Share

Chapter 3

Ako pala ang closing ngayon ako kasi pumalit sa katrabaho naming may emergency sa kanila. Kaya ang duty ko aabutin ako ng 10 PM. Pero keri ko naman kasi 9 PM na ng gabi. Isang oras na lang ang lilipas.

"Akala ko uuwi ka na?" tanong ko kay Carol na ngiting-ngiti.

"Hindi ba obvious? Overtime ako ngayon kaya sabay tayo uuwi." Alam ko na pakay niya kaya siya mag o-overtime. Hindi pa kasi lumalabas si Mr. Francisco sa office niya.

Unti na lang ang mga customers namin, iilan na lang sila kasi magsasara na kami. Yung iba kumakain dito for family or dates.

Ako kaya? Kailan kaya may mag aaya sa akin mag date? Mapapa-sana all nalang talaga ako.

May biglang pumasok na lalaki at lalapitan ko agad para makuha ko kung anong order niya. Pag lapit ko sa kanya di siya nagsasalita, hindi din siya tumitingin sa menu.

"Good evening Sir, what is your order?" magalang kong bati at tanong sa lalaki.

"You, can I order you." Nagulat ako ng tumingin siya sa akin. Siya yung kumuha ng pagkababae ko! Ang kapal ng mukha niya para magpakita pa sa akin!

"Ano bang problema mo? Yung nangyari sa atin kalimutan mo na 'yon!" gigil kong sabi sa kanya pero mahina lang dahil baka marinig kami.

"Tsk. M*****a." Mahina niyang sabi sa akin. Gusto ko siyang sagot-sagutin pero pinipigilan ko lang dahil baka matanggal ako sa trabaho ko.

"Hey, Bryce!" boses ni Sir Francisco iyon ah? Umupo siya sa tapat nitong lalaki.

"By the way, he's my brother Bryce Ellana." Pagpapakilala sa akin ni Sir Francisco. My eyes went round! Napamura ako sa isip ko! Magkapatid sila? P*tcha!

"Do you want coffee, Bry?" tanong ni Sir Francisco sa kanya.

"Sure." Tapos tumingin yung Bryce sa akin.

Pumunta ako sa counter para ibigay kong anong order niya. Mag kapatid sila? For real? Ang layo ng mukha niya kay Sir Francisco .

"Tulaley ka diyan?" tanong ni Carol sa akin.

"Ah, wala." Sabi ko at hindi ko pa pala nasasabi yung nangyari sa akin. Saka na pag magkasama na kaming tatlo.

"Sino daw yung kausap niya?" tanong niya sa akin.

"Kapatid niya." Tumingin si Carol sa akin at binalik ulit ang tingin niya kila Sir Francisco.

"Pasuyo nga, ikaw nga magbigay ng kape doon." Sabi ko kay Carol at hindi naman niya iyon tinanggihan.

"Nilalandi mo ba si Sir Francisco?" tanong ng isang kasamahan namin na si Alvira. Nagulat naman ako sa tanong niya, sis!

"Anong pinagsasasabi mo diyan?" sabi ko dahil mukhang m*****a at ma-attitude tong babaeng 'to eh.

"Halata ka girl! Sa akin lang si Sir Francisco! Back off!" pagkasabi niya natawa ako bigla, is she dreaming? Hindi nga siya kilala ni Sir Francisco, maka angkin naman siya wagas?

"Oh'? Anong nangyari sa malditang 'yon? Inaway kaba?" tanong agad ni Carol sa akin.

"Sabi niya sa kanya lang daw si Sir Frans." Sabi ko habang natatawa tapos tumawa rin si Carol!

"P*tcha! Di nga siya pinapansin ni Sir Frans." Parehas kaming tumawa at nakita naming masama ang tingin ni Alvira sa amin. We don't care kung m*****a siya dahil mas m*****a kami!

Nagpatuloy lang kami sa paglilinis dahil magsasara na kami. Dalawa na lang kaming naiwan ni Carol dito. Sila Sir Frans nag-uusap pa rin sa labas. Para silang magtropa lang pag tinignan mo sila.

"Tara na?" sabi ni Carol habang na-lock niya na yung main door.

"Sir, uwi na po kami." Paalam ni Carol sa kanila.

"Teka, along the highway ka ba Miss Quintos?" tanong ni Sir Frans kay Carol at tumango siya agad. Tapos ang sarap ng ngiti niya!

"Sabay kana sa akin, ikaw Miss Samonte sumabay kana sa kapatid ko. Nakwento niyang isang condo lang pala kayo." Nagkatangin pa kami pagkasabi niya! Nahiya tuloy ako dahil baka yung nangyari sa amin nakwento niya sa Kuya niya?!

Mukhang chinismis niya ako.

"Lets go?" sabi ni Sir Frans kay Carol.

"Text me later." Mahinang sabi ni Carol sa akin at pumasok na sa sasakyan ni Sir Frans. Kinikilig pa 'tong babaeng ito!

Pinanuod ko lang na makaalis sila at tahimik lang kami ni Bryce.

"Sabay kana." Sabi niya sa akin at di ko siya pinapansin.

"Miss? Gabi na. Uwi na tayo." Ano naman kong gabi na? Nakaramdam na din ako ng pagod. No choice ako at nakakatipid ako ngayon kapag sumabay ako.

"Okay." Yan na lang sagot ko at umupo sa passenger seat sa likod. Alam kong nagtataka siya pero wala siyang magagawa.

Pauwi na kami at tahimik lang kami. Napapansin ko ding panay ang silip niya sa rear mirror niya. Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating na kami sa condo. Pagbaba namin sa kotse niya tumingin siya sa akin.

"Thank you." Sabay alis ko at nauna ako sa isang elevator para di ko siya makasabay. Nakita ko ding humabol siya pero mabilis ko pinindot para magsara ang pinto ng elevator.

Para akong nagu-guilt sa ginagawa ko sa kanya. Hays!

"Wag kang maawa sa kanya," I whispered to myself.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status