Capitulo Uno
SABI NILA, maswerte ka raw na pinanganak ka sa mundong ito dahil makikita mo ang kangandahan nito. Para naman sa akin, hindi naman lahat ay maswerte. Hindi naman lahat ng tao ay pinanganak na may gintong kutsara. May mga malas lang katulad ko. Kung sila, nakikita nila ang kagandahan ng buhay, p’wes hindi sa akin. Hindi lahat ay may mapagmahal na magulang dahil may mga tulad ko na pagkapanganak pa lang ay iniwan na sa tapat ng isang ampunan o simbahan. Ang worst is iwanan sa tabi ng basurahan.
Maswerte raw ang mga batang napunta sa ampunan dahil may mga mag-aaruga sa kanila at hindi ito napunta sa mga masasamang tao. P’wes hindi lahat ng ampunan ay may mabuting tagapag-alaga. Nagkataon siguro na napunta ako sa ampunan na may mapanakit na tagapangalaga kaya mas pinili kong umalis na lang doon sa edad na disisais at tustusan ko na lang ang sarili ko habang nag-aaral sa kolehiyo.
Ang sabi nila maswerte ka raw kapag umabot ka sa college level at scholar ka pa sa isang prestigious school. Ang tinatawag nilang paaralan ng mga elitista, mayaman. Oo, maswerte ka nga pero paano kung katulad mo ako na hindi matustusan ang pangangailangan dahil hindi sapat ang kinikita sa mga part-time job? Nasa edad na bente tres na ako pero nasa fourth year college pa lang ako dahil late na nakapag-aral sa college. Ang mga kaedaran ko ay may kani-kaniya ng trabaho at ang iba naman ay may sarili ng pamilya. Samantalang ako, graduating student pa lang sa kursong Political Science.
“Hoy! Tumigil ka. Magnanakaw!”
Hindi ko pinansin ang taong sumisigaw at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kung saan-saan na ako lumiko hanggang sa hindi ko na marinig ang boses ng sumisigaw. May nakita akong isang bakod at agad akong sumampa para maakyat ko iyon. Nakahinga ako ng maayos nang makarating na ako sa isang bakanteng lote na medyo madilim.
“Sa wakas nakarating ka na rin, Phim! Akala ko nahabol ka no’ng may-ari ng bahay.”
Umupo ako sa damuhan at hinubad ko ang suot kong itim na bonnet. Habol-habol ko pa rin ang paghinga ko. “Buwisit ka, Tony!” Binato ko sa kaniya ang bag na naglalaman ng ilang mamahaling kuwintas, hikaw at bracelet.
“Ano namang ginawa kong masama sa iyo?”
Pinandilatan ko siya ng mata. “Ang sabi mo ay walang tao roon. Bakit nandoon ‘yong matandang babae?” Hindi ko ine-expect na ‘yong matandang babae na iyon ay kaya pang makipag-marathon sa akin!
“Hindi ko naman alam na magpapaiwan ‘yon doon.” Umupo sa tabi ko si Tony at sinipat ang laman ng bag. “Marami-rami rin ang nakuha mo kahit pa nahuli tayo. Matutuwa nito si Boss.”
“Syempre ako pa! Magaling ako d’yan. Marami pa akong makukuha sana kung hindi ka lang palpak sa pagkuha ng impormasyon!” Malakas ko siyang sinuntok sa braso. “Sa susunod siguraduhin mong wala talagang tao sa loob ng bahay bago mo ako papasukin doon. Kapag nangyari ulit ito, bubugbugin na talaga kita.”
“Oo na.” Binalik ni Tony sa bag ang mga hawak na kuwintas. “Salamat, Phim. Sa Sabado ko na lang ibibigay ang parte mo.”
Tumango ako bago tumayo. “Sige, mauna na ako sa iyo. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko.”
“Syempre naman. Ingat ka.” Inabot niya sa akin ang lumang-luma pero dekalidad kong Jansport bag.
