naging ganito kalapit sa isang lalaki. Napakatahimik nito habang buhat-buhat siya patungo sa kung saan.

“Señorito Enzo, kami na po ang bahala sa kaniya.”

Naramdaman niya ang pagtama ng kaniyang katawan sa upuan. Sa hinuha niya’y ipinasok siya nito sa loob ng sasakyan.

“No need.”

Nanigas siya nang marinig ang buo nitong boses. Sa malapitan ay nakakatakot ito. His presence is so heavy and nerve-wracking.

Now, she wonders if Lorenzo Tanaleon III really believed that she’s pregnant with his child?

Kinilabutan siya sa ideyang iyon. Imposible. Alam niyang playboy ito ngunit hindi ito tanga. Kung ano man ang binabalak ng lalaki ay kinakabahan na siya.

Halos mapatalon siya sa gulat sa malakas nitong pagsarado sa pinto ng kotse. Galit kaya ito?

Tinanong pa niya. No doubt. Galit ito.

Hindi siya nakatiis at binuksan niya ang mga mata. Kailangan niyang makita ang nangyayari. Mabuti na lang at heavily tinted ang kotse kaya malaya siyang makakapamasid sa labas.

She suddenly felt uncomfortable as the car smells filthy expensive. She wouldn’t dare mess with it.

“Third…” mahinang tawag ng isang tinig.

Sa malayo ay nakita niya ang papalapit na babae na may mahinhing kilos at ganda. Sa likod nito ay nakasunod ang isang matangkad na lalaki.

“What’s happening? Do you know that girl?” kalmadong tanong ng babae.

Hindi siya pamilyar sa babae ngunit ang lalaking katabi nito ay namumukhaan niya. Iyon ang kapatid ni Valerie Huesca na si Vester!

Lagot siya nito. Siguradong galit ang lahat sa kaniya. Sinira niya ang isang pinakainaabangang engagement sa buong bansa.

“Do you really believe what she said, Third? From what I have observed, she wouldn’t pass your standards,” the woman said in a classy tone.

Napangiwi siya sa narinig. Totoo nga naman. Who would believe that she was impregnated by the most sought-after bachelor in the country? Kahit nga siguro ang paghawak sa kaniya ay hindi nito gagawin.

Napilitan lang ito kanina sa pagbuhat sa kaniya dahil sa utos ng Don at Donya.

“Saan nanggaling ang babaeng ‘yon? Did you know her? Did you ask her what she wants? Bakit niya sinira ang engagement niyo ni Val?”

“She’s unconscious, Darica. We’ll know if she’s awake,” sabat ni Vester Huesca.

“It’s obvious na nagsisinungaling ang babaeng ‘yon. Maybe she’s one of your stalkers, Third? Or mga obsessed na babaeng palaging naghahabol sa’yo.”

Napakunot ang kaniyang noo sa paratang nito. Totoong nagsinungaling nga siya pero hindi siya stalker at lalong hindi siya obsessed. Ngayon nga lang niya nalapitan si Lorenzo Tanaleon III.

Nunka siyang magkakagusto sa lalaking iyon. Kahit saksakan pa ito ng yaman, hindi niya ito magugustuhan.

“We’ll check if she’s really lying.”

“What do you mean, Third? Ano pang kailangang i-check?”

“It’s fine, Darica. We need evidence to prove if she’s really pregnant or what. Ako na ang mag-a-arrange ng ob-gyn. I know someone very reliable.”

Tila namalat ang lalamunan niya sa sinabi ni Vester Huesca. Oo nga pala at doktor ito. Paniguradong marami itong kakilalang doktor din. Sa oras na dalhin siya sa ospital ay malalagot siya. Malalaman ng lahat ang kaniyang kasinungalingan.

Kinakabahan siya ngunit wala ng bawian ito. Nakuha na niya ang atensiyon ng Don. Ang kailangan niya lang gawin ay ang makausap ito. ‘Di bale na ang kahihiyan pagkatapos basta’t makakausap niya ang Don na ipatigil ang pagpapatayo ng hotel sa kanilang lugar.

