Capitulo VeinteINAMOY ko ang bungkos ng bulaklak na hawak-hawak ko. Napag-isipan ko na pumitas ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase na nasa opisina ni Manuel. Para sa akin makakatulong sa kanya na may fresh flowers sa office niya para hindi siya masyadong ma-stress sa trabaho. Sinabihan naman ako ni Manuel na pwede akong pumitas ng bulaklak sa garden ng ate niya kaya hindi ako nag-alinlangang pumitas doon.Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Manuel na lumabas sa opisina niya. Pero kaagad ding nabura iyon nang lumabas din si señorita Realonzo. Masaya silang nag-uusap at ang sweet nilang tingnan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bungkos ng bulaklak na dahilan kung bakit may mga talulot na nahulog sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ako natutuwang magkasama silang dalawa ngayon.Kaagad akong tumalikod sa kanila. Mamaya na lang siguro ako pupunta sa opisina ni Manuel kapag alam kong hindi ko sila makikita."Señorita Santiago!"Mariin ak
Capitulo Veinte-UnoNAKATUON ang atensyon ko kay Seraphim na abalang kumakain ng bibingka na binili ko kanina sa pamilihan. Mukhang nagustuhan niya ang pagkain dahil tila ba’y may sarili na siyang mundo ngayon.“Da best itong bibingkang binili mo, Manuel. Ang sarap!” Sumubo ulit si Seraphim. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumalumbaba dahil labis akong natutuwa sa aking nakikita. “Malasang-malasa at halatang hindi tinipid sa rekados. Worth it ang pagbili mo. Hindi tulad kay Aling Lumeng. Nakow! Tinipid na nga ang sangkap, ang liit pa ng bawat hiwang binebenta. Itong ganito kalaking bibingka.” Tinuro niya ang isang subong hiwa ng bibingka. “Sampung piso na ito sa kanya. Partida, ang tabang pa. Ang mahal ng benta pero hindi naman masarap.” Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa mga labi. “Alam mo bang tinataboy mo ang biyaya ni Lord dahil sa pagsalumbaba mo. Umayos ka nga ng upo.”Kaagad kong sinunod ang utos ni Seraphim. Kahit papaano ay naiintindihan ko na ang ibang salit
Capitulo Veinte-DosNAKATUON ang atensyon ko sa San Pablo lake habang si Manuel ay abala sa pagbabasa ng libro. Nakaupo kaming dalawa sa inilatag ni Manuel na kumot. Wala akong naririnig na ingay bukod sa nature sounds at talaga namang nakakakalma ng isipan. Hindi ko inaakala na may mas tatahimik pa bukod sa Saenz Mansion. Kaninang umaga ay niyaya ako ni Manuel na pumunta rito para raw makita ko ang ibang part ng San Pablo at makapasyal na rin. Sobrang saya ko dahil sa wakas naigala na rin ako ng matandang ito. Fifteen minutes away sa Hacienda Saenz ang San Pablo lake. Nilakad lang naming dalawa ang pagpunta rito. Huminga ako ng malalim bago umayos ng upo. "Alam mo? Dito lang ako muling nakaranas ng peace of mind."“Pis op maynd?”“Peace of mind ay napayapa ang isipan ng isang tao. Isa iyon sa mga magagandang bagay na gustong-gusto maranasan ng isang tao.”Marahang tumango si Manuel. "Bakit mo naman nasabi na rito ka lang nakaranas ng sinasabi mong pis op maynd? Hindi ka ba nakaranas
Capitulo Veinte-Tres"SERAPHIM?"Tulala lang ako sa kawalan. Hindi ako nagsasalita kahit pa ilang beses na akong niyugyog ni Manuel."Seraphim, anong nangyayari sa iyo?" bakas sa boses ni Manuel ang labis na pag-aalala.Dahan-dahan kong hinawakan ang labi ko at nilingon ko siya. Hinayaan kong nakawin ng lalaking ito ang first kiss ko! Tumili ako. Kaagad na tinakpan ni Manuel ang bibig ko na naging dahilan kung bakit nawalan ako ng balance kaya pareho kaming natumba. Naitungkod niya ang kanyang braso kaya hindi siya nasubsob sa akin. Pero hindi nakatulong iyon dahil ang lapit pa rin ng mukha niya sa akin. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong titigan ang mukha niya. Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking ito?Iba’t ibang emosyon ang nakikita kong dumadaan sa mga mata ni Manuel. Nahihirapan akong alamin kung ano bang nasa isipan niya ngayon. "Binibini, ako'y humihingi ng paumanhin sa aking ginawa at gagawin." Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong hinalikan sa labi. Heto naman ako, h
