Share

Chapter 4

ITINIGIL ni Elise ang pagpulot ng tuyong dahon sa parking lot ng orphanage. Tinawag na kasi siya ni Sister Anna dahil magsisimula na umano ang meeting. Marami silang activities kaya hindi puwedeng palagi siyang puyat. Kailangan na niya ng maayos na matitirhan pansamantala.

Umaasa siya na nakausap na ni Sister Feliz ang pamangkin nito. Curious din siya kung sino ang tinutukoy nitong pamangkin kasi halos nasa Pampanga o Subic ang pamangkin nitong na-meet na niya in person. Si Thrasius naman ay sa Maynila naglalagi sa tuwing bakasyon. Naroon kasi ang mommy nito at may business.

Pagkatapos ng meeting ay pinuntahan niya si Sister Feliz sa nursery room. Pinatawag umano siya nito.

“Sister, pinatawag n’yo raw po ako,” aniya. Nakatayo lamang siya sa tapat ng lamesa nito.

“Ay, oo. Kasi may good news ako para sa ‘yo,” nakangiting sabi nito.

Na-excite naman siya. “Ano ‘po ‘yon?”

“Doon ka na muna mag-stay sa bahay ng pamangkin ko, Elise. Doon din ako naglalagi kung minsan. Para naman hindi ka na uupa,” anito.

Napalis ang kaniyang ngiti nang maalala ang sabi ni Sister Feliz na puro lalaki umano ang pamangkin nito. Pero wala na siyang choice. Si Grace kasi ay pinatuloy ni Sister Anna sa kombento. Ayaw naman niya roon.

“Okay lang po ba, sister? Baka hindi papayag ang pamangkin n’yo,” naiilang na sabi niya.

“It’s okay. Nakausap ko na ang pamangkin ko. Hindi naman naglalagi sa bahay ang pamangkin ko at busy sa business.”

Napanatag siya. “Sige ho,” pagkuwan ay sang-ayon niya.

“Sama ka na sa akin mamaya. Pero mauna ka lang sa bahay ng pamangkin ko para makita mo.”

“Opo.”

Hindi na maalis ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ni Elise habang iniisip na makikitira siya sa pamangkin ni Sister Feliz. Malapit lang ang bahay nito sa orphanage at meron daw poultry business ang pamangkin nito at puwede siyang magtrabaho.

Wala siya sa mood nitong nagdaang araw lalo na’t problemado siya sa inuupahang bahay. May inireklamo siyang anak ng landlady niya na nambubuso sa kaniya sa tuwing naliligo sa banyo.

May munting butas pala itong sinisilapan doon. Nahuli niya ito noong sumilip siya sa butas. Pinagsabihan lang ito ng ina. Hindi rin siya mapakali sa mga lasingerong kapitbahay. Natatakot na siya lalo’t nati-trigger ang kaniyang trauma sa tuwing may nag-aamok na tao.

Samantalang wala naman siyang ideya kung sinong pamangkin ni Sister Feliz ang tinutukoy nito. Iilan lang sa mga Del Valle ang nakilala niya nang personal. Pero kapatid daw iyon ni Thrasius sa ama. Curious tuloy siya. Si Tristan lang ang kapatid ni Thrasius sa ama na nakilala niya nang personal pero sa Maynila iyon naktira.

And speaking of Thrasius, hindi pa siya nito kinakausap matapos ang kahibangan niya noong gabi ng reunion. Hindi rin siya makapaniwala na naisuko niya ang kaniyang inosenteng katawan sa lalaki. Nalasing siya nang sobra dahil sa tampo niya sa binata. Ni hindi niya maalala kung ano ang pinaggagawa niya kasama ito. Ang alam niya lang, pumasok siya sa kuwarto at h*nal*kan ang lalaki. She just felt her ripped virginity.

Tatlong buwan pa lang ang nakalipas simula noong muli silang nagkita ni Thrasius. Isinama ito ni Sister Feliz sa Orphanage at natuwa siya nang kilala pa rin siya nito. Kaso, pansin na niya ang malaking pagbabago nito kaya nailang siya. Hindi niya nakalimutan ang pangako ni Thrasius noon na babalik ito at liligawan siya. Ngunit tila limot na iyon ng binata.

She’s willing to do anything to win his heart. But Thrasius refused her when she confessed her feelings towards him. Hindi raw siya nito puwedeng mahalin. Iyon ang masakit na katotohanang hindi niya kayang tanggapin. Hindi siya naniwala kaya lalo lamang siyang naging desperada.