“Fine. Let’s go. I want to know if it’s really true.”

Napalunok siyang muli bago pumikit. Let her fate depend on nature.

ALIGAGA si Rosell habang hinihintay si Maya. Hindi niya alam kung bakit masama ang kutob niya sa gagawin ng kaibigan. Kung sana ay sinamahan niya ito upang malaman niya kung nagtagumpay ba ito sa pakay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik o kahit isang mensahe man lang.

“Rosell! Ano bang ginagawa mo diyan? Tumutunganga ka na naman?! Ang daming delivery!”

Isa pa itong trabaho niya sa pizza house. Nakakairita ang kaniyang amo na siya lang palagi ang pinag-iinitan at inutuusan. Kung pwede lang siyang um-absent ay ginawa na niya.

Ang kaso ay mahirap humanap ng trabaho. Wala pa rin siyang natatanggap na sweldo. Marami-rami ang kaniyang raket ngunit kulang ito para sa pang-araw-araw nila.

“Opo!”

Sa huling beses ay sinubukan niyang tawagan ang kaibigan ngunit wala pa rin itong sagot. Nag-aalala siya para rito lalo na’t palagi itong padalos-dalos sa mga ginagawa.

“Rosell!”

Napairap siya sa muling tawag ng kaniyang amo. Wala siyang nagawa kundi ang ibaba ang kaniyang cellphone. Makikiramdam na lang siya sa mangyayari.

HINDI nga nagkamali si Maya na sa isang mamahaling ospital siya dinala ng mga Tanaleon. Kanina pa siya nakahiga sa hospital bed sa VIP ward at nakuhaan na rin ng dugo at kung ano-anong test.

At sa buong panahong nasa ospital siya ay hindi siya nagmulat ng mata. Nagtataka nga ang mga doktor kung bakit hindi pa rin siya nagigising dahil ayos lang naman daw ang kalagayan niya.

Naglakas loob lang siyang magmulat ng maramdamang wala na siyang kasama sa loob ng kwarto. Lumabas na sina Lorenzo Tanaleon III kasama si Vester Huesca at ang babaeng kasama ng mga iyon— si Darica Corpuz.

Narinig niyang kakausapin ng mga ito ang doktor at pupuntahan rin si Mrs. Ruella Tanaleon na nasa ospital din buhat ng mahimatay ito.

She surveyed the room before getting up. Kailangan niyang makalabas ngayon na mismo habang wala pang nakakaalam na hindi siya totoong buntis. Kung tama ang narinig niya kanina ay pupunta rin ang Don sa ospital. Hahanapin niya ito at kakausapin sa lalong madaling panahon.

Mabagal niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Napatingin siya sa kanan at kaliwa. Nang masiguradong walang panganib ay tuluyan na siyang lumabas.

Pawa siyang magnanakaw na dahan-dahan sa bawat paggalaw. Ang problema ay napakalaki ng ospital. Kailangan niyang i-check ang lahat ng mga kwarto sa VIP ward. Sigurado kasi siyang isa sa mga kwartong iyon ang mga Tanaleon.

Panaka-naka’y yumuyuko siya sa tuwing may nakakasalubong na nurse o doktor. Napatigil lang siya nang mamataan sa malayo ang isang kwarto na may mga bodyguards pang nakabantay sa labas. Kinutuban na agad siya.

Mabilis siyang nagtago sa likod ng pader nang may lumabas sa kwarto. Nabuhayan agad siya ng loob ng makilala ang Don.

“Kamusta na siya?” tanong ng Don.

“Hindi pa rin po siya nagigising, Lolo.”

Naningkit ang mga mata niya nang makita si Darica Corpuz na nakaalalay sa matandang Don. Mukhang close ito sa matanda dahil tinawag pa nitong “Lolo”. Habang nakasunod sina Lorenzo Tanaleon III, Vester Huesca, at Donya Emilia.

“Nasaang kwarto siya?” tanong muli ng Don.

“Sasama ako, Papa!” biglang sigaw ni Mrs. Ruella Tanaleon na kakalabas lang din sa kwarto.

Nasa gilid nito ang asawang si Señor Lorenzo Tanaleon II.

