Share

Chapter 6

Tanghali na at nakalimutan kong kumain kaninang umaga kaya nagugutom na ako. Nandito na kami sa resto at sobrang dami ng tao. Kaya mabilis dapat kami mag serve sa mga customers namin.

"Serve this in table number 10." Utos ng Manager sa akin. Kinuha ko ang tray at may lamang juices. Lalabas na sana ako sa kitchen ng bigla akong pinatid ni Alvira. Siyempre sumubsob ako sa sahig. P*ta. Yung mga juices natapon tapos tingin lahat sa akin ang mga tao.

Nakakahiya. Damn.

"Oh my! Samonte! Get up! Faster!" sabi ng Manager namin, nakita kong ngumisi si Alvira. Ano ba problema niya? Makakarma din siya.

"What happened?" seryosong tanong ni Sir Frans sa amin. Kinabahan tuloy ako!

"Nasubsob si Samonte, Sir." Napayuko tuloy ako, bwisit kasi si Alvira!

"Sir, pinatid ako ni Alvira." Kalma kong sabi at akala siguro niya di ko siya babawian?

"Miss. Choi and Miss. Samonte, come to my office now." P*tcha! Ito ang pinaka ayaw ko.

"Anong nangyari, sis!?" panic na tanong ni Carol sa akin, sumenyas naman akong mamaya ko na sasabihin.

Pagdating namin sa office sobrang seryoso ni Sir Frans.

"Anong nangyari sa kitchen? Nakakahiya kayo!" sa puntong ito galit si Sir Frans.

"Lalampa-lampa kasi si Samonte, Sir." Nagulat ako sa sinabi ni Alvira! Demonyita talaga! Nakakagigil siya! Buti na lang at nakontrol ko yung inis ko sa kanya kanina. Kung hindi baka dumugo na bibig niya, kanina pa.

"Liar. Pinatid mo ako." Sabi ko sa kanya, siyempre ipaglalaban ko ang sarili ko. Ano siya? Swerte?

"Ano ba talaga ang nangyari? Dalawa kayo isu-suspend ko!" sigaw ni Sir Frans sa galit niya. Buti na lang soundproof ang office niya!

Biglang bumukas ang pinto ng office niya at lumabas don si Bryce.

"I saw what happened." Nagulat si Alvira sa sinabi ni Bryce.

"I saw it, pinatid nya si Samonte." Sabi niya sa Kuya niya.

"Alam mo ba kong anong ginawa mo, Miss Choi? Nakakahiya sa mga customers! Nakita mo namang tumingin sila sa inyo." Ngayon ko lang nakitang nagalit si Sir Frans.

"3 days suspension, Miss. Choi." Buti na lang dumating si Bryce, pero paano niya nakita lahat ng iyon?

"Bakit ako lang? Kasalanan din naman ni Samonte, Sir!" kahit na sinabing siya lang ang may kasalanan ay talagang pinipilit niyang may mali rin ako. Nakakainis!

"Why are you pushing her? Nakita ko lahat." Bakit kumakampi siya sa akin? Bakit niya ako kinakampihan bigla?

"No more buts, Miss Choi. You are suspended." Pagkasabi ni Sir Frans lumabas na si Alvira sa office na nagdabog.

"Is she a crazy?" tanong ni Bryce habang umupo sa sofa ng office.

"Babalik na po ako sa labas." Sabi ko tapos no'ng tumayo ako napaupo ulit ako. May pasa malapit sa siko ko dahil iba kasi yung pagkakasubsob ko kanina.

"Are you sure you can go back to your work?" tanong ni Sir Frans at tumango ako.

"Yes sir, I can." Sagot ko at pinilit kong tumayo para lumabas na.

Nang lumabas ako sa office nakita ko si Carol na naghihintay.

"Anong nangyari sayo, sis? Gusto mo resbakan ko na 'yon?" akmang susugurin niya na pero siyempre pinigilan ko na. Kilala ko siya eh.

"Kalma, magpapatalo ba ako? Siyempre kasalanan niya, kasi wala akong kasalanan." I said habang hinihilot ko yung siko ko.

Bumalik na kami sa trabaho namin baka maabutan kami ni Sir Frans na nag chi-chismisan.

"Okay ka lang?" tanong ng isang kasamahan naming babae. I smiled at her.

"Oo naman." Sagot ko sa kanya.

"Nakita ko nga ginawa niya sa 'yo kanina, sobrang init nga ng ulo niya sa 'yo. Madami na ding naiinis sa kanya na katrabaho natin." Kwento niya sa akin, insecure ba siya?

"Hayaan na natin siya, baka may problema lang siya." Sabi ko sa kanya.

"Runner!" sigaw nila sa loob.

"Maiwan na muna kita, kailangan nila ng runner sa loob." Ngumiti ako at nagpaalam na ako sa kanya.

"Miss Samonte ,can you get some strawberries in the freezer?" tumango ako sa isang chef na nag-utos at pumunta na 'ko sa walk-in freezer.

Pagpasok ko siyempre sobrang lamig sa loob. May ilang linya tong freezer, para sa mga prutas, meats, at iba pa. Kumuha ako ng strawberries at nilagay sa tray.

"Wala namang cctv dito, makakain nga." Mahina kong sabi at tumikim ng strawberries.

Nagulat ako ng biglang magsara ang freezer! Hindi pwedi dahil hindi na mabubuksan! Napaurong ako ng makita ko si Bryce na kumukuha ng ice cream.

"W-why are you here?" tanong niya habang kinakain niya yung ice cream na kinuha niya.

"M-May nagsara ng pinto!" panic kong sabi at halos mahulog niya yung kinakain niyang ice cream. Tapos pinipilit niyang buksan yung pinto ng freezer. Sht. Naninigas na ako!

"Help!" tinutoktok niya ang pinto para may makarinig sa amin.

"Fvk! Come here!" sabi niya at halos mapaupo ako sa sobrang lamig. Niyakap niya ako at hinipan niya ang kamay niya para ilagay sa tainga ko. Pero hindi parin tumatalab!

"T*ngina! Bella!" hindi ko na maimulat ang mata ko dahil sa lamig. Para akong nabubulag dahil pati mata ko naninigas na.

"Tulong!" tuloy pa din ang sigaw niya at sana may makarinig sa amin sa labas.

Yakap-yakap niya lang ako sa bisig niya. Di ko ine-expect na hahalikan niya ako. Tapos ang tagal tapos ramdam ko yung hininga niyang mainit!

Narinig naming binubuksan ang freezer kaya kumawala ang halik niya sa akin. Pagbukas ng pinto nakita namin sila Sir Frans na nagpapanic pati si Carol.

Lumapit sa amin sila Sir Frans para tulungan kami. Pero nakayakap lang sa akin si Bryce hanggang sa makalabas kami sa freezer.

"Get some hot tea! Faster!" utos ni Sir Frans sumunod naman sila kaagad.

"I have a blanket in my office, are you okay?" tanong niya muli sa amin. Pero ako naninigas pa rin sa lamig.

Hanggang sa mawalan ako ng malay.

-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status