Share

The Role Play
The Role Play
Author: White Eagle

PROLOGUE

Sa paglipas ng dalawang taon ay alam kong limot ko na ang aking nararamdaman para sa taong huli kong minahal kaya naman hinahayaan ko ang aking sarili na makakilala at makasalamuha ng ibang tao.

"Sir, here is the menu," saad ng waiter saka niya iniabot sa akin iyon. Kinuha ko naman iyon.

"I will order later. Hihintayin ko lang yung kasama ko," wika ko.

Narito ako ngayon sa Carina's Hotel and Restaurant dahil may kikitain akong isang kaibigan. Kay tagal kong pinag-isipan ang bagay na ito at sa wakas ay makikilala ko na rin siya.

Habang nakaupo ako ay iniisip ko ang kanyang hitsura—ang hubog ng kanyang katawan, kulay ng kanyang balat at ang kanyang mukha. Sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayang madami na palang pumapasok na mensahe sa aking cellphone na nakapatong sa mesa.

Nang makita ko iyon ay biglang tumibok nang mabilis ang aking puso.

"Hi! I am here na sa labas ng resturant. Saang table ka nakaupo?"

Ito ang laman ng kanyang mensahe.

"Hintayin mo na ako diyan sa labas. Susunduin kita," reply ko.

Tumayo ako at inayos ang suot kong puting long sleeves na nakatupi hanggang sa aking siko na naka-tuck sa aking kulay Itim na maong pants. Putcha! Pumorma pa ako para sa kanya. Dapat maganda ang first meet up namin.

Paalis na ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.

"No. Just stay there. Ako na lang ang maghahanap sa 'yo. See you.” Iyan ang laman ng message.

Hindi ko na na-reply-an ang kanyang chat dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Muli na ba akong iibig?

"Hi, my virtual friend," biglang rinig ko mula sa aking likuran.

Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko dahil sa boses na narinig kong iyon. Hindi ko malaman kung sasagot ba ako o tatahimik na lang. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba siya o ipapako na lang ang aking tingin sa iisang direksiyon.

"Hey!” Kalabit niya sa aking balikat.

"I am Sakura, your virtual friend. Ikaw ba yung ka-meet-up ko?" saad niya ngunit nanatili akong nakaupo at hindi ko pa rin siya nililingon.

"I am sorry, sir. Mukhang namali yata ako nang nahanap. Parehas kasi kayo ng damit nung taong kikitain ko. Naka-white long sleeves din siya, eh. Kaya siguro hindi ka lumilingon kasi hindi ikaw 'yon. Pasensiya ka na, Sir, ah.Tatawagan ko na lang siya."

Pinakiramdaman ko muna siya at sa tingin ko ay kasalukuyan siyang nagse-cellphone dahil narinig ko ang tunog nito.

Ilang segundo lang ay tumunog ang aking cellphone at nakita ko sa screen nito ang kanyang pangalan.

"My gosh! Ang tagal naman niyang magreply," reklamo nito ngunit nanatili akong nakaupo at nakatitig lang sa aking cellphone.

Ilang segundo lang ang nakalipas.

Sakura is calling….

"Sir," aniya sabay kalabit ulit sa aking balikat.

"Ikaw naman pala yung ka-meet ko eh. Bakit ayaw mo akong lingunin? Ikaw ha. Baka nahihiya ka? Sorry. Madaldal pa naman akong tao," dire-diretso niyang saad saka rin siya umikot at diretsong umupo sa harap ko ngunit hindi pa niya ako nakikita dahil ako ay nakayuko lang.

Wala akong lakas ng loob na tumingin sa kanya sa mga sandaling ito. Hindi ko alam.

"Oy na-miss kaya kita. Mahal na nga ya—” Natigil ang sinasabi niya nang bigla ko siyang titigan at nagtama ang aming mga mata.

Sa wakas ay nagkaroon na ako ng lakas ng loob na para titigan siya.

Ang ganda niya, sobra. Ang ganda niya sa suot niyang dress na off-shoulder na kulay black and white tapos naglagay siya ng konting kolorete sa kanyang mukha at ang buhok niya naman ay nilagyan niya ng pin na may design. Kahit sinong lalaki ay maiinlove sa kanya ngunit gusto kong ako lang ang lalaking iyon.

Sa gulat niya ay akmang tatayo na siya ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa upang pigilan siya sa pag-alis. Sa pagkakataong ito, nananaig ang nararamdamn ko para sa kanya.

"Na-miss din kita," nakangiting tugon ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status