Prologo
"MASAYA ako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."
Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito."
"Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"
Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay ko kay Keira. Pagtataka ang gumuhit sa mukha niya. "Nais kong itabi na ang aking kuwintas. Ilagay sa iisang lugar na tiyak na maayos ang lagay nito."
"Bakit? Hindi ka ba nangangamba na baka makabalik ka sa pinaggalingan mong panahon?"
Umiling ako. Kahit kailan ay hindi na ako makakabalik pa sa panahon kung saan ako lumaki at nagkaisip. May isa tao mang nalulungkot ngayon dahil sa pagkawala ko roon, natitiyak kong naiintindihan niya kung bakit ako narito. "Alam kong hindi na ako makakabalik pa roon. Habang-buhay na akong nasa tabi ng pamilya ko." Sandali kong tiningnan ang aking unica hija.
"Are you sure in your decision?"
"Oo. Maayos na ang buhay natin, Keira. Kasama mo na ang lalaking mahal mo, ganoon din ako. Pareho na rin tayong masaya. Hindi na tayo malalayo pa sa kanila. Hindi rin hahayaan ni Glenda na mangyari iyon. Pareho nating hindi na magagamit pang muli ang ating mga kuwintas, ganoon din ang kay Celestine. Pawang mga sira na."
Binigay sa akin ni Keira ang kuwintas ko. "Pero ang sa iyo ay hindi."
Pinagmasdan ko ang pendant ng kuwintas ko. "Hindi na para sa akin ang kuwintas na ito." Iyon ang nararamdaman ko. Simula nang bumalik ako rito, alam kong hindi na ako ang nagmamay-ari ng kuwintas na ito. Umangat ang tingin ko. "Napag-usapan namin ni Alejandro na gawing isang family museum ang ancestral house sa San Pablo. Kasama ang kuwintas na ito sa mga idi-display roon. Binigay sa akin ni Tita Lannie ang kuwintas ni Celestine. Nais niyang isama iyon doon. Sa tingin ko'y may kutob siya na may alam ako sa kung anong misteryo ang kuwintas ni Celestine at sigurado raw siyang iingatan ko iyon." Umayos ako ng upo at inabot ko ang kamay ni Keira. "Kaya kita pinapunta rito, gusto kong manghingi ng tulong sa iyo tungkol sa plano naming family museum. Marami kang alam sa mga ganitong bagay at mas palagay ang loob ko kung ikaw ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Pareho nating alam kung ano ang kwentong mayroon sa Pamilya Saenz."
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya. Mayamaya'y tinapik niya ang aking kamay. Tila may bumabagabag sa kaniyang isipan. Pagkaraan ay huminga siya ng malalim.
"Matutulungan mo ba-" Naputol ang sasabihin ko nang hinubad ni Keira ang suot niyang kuwintas at binigay niya ito sa akin. "Keira..."
"Sa tingin ko oras na para magpahinga na rin ang kuwintas ko." Matipid siyang ngumiti sa akin. "Kasama ko na si Gabriel at tiyak na hindi niya kami iiwanan. Time na rin siguro na magsama-sama na ang tatlong kuwintas, 'di ba?"
Napangiti ako sabay tango. "Masaya na tayo at siguro'y sa langit ay masaya na rin si Celestine dahil kasama na niya ang binatang iniibig niya."
"Tama ka. Lahat tayo ay masaya na." Napatingin si Keira sa dalawang sanggol na mahimbing na natutulog. "We're okay now and everything is fine. Tanging si Tita Glenda na lang ang nakakaalam sa susunod na mangyayari."
Capitulo UnoSABI NILA,maswerte ka raw na pinanganak ka sa mundong ito dahil makikita mo ang kangandahan nito. Para naman sa akin,hindi naman lahat ay maswerte. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may gintong kutsara. May mga malas lang katulad ko. Kung sila, nakikita nila ang kagandahan ng buhay, p’wes hindi sa akin. Hindi lahat ay may mapagmahal na magulang dahil may mga tulad ko na pagkapanganak pa lang ay iniwan na sa tapat ng isang ampunan o simbahan.Ang worst is iwanan sa tabi ng basurahan.Maswerte raw ang mga batang napunta sa ampunan dahil may mga mag-aarugasa kanila at hindi ito napunta sa mga masasamang tao. P’wes hindi lahat ng ampunan ay may mabuting tagapag-alaga. Nagkataon siguro na napunta ako sa ampunan na may mapanakit na tagapangalaga kaya mas pinili kong umalis na lang doon sa edad na disisais at tustusan ko na lang ang sarili ko habang nag
Capitulo Dos“NASAloob na ako ng bahay, Tony.” Dahan-dahan kong sinara ang pintuan sa backdoor ng bahay. Isang ancestral house ang nanakawan namin ngayong gabi. Walang tao rito ngayon according kay Tony. Inilawan ko paligid ko gamit ang flashlight ng made in China kong cellphone na anytime nasa-shutdown. Kasalanan ni Tony kung bakit nagloloko ito. Naglalaro kasi siya ng Mobile Legends sa cellphonekotapos bigla niya itong nabagsaksa sobrang inis dahil natalo siya. Alam na nga’ng pipitsugi ang cellphone, hindi pa iningatan ng mabuti. Kainis lang!Nilibot ko ang paningin ko. In fairness, kahit luma na ang bahay mukha pa ring bago. Umakyat ako para makapunta na ako sa sala. May nakita akong tatlong glass box sa gitna ng sala. Bawat glass box may laman na isang kuwintas.“Tony, may mga antique na necklace dito. Hindi ba natin
