Share

Chapter 2

NAKATULOG ang babae pagkatapos nilang magtuos sa kama. Samantalang hindi naman makatulog si Terrence at siya’y nababalisa. Habang wala pang malay ang babae, binihisan niya ito at binuhat. Inilipat niya ito sa guest room sa may ground floor.

Pagkuwan ay lumabas siya ng rest house at tumambay sa pantalan. Nagsindi siya ng sigarlyo. It was his last cigarette, and he promised to stop. His doctor said that he has to be careful about quitting smoking. It’s better to do it slowly.

Nakatulog sa yate si Terrence. Kinabukasan ay hindi pa siya makauwi dahil tumulong siya sa pagliligpit ng kalat sa rest house. Late na rin siyang nakatulog dahil tila sumpa ang karanasan niya sa babaeng lasing. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang ginawa nila.

He’s not the kind of guy who will ignore a woman after a one-night stand. After the night, he talked to a woman and discussed what they did. But this time, he felt a bit nervous. Maybe because he encountered a woman he didn’t know before they had sex. It’s unexpected.

Nag-iingat din siya sa kaniyang kalusugan. Kaya bago siya makipagtalik sa babae ay kinikilala muna niya at tinitiyak na malinis. Regular din ang general check up niya to make sure that he’s healthy. Pumalya lang siya sa babaeng nakatalik niya noong gabi na hindi man lang nakausap. Sumabay kasi iyon sa tindi ng kaniyang pangangailangang seksuwal kaya nawalan na rin siya ng kontrol.

Ang masama pa nito, nabanggit ng babae ang pangalan ng kaniyang kapatid. Wala siyang ideya kung kaanu-ano ito ni Thrasius. Maaring napagkamalan lang siya nito’ng si Thrasius.

Wala siyang alam na girlfriend ni Thrasius. Hindi ito maaring makipagrelasyon sa ibang babae dahil may babaeng nakatakda rito ang mommy nito. Thrasius was a mama’s boy. He just depended on his mother’s decision regarding his future, and he didn’t dare to protest.

Naghuhugas siya ng mga kubyertos sa kusina nang pumasok si Thrasius. Nagbukas ito ng refrigerator saka kumuha ng isang bote ng mineral water. Bihira sila nag-uusap nito kung hindi naman tungkol sa kanilang ama. Pero kailangan niya itong kausapin nang matiyak na hindi nito katipan ang babaeng nakaniig niya.

Paalis na sana ito.

“Thrasius,” pigil niya rito.

Mas matanda siya ng isang taon dito pero hindi siya tinatawag na kuya. Pareho silang galit sa tatay nila dahil sa hindi magandang karanasan ng kanilang mga ina. Pareho rin silang dumaan sa lupit ng pagdidisiplina ng tatay nila. Ang ikinasama ng loob niya noon lalo ay ang pag-uwi ng daddy niya kay Thrasius sa bahay nila kahit hindi pa divorce sa kaniyang ina.

Kaya noong tuluyang umalis ang mommy niya, pati mommy ni Thrasius ay nasa bahay na nila at pinakasalan pa ng daddy niya. Seventeen years old siya noon. Kaya noong hindi na niya gusto ang nangyayari, lumayas siya at nagpasundo sa kaniyang ina at umuwi ng Pilipinas. Simula noon ay hindi na siya bumalik sa puder ng kanilang ama.

“Bakit?” tanong ni Thrasius sa matigas na tinig.

“Sino ‘yong babaeng kasama mo kagabi? Iyong kaargumento mo?” usisa niya.

“Si Elise, kasama ni Tita Feliz sa Orphanage,” tugon nito.

“Girlfriend mo?”

Matiim na tumitig sa kaniya si Thrasius. Nangunot din ang noo nito. “Bakit mo natanong?”

“Gusto ko lang malaman kung kaanu-ano mo siya.”

“It’s none of your business.” Tinalikuran siya nito.

“Wait!” pigil niya ulit.

Nilingon naman siya nito pero wala itong imik.

“Alam ko loyal ka sa mommy mo, pero may choices ka pa rin naman. Puwede kang magka-girlfriend at mag-enjoy muna. O baka palihim ka lang may karelasyong ibang babae,” aniya.

“Wala akong girlfriend,” giit nito.

Nakahinga siya nang maluwag. “What about Elise? Obvious na may special sa inyo.”

Marahas siya nitong hinarap. “Bakit ka ba nakikialam?” Nagtaas ito ng tinig.

“Bakit? Bawal ba? Kapatid kita.”

Tumawa ito nang pagak. “Finally! Tinawag mo rin akong kapatid.”

He took a deep breath. “Why not? Mukha lang akong walang pakialam pero may concern din naman ako sa ‘yo. Naaawa ako sa ‘yo kasi alam ko nasasakal ka sa desisyon ng mommy mo.”

“I love my mom, and I won’t hurt her feelings. She has a heart problem, and those emotions could trigger her condition to be severe.”

“Oh, ayaw mong sumama ang loob niya sa ‘yo kaya sinusunod mo lang ang gusto niya. Paano kung may ibang babae kang gusto?”

