Share

Chapter 5

PAGPASOK pa lamang ng opisina ay kinuwelyuhan na ni Thrasius si Terrence at isinandal siya sa dingding. Inambahan siya nito ng suntok.

“Woah! Calm down!” he shrieked. Nagtaas siya ng mga kamay senyales na hindi siya lalaban.

Kung gagatungan kasi niya ang init ng ulo ni Thrasius, mauuwi lang sila sa bugbugan.

Lalong nanggigil si Thrasius. Inilapit pa nito ang mukha sa kaniyang mukha at dinig ang pagngitngit ng mga ngipin nito. “How can I calm? You f*cked Elise! You jerk!” walang gatol nitong bulyaw.

He giggled. “That was harsh, bro.” Itinulak niya ito sa dibdib kaya binitawan siya. Inayos naman niya ang kaniyang kamesita. “Why are you so mad in the first place, huh?” he said.

“Nagtanong ka pa, gago! Elise told me that she had sex with someone in my room that night of our reunion! I wasn’t there, kasi ginamit mo ang room ko! You can’t deny it, Terrence!” nanggagalaiting sabi nito.

He heaved a sigh. “Okay, I didn’t deny that. But, bro, Elise was drunk that night, and I am, too. Of course, I would lose control. You know me, right?”

“F*ck you!” Marahas siya nitong itinulak sa dibdib, inambahan siya ulit ng suntok sa mukha.

“Wait!” awat niya. Tinapik niya ang kamao nito. “Why are you mad at me? Let me tell you what happened that night. Listen first, would you?”

Bahagya rin itong kumalma pero nanlilisik pa rin ang mga mata. “Now, talk, as*hole!”

Sumandal siya sa dingding at humalikpkip. “I love sex, but I didn’t f*ck a woman without their permission. I admit, I made a mistake. Hindi ko napigil si Elise. But, bro, she kissed me aggressively, and I was in my horny stage. You know how vulnerable my defense is when it comes to women, right?”

“I know that, but Elise was not the woman you think is your type. She’s innocent!”

“I’m aware, Thras. I was tempted, kasi sino ba ang makatatanggi kay Elise? She’s beautiful at inunahan niya ako,” giit niya.

“Dahil akala niya ako ikaw!” asik nito. Halos puputok na ang ugat nito sa leeg sa gigil.

He can’t stop himself from giggling, which triggers Thrasius to get angrier. He punched him on his left cheek. Sandali siyang nahilo at namanhid ang kaniyang pisngi, yet he didn’t dare to punch Thrasius back. He let him burst his anger out. And he proved that Thrasius had special feelings for Elise.

“You turned into a monster once your emotions triggered. I knew it,” he said, pointing out Thrasius's odd behavior. Tumayo siya nang tuwid. “You like Elise, don’t you?” Inusig niya ito.

“It’s not important what feeling I have for Elise. She’s special, and I will protect her at all costs,” may gigil pa ring sabi nito.

Humakbang siya at nilagpasan si Thrasius. Nagsindi siya ng sigarilyo just to calm his temper. “Then, why are you ignoring her? Gustong-gusto ka niya, to the point na naisuko niya ang importanteng kayamanan bilang babae, sa maling tao nga lang. Not bad, iisa naman ang pinanggalingan nating may-ari ng sp*rm cells. Lucky her,” aniya.

“Terrence, I’m warning you,” anito.

Huminto siya. “Ayaw kong lumala ang sigalot sa pagitan natin, Thrasius. Malayo sa atin si Tristan para awatin tayo once pinatulan kita. But don’t worry, I won’t hurt Elise’s feelings like you did. I’ll take care of her while she lives in my house.” Muli siyang humakbang.

“What did you say?” tanong nito sa matigas na tinig

Ramdam niya ang paghabol nito sa kaniya. “You heard me, right? Tita Feliz asked my permission to allow Elise to live in my house temporarily. It’s a small thing, so why not? She’s welcome in my paradise.”

Natigilan siya nang hinaklit siya ni Thrasius sa kanang balikat at akmang susuntukin pero biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang kanilang tiyahin.

“What’s going on here? Are you two fighting again?” natatarantang tanong ng ginang.

Inalis niya ang kamay ni Thrasius sa kaniyang balikat at nilapitan ang kaniyang tiya. Nagmano siya rito. “Hindi, Tita. We’ve just talked,” aniya.

“Okay. Hinahanap mo raw ako, Thrasius?” sabi ng ginang.

Hindi na siya nakiusyoso sa usapan at kaagad lumabas. Bumalik siya sa kanyang bahay at tiniyak na wala na roon si Thalia, ang kaniyang favorite fling at f*ck-buddies. Nagpunta roon ang babae na hindi niya alam. Nagulat na lang siya sa pagsulpot nito at kahit ayaw niya ay sinunggaban ang kaniyang pagkal*l*ki.

Hindi niya maintindihan. Dati ay excited siya palaging makat*l*k si Thalie dahil talagang magaling itong mpumukaw ng pagn*n*sa. But now, the pleasure was over.

NALIBANG na si Elise sa warehouse ng mga itlog. Ang linis doon, malamig, organize. May proper dress code rin ang mga empleyado at mga naka-puti kaya parang nasa paraiso siya ng mga itlog.

“Wow! It felt heaven!” usal niya habang nakatingala sa matataas na stainless egg shelves.

“Excuse me, ma’am!” tawag sa kaniya ng security guard na lalaki.

“Pasensiya na kung pumasok ako kaagad,” aniya.

“Ayos lang po. Hinahanap po kasi kayo ni Sister Feliz. Naroon po siya sa lobby,” anito.

“Ah, sige. Salamat.” Lumabas na siya.

