Share

Capitulo Cuatro

Capitulo Cuatro

ILANG beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa aking silid. Masyadong inookopahan ng binibini sa kabilang kuwarto ang aking isipan. Ako’y nagdadalawang isip kung tama bang dumito muna ito o hindi. Lalo na’t hindi ko naman ito kilala. Mamaya’y may gawing masama sa akin ang binibini. Baka rin ay hindi naman talaga ito galing sa hinaharap.

Ngunit nagawa niyang patunayan na galing siya sa hinaharap sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang mayroon siya.

“Oo, tama nga naman. Galing siya sa hinaharap.” Mainam talaga na maniwala ako sa sinasabi ng binibini. Ngunit paanong nakarating ito rito? Huminga ako ng malalim. Isang katanungan na mahirap sagutin.

Bumalik na naman sa aking isipan ang pagpayag kong tumira rito ang binibining hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi mainam na rito muna siya mamalagi lalo na’t isa siyang dalaga at ako naman ay binata. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nalaman nilang pinatira ko rito sa pamamahay ko ang isang binibini? Na binabahay ko na ito na hindi man lang kami kinasal? Na anong klase akong lalaki? Natitiyak din akong masisira ang pangalan at dignidad niya kung saka-sakaling kami na ang naging usapin ng mga tao rito sa San Pablo.

Napakamot ako sa aking ulo. Mainam na tumira muna pansamantala sa isang casa rito sa San Pablo ang binibini. Para hindi kami pag-usapan ng mga tao at para na rin sa ikabubuti ng aming mga pangalan. Ako na ang bahalang tumustos sa lahat ng gastusin sa pagtira niya roon.

“Dapat ay kausapin ko na siya ngayon para bukas ay handa na siya sa paglipat niya sa casa.” Lumabas ako ng aking silid at dumeretso sa harap ng kwartong pinagamit ko sa binibini. Ilang beses akong kumatok ngunit wala akong naririnig na tugon mula sa kaniya. Tumikhim ako bago magsalita. “Binibini, maaari ba kitang makausap kahit sandali lang?” Wala akong narinig na kasagutan mula sa kaniya. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at nabukas ko kaagad ito.

Alam kong kalapastangan ang pagpasok sa silid ng isang binibini ngunit ako’y nag-aalala ngayon kung anong nangyari na sa kaniya. Malay ko ba kung siya’y nandiyan pa rin sa loob o baka nakabalik na siya sa kaniyang silid. Kaagad kong nakita ang binibini na mahimbing na natutulog sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ngayon ko lamang napagtanto na isa siyang marikit na dilag. Tila ba’y isa siyang anghel mula sa langit.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang siya’y pinagmamasdan. Wala man lang siyang kamalay-malay na may isang lalaking nasa loob na kaniyang silid at siya’y pinapanood na matulog. Ngayon lamang ako labis na humanga sa isang babae. Pinigilan ko ang aking sarili na haplusin ang kaniyang mukha. Tama na itong pagtitig ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ako bago dahan-dahang lumabas ng kuwarto. Kuwawang binibini. Natitiyak kong labis ang pagod niya ngayon dahil sa mga hindi inaasahang kaganapan sa buhay. Alam ko na ang kasagutan sa aking problema. Hahayaan ko na dumito muna siya hangga’t hindi pa siya nakakabalik sa pinanggalingan niya. Kung hahayaan kong tumira siya mag-isa sa casa, mahihirapan siyang makibagay sa pamumuhay rito dahil walang gumagabay sa kaniya.

Saka ko na lamang problemahim ang posibilidad na kami’y maging usapin dito sa bayan kapag iyon ay nangyari na.

NAPAPAKAMOT ako sa ulo habang tinitingnan ko ang suot kong damit. Hindi ko talaga inaakala na makakapagsuot ako ng mga damitan ni Maria Clara. Ang huling natatandaan kong nagsuot ako ng ganitong damit-hindi ganito kagandang damit iyon-ay noong nasa highschool pa ako. Gumanap kasi akong Maria Clara sa role play namin sa Filipino subject at wala akong choice that time dahil ang tunay na gaganap ay nagkaroon ng sakit na tinatawag nilang katamarang pumunta sa practice.

Nangangati ako sa damit na ‘to dahil hindi naman ito ang suotan ko. Partida, mainit pa ito sa katawan! Nakakairita lang. “Bakit ba kasi hindi man lang nauso ang electric fan sa panahong ito? Kaloka!” Inayos ko ang buhok kong sobrang straight na sinasabi ng iba na alaga raw sa rebond kahit hindi naman. As if naman may pera ako pampa-rebond. “Makahingi nga kay Tandang Manuel ng ipit sa buhok mamaya.” Lumabas ako ng kwarto at eksaktong nakasalubong ko si Manuel. “Good morning!”

Kumunot ang noo niya. Parang hindi naintindihan ang sinabi ko.

Kuu! Kay aga-aga, problemado kaagad.

“Ano ang iyong sinabi?”