Capitulo Tres TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.” “Ano ba—" “Kuya! Huwag mong akong ipakulong!” “Ano?” “Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.” “Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya. “W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—" “May kinuha kang kuwintas dito?” “Wala.” Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!” “Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko la
Capitulo CuatroILANG beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa aking silid. Masyadong inookopahan ng binibini sa kabilang kuwarto ang aking isipan. Ako’y nagdadalawang isip kung tama bang dumito muna ito o hindi. Lalo na’t hindi ko naman ito kilala. Mamaya’y may gawing masama sa akin ang binibini. Baka rin ay hindi naman talaga ito galing sa hinaharap.Ngunit nagawa niyang patunayan na galing siya sa hinaharap sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang mayroon siya.“Oo, tama nga naman. Galing siya sa hinaharap.” Mainam talaga na maniwala ako sa sinasabi ng binibini. Ngunit paanong nakarating ito rito? Huminga ako ng malalim. Isang katanungan na mahirap sagutin.Bumalik na naman sa aking isipan ang pagpayag kong tumira rito ang binibining hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi mainam na rito muna siya mamalagi lalo na’t isa siyang dalaga at ako
Capitulo Cinco “HADto take the time to cut 'em off, I need help. I know how to make the girls go crazy…” Hindi ko maintindihan kung anong inaawit ng binibining ito. Tila ba’y tuwang-tuwa siya sa kanyang inaawit habang nagwawalis. Mayamaya’y huminto si Seraphim sa pagwawalis at sumayaw ng pagkagaslaw. Ano bang mayroon sa hinaharap kaya ganito kumilos ang binibining ito? “When you treat her like-”Huminto si Seraphim sa pagkanta at pagsayaw nang napatingin siya sa gaw iko. “Oy, Manuel! Good morning-este magandang umaga sa iyo! Kanina ka pa ba d’yan?” Matamnam ko lamang siyang tinitigan at hindi sinagot ang kaniyang katanungan. Napapaisip talaga ako kung bakit ko ba hinayaang dumito ang binibining ito kahit pa alam kong sasakit lamang ang
Capitulo Sais SABAY kaming lumingon ni Tandang Manuel sa taong tumawag sa kaniya. Isang napakagandang babae ang nakita ko. Bigla tuloy nahiya ang beauty ko sa kagandahan nito. "Señorita Anastasia Realonzo?" Sumunod ako kay Manuel nang lapitan niya ang babaeng nagngangalang Anastasia. Nagtago ako sa likuran niya dahil nahihiya akong harapin ang babae. “Ikaw nga, señorita Realonzo. Magandang umaga, señorita Realonzo!” Marahang yumuko si señorita Realonzo. "Magandang umaga rin sa iyo, señor Saenz! Mabuti't ika'y aking naabutan." "Bakit ka nagawi rito, señorita Realonzo?" "Nais ko sanang pag-usapan natin ang tungkol sa lupain ni Tiya Lucita. Alam naman nating dalawa na hindi-" "Achoo! Gosh! Nasinghot ko yata ang maliit na feather ng ibon." Napakamot ako sa ilong ko at muli akong bumahing. “Excuse me.” "Hindi ko alam na may bisita ka pala, señor. Paumanhin dahil ako ay nakaabala sa inyo.” Matipid itong ngumiti sa akin. “Ako'y aalis na." "Huwag! Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan.
Capitulo SietePANAY ang lingon ko kay Manuel sa malayuan habang siya naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya. Mukhang may munting meeting sila sa gitna ng taniman. "Hindi ba nila naisip na pwede naman sa patag na lugar sila mag-meeting? Bakit sa gitna pa ng taniman na anytime baka may mambulabog na daga sa meeting nila? At saka, ang init kaya. Hindi ba sila naiinitan?" Naglakad-lakad ako habang sila ay abala pa rin sa pinag-uusapan nila. Nag-squat ako para magtanggal ng mga damong ligaw sa paanan ko.Bakit kaya naligaw ng tubo ang mga damong ligaw? Saan kaya sila dapat tutubo?Nakakatuwa naman magtanggal ng damong ligaw. Nakakatanggal ng stress ko kay Tandang Manuel na ninuno ng mga masusungit na tao sa mundo. "He-he, ninuno ng mga masusungit. Bagay sa kanya ah."Nagpatuloy lang ako sa pagbubunot ng mga damong ligaw. Tumayo ako at kinuha ko ang kalaykay malapit sa akin. Pagdidiskitahan ko na talaga ang mga pobreng damong ligaw. At least natulungan ko ang magsasaka ni Manue
Capitulo Ocho NAKAUPO lang ako rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Manuel. Hindi ko kasi siya na-inform na wala akong masusuot na damit para sa party ng friend niya. Sinuot ko na lang ang tingin ko pinakaangkop na suotin para sa isang party. Okay naman ang buhok ko. Pang-Ariana Grande hairstyle na ginawa ko. Ribbon ang pinang-ipit ko sa buhok ko. Bongga! Parang bumalik ako sa teenager days ko dahil sa ribbon sa buhok ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Maganda naman ang damit at sa tingin ko damit rin ito ng ate ni Manuel. Infairness magkasingkatawan kaming dalawa. "Bakit hindi ka pa nakagayak?" Umangat ako ng tingin. "Wow! Ang gwapo mo naman!" Bumagay kay Manuel ang suot niyang white long sleeves polo, nakaibabaw rito ang black vest, at black slacks. P-in-artner niya sa black shoes ang damit niya. Para siyang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere. Lumapit siya sa akin habang inaayos niya ang sleeves ng polo niya. "Talaga?" "Oo. Pwede ka na ihanay sa mga oppa ng Ko