Sinaluduhan ko si Tony bago umakyat sa kabilang bakod ng lote para malapit na lang ang lalakarin ko papunta sa highway. Maiksi na lang ang tulog ko nito dahil apat na oras na lang, start na ang first class ko. Napakamot tuloy ako sa ulo habang naglalakad. Malapit lang ang tinitirhan ko sa subdivision ng ninakawan kong bahay.
Hindi ko napigilang tumawa. A bitter laugh to be exact. Isa akong Political Science student. Kurso ng ibang politiko at heto ako, hindi pa politiko pero nagnanakaw na. Minsan napapamura na lang ako sa sarili ko dahil sa pagnanakaw ko. Gusto kong maging politiko at tumulong sa bayan katulad ni President Navarroza. Gusto kong suklian ang pagtulong niya at ng asawa niya sa pamamagitan ng pagserbisyo ko sa bansang Pilipinas.
Sabi ng mga ka-blockmate ko, maswerte raw ako dahil scholar ako ng mag-asawang Navarroza. Swerte nga ako dahil hindi naman ako makakapag-aral sa University of Santo Tomas kung wala sila pero hindi ko talaga mapigilan na gawin ang isang bagay na pwedeng makasira sa tiwala nila sa akin. Sa buhay natin ngayon kung saan kabi-kabilaan ang pagtaas ng mga bilihin at monthly bills, hindi pa sapat ang kinikita ko sa pagpa-part-time ko sa isang coffee shop kaya napipilitan akong sumali sa grupo ni Tony.
Kasama ko si Tony sa ampunan. Sabay rin kaming umalis doon. Pareho kaming naging scholar ni President Navarroza noong mga panahong senador pa ito. Nagkataon lang na lumihis ng landas si Tony kaya hindi niya natuloy ang pag-aaral. Siya rin ang nag-udyok sa akin na magnakaw. Paminsan-minsan lang akong sumasali sa kanila kapag kailangan ko na talaga at talagang masaya sila kapag ako ang na-assign na magnakaw. Mabilis at smooth daw ako. Minsan pumapalpak dahil kay Tony.
Hindi naman pangmatagalan ang napapasukan kong trabaho. Minsan matagal pa bago ako magkaroon ulit ng trabaho kaya talagang simot ang pera ko. Mahirap ang buhay. Iyon ang totoo.
Alas cuatro y media na ako nakarating sa tinitirhan ko. Hindi na ako matutulog. Nagpahinga lang ako sandali bago maghanda sa pagpasok ko sa school. Aagahan ko ang pag-alis ko dahil siguradong aabangan ako ni Aling Martha sa labas ng bahay para maningil ng renta sa bahay at wala pa akong pambayad. Alas sais pa naman ‘yon nagigising. Grabe makasingil, akala mo naman ang ganda ng bahay na pinaparenta niya, eh, ang liit nga nito at ang daming butas ng bubong. Partida, jumper pa ang koryente.
Inayos ko sandali ang buhok ko bago lumabas ng bahay. Maglalakad lang ako papunta sa UST para tipid sa pamasahe. Bumili ako ng biscuit sa kakabukas pa lang na tindahan ni Aling Nena. Ito ang magsisilbing almusal ko. Talagang tipid ako ngayon lalo na’t last week na ng November. Maraming bayarin at mas tataas pa ang presyo ng mga bilihin dahil malapit na ang pasko.
“Malapit na ang pasko. Sure na maraming raket ito.” Sumubo ako ng skyflakes. Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Ay! Hindi ko rin naman madadala ang jacket ko. Sira na pala ‘yon at hindi na magagamit pa. Wala pa akong pambili ng ganoong damit. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. “Kaunting tiis na lang, Seraphim. Makakaraos ka rin.”
“PHIM!”Napahinto ako sa pagpupunas ng baso. “Yes po, Ma’am?” Mabilis akong lumapit sa boss ko. Para kasing sobra itong kabado na para bang may nagawang mali at ako lang ang makakagawa solution no’n kaya ako tinatawag.
