Share

Chapter 13

PAGKATAPOS ng tanghalian ay sinamahan ni Terrence ang dalawang madre sa warehouse ng mga itlog. Pinagpili niya ang mga ito ng bibilhin at gusto ng bago. Sampung tray ng itlog lang naman ang bibilhin ng mga ito kaya isinama na niya ang tray at pinili lang ang luma.

Ang buong manok na malinis na ang pinakuha na niya sa tauhan at dinala sa lobby. Doon na sila nagkuwentahan. Ang laki ng discount na binigay niya kay Sister Feliz, may pa-bonus pa siyang dalawang buong manok. Hindi na niya pinabalot ang mga ito at sa iisang kahon na lang inilagay.

Matapos ang bayaran, naisip naman niyang kausapin ang kaniyang tiyahin tungkol kay Elise. Alam malamang nito ang kuwento ni Elise noong bata.

“Bakit, ano ba ang nangyari kay Elise?” tanong ng ginang.

Nasa opisina na sila.

“Kagabi kasi ay may pumasok na magnanakaw rito at may baril, pinaputukan ang tauhan ko. Katatapos lang naming kumain ni Elise noong may nagpaputok ng baril. Tapos biglang nagulat si Elise, nanginig, takot na takot. Na-shock
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status