“Ang sabi ko good morning.”

“Sabihin mo nga iyan sa wikang Tagalog. Hindi kita maintindihan.”

“Ang sabi ko magandang umaga. Ilang beses ko na yatang ginamit ‘yan pambati sa iyon pero hanggang ngayon hindi mo pa rin naiintindihan. Alam mo, need mo na mag-aral ng English language kasi ‘yon ang universal language in the future, Estados Unidos naman ang sunod na sasakop sa Pilipinas. Ewan ko lang kung maabutan mo pa ang time na iyon.”

“Ano? Tinanong ko lamang ang ibig sabihin ng iyong sinabi kanina, ang dami mo na kaagad nasabi.”

Kumibit-balikat ako. “Perks of being madaldal. Marami kaagad ang nasasabi,”

Napailing na lang si Manuel. “Kumain na tayo.”

Sumunod ako sa kaniya. Napahinto lang ako sa paglalakad nang makita ko ang isang portrait painting sa sala. “Teka, si Ma’am Victoria iyan ah.”

Biglang lumingon sa akin si “Sino?”

“Siya?” Tinuro ko ang portrait. “Si Ma’am Victoria ‘yan.” Ngiti pa lang ni Ma’am Victoria, halatang siya na ‘yan.

“Kilala mo siya?”

“Oo, siya si Maria Victoria Cervantes-Navarroza, ang first lady ni President Alejandro Lucas Navarroza. Alam mo bang sila ang nagpapaaral sa akin ngayon? Kahit na parehong galing sa pamilya ng mayaman at politiko, tumutulong pa rin sila sa kababayanan nila gamit ang sariling pera. Never silang nagnakaw ng kaban ng bayan.” Huminga ako ng malalim at naisip ko na imposibleng si Ma’am Victoria ito. Magkamukha lang siguro sila pero magkaibang tao. “Sino pala siya? Nobya mo?”

Masuyong tinitigan ni Manuel ang portrait painting. “Hindi ko siya kasintahan. Siya ang nag-iisa kong kapatid na babae. Ang kaniyang ngalan ay Maria Victoria Saenz.”

“Hindi nga? Sure ka?”

“Totoo ang aking sinabi. Siya ay si Maria Victoria Saenz.”

“Magkapangalan at magkamukha sila.”

“Nagkataon lamang iyon dahil limang taon na ang nakalipas noong pumanaw ang aking ate,” Huminga ng malalim si Manuel bago nagpatuloy sa paglalakad kaya sumunod na lang ako sa kanya. “Kinitil niya ang sariling buhay. Nais ng aming magulang na ipakasal siya sa binatang hindi niya iniibig at sa labis na kalungkutan, nagpakamatay siya.” Bakas ang lungkot sa boses ni Manuel.

Napakagat-labi ako sa narinig ko. Dapat pala hindi ko na lang pinansin ang portrait ng ate niya. “Sorry-paumanhin.”

“Wala iyon. Matagal naman na siyang wala. Noon ay nagmumulto siya rito pero ngayon ay tahimik na ang kaluluwa niya.”

“Baka dahil nag-reincarnate na ang soul niya tapos siya pala si Ma’am Victoria.” Napapalakpak ako. “Ay bongga! Totoo pala ang reincarnation.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Tumigil ka nga sa iyong mga pinagsasabing hindi ko mawari kung ano. Huwag mo ring pag-isipan ng kung ano-ano ang aking kapatid. Ginugulo mo lamang ang nananahimik niyang kaluluwa.”

Napasimangot ako. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makababa na siya. “Ang sungit naman ni Tandang Manuel. Baka lang naman eh. Paano kung totoo pala iyon? Hindi ba siya masaya na nabuhay ulit ang ate niya? Galit kaagad. Hmp!” Nag-act ako na babatukan siya pero kaagad din akong tumayo ng tuwid nang lumingon siya sa akin.

“May sinasabi ka ba?”

“Wala. Baka narinig mo lang na nag-iingay ang mga alaga kong bulate sa tiyan. Gutom na gutom na kasi sila dahil hindi sila nakapag-dinner kagabi.”

Ngumiwi si Manuel at nakaguhit sa mukha niya ang pagkadisgusto sa sinabi ko. “Ikaw ay masasabi kong tunay na galing sa hinaharap. Ano bang mayroon doon at ganyan ka?”

“Uhm? Electric fan, aircon, online games, social medias, internet connection at charger dahil malo-lowbat na ang cellphone ko?” Naiiling na lang na iniwan ako ni Manuel “Abnormal yata si Tandang Manuel. Pabago-bago ng mood.” Kumibit balikat na lang ako. “Well at least pinatira niya ako rito. Okay pa rin kahit papaano si Tandang Manuel.” Tumakbo ako para makasunod sa kaniya. “Hoy! Seraphim ang name ko. Pangalang pang-angel! Huwag mong kakalimutan ‘yon.” Huminga ako ng malalim. “Baka sumpungin ng Alzheimer’s Diseases. Ang tanda pa naman na niya.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status