“Hindi ka pa maayos, Ruella. Baka mahimatay ka ulit. Dito ka lang,” tanggi ng Don.

“No, Papa! I’ll see her myself,” matigas na tugon ni Ruella Tanaleon.

“Ruella—”

“Don’t worry, Dad. Pakakalmahin ko siya,” ani Señor Lorenzo Tanaleon II.

Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang pasimpleng pagkapit ni Darica Corpuz sa braso ni Lorenzo Tanaleon III.

Hindi niya mapigilang muling mapaismid nang may mapagtanto. Bakit parang mas mukhang fiancée ng Lorenzo Tanaleon III si Darica Corpuz kaysa kay Valerie Huesca? Kung titignan niyang mabuti ay parang mas intimate ang dalawa.

Sa napapansin rin niya’y gusto ni Darica Corpuz si Lorenzo Tanaleon III. Sa paraan ng tingin na iginagawad ng babae sa señorito ay alam na alam niya ang kahulugan niyon. Mukhang interesado rin ang señorito sa dalaga. Kaya bakit hindi na lang ang mga ito ang nagkatuluyan?

Kung sabagay, mayaman nga naman ang mga Huesca. Kailangan nila ang kasalang ito para rin sa business. Iyon nga lang at maraming maaapektuhan.

At bakit ba wala ang mga Huesca rito? Bukod kay Vester Huesca, nasaan sila gayong nagkakagulo na?

And why does it concerns her? Problema nila iyon. Ang dapat niyang unahin ay ang sariling problema niya. Dapat na maisalba niya ang kanilang lugar at mapigilan ang banta ng pagsugod ng kaniyang mga kasamahan.

“You can go first. Kakausapin ko muna si Victor,” paalam ng Don habang nakatingin sa cellphone nito na biglang tumunog.

Alam niya na ang tinutukoy nitong Victor ay si Victor Huesca. Mukhang tumawag ito.

Bitbit ang tungkod ay tahimik na naglakad ang Don. Ito na ang kaniyang pagkakataon upang makausap ito.

Mabilis siyang sumunod sa matandang Don ngunit siniguro niya ring hindi siya mapapansin ng iba. Nang mapadako na ang Don sa garden ng ospital kung saan walang masiyadong tao ay sinagot nito ang tawag.

“We don’t know the situation as of now, Victor. Let’s see kung itutuloy pa natin ang ating proposal.”

Sandaling nanlaki ang kaniyang mata sa narinig. Mukhang may pag-asa nga na matigil ang pagpapatayo ng hotel.

“Huwag kang magsalita ng ganiyan, Victor. Kung sakaling dugo ng Tanaleon ang dinadala ng batang nasa sinapupunan ng dalagitang iyon, hindi ko siya maaaring pabayaan na lang. Ikakansela ko ora mismo ang kasal.”

She felt happy all of a sudden. Hindi nga siya nagkakamali na may paninindigan ang Don. Kahit na kaisipan lang iyon ay napatunayan niyang may puso pa rin ito.

Ngunit sa kabilang banda, kasinungalingan pa rin iyon. Malalaman lang din naman nito na hindi talaga siya totoong buntis. Parang sinayang niya lang ang kabaitan nito sa kaniya.

Kakausapin niya ito bago pa matapos ang gabing ito. Aamin siya mismo para hindi siya mas lalong ma-guilty.

“Kung nagsisinungaling ang batang iyon, ako mismo ang gagawa ng paraan para maresolba ang lahat ng ito. I’ll compensate for the humiliation,” huling sabi ng Don bago binaba ang tawag.

Bumuntong-hininga muna siya bago pinag-isipan ang lahat. Hindi na siya nag-atubiling lapitan ito.

“Don Lorenzo,” tawag niya rito.

Agad na lumingon ang matanda. Ang wrinkles nito ay mas lalong nadepina nang ngumiti.

“Hija! Bakit ka nandito? Maayos na ba ang kalagayan mo? Hindi na ba masakit ang ulo mo? Kamusta na ang apo ko sa tuhod?”