“Nandito ang first lady.”
Kumunot ang noo ko. “First lady?”
“Si First Lady Victoria nandito sa coffee shop ko!”
“Si First Lady Victoria lang-ano po?” Pati rin ako nagpa-panic dahil kay Ma’am Serenity. Paano naman kasi biglang nagawi sa coffee shop na ito ang isang taong sobrang kilala sa bansang Pilipinas. “Bakit po hindi ninyo po siya puntahan?”
“Ikaw na lang ang lumapit sa kaniya.”
“Bakit ako?”
“Hindi ba scholar ka nila? Magandang ikaw na ang humarap sa kaniya dahil kilala mo na siya. Bilisan mo na!” Binigay sa akin ni Ma’am Serenity ang maliit na notepad, dalawang list ng menu at tinulak ako paalis sa counter.
Napakamot naman ako ng ulo. Bakit kasi ako? Hindi pa ako ready na makita si Ma’am Victoria. Huminga ako ng malalim bago maglakad palapit sa kaniya. May kasama siyang isang babae. Kilala ko ito. Isang sikat na professor ng UST, si Professor Keira. Napansin kong sa ‘di kalayuan ay may mga bodyguard na nakabantay. Grabe ang security. Hindi na ako magtataka pa ro’n. Ngumiti ako nang nasa tapat na ako ng mesa nila. “Good afternoon! Welcome to the Serenity Cafe.”
“Hi—" Tiningnan ni Ma’am Victoria ang name tag ko. “—Phim.”
“Oh, nag-aaral siya sa UST, Victoria.”
“Po?” Paano nalaman ni Professor Keira na nag-aaral ako sa UST? Bihira ko lang naman siya makasalubong sa campus. Tinuro ni Professor Keira ang suot kong ID lace. Doon ko lang na-realized na suot ko pa rin ang school ID ko. Napangiwi ako. “Sorry po.” Nagmadali akong hinubad ang school ID ko at tinago sa bulsa ko. Nakakahiya!
“It’s okay. Natural lang na makalimutan nating hubarin ang ating ID.” Inangat ni Professor Keira ang sariling ID.
Huminga ako ng malalim bago muling ngumiti. Tama nga naman ito. Binigay ko ang menu sa kanila. Kaagad na tiningnan ni Ma’am Victoria at Professor Keira ang menu.
“Nakita ko last week si Tita Glenda.”
“Talaga? Nakausap mo siya?”
“Yes. She’s searching a certain person…”
Nanahimik na lang ako habang hinihintay ko kung anong io-order nila. Mukhang interesting na tao si Glenda kaya parang nakalimutan nilang pumili ng iinumin nilang kape.
Binaba ni Ma’am Victoria ang menu. “Bakit daw niya hinahanap?”
“Kailangan daw niya ito para raw maayos ang balance. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya. Hindi rin kasi clear ang pagkasabi niya.” Binaling ni Professor Keira ang tingin sa akin. “I will order a Cappuccino and strawberry shortcake.”
“Caramel Macchiato naman sa akin.”
“One Cappuccino, one Caramel Macchiato and one strawberry shortcake. ‘Yon lang po ba?” Sabay silang tumango kaya umalis na ako. Binigay ko sa kasamahan ko ang listahan at agad namang ginawa iyon. Nagtanong pa nga ito kung ano ang sinabi nila Ma’am Victoria. Sinabi ko na lang kuwentong friendship lang ang pinag-uusapan nila. Bumalik naman kaagad ako sa mesa nila nang ready na ang order.
“Maayos na ang portrait ni Manuel.”
“Talaga? May picture ka?”
“Oo. Heto o.” Inabot ni Ma’am Victoria ang cellphonr niya kay Professor Keira.
Dahan-dahan kong nilagay sa mesa ang order nila. Aba! Nakakatakot kayang matapunan sila. For sure matatanggal ako sa trabaho kapag nagkataon. Lalo akong magmumukhang dukha kapag nagkataon.
