Share

Chapter 38

Habang nagluluto ako ng umagahan namin, napa-isip ako bigla. Bakit ilang araw nang walang paramdam sa amin si Carol? Medyo nag-aalala na kami dahil pag pumupunta sila Kimsey dito sa bahay sinasabi niyang busy lang siya. Kinukutuban din ako dahil hindi ganoon si Carol.

"Rae!" napatingin ako sa pinto kung saan papasok sila Jas at Kimsey.

"May nakapagsabi sa amin na may kinakasama daw si Carol." Seryosong sabi ni Kimsey, sobrang nagulat ako dahil hindi naman siya nag kwe-kwento sa amin.

"Oo, tsaka alam namin ang address kung saan nakatira yung lalaki." Sabi din ni Jas kaya sobrang nag-aalala na ako.

"So, we can go there now." Sabi ko at sakto tapos na ang niluto kong umagahan. Si Baby Rae nandoon sa garden kasama si Kuya.

Nagbihis na agad ako para mapuntahan namin yung lalaking tinutukoy nila. Dahil kahit saan na namin hinanap si Carol, wala siya doon sa apartment niya.

"Kuya, may pupuntahan lang kami. Ikaw muna bahala kay Baby Rae." Paalam ko kay Kuya.

"Sure, pero saan ba kayo pupunta?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status