Share

Chapter 3

NAKIUSAP si Elise kay Sister Feliz na kung puwede siyang makitira sa bahay ng isa sa pamangkin nito roon sa Tarlac. Pinuntahan pa niya ito sa opisina.

“Huwag kang mag-alala, kakausapin ko ang pamangkin ko. Ayaw ko ring mapahamak ka sa inuupahan mong mga bastos pala ang may-ari,” sabi ng ginang.

“Salamat po, sobrang nahihirapan na kasi ako,” aniya.

Naikuwento kasi niya rito ang mga karanasan niya sa bahay na inuupahan.

“Oh, siya, huwag ka na malungkot. Ako ang bahala. Balitaan kita once nakausap ko na ang pamangkin ko.”

Malapad siyang ngumiti. “Sige po. Babalik na ako sa trabaho.” Nagpaalam na siya sa ginang.

Pagsapit ng break time ay tumambay muna sa mini library ng class room si Elise. Marami siyang memories sa silid na iyon. Tambayan niya iyon noong gusto niyang mapag-isa.

Napangiti siya nang makita ang iginuhit niyang imahe ng isang pamilya na nakadikit sa dingding. Imahe iyon ng masayang pamilya na kailan man ay hindi niya naranasan. She was still struggle to heal her inner child.

Hinaplos niya ang larawan na iginuhit sa illustration board. Naalala niya ang kanyang mga magulang, noong wala pang problema at buhay pa ang mga ito. Nagbabadyang tumulo ang luha niya nang may kumatok sa pinto. Nakabukas lang naman ang pinto.

Marahas siyang pumihit sa pintuan. Nasorpresa siya nang mamataan doon ang pamilyar na lalaki. At natanto niya na ito iyong malutong magmura. Hindi nga siya nagmalik-mata nang makita ito sa classroom. May hawig nga ito kay Thrasius, halos same din ng katawan. Ilang sandali siyang walang kibo at sinusuri ang pisikal na katangian ng lalaki.

Matangkad ito, maskulado at katamtaman ang maputing kutis na makinis. Nababakat ang kalamnan nito sa puson at dibdib sa suot nitong hapit na itim na T-shirt. Bughaw na pantalong maong naman ang suot nito pang-ibaba at naka-rubber shoes na itim. Bagay rin dito ang clean-cut na buhok, halos kapareho kay Thrasius.

Hindi siya maka-get over at talagang malaki ang pagkakapareho nito kay Thrasius. Napailing siya at pilit inaalis sa kaniyang diwa si Thrasius. Napasobra ata ang pag-iisip niya rito kaya nakikita niya ito sa ibang lalaki.

Naibaba niya ang tingin sa kamay ng lalaki na may hawak na isang sandwich at isang pouch na juice.

“Hi! Hindi mo kinuha ang meryenda mo kaya hinatid ko na lang,” nakangiting sabi nito. Malumanay itong magsalita at hindi halatang ito ang nagmura nang malutong.

Naiirita siya sa mga taong magaling magmura. Kumunot ang noo niya nang mapansing pasimpleng sinusuyod siya nito ng tingin. Wala namang mali sa suot niya. She just wore a pink floral dress where only her feet has exposed. Kapapalit lang niya niyon dahil basa ng pawis ang unang damit niya.

“Salamat pero hindi ako nagugutom,” sabi niya sa malamig na tinig.

“You’re counted for snacks. Kainin mo na lang kapag nagutom ka. Take it,” pilit nito. Nanatili itong nakangiti.

Mataray siya sa mga lalaking katulad nito pero sa pagkakataong iyon ay tila kasalanang dedmahin niya ito. Lumapit siya rito at kinuha ang inaabot nitong meryenda.

“Thanks,” sabi lang niya saka ito tinalikuran.

“Uhm, I’m Terrence nga pala,” pakilala nito.

Natigilan siya ngunit hindi niya ito nilingon.

“Elise!” tinig ni Grace. Mabilis itong nakalapit sa kanila.