“Ay ang gwapo naman ni Manuel. Last na kita ko sa kaniya, sixteen years old siya.” Biglang pinakita sa akin ni Professor Keira ang picture ng sinasabi nilang Manuel. Isang picture ng vintage portrait. Parang gusto ko mapakamot ng ulo ng wala sa oras. Kung i-mention nila si Manuel, aakalahin ng mga nakakarinig na nabubuhay sa panahong ito ang taong ito. “Gwapo si Manuel Saenz, ‘di ba? Dating nagmamay-ari ng ancestral house nila President Navarroza.”
Tiningnan ko ng mabuti ang picture sabay tango. Gwapo talaga si Manuel. Siguro heartthrob ito kung nabubuhay ngayon. Parang same age kasi kaming dalawa base sa picture. “G-Gwapo nga po he-he.”
“True!” Binalik ni Professor Keira kay Ma’am Victoria ang cellphone. “Sayang kagwapuhan niya dahil hindi siya nag-asawa.”
Huminga ng malalim si Ma’am Victoria. “Malay mo dahil nabago na ang nangyari ngayon, mabago rin ang mangyayari sa buhay niya.”
Naguguluhan talaga ako sa pinag-uusapan nila. Kung pag-usapan ‘yong tao parang kilala nila in person si Manuel. Yumuko na lang ako. “Enjoy your drinks, ladies!” Naglakad na ako papalayo sa kanila. Iba talaga ang usapan ng mga mayayaman kaysa sa katulad kong mahirap. “Ang weird lang nila.” Pumasok ako sa personnel’s room tutal tapos naman na ang duty ko. Hindi naman na siguro mag-o-order sila Ma’am Victoria dahil nagbayad kaagad sila. Nagpalit ako ng damit bago puntahan si Ma’am Serenity sa office nito para magpaalam.
“Phim!”
Halos mapatalon ako sa gulat pagkalabas ko sa backdoor ng coffee shop. Mariin akong pumikit bago nilapitan si Tony at malakas siyang binatukan. “Gusto mo bang atakihin ako sa puso sa sobrang pagkagulat sa iyo?”
“Sorry na.” Inakbayan niya ako at naglakad na kami papalayo sa coffee shop. “May trabaho ako sa iyo.”
“Talaga?”
“Out of town ito at siguradong malaki ang makukuha natin.”
Nilingon ko si Tony. “Saan?”
“Sa San Pablo!”
Capitulo Dos“NASAloob na ako ng bahay, Tony.” Dahan-dahan kong sinara ang pintuan sa backdoor ng bahay. Isang ancestral house ang nanakawan namin ngayong gabi. Walang tao rito ngayon according kay Tony. Inilawan ko paligid ko gamit ang flashlight ng made in China kong cellphone na anytime nasa-shutdown. Kasalanan ni Tony kung bakit nagloloko ito. Naglalaro kasi siya ng Mobile Legends sa cellphonekotapos bigla niya itong nabagsaksa sobrang inis dahil natalo siya. Alam na nga’ng pipitsugi ang cellphone, hindi pa iningatan ng mabuti. Kainis lang!Nilibot ko ang paningin ko. In fairness, kahit luma na ang bahay mukha pa ring bago. Umakyat ako para makapunta na ako sa sala. May nakita akong tatlong glass box sa gitna ng sala. Bawat glass box may laman na isang kuwintas.“Tony, may mga antique na necklace dito. Hindi ba natin
