Share

Chapter 5

"You are not wearing a bra." Paalala niya kaya napalayo ako sa kanya. Natameme tuloy ako dahil sa ginawa ko.

Ano ba yan, Bellarae. Gagawa ka ng galaw nakalimutan mong wala kang suot na bra at panty.

"Sorry." Ngumiti ako ng pilit.

"Its okay, nakita ko na 'yan." Pagkasabi niya nanlaki ang mata ko.

"Uwi na ako," paalam ko at hindi niya na ako pinansin. Nakakahiya talaga!

Pagpasok ko sa unit ko humiga ako sa kama. Bakit sa tuwing magkasama kami ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Sht naman. Tumayo na ako at nagpalit na hindi na muna ako mag tratrabaho mamaya. Hindi pa okay ang pakiramdam ko.

Biglang may kumatok at tumayo ako para buksan ang pinto. Pagbukas ko nakita ko si Jasmine at Carol na may dalang pagkain at alak. Wrong timing naman sila magdala ng alak. Pero buti na lang hindi nila ako nakita sa kabilang condo.

"Surprise!" bungad nila sa akin at pumasok na agad sila sa condo ko. Siyempre ang mga gaga feeling at home sila.

"Kamusta ka naman?" tanong ni Jasmine sa akin. At napansin ko ding pumayat siya.

"Okay na, kanina parang sobrang bigat ng ulo ko tapos sobrang sakit." Sagot ko sa kanila.

"Mas masakit kapag wala kang ulo." I rolled my eyes! Nandito nanaman sila para mang inis.

"Gago ka talaga, Jas!" Sabi ko sa kanya.

Si Carol nasa kusina ko. Hindi ko alam kong anong ginagawa niya doon. Pero nakita kong lumabas na siya at may dalang pagkain na nakalagay sa plato.

"Si Carol, may kalandian na." Sumbong ni Jasmine sa akin habang umiinom ng light beer.

"Gaga! Anong kalandian? Crush ko lang, sis! Hindi kalandian." Mataray na sabi ni Carol sa kanya.

Si Jasmine kasi masiyadong madaldal kaya laging naiinis si Carol. Pero ganyan na talaga sila since na magkakakilala kami.

"Si Rae yata ang meron eh." Sumama ang tingin ko kay Carol. Parehas nga pala silang madaldal.

Ngayon ko na pala sasabihin yung nangyari sa amin ni Bryce. I trust them, pati sila nagsasabi sa akin about sex or whatsoever.

"Noong uminom tayo nung last sino kasama ko umuwi?" tanong ko sa kanila nagkibit balikat naman silang dalawa.

"I dont know. Kasi sumama ako sa kalandian ko. We just go coffee outside, ikaw Carol asan ka noon?" tanong naman ni Jasmine sa kanya.

"Ako? Kasama ko sila Kim no'ng gabing 'yon. Lumipat kami ng bar, why?" sagot ni Carol sa amin.

"May sasabihin ako..." paninimula ko kaya napatingin naman sila agad sa akin.

"Kilala niyo si Bryce Ellana?" tanong ko sa kanila, siyempre si Carol kilala niya. Kasi nakita niya din sa resto si Bryce.

"Yep, kilala ko din yung kapatid niya yung may ari ng resto? Why did you ask, Rae?" Jasmine said to us.

"May nangyari sa amin." Nasamid tuloy silang dalawa sa iniinom nila.

"T*ngina, Rae! Seryoso ka diyan sa sinasabi mo? O nananaginip ka lang?" Seryosong tanong ni Jasmine sa akin.

"Its true! Kayo kasi iniwan niyo 'ko sa club eh!" reklamo ko sa kanila kung sana hindi nila ako iniwan walang nangyari sa amin ni Bryce.

"Eh bakit kami? Kahit sisihin mo kami, may nangyari na sa inyo. Malaki ba?" pinandilatan ko ng mata si Carol habang tumatawa siya.

"Gago ka ba? Di ko nga alam na may nangyari sa amin!" sabi ko sa kanila.

"Diba nandito lang siya sa condo?" tanong ni Carol, oo nga pala. Kasi chinismis ako ni Bryce sa Kuya niya nung pauwi kami galing resto.

"Oo, actually katapat lang ng condo ko." Biglang tumili si Jas nang sobra. Napatakip tuloy ako sa tainga ko sa sobrang tinis ng boses niya.

"So ano? Kayo na?" nagulat ako sa tanong ni Jas, ito talaga ang bilis bilis mag isip.

"Advance ka, sis? Siyempre hindi!" sagot ko sa kanya.

"Ikaw talaga napaka bilis mo! Alangan namang maging sila agad-agad?" depensang sabi ni Carol sa kanya, si Carol kasi kahit madali siyang mag ka crush 'take it slowly' siya eh. Si Jas kasi madaliang paspasan iyan.

"Okay, sorry!" sabi ni Jas at uminom ulit.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Mama. Kaya tumayo ako para sagutin ang tawag.

'Hello?' sagot ko.

'Hi, anak! Punta ka sa kasal ko hah!' tsk. Pang ilang kasal na ba niya ito? Di na siya nasawang magpakasal. Kaya ito din yung ayaw ko sa kanya. Nangako siya kay Daddy na kahit wala na siya eh di maghahanap ng iba si Mommy. But she broke that promise to my Dad.

' Hello anak? ' I end up the call dahil wala din kaming magandang pag-uusapan. Baka mag away pa kami.

"Sino 'yon? Si Tita?" alam na agad nila Carol, kasi pag pinapatay ko yung tawag alam na nila kong sino kausap ko.

"Kumain ka na dito, Rae!" ayang sabi ni Jas sa akin, kaya kumain na lang ako ng pizza na dala nila.

Biglang may nag doorbell at tumayo agad si Jas.

"Nag-order pa siya ng ibang pagkain." Mahinang sabi ni Carol, napaka gastosera talaga nitong si Jas.

"I ordered pasta," sabay bukas sa inorder niya. Sobrang bango tuloy ng pasta na in-order niya. Nagsikuha na kami sa pasta at wala kaming ginawa kundi kumain hanggang sa maubos ang pagkain na dala nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status