Nang harapin niya ang kaibigan ay kausap na nito ang lalaking nangangalang Terrence. His name sounds common but cool. Hinayaan na niyang mag-usap ang dalawa. Lumapit siya sa round table sa tapat ng bookshelves at umupo sa silya roon. Inilapag niya sa mesa ang kanyang meryenda.

Na-trap na si Grace kay Terrence. Mapusok talaga ito pagdating sa guwapong lalaki. Naka-sampung nobyo na ito pero palagi namang niloloko. Maganda si Grace at matalino. Aywan niya bakit walang sumiseryosong lalaki rito. Malaki rin ang naging impluwensiya nito sa kanya. Pero hindi siya kailanman sumubok makipagrelasyon sa mga lalaki, because Thrasius occupied the space in her heart.

Pangako niya sa sarili, kapag hindi pa rin magiging sila ni Thrasius sa edad niyang biyente-singko, tutuloy na siya sa pagmamadre. Magbabago na siya. Hindi na siya magbabasa ng mga er*tic novels at kahit romance. Napangisi siya nang ma-realize na ang dami na niyang kasalanan. Nahawa na siya sa kahalayan ng utak ni Grace.

Tumahimik na. Nakaalis na si Terrence. Siya naman ang inabala ni Grace. Umupo ito sa katapat niyang silya. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiti nito.

“Alam ko.” Inunahan na niya ito.

“Ang guwapo niya!” kinikilig na sabi nito.

Bumuntong-hininga siya. “Guwapo nga, bastos naman ang bibig,” aniya.

Napalis ang ngiti ni Grace. “Bastos agad? Hindi ba puwedeng ekspresyon lang niya ang bad words?” sabi nito.

“Still, not good to hear those bad words,” giit niya.

“Whatever.” Tinapik nito ang kamay niya. “Mukhang ikaw ang type, bruha,” anito pagkuwan.

Kunot-noong tinitigan niya si Grace. “So?” Nagtaas siya ng isang kilay.

“Kasi naman, tinanong ang buong pangalan mo. Hm! Alam ko, dedma ka na naman. Alam kong walang ibang gusto ang puso mo kundi si Jelo. Si Jelo na walang pake sa ‘yo. Baka may girlfriend na ‘yon kaya ka iniiwasan,” ani Grace.

Pakiramdam niya’y nahati sa dalawa ang puso niya nang umikilkil sa kaniyang kukoti ang sinabi ni Grace. Tumayo siya nang mainip.

“Magbabanyo lang ako,” paalam niya. Iniwan niya ang kausap pati ang kaniyang meryenda.

MARTES ng gabi na nakauwi sa bahay niya sa Tarlac si Terrence kasama ang kaniyang tiya. Sa tuwing naroon ang kaniyang tiya ay hindi siya makakilos nang maayos. Walang babaeng maaring dadalaw sa kaniya, lalo na kung isa sa kaniyang flings.

Since he decided to focus on his poultry business, his time for women was limited, mainly when he stayed in Tarlac. In Manila, he meets women in a bar and has sex with them. He also had sexual intercourse with two women at the same time. He was sexually liberated, and without sex, his life was boring. It seems like maintenance medicine for him.

Eighteen years old siya noong unang nakaranas makipagtalik sa babaeng nakilala lang niya sa bar. Nag-aaral siya noon sa Military Academy. Dahil madalas nasa loob ng academy, sa tuwing nakalalabas sila ay parang ibong nakalaya.

Kahit noong nasa serbisyo na siya ng military, nakagawian na niyang tumambay sa bar. Lapitin talaga siya ng babae kahit saan siya magpunta. Pero hindi siya pumapatol basta sa mga gusto ng seryosong relasyon. Flirting is fine.

Minsan ay gusto niyang bumalik sa military service kaso naaprubahan ang disability retirement niya. Huli na kasi niya iyong naisip kung kailan gumaling ang kaniyang injury sa likod at binti. Pero nasabi ng doktor na hindi na siya maaring sumabak ulit sa digmaan dahil maaring aatake ulit ang shell shock niya. Kaya nag-focus na lamang siya sa poultry business kasama ang kaniyang pinsang si Seth.