Excited si Elise sa kaniyang paglipat-bahay. Naihatid lang siya ng driver ni Sister Feliz sa bahay ng pamangkin nito’ng si Terrence. Sinabi lang sa kaniya ng driver ang pangalan ng pamangkin ni Sister Feliz. Kabado siya kasi pamilyar na sa kaniya ang pangalan nito. Pero iginiit niya na sana ay ibang tao ito at hindi iyong nakita niya sa orphanage.

Naiilang siya kasi hindi pa niya nakilala ang karamihan sa pamangkin ni Sister Feliz. Maaring nakita na niya si Terrence noong gabi sa party pero hindi lang niya nakausap. Ang dami kasing pamangkin si Sister Feliz at puro lalaki. Ang guguwapo pa at mayayaman.

Nakabukas ang main door ng dalawang palapag na bahay. Hinatid siya roon ng caretaker ng poultry at naroon naman daw si Terrence.

“Baka po may aso sa loob,” sabi niya kay Mang Toni.

“Wala po. Ayaw ni Sir Terrence ng aso sa loob ng bahay,” sabi ng ginoo.

“Okay lang po kaya na papasok na ako?”

“Oo naman. Alam naman ata ni Sir na darating ka ngayong araw. Ewan ko lang.”

“Hindi ko po alam kung sinabi na sa kaniya ni Sister Feliz na ngayon ako lilipat. Ang sabi lang kasi niya ay anytime puwede na akong lilipat dahil pumayag na ang pamangkin niya.”

“Iyon naman pala, eh. Huwag kang mag-alala, mabait si Sir Terrence. Sige na. Pasok ka na sa loob nang makapagpahinga ka.”

“Sige po, salamat.”

Nang umalis si Mang Toni ay lumapit na siya sa pintuan. Kumatok siya sa pinto kahit nakabukas. Tahimik sa loob. Bitbit ang kaniyang maleta at traveling bag ay dumiretso siya sa loob ng bahay. Namangha siya sa ganda at luwak ng salas. Halatang mamahalin ang furniture roon at ibang kagamitan. Ang gara ng chandelier na nakasabit sa kisame.

Malinis din ang bahay, maayos at maaliwalas dahil sa luwag ng espasyo at malamig sa mata dahil sa forest green na pintura ng walls. Iniwan niya sa tabi ng sofa ang kaniyang maleta at bag. Ang kintab ng cream na sahig, tila kalalampaso. Ang bango rin doon, amoy lemon mula sa air freshener.

Huminto siya sa lanai nang makarinig siya ng pamilyar na ingay. Nagmumula sa kusina ang ingay. Kinikilabutan siya habang palapit sa nakabukas na pintuan ng kusina. Kung saan-saan siya nakatingin habang papasok ng kusina.

“Ay kalabaw!” bulalas niya nang mahagip ng kaniyang paningin ang lalaki at babae na gumagawa ng milagro.

Nakaluhod ang babaeng hubad sa harapan ng nakatayong lalaki habang sinusubo ang pagkal*l*ki nito. Bigla siyang ginupo ng kaba na may kasamang hilakbot. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki kaya hindi niya namukhaan, may suot namang itim na kamesita at ang pants lang nakababa.

“F*ck!” Napamura ang lalaki at nagtaas ng salawal.

Siya ang nahiya sa nakita. Tumakbo siya palabas ng bahay na hindi dala ang kaniyang gamit. Kumabog ang kaniyang dibdib at gustong magtago na lang. Dinala siya ng kaniyang mga paa sa warehouse ng mga itlog. Binundol pa niya ang lalaking nakatalikod.

“Elise?” Sambit ng pamilyar na boses ng lalaki.

Napalingon siya rito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Thrasius na siyang binunggo niya. Nag-iisa lang ito roon sa tapat ng counter.

Nakalimutan na niya ang nakitang senaryo sa kusina ng bahay at binalot ng pananabik ang kaniyang puso. Akala niya ay umuwi na ng Maynila si Thrasius. Hindi niya akalaing doon pa niya ito ulit makikita. Sinugod niya ito at niyakap ngunit tila napaso at dagli itong umiwas sa kaniya.

Animo may tumulos na punyal sa kaniyang dibdib at biglang kumirot. Mangiyak-ngiyak na tumitig siya sa binata.

“Bakit?” walang puwang niyang tanong dito.

“Sorry. I need to go. Napadaan lang naman ako rito dahil akala ko narito pa si Tita Feliz,” sabi nito.

Aalis na sana ito ngunit pinigil niya sa kanang braso. “Bakit mo ba ako iniiwasan?” gumaralgal niyang tanong.