“Don Lorenzo, pwede ho ba kitang makausap?” hindi niya pinansin ang mga tanong nito tungkol sa bata ‘kuno’ na pinagbubuntis niya.

“Oo naman, hija. Maupo tayo. Huwag kang masiyadong magpagod.”

“Hindi na po kailangan, Don Lorenzo. Mabilis lang po ang sasabihin ko sa inyo at sana ay pakinggan niyo akong mabuti.”

Biglang sumeryoso ang Don dahil sa kaniyang tinuran. Mahigpit ang hawak nito sa kaniyang tungkod.

“Ako nga po pala si Maya. Mariyanna Aguilar. Isa po ako sa mga trabahador na nakikitira sa lupain ninyo sa hacienda.”

Sandaling nagulat ang Don sa kaniyang sinabi.

“Pasensiya na po sa gulong nagawa ko ngayong gabi. Pero ang lahat po niyon ay may rason kaya huwag niyo sanang isipin na ipinahiya ko ang pamilya ninyo. Pasensiya na po talaga.”

Walang reaksiyon ang Don kundi ang makinig sa kaniya. Mukhang bukas nga ang tenga ng matanda sa kaniyang mga sasabihin.

“Didiretsahin ko na po kayo, Don Lorenzo. Gusto ko po kayong pakiusapan na—”

Natigilan siya nang biglang may lumapit na mga bodyguards at hinatak siya palayo.

“Ano’ng nangyayari?!” biglang sigaw ng Don. “Dahan-dahan at dinadala niya ang apo ko!”

Napatigil naman ang mga bodyguards na parang napahiya.

“Paumanhin po, Don Lorenzo. Nagkakagulo po ang mga reporters sa labas ng ospital.”

“Akala ko ba ay pinatahimik na sila?”

“May isang modelo po na girlfriend daw ni Señorito Enzo na nagwawala. Nakapasok po siya ng ospital at nanggugulo.”

Binundol ng kaba ang kaniyang dib-dib. Hindi niya naisip na napaka-aggressive pala ng mga babae ni Lorenzo III.

Napailing ang Don sa narinig.

“Kahit kailan talaga at problema pa rin ang apo ko!” reklamo ng Don. “Bantayan niyong maigi si Maya. Kapag nagalusan ang apo ko ay malalagot kayo sa akin,” sabi nito saka naunang naglakad kasama ang mga mga bodyguards.

Siya rin ay may bantay sa magkabilang gilid.

Hindi pwede ito! Kailangan niyang makausap ang Don ngunit bakit biglang may kaguluhan?

Halos mapayuko siya nang makita sa malayo ang mga Tanaleon sa labas ng kaniyang kwarto. Nagkakagulo nga doon dahil may isang babae na naka-tube dress at heavy makeup ang nagsisigaw.

“Nasaan na ang babaeng ‘yon?! Tinatago niyo siya sa akin?!”

“Wala nga siya dito?! Nawala! Huwag kang manggulo! This is a hospital for Pete’s sake! Aren’t you ashamed?! Lasing ka pa?!” balik na sigaw ni Darica Corpuz.

“Darica, don’t waste your time on her,” pigil sa kaniya ni Vester Huesca.

“Buntis ba talaga siya?! O gumagawa lang ng istorya para mabingwit ang boyfriend ko?!” sigaw ulit ng modelo.

“Who’s your boyfriend here? Sa pagkakaalam ko ay break na kayo ni Third.”

Napataas ang kilay niya sa nasasaksihan. Hindi siya makapaniwalang makakakita siya ng ganitong klaseng away.

At talaga nga namang walang pakialam si Lorenzo Tanaleon III habang nagsasagutan ang mga babae niya. Abala ito sa kaniyang phone.

“Inggrata! Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad!” malditang anas ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“Tita—”

“Don’t call me, Tita! I don’t even know you!”

“Honey, help me,” baling nito kay Lorenzo III.

Mabilis namang pumagitna si Ruella Tanaleon at itinulak ang modelo bago pa man nito malapitan ang señorito. Napapailing din ang Donya sa nangyayari at pasimpleng kinurot ang kaniyang apo.