Hindi ito nakakibo. Nang dumating ang kanilang tiya ay umalis na ito. Itinuloy na lamang niya ang kaniyang gawain. Hindi na niya nakita ulit si Elise. Umuwi na malamang ito.

Kinabukasan ay inimbita si Terrence ng kaniyang tiya na magsilbi sa mga bata sa orphanage sa Tarlac. They will have an anniversary party. He doesn’t have a choice but to follow his aunt's order. Ang trabaho niya ay tutulong sa paghahanda ng meryenda ng mga bata at pag-asikaso sa darausan ng party.

Naging utusan siya ng mga madre. Pabalik-balik siya sa function hall at naghahakot ng mga silya na gagamitin. Halos isang oras din siyang bapalik-balik sa bodega at function hall bago nakapagpahinga. He went to the kitchen to get some water.

There are two ladies there, preparing the food. Napahinto siya sa bukana ng pintuan nang matanto na si Elise ang isang babae na naghahalo ng niluluto nito sa malaking kaldero. Naroon na pala ito. Ang isang matangkad at payat na babae ay naghihiwa ng mga gulay.

“Excuse me,” tawag niya sa atensiyon ng dalawang babae.

Ang matangkad lang ang lumingon sa kaniya. Matangkad din naman si Elise. Tantiya niya’y may limang talampakan at apat na pulgada ang taas nito. She was stunning even though she wore a loose blouse and fitted denim pants. A woman didn’t dare glance at him. She was busy and seemed not in a good mood.

Ang isang babaeng abala ay napatigil sa ginagawa at todo ngiting lumapit sa kaniya.

“Yes, sir? May maipaglilingkod po ba kami sa inyo?” magalang nitong tanong.

“Uh, may I have some water? Uhaw na kasi ako at walang tubig sa labas na maiinom,” kaswal niyang sabi.

“Wait lang po.” Mabilis itong lumapit sa refrigerator at kumuha ng pitsel. Dumampot din ito ng babasaging baso.

Ito pa talaga ang nagsalin ng tubig sa baso saka iniabot sa kaniya. Kaagad naman niyang nilagok ang tubig at humingi pa ulit. Pawisin siya kaya nakadalawang palit na siya ng damit.

“Baka nagugutom ka rin. Gusto mo ba ng sandwich?” tanong ng babae.

“Puwede ba?”

“Oo naman. Pero bago ang lahat, ako nga pala si Grace. Dito ako lumaki sa orphanage at nagtatrabaho na rin dito. Nagtuturo ako sa mga bata ng aralin,” pagkuwan ay pakilala nito.

“Nice. I’m Terrence,” aniya.

Kumuha ng isang sandwich si Grace pero natigilan nang magsalita si Elise.

“Huwag mong bawasan ang sandwich. Bilang iyan para sa mga bata. May sobra pa namang loaf bread, gawa ka na lang,” anito kay Grace.

Ibinalik ni Grace sa kahon ang sandwich. Inirapan nito si Elise na abala pa rin sa pagluluto, ni hindi sila sinipat.

“Huwag na pala. Bibili na lang ako ng snack sa labas,” sabi na lamang niya.

“Sige, sir. Pasensiya ka na,” dismayadong wika ni Grace.

Ngumiti lang siya saka lumisan. Hinila niya ang pinto nang palabas siya ngunit sira ata ang bisagra at mabilis nagsara kaya naipit ang kaniyang kamay.

“Put-tang*na!” Napalutong ang pagmumura niya. Naitulak niya pabukas ulit ang pinto.

“Ang bastos naman ng bibig niyan,” sabi ni Elise.

Terrence bit his lower lip and silently cursed again. Kaagad siyang tumalikod para hindi makita ang reaksiyon ni Elise.

“Sorry, naipit kasi ang kamay ko ng pinto,” aniya.

“Huwag kang magmumura sa harap ng mga bata. Hindi magandang pakinggan,” sabi nito sa matigas na tinig.

“Okay. Sorry ulit.” He didn’t bother to face Elise. But deep inside, he found her interesting.

Gusto niya ang babaeng may katarayan, iyong sinisita siya sa mga ginagawa niya na hindi nito gusto. Ibang-iba si Elise noong gabing nakaniig niya ito. Kung sa bagay, may mga tao talaga na pansamantalang binabago ng alak ang ugali.

MASAYANG bumalik si Elise sa orphanage pagka-graduate niya ng college. Sa Pampanga siya nag-aral ng college at sagot pa rin ng mga madre ang pag-aaral niya. Isang buwan pagkatapos ng graduation ay inimbeta siya ni Sister Feliz na magsilbi naman sa mga bata sa orphanage kung saan siya lumaki.

Graduate siya ng Bachelor of Science in Social Work. Kasama niyang bumalik sa Conception, Tarlac si Grace, kasabay rin niyang lumaki sa orphanage. Nagtapos naman ito ng secondary education. Naghihintay pa ito ng schedule para sa board exam. Pareho silang twenty-five years old pero mas matanda ito ng dalawang buwan sa kanya.