Capitulo Tres TUMAKBO ako pabalik sa kuwarto at tiningnan sa salamin kung suot ko pa iyon. Wala na! “Nalagot na.” Hinarap ko siya. “May nakita ka bang kuwintas na suot ko kanina?” Kaagad siyang umiling. “Lagot na.” Tiningnan ko kaagad ang sahig. Baka nahulog sa sahig ang necklace. Wala. “Lagot na talaga.” “Ano ba—" “Kuya! Huwag mong akong ipakulong!” “Ano?” “Nawala ko ang necklace. H-Hindi ko sinasadya. Ang ganda kasi ng kuwintas na nakita ko d’yan.” Tinuro ko ang vanity mirror table. “Kaya sinuot ko. Hindi ko alam na mawawala ko siya.” “Kuwintas?” Nagmadali siyang pumunta sa vanity mirror at may kinuha sa drawer. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang jewelry box. Bumalik kaagad siya sa harapan ko. May halong galit na ang mukha niya. “W-Wala kaninang jewelry box doon ah. Paanong nagka—" “May kinuha kang kuwintas dito?” “Wala.” Marahas niyang hinablot ang braso ko. “Magsabi ka ng totoo!” “Wala talaga. Wala rin ‘yan doon kanina kaya wala akong kinuha d’yan. Nakita ko la
Capitulo CuatroILANG beses na akong pabalik-balik ng lakad dito sa aking silid. Masyadong inookopahan ng binibini sa kabilang kuwarto ang aking isipan. Ako’y nagdadalawang isip kung tama bang dumito muna ito o hindi. Lalo na’t hindi ko naman ito kilala. Mamaya’y may gawing masama sa akin ang binibini. Baka rin ay hindi naman talaga ito galing sa hinaharap.Ngunit nagawa niyang patunayan na galing siya sa hinaharap sa pamamagitan ng makabagong teknolohiyang mayroon siya.“Oo, tama nga naman. Galing siya sa hinaharap.” Mainam talaga na maniwala ako sa sinasabi ng binibini. Ngunit paanong nakarating ito rito? Huminga ako ng malalim. Isang katanungan na mahirap sagutin.Bumalik na naman sa aking isipan ang pagpayag kong tumira rito ang binibining hindi ko man lang natanong kung anong pangalan. Hindi mainam na rito muna siya mamalagi lalo na’t isa siyang dalaga at ako
Capitulo Cinco “HADto take the time to cut 'em off, I need help. I know how to make the girls go crazy…” Hindi ko maintindihan kung anong inaawit ng binibining ito. Tila ba’y tuwang-tuwa siya sa kanyang inaawit habang nagwawalis. Mayamaya’y huminto si Seraphim sa pagwawalis at sumayaw ng pagkagaslaw. Ano bang mayroon sa hinaharap kaya ganito kumilos ang binibining ito? “When you treat her like-”Huminto si Seraphim sa pagkanta at pagsayaw nang napatingin siya sa gaw iko. “Oy, Manuel! Good morning-este magandang umaga sa iyo! Kanina ka pa ba d’yan?” Matamnam ko lamang siyang tinitigan at hindi sinagot ang kaniyang katanungan. Napapaisip talaga ako kung bakit ko ba hinayaang dumito ang binibining ito kahit pa alam kong sasakit lamang ang
Capitulo Sais SABAY kaming lumingon ni Tandang Manuel sa taong tumawag sa kaniya. Isang napakagandang babae ang nakita ko. Bigla tuloy nahiya ang beauty ko sa kagandahan nito. "Señorita Anastasia Realonzo?" Sumunod ako kay Manuel nang lapitan niya ang babaeng nagngangalang Anastasia. Nagtago ako sa likuran niya dahil nahihiya akong harapin ang babae. “Ikaw nga, señorita Realonzo. Magandang umaga, señorita Realonzo!” Marahang yumuko si señorita Realonzo. "Magandang umaga rin sa iyo, señor Saenz! Mabuti't ika'y aking naabutan." "Bakit ka nagawi rito, señorita Realonzo?" "Nais ko sanang pag-usapan natin ang tungkol sa lupain ni Tiya Lucita. Alam naman nating dalawa na hindi-" "Achoo! Gosh! Nasinghot ko yata ang maliit na feather ng ibon." Napakamot ako sa ilong ko at muli akong bumahing. “Excuse me.” "Hindi ko alam na may bisita ka pala, señor. Paumanhin dahil ako ay nakaabala sa inyo.” Matipid itong ngumiti sa akin. “Ako'y aalis na." "Huwag! Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan.