“Get out of here instantly!” sigaw muli ni Mrs. Ruella Tanaleon. “May mga lawyers ako ngayon. Kakasuhan kita kung hindi ka pa aalis!”

“Ayoko! I’m not leaving! Ilabas niyo ang babaeng ‘yon! Hindi siya buntis! I’m sure hindi siya buntis! Enzo is not stupid to just fuck around recklessly!”

Nais niya nang mapaatras. Bakit siya ang target? Bakit hindi si Valerie Huesca? Hindi naman siya ang fiancée. Bakit siya pa ang pinag-iinitan? Nagsasayang lang ng laway ang modelong iyon gayong hindi naman siya totoong buntis.

Biglang nagsulputan ang mga reporters. Nahilo tuloy siya sa ingay at kaguluhan. Parang mga zombie ang mga ito na handang mangagat.

“Enough!”

Natahimik ang lahat sa sigaw ni Don Lorenzo. Mukhang stressed na talaga ito sa nangyayari.

“May mga ibang pasyente dito sa ospital. Huwag kayong gumawa ng gulo dito. Pakiusap at lumabas muna kayong lahat. Ang attorney ko ang sasagot ng mga katanungan ninyo.

“We’re very sorry, Don Tanaleon. But we want to know kung totoo ba talagang magkakaroon na kayo ng apo sa tuhod? May panganay na apo na ang mga Tanaleon? Sino po ang babaeng iyon? Saang pamilya po siya nanggaling? Ano po ang mangyayari sa kasunduan sa mga Huesca? Maitutuloy po ba ang kasal?” lakas na loob na tanong ng isang reporter.

“We will hold a press conference within this week. Wait for further announcement,” sabat ng attorney ng mga Huesca.

Agad namang kinontrol ang media at ang modelo. Pinaalis agad sila ng mga bodyguards. Ang mga Tanaleon naman ay pumasok sa kaniyang kwarto. Aalis pa sana siya ngunit bumaling sa kaniya ang Don kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

Pagkapasok niya ay nasa kaniya ang lahat ng mga mata. Hiyang-hiya siya habang nakatayo doon. She’s like a meat being judged if she is a premium quality or not.

Lorenzo Tanaleon III has a blank expression. His father, Lorenzo II looks too serious. Darica Corpuz is composed yet she’s not entirely happy about the situation. Vester Huesca has a smug look on his face like he’s underestimating her.

“Saan ka naman nanggaling? Nagkakagulo ang lahat dahil sa’yo. Plano mong tumakas?” tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“Ruella, enough. It’s too stuffy in here kaya siya naglibot sa ospital,” pagtanggol sa kaniya ng Don.

Lumapit din ang Donya sa kaniya at agad siyang pinaupo sa kaniyang hospital bed.

“You shouldn’t be going around at this time, hija. Alam ng lahat na buntis ka at kung nakita mo kanina, napakaagresibo ng mga tao. Paano kung makasalubong mo sila? Baka mapano ang apo namin.”

“Mama, do you really think she’s pregnant? Hindi ba’t nagsisinungaling lang siya?” nakataas ang kilay na tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

“We will know after we hear the doctor’s statement.”

“Speaking of the results. Dr. Fuentes is here!” bulalas ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Napatuwid ng upo ang lahat nang makita ang doktor dala ang resulta. Dinagundong agad siya ng kaba. Mabubuking na nga siya, mabubulilyaso pa ang plano niyang pagkausap sa Don kung magalit ito sa kaniya.

Ayos lang. Susubukan ko.

“What’s the result, Doc?” atat na tanong ni Mrs. Ruella Tanaleon.

Parang confident na talaga ang ginang na hindi siya buntis. Even Lorenzo Tanaleon III isn’t worried.

Pigil-hininga ang lahat habang naghihintay ng sagot ng doktor. Kulang na rin ay tumalon siya sa labas ng bintana upang makatakas.

“The result says…”

Naramdaman niya ang paghawak ng Donya sa kaniyang kamay. Napabaling siya rito at nakita niya ang ngiti nito.

“Ms. Aguilar is pregnant. Congratulations!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status