“Nakatulog ka ba kagabi, Elise?” tanong ni Grace habang inaayos nila ang mga gamit nila para sa activity ng mga bata sa araw na iyon. Nasa class room na sila ng orphanage at tapos na magluto.

“Hindi masyado,” sagot niya habang inaalis sa kahon ang mga coloring books.

“Pareho tayo,” natatawang sabi ni Grace.

Nakisiksik kasi sila sa mga bata kagabi dahil wala nang bakanteng kuwarto na matutulugan. Pero hindi iyon ang dahilan bakit hirap siyang makatulog, kundi ang gabing naganap sa rest house nila Sister Feliz.

Masama pa rin ang loob niya dahil pagkatapos na naisuko niya ang kaniyang sarili kay Thrasius, binalewala pa rin siya. Tila walang nangyari at hindi siya pinansin. Sa inis niya’y umalis siya nang maaga sa rest house at bumalik sa orphanage.

Kulang pa ang mga upuan kaya pumasok siya sa stock room at naghanap ng lumang silya pero maayos pa. Nakita niya ang pamilyar na armed chair. Hinila niya ito at sinilip ang likuran. Awtomatikong bumalik ang kaniyang isip sa nakaraan nang makitang nakaukit pa rin sa likod ng silyang kahoy ang iginuhit niya noon.

Noong twelve years old siya, gumuhit siya sa likod ng silyang ‘yon ng imahe ng dalawang bata, babae at lalaki na magkahawak ang mga kamay. Ginamit niyang pangguhit ay ballpen. Nakaukit din ang pangalan niya at ng lalaking gustong-gusto niya, si Jelo o Thrasius.

“Jelo love Elise”, mga pangalang inukit niya kalakip ng imahe ng dalawang bata.

Binalot ng pait ang kaniyang puso nang maisip ang pagbabago ni Jelo. He was her childhood sweetheart, her first crush. Madalas siyang binu-bully noon ni Jelo dahil iyakin siya at patpatin. Pero sa lahat ng batang lalaki na kasama niya sa orphanage, si Jelo ang naging sandigan niya sa tuwing naaalala ang masaklap na nangyari sa kaniyang pamilya.

“Elise!” tawag ni Grace.

Awtomatikong bumalik sa realidad ang kaniyang isip. Hinila na niya ang napiling silya saka inihanay sa iba pa. Nagsidatingan na rin ang mga bata. Siya ang napili ni Sister Feliz na magturo sa mga bata dahil alam nitong may talento siya sa drawing.

Aliw na aliw siya sa mga bata na abala sa pagkukulay ng mga coloring books. Isa-isa niyang nilalapitan ang mga bata at itinatama ang mga ginagawa ng mga ito.

Si Grace naman ang nagtuturo sa ibang bata na magsulat. May umiikot ding madre at sinasaway ang ibang bata na makulit. Tinutukan niya ang pitong taong gulang na batang babae na hirap na hirap sa pagkukulay ng drawing na aso.

“Puwede pong kulay brown ang ulo ng dog?” tanong ng bata.

“Yes, ikaw ang bahala,” nakangiting sagot niya. “Huwag mong kulayan ang mata ah? Iba ang-”

“F*ck! T*ngina!” malutong na mura ng baritonong boses lalaki na siyang pumutol sa pagsasalita ni Elise.

“Sino ba ‘yon? Ang bastos naman ng bibig!” bulalas ni Sister Anna.

“Sh*t!” Nasundan pang pagmumura ng lalaki.

Marahas siyang lumingon sa pintuan kung saan niya narinig ang boses ng  lalaki. Mariing kumunot ang noo niya nang makita ang lalaking pinupulot ang mga nalaglag na naka-pouch na juice at ilang sandwiches. Nang tumayo ito ay nawindang siya. Pamilyar sa kaniya ang bulto nito. Sa unang sulyap ay si Thrasius ang kaniyang nakikita.

Hindi niya makita ang buong mukha nito dahil nakayuko at natatakpan ng isang madre. Pero sigurado siya na ito ang lalaking nagmura rin sa kusina. Pamilyar kasi ang boses nito.

“S-Sorry, guys. Inutusan lang ako ni Sister Filez na maghatid ng meryenda,” sabi ng lalaki.

Si Sister Anna ang nag-assist dito.

“Uy, si Terrence!” bulalas ni Grace.

Hindi niya pinansin ang kaibigan kahit kinalabit siya nito sa balikat. Nakatutok kasi siya sa lalaki. Curious siya rito kasi kilala nito si Sister Feliz. Akala niya kasama ito ng mga bisita na sponsor sa budget ng pagkain pero nakaalis na ang mga ‘yon. Kung lumaki rin ito sa orphanage, dapat kilala niya ito. Nang muli siyang lumingon dito, nakatalikod na at paalis. Hindi siya mapakali at talagang pamilyar sa kaniya ang lalaki.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Almira Gazmin Quei
Thank you dear ...️...️...️ Taga Tarlac ka ba dear? dahil lagi mong gamit ang location ng Tarlac ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status