Share

Chapter 2

"Alis na ako, di ka ba sasabay?" tanong ni Ryan sa akin at umiling ako.

"12 PM pa ang duty ko anong oras pa lang kaya." Sabi ko sa kanya.

Kesa naman sa maaga ako mag duty tapos tatambay lang ako doon. Mahirap pumasok ng hindi mo pa oras sa trabahong iyon. Kasi sinusunod talaga nila yung oras ng mga employees nila.

"Sige, mauna na ako. Ingat ka, labyu." Natawa ako sa kanya bigla.

"Che! Labyu too!" sigaw ko pabalik at tuluyan na nga siyang umalis.

Habang nakaupo ako sa sofa naalala ko yung cellphone ko. I need to get that!

Bakit ganito?

I'm nervous.

My heart.

My soul.

Charot!

Ito na. Kakatok na ako.

Nakakailang katok na ako pero di parin niya binubuksan. Damn. Aalis na sana ako ng buksan niya ang pinto! Kaharap ko siya ngayon at naka topless lang siya.

"What?" walang gana niyang tanong sa akin.

"Y-yung cellphone ko, pwedi mo bang ibigay sa akin? " lakas loob kong sabi at di ako tumitingin sa kanya. I'm shy!

"Kunin mo. Pwedi mo naman kunin sa loob bakit mo pa ako uutusan?" napanganga ako sa sinabi niya at iniwan niya akong tulala sa labas ng pinto niya.

Pumasok na agad ako at hinanap sa mga tables niya. Buti na lang at mabilis kong nahanap!

"N-nakuha ko na, salamat." Nagmamadali akong lumabas pero bigla niya akong sinandal sa pader at nakahawak pa ang kamay niya sa balikat ko.

I gulped,

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin! Tapos dagdag mo pa yung walang damit niyang katawan.

"Wala ka bang sasabihin?" napakunot ako at ano namang sasabihin ko sa kanya?

"Ang slow mo." Mahina niyang sabi pero narinig ko agad 'yon dahil magkaharap lang kami.

"Anong sasabihin? I said thank you. Hindi pa ba sapat 'yon?" masungit kong sabi sa kanya at ano pa bang gusto niyang sabihin ko?

"Napasaya kita kagabi, hindi ba?" ngumisi siya sa sinabi niya.

"Sa tingin mo ginusto ko yon?!" hindi ko na mapigilang sumigaw dahil sa inis at galit.

"Gustong gusto mo nga eh?" sabay kagat ng labi niya, akala niya naakit niya ako?

"T*ngina mo! Hindi ko ginusto 'yon! Wala nga akong maalala sa gabing 'yon eh! Tapos sasabihin mo na ginusto ko?" Matigas kong sabi sa kanya.

"O baka bayaran ka din tulad ng ibang bab-" bago niya pa ituloy ang sasabihin niya ay sinampal ko na siya agad ng walang pagsisisi.

"Wag kang magsasalita ng ganyan dahil hindi mo pa ako kilala! Wala kang karapatan para sabihan ako ng ganyan!Porket mayaman ka bayaran na tingin mo sa akin?!" tinulak ko siya at sinara ko ang pintuan niya ng padabog. Akala niya bayaran ako? T*ngina pala siya eh.

Pagkapasok ko sa unit ko naiyak na lang ako bigla. Wala akong alam that night! Hindi ko maalala na ako ang nagyaya ng gabing iyon! Oo. May kasalanan din ako dahil naparami ako ng inom. Pero hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari. Hindi ko ginusto 'yon! I swear.

Napatingin ako sa cellphone ko na nagri-ring. Biglang tumatawag si Carol kaya sinagot ko na agad.

'Hey! Nandito na ako sa Resto, ikaw? Asan ka ngayon?'

'Anong oras palang naman.' Sagot ko sa kabilang linya.

'Heloooooooooo?! Ngayon tayo ime-meet ng may ari ng Resto!'

Hindi ko na siya sinagot at ibinaba ko na ang tawag. Nagbihis na agad ako at umalis na ng condo. Oo nga pala, ngayon pala kami ime-meet ng may ari ng Resto. Medyo na e-excite ako, hindi ko alam kung bakit.

Nag taxi na agad ako para di ako ma-late, mahirap na. Kinalimutan ko na muna ang nangyari sa amin kanina.

Pagdating ko sa resto nagkukumpulan na ang mga employees kaya nakisiksik na rin ako.

"Buti naman at nandito kana! Sabay niyang ibibigay ang sahod natin this month!" excited na sabi ni Carol sa akin kaya napangiti ako doon.

"Tapos alam mo ba? Sobrang gwapo nung may ari ng Resto!" kinikilig siya habang sinasabi yan.

"Lumabas daw muna lahat, tatawagin isa-isa." Sabi ng assistant niya kaya lumabas kami. Bakit ang aga niya magbigay ng sahod? Kalagitnaan pa lang ah? Pero okay na rin dahil marami akong babayarin!

Isa-isa nang tinatawag sa loob.

"Miss. Quintos!" tawag nila kay Carol kaya excited na excited siyang pumunta.

"Miss. Santos!" ako na pala susunod, nakita kong lumabas na si Carol at kilig na kilig.

"Baka maihi ka diyan," mahina kong biro sa kanya.

Pagpasok ko napanganga ako sa gwapong may ari ng resto. Matangkad, sakto lang yung payat niya, tapos naka formal attire siya.

"Hi! This is your salary. And by the way I I am Francisco Ellana, the owner of this restaurant...and you are? " ngiting sabi at tanong niya sa akin tapos inilahad niya ang kanyang kamay para makipagkamayan.

"I'm Bellarae Samonte, Sir. Thank you, Sir. " I smiled at him. Ang tagal niyang binitawan ang kamay ko!

"Welcome, Miss Samonte." Pagkasabi niya umalis na ako. Parang ang init kasi sa loob kahit naka aircon sa office niya.

"Di ba? Ang pogi!" sabi ni Carol sa akin at kilig na kilig pa rin siya.

"Para naman siyang playboy?" sabi ko at bigla niya akong hinampas sa braso ko.

"Gaga! Di ka talaga marunong tumingin ng lalaki!" sabi niya sa akin.

"Kaya wala ka pang boyfriend!" asar niya pa sa akin.

"Tara na nga!" aya ko sa kanya at nagsimula na kaming magtrabaho. Dahil wala kaming matatapos kapag nagchismisan kami dito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status