“Terrence!” tawag ng kaniyang tiya.

Naroon siya sa underground at naglilinis. Hindi pa iyon napapasok ng kaniyang tiya dahil nakatago ang pintuan nito sa likod ng bookshelves. Tumakbo siya palabas. Sinalubong na niya ang kaniyang tiya sa salas.

“Yes, Tita,” aniya.

“May sasabihin ako.” Umupo ito sa sofa.

Lumuklok din siya sa katapat nitong sofa. “Ano po ‘yon?”

“Puwede bang dito muna titira si Elise kasi hindi na raw siya komportable roon sa bahay na inuupahan niya. Marami kasing tambay roon at lasing na nagti-trip sa kaniya. May trauma pa naman sa taong lasing si Elise.”

Ilang segundo siyang tulala bago nag-sink in sa kukoti niya ang sinabi ng kaniyang tiya. Nagtagis ang bagang niya nang hindi niya ito magawang tanggihan kahit nag-aalangan siya.

“Si Elise, iyong inimbita n’yo sa reunion?” untag niya.

“Oo. Iyong palagi kong kasama sa orphanage. At saka kailangan din niya ng ibang trabaho. Baka kailangan mo ng secretary sa poultry mo. Maasahan mo si Elise. Napakasipag niyon.”

“F*ck,” mahinang usal niya.

“Ano’ng sabi mo?” kunot-noong tanong ng kaniyang tiya.

“Uh, I mean, fight! Sige ba. Walang problema kung dito titira si Elise. May bakante namang kuwarto rito,” palusot niya pero napapakamot ng ulo.

“Naku! Salamat talaga, hijo!” Tumayo pa ang ginang saka siya niyakap. “Naaawa lang kasi ako kay Elise. Kailangan niya ng mas maayos na tirahan. Wala na rin kasing bakanteng kuwarto sa orphanage at ayaw roon ni Elise dahil makukulit ang mga bata.”

Panay naman ang pagmumura niya sa isip. Halos mahibang na nga siya kakaisip kung paano maka-move on sa nangyari sa kanila ni Elise. Heto at inilalapit pa siya ng kaniyang tiya sa tukso.

Despite his hesitation, he felt an unusual excitement. He will have a chance to know more about Elise.

Hinatid pa niya sa orphanage ang kaniyang tiya kinabukasan. Pero sa halip na aalis, natukso siyang magmasid sa paligid habang nasa loob ng kotse. And he saw Elise picking the dried leaves with the stick. Tinutuhog nito ang mga dahon.

She’s wearing a floral dress with a long sleeve, yet she looks sexy, especially when she flips her wavy hair, which is naturally light brown. While secretly staring at her, his mind can’t stop reminiscing about the hot night when he was eagerly penetrating his shaft inside her innocent entrance.

He cursed as he felt his little one down there getting erect. Ang lakas talaga ng tama niya kay Elise, and it’s not good. Paano na lang kung madalas na niya itong kasama sa bahay niya?

Napatingin sa kotse niya si Elise, kunot ang noo. Maaring napamilyar ito sa kotse niya. Minsan na kasi itong ginamit ni Thrasius na hindi nagpaalam sa kaniya dahil inutusan ng kanilang tiya. Humakbang pa ito palapit sa puwesto niya. Habang palapit ito ay lalong nag-iinit ang kaniyang sistema. Mukhang hindi ito aware na may tao sa loob ng kotse. Hindi naman kasi kita sa loob. Nanalamin pa ito sa mismong bintana sa tabi niya.

“Sh*t! Huwag mo akong pahirapan, baby,” usal niya.

Kinagat-kagat pa nito ang ibabang labi habang nagsasalamin sa bintana.

Pinagpapawisan na siya nang malamig at lalong nabubuhay ang kaniyang pagkal*l*ki.

“Put-t*ngina!” Ang lutong ng mura niya pero hindi naman maiwasan ng tingin ang babae.

Mabuti na lang may tumawag ditong madre at kaagad umalis. Napakalma pa niya ang kaniyang alaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status