Share

Capitulo Tres

Capitulo Tres

TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.”

“Ano ba—"

“Kuya! Huwag mong akong ipakulong!”

“Ano?”

“Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.”

“Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya.

“W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—"

“May kinuha kang kuwintas dito?”

“Wala.”

Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!”

“Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko lang sa drawer ay mga ipit sa buhok at ang kuwintas na sinasabi ko sa iyo. May pendant na star ‘yon. Kumikintab kapag natatamaan ng liwanag kaya para siyang bituin galing langit.”

“Ang ibig mo bang sabihin ay kuwintas na may colgante na bituin?”

Kaagad akong tumango dahil tingin ko pendant ang ibig sabihin niya ng colgante. “Oo.” Inabot ko ang kamay niya. “Kuya, huwag mo ang isumbong kina President Navarroza at Ma’am Victoria. Promise, wala akong planong nakawin ‘yon.” Matamnan niya lang akong tinitigan. Naku! Ipapakulong talaga ako nito. “Kuya, magsalita ka naman.”

“Hindi ko kilala ang mga sinasabi mong tao.” Tinalikuran niya ako at lumabas na ng kuwarto.

Sumunod naman ako sa kaniya. “Sandali lang, Kuya!” Humarang ako sa dinadaanan niya. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. Ngayon ko lang natitigan ng mabuti ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko. “What the fudge!” Muntik na akong matumba sa sahig. Nakikita ko sa harapan ko mismo ang real life version ni Manuel Saenz. Para akong hihimatayin. Sure akong hindi siya multo dahil kapag multo siya dapat hindi ko na siya nahawakan kasi ganoon ang napapanood ko sa mga horror movie. “P-Paano mo siya naging kamukha?”

Muling kumunot ang noo niya. “Sino?”

“S-Si Manuel Saenz. Ang dating nagmamay-ari ng bahay na ito.”

“Ako ba’y pinagloloko mo? Ako si Manuel Saenz at ako ang nagmamay-ari ng bahay na ito.”

Ano raw? Siya raw si Manuel Saenz? Tumawa ako ng malakas. “Laughtrip ka, pare. Ikaw? Si Manuel Saenz?”

“Anong nakakatawa sa katotohanang ako si Manuel Saenz?”

“Ikaw talaga, Kuya.” Nahampas ko siya sa balikat. “Joker ka ano? Manuel Saenz daw. Sa dami kong narinig na siya raw si ganito ganyan, ikaw lang ang nagpatawa sa akin ng ganito.” Tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa tumigil na ako. Seryoso pa rin ang mukha niya na parang sinasabi niya sa akin na siya talaga si Manuel Saenz at hindi uso sa kaniya ang word na joke. “Ikaw talaga ‘yon?”

“Kakasabi ko lang kanina, hindi ba?”

“P-Pero matagal ka nang patay.”

“At saan mo naman nalaman ang balitang iyon?”

“Sure ako na vintage na ang picture na pinakita sa akin ni Professor Keira.”

“Keira? Ang iyo bang sinasabi ay si Señorita Keira Silvano?”

“Keira Silvano-Realonzo. Ginawa mo namang single ang taong may dalawa nang anak.”

“Kinasal na sila ni Señor Gabriel Realonzo?”

“Oo. Hindi ka aware? Nag-treding pa nga sila sa mga social media dahil long lost lovers pala sila ni Gabriel Realonzo. Siguro noong year 2018 pa sila kinasal.”

“Ano?”

Napakamot ako sa ulo ko. “Noong taong dalawang libo’t labing walo. ‘Yan, gets mo na? Bongga ka. Gusto pa pure tagalog sabihin sa iyo. Dahil unang araw ng Disyembre ngayon, taong dalawang libo’t dalawampu, two years and half na siguro silang kasal.”

“G-Galing ka sa hinaharap?”

“Oo—” Ilang beses akong kumurap kasi baka naha-hallucinate lang ako sa matinding pagkaka-headlock niya sa akin. “Teka! Totoong si Manuel Saenz ka talaga?”

“Sinabi ko na kaninang ako si Manuel Saenz.”

“Seryoso? For real talaga?”

“Seryoso ako sa aking sinabi.”

Totoo raw na siya si Manuel Saenz. “Hindi ba dalawang libo’t dalawampu ang taon ngayon.”