Capitulo SietePANAY ang lingon ko kay Manuel sa malayuan habang siya naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga tauhan niya. Mukhang may munting meeting sila sa gitna ng taniman. "Hindi ba nila naisip na pwede naman sa patag na lugar sila mag-meeting? Bakit sa gitna pa ng taniman na anytime baka may mambulabog na daga sa meeting nila? At saka, ang init kaya. Hindi ba sila naiinitan?" Naglakad-lakad ako habang sila ay abala pa rin sa pinag-uusapan nila. Nag-squat ako para magtanggal ng mga damong ligaw sa paanan ko.Bakit kaya naligaw ng tubo ang mga damong ligaw? Saan kaya sila dapat tutubo?Nakakatuwa naman magtanggal ng damong ligaw. Nakakatanggal ng stress ko kay Tandang Manuel na ninuno ng mga masusungit na tao sa mundo. "He-he, ninuno ng mga masusungit. Bagay sa kanya ah."Nagpatuloy lang ako sa pagbubunot ng mga damong ligaw. Tumayo ako at kinuha ko ang kalaykay malapit sa akin. Pagdidiskitahan ko na talaga ang mga pobreng damong ligaw. At least natulungan ko ang magsasaka ni Manue
Capitulo Ocho NAKAUPO lang ako rito sa sala habang hinihintay kong lumabas si Manuel. Hindi ko kasi siya na-inform na wala akong masusuot na damit para sa party ng friend niya. Sinuot ko na lang ang tingin ko pinakaangkop na suotin para sa isang party. Okay naman ang buhok ko. Pang-Ariana Grande hairstyle na ginawa ko. Ribbon ang pinang-ipit ko sa buhok ko. Bongga! Parang bumalik ako sa teenager days ko dahil sa ribbon sa buhok ko. Napatingin ako sa suot kong damit. Maganda naman ang damit at sa tingin ko damit rin ito ng ate ni Manuel. Infairness magkasingkatawan kaming dalawa. "Bakit hindi ka pa nakagayak?" Umangat ako ng tingin. "Wow! Ang gwapo mo naman!" Bumagay kay Manuel ang suot niyang white long sleeves polo, nakaibabaw rito ang black vest, at black slacks. P-in-artner niya sa black shoes ang damit niya. Para siyang si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere. Lumapit siya sa akin habang inaayos niya ang sleeves ng polo niya. "Talaga?" "Oo. Pwede ka na ihanay sa mga oppa ng Ko
Capitulo NueveBAGOT na bagot ako habang nakatingin sa mga tao na mukhang nag-e-enjoy sa party na ito. May mga nagtutugtog ng musical instruments, mga taong busy sa pakikipagkwentuhan, at nagsasayawan ng waltz sa gitna ng venue hall. Si Tandang Manuel busy rin na nakikipagkwentuhan sa friends niya. Sana all may friends. Samantalang ako, nandito sa upuan katabi ang ibang girls na parang nag-aabang na may magyayang isayaw sila."Grabe, nakaka-boring naman dito." Gusto kong sumalumbaba kaso papagalitan ako ni Tandang Manuel. Ayoko magalit 'yon. Baka magka-wifi signal na naman ang noo niya. Umayos ako ng upo. "Boooring!" Tumayo ako at lumapit sa bintana. Kita rito sa pwesto ko si Manuel na seryosong nakikipag-usap sa isang matandang lalaki. Mukhang anytime magbu-burst na siya sa galit. "Ano kayang pinag-uusapan nila kaya may wifi signal na naman sa noo si Tandang Manuel?" Nginitian ko siya nang mapatingin siya sa gawi ko. Unti-unting gumaan kahit papaano ang expression ng mukha niya. Buma