Share

Chapter 56

NAG-BAKE ng chocolate cake si Elise pero hindi siya satisfied sa lasa. Mukhang limot na rin niya kung paano niya napasarap ang cake na ginawa niya noong bago nagka-amnesia.

“Keep trying, Elise. Masarap din naman ang lasa, eh,” ani Grace. Ito ang tagahatol niya sa cake.

“Pero parang may kulang,” nakasimangot niyang wika.

“Huwag kang malungkot. Mag-bake ka pa hanggang sa mapamilyar ka sa lasa. Malay mo, makaalala ka once nakuha mo ang lasang hinahanap mo.”

Nahango na niya ang maliit na cake kasama ang cupcakes. Pati ang frosting ay nakulangan siya sa lasa. Parang may mali talaga kahit nasunod niya ang recipe sa libro.

Noong natikman niya ang tirang mango cake na ginawa niya, may something sa lasa niyon na pamilyar sa kaniya. Maaring may ibang paraan siya sa pagbi-bake at hindi nasusunod ang nasa recipe. Sabi pa ni Terrence, nag-e-imbento umano siya ng receipe ng cake at cookies.

“May kulang talaga, eh,” giit niya.

“Hayaan mo na. Better luck next time na lang. Marami naman kayong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status