“Pasensiya na kung umasa ka sa mga sinabi ko noon. Pero iba na ngayon, Elise. Isa pa, mga bata pa naman tayo noon at mapupusok.”

Hindi niya napigil ang pagpuyos ng kaniyang damdamin. Lalong kumirot ang kaniyang puso nang maisip na lalo siyang binalewala ni Thrasius sa kabila ng effort niya na maibigay rito ang kaniyang pagkaberhin.

“Iyan lang ba ang sasabihin mo pagkatapos ng nangyari sa atin noong gabi sa reunion?” usig niya rito.

Nagtatakang tumitig sa kaniya ang binata. Inalis nito ang kamay niya sa braso nito. “Anong nangyari sa atin?” maang nito.

Natigagal siya. Imposibleng hindi nito naalala ang ginawa nila sa kuwarto nito. Kahit lasing siya noon, alam niya’ng may nangyaring p********k sa pagitan nila. Ramdam niya na may nawala sa kaniya kahit nagising siya kinabukasan sa guest room.

Nawala siya sa wisyo noong gabi pero tumatak sa kaniyang diwa ang mga senaryo pagpasok niya sa kuwarto nito. Alam niya ang kuwarto ni Thrasius sa rest house dahil doon niya ito nakita sa unang pagpunta niya roon. May kadiliman sa loob ng kuwarto nito dahil liwanag mula sa telebisyon lang ang nagsisilbing ilaw. Pero sigurado siya na si Thrasius ang naabutan niya roon.

“Pumasok ako sa kuwarto mo noong gabi at may nangyari sa atin,” paalala niya.

Tila nakakita ng multo si Thrasius. Napamulagat ito. “Sh*t! Are you serious about that?” gilalas nitong tanong.

Ginupo na siya ng kaba. Bakit ganoon ang reaksiyon ni Thrasius? Wala ba talaga itong maalala sa nangyari?

“Seryoso ako, Thrasius. Lasing ka rin ba noon at hindi mo maalala? O baka nagkukunwari ka lang na walang alam para tumigil na ako kakahabol sa ’yo?” may pait sa tinig niyang saad.

Natigagal na si Thrasis, tulalang nakatitig sa kaniyang mukha.

“You’re kidding, right? Sa yate ako natulog noong gabing ‘yon at hindi ako lasing,” sabi nito

Napatda siya, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig. Kung hindi si Thrasius ang nadatnan niya sa kuwarto nito, sino? Inalipin na siya ng kaba at hindi malaman ang sasabihin.

Naudlot ang usapan nila nang may dumating na lalaki.

“Bakit nandito ka?” tanong ng lalaki kay Thrasius.

Nilingon niya ang kararating na lalaki. Nagulat siya, ito ang lalaking nasa orphanage na malutong magmura, si Terrence. O baka ito rin ang pamangkin ni Sister Feliz! Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki, at naikumpara niya sa pisikal na katangian.

Nawindang siya nang matanto na kahawig ni Thrasius si Terrence maging ang taas at pangangatawan, pati buhok. Aware siya na nagtatrabaho sa navy si Thrasius kaya palaging clean-cut ang buhok. Pero bakit nito kahawig si Terrence? Litong-lito na siya. Maaring naroon din sa reunion si Terrence ngunit dahil sa kalasingan, hindi na niya napansin.

“I’m looking for Tita Feliz,” tugon ni Thrasius kay Terrence. Humakbang ito palapit sa lalaki. “Let’s talk, Terrence.”

Nawindang si Elise nang maisip na si Terrence ang kapatid ni Thrasius na tinutukoy ni Sister Feliz! Pamangkin pala ito ni Sister Feliz, at siyang may-ari ng bahay na titirahan niya pansamantala! Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa nagliliyab na apoy, naging uneasy.

Iniwan siya roon ng dalawang lalaki kaya nag-explore na lamang siya sa malawak na warehouse upang pakalmahin ang kaniyang emosyon. Pero hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang naging reaksiyon ni Thrasius nang banggitin niya ang tungkol sa nangyari sa kanila noong gabi ng reunion. Hindi siya maaring magkamali. Si Thrasius ang kasama niya noon.

Inalipin na naman siya ng hindi mawaring kaba. Iginiit niya sa sarili na nagsinungaling lang si Thrasius at sinabing hindi ito natulog sa kuwarto nito. Pero parang may mali. Paano kung hindi nga si Thrasius ang nakaniig niya?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ry Sprakenheim
umpisa n Ang Gera ......
goodnovel comment avatar
josephine 💚
lahh ang ganda
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status