Prologo"MASAYAako dahil maayos na ang iyong lagay ngayon, Victoria."Nginitian ko si Keira bago ihiga sa kuna ang aking unica hija katabi ang anak niyang lalaki. Tatlong buwan na ang nakalipas nang ako'y magising sa pagka-coma. Maayos na ang lahat. Wala ng nagbabanta sa buhay ko dahil matagal nang pumanaw si Mira. Nitong mga nakaraang buwan, sa San Pablo ako nagpagaling at nakabalik na ako kahapon dito sa Palacio ng Malacañang. Tahimik na ang buhay namin. Walang gulo sa ngayon at nasisiguro kong hindi na ako malalayo sa pamilya ko. Umupo ako sa tabi ni Keira. "Buti't ika'y nakapunta rito, Keira. Ang sabi kasi ng iyong sekretarya ay may mahalaga ka raw na pupunta ngayon kaya baka hindi ka makapunta rito.""Siyempre malakas ka sa akin kaya mas pipiliin kong puntahan ka kaysa sa seminar na 'yon. May importante ka raw na sasabihin sa akin. What is it?"Hinubad ko ang suot kong kuwintas at binigay k
Capitulo UnoSABI NILA,maswerte ka raw na pinanganak ka sa mundong ito dahil makikita mo ang kangandahan nito. Para naman sa akin,hindi naman lahat ay maswerte. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may gintong kutsara. May mga malas lang katulad ko. Kung sila, nakikita nila ang kagandahan ng buhay, p’wes hindi sa akin. Hindi lahat ay may mapagmahal na magulang dahil may mga tulad ko na pagkapanganak pa lang ay iniwan na sa tapat ng isang ampunan o simbahan.Ang worst is iwanan sa tabi ng basurahan.Maswerte raw ang mga batang napunta sa ampunan dahil may mga mag-aarugasa kanila at hindi ito napunta sa mga masasamang tao. P’wes hindi lahat ng ampunan ay may mabuting tagapag-alaga. Nagkataon siguro na napunta ako sa ampunan na may mapanakit na tagapangalaga kaya mas pinili kong umalis na lang doon sa edad na disisais at tustusan ko na lang ang sarili ko habang nag
Capitulo Dos“NASAloob na ako ng bahay, Tony.” Dahan-dahan kong sinara ang pintuan sa backdoor ng bahay. Isang ancestral house ang nanakawan namin ngayong gabi. Walang tao rito ngayon according kay Tony. Inilawan ko paligid ko gamit ang flashlight ng made in China kong cellphone na anytime nasa-shutdown. Kasalanan ni Tony kung bakit nagloloko ito. Naglalaro kasi siya ng Mobile Legends sa cellphonekotapos bigla niya itong nabagsaksa sobrang inis dahil natalo siya. Alam na nga’ng pipitsugi ang cellphone, hindi pa iningatan ng mabuti. Kainis lang!Nilibot ko ang paningin ko. In fairness, kahit luma na ang bahay mukha pa ring bago. Umakyat ako para makapunta na ako sa sala. May nakita akong tatlong glass box sa gitna ng sala. Bawat glass box may laman na isang kuwintas.“Tony, may mga antique na necklace dito. Hindi ba natin
Capitulo Tres TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.” “Ano ba—" “Kuya! Huwag mong akong ipakulong!” “Ano?” “Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.” “Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya. “W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—" “May kinuha kang kuwintas dito?” “Wala.” Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!” “Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko la