Share

The Wrong Room (R18)
The Wrong Room (R18)
Author: SW_InBlueMoon

Chapter 1

BELLARAE'S POV

Nagising at nagulat ako dahil n*******d ako! Tanging kumot lang ang bumabalot sa buong katawan ko! Tinignan ko ang buong paligid at napagtanto ko na nasa isang kwarto ako. Laking gulat ko na may lalaki na naka white shirt sa isang couch at nakaupo. Nakatingin lang siya sa akin at parang nag-iisip!

Pa'no ako nakarating dito sa kwartong 'to? Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi! Pilit ko inaalala pero sumasakit lalo ang ulo ko!

"Did you enjoy last night?" napatingin ako sa kanya at naguguluhan ako kung ano ang sinasabi niya!

"Paano ako napunta dito. Anong ginawa mo sa akin!?" natatarantang tanong ko at sobrang kinakabahan ako! Hindi ko na maiwasan mag panic!

"I remembered last night, ikaw ang pumilit na makipag-s*x sa akin." My eyes went round! Ngayon lang nag sink-in sa utak ko na may nangyari sa amin kaya ako n*******d!?

Mas lalo ko hinigpitan ang hawak ko sa kumot na bumabalot sa akin. Hindi ko lubos maisip na ganoon ang nangyari kagabi!

"I-Ibig sabihin may nangyari sa atin?" ulit na tanong ko at tumango siya! Medyo nanginginig ang kamay ko dahil hindi ako makapaniwalang may nangyari kagabi!

"Miss! Relax! Wag ka mag panic dahil nanginginig ang kamay mo." Kalmado niyang sabi sa akin.

Paano ako mag re-relax kung yung matagal ko na iniingatan naibigay ko sa hindi ko kilala!

T*ngina! Napapamura na lang ako sa utak ko.

"I-I'm sorry. Pasensya na lasing din ako kaya hindi ko napigilan." Bigla siyang yumuko pagkasabi niya.

Bigla niyang piniga ng unti ang kamay ko. Hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.

"Wala na, hindi na ako virgin." Naiyak na lang ako bigla. Napunta sa hindi ko kilalang tao ang pagkababae ko.

"I'm sorry about that, wasted ka kagabi at ako medyo gano'n din." Unti-unti kong inalala lahat ng nangyari kagabi. Pero ang naalala ko lang uminom kami sa club ni Jasmine and Carol with other friends.

Hinanap ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Nakakahiya pa dahil nakakalat ang bra at panty ko sa sahig! Habang pinupulot ko iyon nakabalot pa rin ako sa kumot.

Nagbihis ako kahit nakabalot ako sa kumot. Teka, wala naman na akong maitatago sa kanya dahil nakita niya buong katawan ko kagabi!

Kinuha ko lahat ng gamit ko at

lumabas na hindi ko na siya tinignan at para saan pa? Paglabas ko nagulat ako dahil iisang condo lang kami!

"Damn, Bellarae." I whispered to myself.

Mabilis akong pumasok at sumalampak sa sofa. Ano ba itong napasok ko? Katapat ko lang ang nakakuha ng virginity ko. Wala na yung matagal ko ng iniingatan.

Biglang bumukas ang pinto ko at linuwal niya ang napaka pogi kong kaibigan.

"Niya ngay? Napanam di rabie?"

(Ano na? San ka nagpunta kagabi?) - tinignan ko lang siya habang ini-ilocano niya ako. Marunong ako mag Ilocano pero unti lang at nakakaintindi naman ako.

"Ryan wag mo nga akong ini-ilocano!" by the way he's my childhood best friend or my playboy best friend.

"Okay! Sorry! Pero san ka pumunta kagabi? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko." Speaking of cellphone! Di ko nakuha cellphone ko! Lutang kasi ako kanina! Nakakainis.

"Sa club, di ba birthday ni Jasmine?" I said.

"Oo nga pala! So uminom kayo?" tanong siya ng tanong!

"Malamang! Ano bang ginagawa sa club? Maglalaba?" sabi ko sa kanya, inaalala ko parin yung cellphone ko! Paano ko makukuha 'yon?

"May hangover ka noh? Sakto may sinigang na baboy akong dala." Pumunta siya sa kusina ko tsaka sanay na ako na nandito siya.

Lagi siya dito at minsan dito siya natutulog. Doon siya sa sala natutulog ayaw niya daw kasi akong katabi dahil malikot daw ako matulog. Minsan na din kami magkatabi matulog pero nahulog siya sa kama ko dahil sobrang likot ko daw matulog.

Kahit magkatabi kami wala namang malisya sa amin 'yon. Para na din kaming magkapatid kasi yung Mama niya tsaka yung Daddy ko matalik din na magkaibigan. Kaya kilala kami both sides.

Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at naalala ko yung nangyari sa amin. Gumugulo pa rin sa aking utak yung nangyari sa amin. Wala akong maalala kagabi!

"Maykan ta mangan tan!"

(Halika na at kakain na tayo) - tawag niya sa akin kaya tumayo ako para kumain na.

Amoy na amoy ko na agad yung sinigang na baboy. Natakam tuloy ako dahil matagal na akong di nakakain nito.

Kinalimutan ko na muna yung nangyari at yung cellphone ko. Basta kumain na lang ako kasi ako din magugutom pag di ako kumain!

"Sino nagluto?" tanong ko habang patuloy kaming kumakain.

"Si Mama, nandito kasi siya sa Manila. Kaya may taga luto na ako." Bahagyang napangiti si Ryan.

"Nandito si Tita? Kamusta naman siya?" tanong ko.

"Okay lang naman siya, minsan bisitahin mo daw siya." I nodded at him.

"Ikaw? Anong raket mo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Waitress." Sagot ko habang patapos na akong kumain.

"Ay sht! Tinalo pa ako." Sabi niya tsaka siya tumatawa.

"Ikaw ba? Ano bang trabaho mo?" balik kong tanong kasi ang alam ko barista siya sa isang coffee shop. But I'm not sure.

"Construction worker." Napanganga ako sa sagot niya!

"Joke lang! Siyempre barista pa rin tapos sa iba-ibang coffee shop ako nilalagay." He chuckled.

Ang sarap niyang i-untog sa pader. Yung seryoso ako nakikipag-usap tapos yung sagot niya hindi seryoso. Ang sarap niyang iuntog talaga!

"Sige na! Magpahinga kana, may trabaho kapa mamaya." Pagkasabi niya ngumiti ako, masipag siya eh. Siya nag huhugas ng pinag-kainan namin palagi.

"Thanks!" I said at dumiretso na ako sa CR para maligo na.

Habang naliligo ako ay naalala ko nanaman yung nangyari sa akin. Hindi ko lubos maisip na nakipagtalik ako sa hindi ko kilala. Sobrang daming pumapasok sa utak ko! Napatingin ako sa dibdib ko na may mga kissmark! Tatlong kissmark malapit sa aking nipples!

Napanganga ako habang hinawakan 'yon! First time ko magkaroon ng ganito!

"Ano ba 'tong napasok mo' Bellarae." Mahina kong sabi sa sarili ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status