“Hindi dahil ngayon ay ika-isa ng Disyembre taong isang libo’t siyam na raan, siyamnapu’t apat.”

“Nagbibiro ka lang, ‘di ba?”

“Ako ay isang taong kailanman ay hindi ginawang biro ang aking pagkakakilanlan. Pati na rin sa pagsasabi kung anong taon na ngayon.”

Bigla akong napatili sa realization na nakapag-time travel ako ng hindi ko alam kung paano ‘yon nangyari. Para akong nagha-hyperventilate. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon. “Langya! Paano nangyari ‘yon?”

“Tama ba ang aking sinabi kanina? Galing ka sa hinaharap?”

Napapaypay ako sa sarili ko. Hindi ko pinansin ang tanong niya sa akin. “Oh my gosh! Oh my gosh!” Humarap ako kay Manuel Saenz. “Paano ako napunta rito?”

“Hindi ko alam. Isang kaisipan ang pagpunta mo rito lalo na’t galing ka sa hinaharap.”

“Pero bakit kilala mo si Professor Keira at ang asawa niya?”

“Dahil namuhay sila rito noon bilang magkasintahan.”

“Ano? P-Paano?” Sure akong namuhay sa panahon ko si Professor Keira at ang husband niya. Dami kaya nilang info sa internet, lalo naman kay Professor Keira.

“Iyon din ang hindi ko alam. Sa kabilang bayan lumaki si Señor Realonzo at pinakilala naman ni Señora Irabon na pamangkin ng asawa niya si Señorita Silvano. Bigla na lamang ang pagkawala nila, iyon pala’y napunta na sila sa hinaharap.”

“Imposible ‘yan! Sikat si Professor Keira bilang vocalist ng isang banda noon tapos bilang archeologist ngayon kaya imposible talaga ang sinasabi mo.”

Kumibit balikat lang si Manuel Saenz. “Sinasabi ko lamang ang totoo.”

Napasapo ako sa ulo ko. Parang maloloka na ako sa kakaisip kung paano ako napunta rito. Ang isa pang nakakaloka, saan ako titira nito? Malay ko ba kung nasaang panahon ako ngayon. “Gosh! Mababaliw na talaga ako!” Biglang may pumasok sa isip ko at unti-unti umangat ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. Dahan-dahan akong ngumiti kay Manuel Saenz.

Kumunot ang noo niya. “Bakit ganyan ka makangiti na tila ba’y sinapian ka ng masamang espiritu?”

Walang further notice, kumapit ako sa braso niya. “Kuya, beke nemen pwede akong mag-stay dito? Kahit isang araw lang. Wala kasi akong matitirhan sa lugar na ito.”

“Hindi ako maaaring magpatuloy rito sa aming bahay ng isang binibini na hindi ko naman kilala!” Kumalas sa akin si Manuel pero agad din akong kumapit sa kaniya. “Binibini, tigilan mo ang iyong ginagawa mo!”

Mas humigpit ang kapit ko sa braso niya. “Kahit isang gabi lang. Pagbigyan mo na ako. Super stranger ako rito. Hahayaan mo bang ang isang binibining tulad ko na magpalakad-lakad sa daan na walang kaalam-alam na maaari pala siyang mapahamak?” Pinagmukha ko pang kaawa-awa ang sarili ko which is talaga namang kaawa-awa naman ako rito. Mas kuwawa ako kapag pinaalis talaga ako ngayon ni Manuel Saenz dito.

Pinipilit pa rin niyang kumalas sa pagkakahawak ko sa kaniya. “Maaari bang bitawan mo na ako?”

“Bibitawan na kita kung hahayaan mong dumito muna ako.”

Huminga siya ng malalim. May sinabi siya na hindi ko naintindihan. Siguro Spanish language ang language na ginamit niya. “Sige, pagbibigyan kitang dumito muna ng kahit ilang araw lang. May magagawa pa ba ako?”

“Sigurado ka?”

“Oo.”

Ngumiti ako ng sobrang tamis. “Salamat!” Binitawan ko na siya. Baka kasi bawiin ni Manuel ang decision niya na mag-stay ako rito kung tatagal pa ang pagkakahawak ko sa braso niya.

“Ngunit ako’y may mga kondisyon.”

“Sige, ano ‘yon?”