Pagdating sa lobby ay naabutan niya roon sina Sister Feliz at Thrasius. Una niyang nilapitan ang ginang.

“Pasensiya na po, Sister. Medyo nalibang ako rito sa warehouse,” aniya.

“Walang problema, hija. Ang mahalaga ay narito ka na. Pero bakit hindi ka pa pumasok sa bahay ni Terrence?” sabi nito.

Naalala naman niya ang naabutan sa bahay ni Terrence. Dismayado siya sa nakita, at hindi akalaing ganoon si Terrence kasugapa sa babae. Naisip niya baka girlfriend niyon ang babae.

“Pumunta na po ako sa loob ng bahay pero naisip ko lang mag-ikot-ikot muna,” alibi niya.

“Oh, sige. Kakausapin ka pala ni Thrasius. Puntahan mo na lang ako sa bahay, ha? Kakausapin ko rin si Terrence.”

“Opo.” Sinundan lang niya ng tingin si Sister Feliz.

Bumilis naman ang tibok ng kaniyang puso nang makita ulit si Thrasius. Nakatayo lang ito at nakasandal sa counter ng information desk. Humakbang siya palapit dito.

“A-Anong nangyari?” balisang tanong niya rito. Bakas kasi ang iritasyon sa mukha ng binata.

Kilala niya ito sa tuwing masama ang loob o kaya’y galit, nagmumukhang tigreng gutom.

“Tungkol sa sinabi mo kanina. You made a big mistake, Elise,” anito sa matigas na tinig.

Ginupo na siya ng kaba. “Huwag mo sabihing hindi ikaw ‘yong naabutan ko sa kuwarto noong gabi,” aniya.

Tumayo ito nang tuwid at lalong nanggalaiti, nagtatagis ang bagas. “I told you it wasn’t me, Elise!”

Natigagal siya. Nilukob na ng kaba ang kaniyang buong sistema. “K-Kung hindi ikaw, sino ‘yon? Kuwarto mo ‘yong pinasok ko, eh.” Tumahip na nang husto ang kaniyang dibdib.

“Si Terrence ang naroon noong gabi, my brother,” bunyag nito.

Napasinghap siya at natutop ng palad ang bibig. Animo binuhusan siya ng malamig na tubig pero bigla ring pinagpawisan nang malagkit. Hindi matanggap ng sistema niya na sa ibang lalaki niya ibinigay ang kaniyang pagkab*b*e! Iiling-iling pa siya at iginiit na nagbibiro lang si Thrasius.

“H-Hindi ‘yan totoo. Ikaw ‘yon, Jelo!” giit niya.

“I wish ako nga, Elise! You’re careless!” tiim-bagang nitong sabi.

Nahalinhan ng kirot ang kaniyang kaba sa puso nang sisihin pa siya ni Thrasius sa kaniyang pagkakamali. “Sinisi mo pa talaga ako? Kaya ko lang naman ‘yon ginawa dahil gusto kong mapansin mo at malamang mahal kita!” emosyonal niyang pahayag. Hindi na niya naawat ang paglaya ng kaniyang mga luha bigso ng damdamin.

Titig na titig sa mga mata niya si Thrasius. “Tigilan mo na ang kalokohan na ‘yan, Elise. I told you I couldn’t love you back.”

Pakiramdam niya’y nadurog nang husto ang kaniyang puso dahil sa sinabi nito. Mabibigat na luha ang pumatak mula sa kaniyang mga mata ngunit pilit niyang pinatitibay ang loob. Idinaan niya sa galit ang lahat.

“Sinungaling ka. Sinungaling!” asik niya. Walang habas na pinagsusuntok niya sa dibdib si Thrasius.

Kaagad naman siya nitong napigil sa mga kamay at ginapos. “I’m sorry. We can be friends, and I will still protect you,” anito sa paos na tinig.

Naupos ang kaniyang lakas dahil sa emosyon pero nagawa pa rin niyang itulak sa dibdib si Thrasius. Tinapangan niya ang kaniyang anyo.

“I will never ask you anything anymore. Panghahawakan ko ang sinabi mo na gusto mo ako, iyon lang ang gusto kong paniwalaan, Jelo!” pilit niya.

“Elise, listen to me.”

“No! Wala kang isang salita!” Ginupo na naman ng kirot ang kaniyang puso kaya ayaw paawat ng luha niya sa pagpatak.

“I will be busy this coming month, and before I go, I will find you a better place to stay, not here, not with Terrence,” anito.

Lalo siyang nairita rito. “Ngayon, nagkukunwari kang concern sa akin. Okay na ako rito.” Pinakalma niya ang kaniyang tinig.

“No, I won’t allow you to stay here with Terrence, Elise. Hindi mo siya kilala, at alam ko kung paano makisama sa babae ang kapatid ko. He’s a womanizer and s*xually liberated.”

Dahil sa sinabi nito ay nagkaroon siya ng ideya na hamunin ito. “Bakit ako maniniwala sa ‘yo? Hindi mo nga kayang panindigan ang mga sinabi mo. Hindi ako aalis dito at titiisin ko ang pakikisama sa kapatid mo. At least siya, hindi ako binalewala. Tatakpan ko na lang ang tainga ko para hindi marinig ang pagmumura niya. O puwede rin namang marinig ko. Mas maganda pa ‘yong pakinggan kaysa kasinungalingan mo.”

“Elise, please….”

Akmang hahawakan siya nito sa kanang braso ngunit umatras siya. “Umalis ka na,” tanging nawika niya.

“Elise!”

Tinalikuran niya ito. Malalaki ang hakbang na iniwan niya si Thrasius. Bumalik siya sa bahay ni Terrence at inasikaso ang kaniyang bagahe. Ginabayan naman siya ni Sister Feliz sa magiging kuwarto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status