“Una, hindi ka maaaring lumabas sa bahay na ito ng hindi ko sinasabi. Hindi ka maaaring makita ng ibang tao na pagala-gala rito sa hacienda na wala man lang kasama. Lalo na’t ikaw ay dayo lamang. Pangalawa’y walang kang papakialamang gamit dito na walang permiso ko. Pangatlo, hindi ka maaaring pumasok sa silid na ‘yon.” Tinuro niya ang kuwarto kung saan kami galing kanina. “Huwag na huwag kang papasok d’yan dahil sa oras na pumasok ka riyan, huwag mong asahan na pagbibigyan pa kitang manirahan dito.”

Sunod-sunod naman akong tumango sabay taas ng kamay.

“May katanungan ka?”

Kaagad akong tumango. “Bakit ako bawal na pumasok d’yan? Hindi ba pwedeng d’yan na lang ako mag-stay?” Ang ganda kasi talaga ng kuwartong ‘yon.

“Hindi maaari!”

“Okay, okay. Chill ka lang. Pwede namang sabihin in a nice way. Bakit kailangang manigaw?” I rolled my eyes. “Gwapo ka sana kaso masungit ka. Huwag ganoon. Baka pumangit ka. Ikaw rin, walang magkakagusto sa iyo. Tatandang binata ka.”

Napasapo sa noo si Manuel. “Iyon lang muna sa ngayon.” Pumasok siya forbidden room at kaagad ding lumabas. May binigay siya sa akin na mga nakatuping damit. “Ihahatid kita sa magiging silid mo sa ngayon.”

“Hindi ba talaga ako pwede sa room na iyon? Bet ko kasi ang design. Feeling rich kid ako roon.” Nagbabaka sakaling pumayag si Manuel na mag-stay ako sa forbidden room na iyon.

“Isa pang tanong mo tungkol sa silid na iyon, palalayasin na kita sa pamamahay ko!”

“Okay, okay. High blood ka naman eh. Chill ka lang.” Masyado namang masungit ang lalaking ito. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa huminto kami sa isang pintuan.

Binuksan niya ang pintuan at naunang pumasok sa loob. “Ito muna ang magiging silid mo.”

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto. May pagka-manly ang ayos nito. Pumasok ako sa loob. “Wow, ang laki ng room. Alam mo bang first time kong matutulog sa isang malaking kuwarto na solo lang?” Wala akong narinig na response mula sa kaniya. “Thank you, Manuel.” sincere kong sabi. Pumunta ako sa gitna ng kuwarto. Hinubad ko ang suot kong turtleneck blouse dahil kanina pa ako init na init sa suot ko. May suot naman akong sando kaya hindi na big deal—

“Dios mio! Magkaroon ka naman ng kahihiyan para sa iyong sarili!”

Nilingon ko si Manuel. Nakatalikod siya sa akin. “Ano namang ginawa kong masama sa iyo kaya ka naninigaw?”

“Bakit ka naghuhubad sa harap ng isang lalaki?” tanong niya na parang anytime maghihisterikal na siya.

Tiningnan ko ang suot ko. Wala namang masama sa suot kong black sando. “Hindi naman ako n*******d ah.”

Lumingon sa akin panandalian si Manuel. “Ika’y n*******d na! Isuot mo nga muli ang iyong pangtaas.”

“Ayoko! Mainit kaya. Kung sana uso na aircon or electric fan dito, isusuot ko ulit itong turtleneck ko at saka, common na lang na magsuot ng ganitong damit sa amin. ‘Yong iba nga kita tiyan at pisngi ng cleavage eh.”

“P’wes hindi rito dahil kahit sinong makakita sa iyo ngayon, sa paningin nila’y ika’y n*******d na.”

Nanlaki ang mata ko nang ma-realized kong tama si Manuel. Dahil may pagka-consevative ang mga tao sa panahong ito, malamang sa paningin niya ay n*******d ako ngayon kahit na naka-black pants at sando ako. Kaagad kong tinakpan ang katawan ko. “H-Huwag kang tumingin sa akin. Talagang lulumpuhin kita.”

“S-Sige maiwan na kita.” Nagmamadali siyang lumabas at sinara ang pintuan.

“Gosh! Nakakaloka!” Humiga ako sa kama. Talagang nakakaloka! Bakit ba kasi ako napunta sa panahong ito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status