Share

CHAPTER 2.2

VICTOR'S POINT OF VIEW

SOBRANG laki ang ikinagulat ko at labis ang kaba ko nang makita ko si Presy pagkabukas ko ng pinto na hawak ang gamit niya.

NAKATAGO ako ngayon sa ibang parte ng pintuan habang nakatitig sa kaniya. Halatang pumuputok ang ulo nito at umaapoy sa galit.

Hindi ko lubos maisip kung ano ang sasabihin ko sa kaniya upang paniwalaan niya akong ilalabas ko lamang ang kaniyang underwear upang mas madali itong matuyo.

"BAKIT hawak mo yan. Saan mo dadalhin yan?," sabay turo sa hawak kong puting underwear.

Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko ni hindi ko na alam kung ano ang umiikot sa isipan niya.

Isang lalaking nakahawak ng underwear ng isang babae? I can't imagine!

Hinablot niya ito tsaka ako binulyawan.

MATAPOS kaming magtalo ay nagtungo na ako sa kuwarto ko hawak ang aking sando tsaka nagpahinga. Napag-isipisip ko, hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa nangyari. Pagkap-kap niya sa akin ay muntik niya masagi ang sandata ko kaya lumihis ako ng kaunti baka biglang magalit at hindi alam ang susunod na mangyayari.

LINGGO ngayon kaya naisipan kong maglaba habang day off ko. Mga ilang araw na rin kasi akong hindi nakapaglalaba kaya nilabhan ko lahat maging ang mga uniporme ko.

NANDITO ako ngayon nakaupo nagpapahinga dahil pagod sa paglalaba at pagsasampay. At pagod ding makinig sa mga taong akala mong maglalaba, magchichikahan lang pala. At uunahan pa ako sa sampayan. No way!

Hindi ko ba alam kung talagang sinunsundan niya ako o talagang nang-aasar lang.

Habang nagpapahinga at pampalipas ng oras ay panandaliang binuksan ko ang f******k account ko. May chat pala sa akin si Sakura na hindi ko pa nababasa. At sakto namang online siya kaya nireplyan ko rin agad.

"Hi. Pasensya na at ngayon ko lang nareplyan ang chat mo. Late na kasi ako sa trabaho noon," paliwanag ko sa kanya.

"Okay lang naman,'di pa naman kita masyadong kilala. Ano na pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon?," sagot niya.

"As usual. Day off ko ngayon. Kaya nga gusto kitang mas makilala dahil na rin siguro sa pagiging curious ko sa iyo dahil wala kang profile picture na katulad ko. Kaya pwede sanang malaman ang tunay mong pangalan,"bato ko naman sa kanya na talaga rin namang interesado ako.

"Siguro sapat na hanggang ganito na lang tayo. Na kahit hindi tayo magkakilala basta nag-uusap at nagkukumustahan," paliwanag niya sa akin.

"Sige kung iyan ang gusto mo.  

Maiba tayo,kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Ah oo katatapos ko lang. Hindi nga ako masyadong nakakain kasi masakit ang tiyan ko. Nalipasan ata dahil madaming inaasikaso ," sagot niya sa akin.

"Siguro ang dami dami mong ginagawa no kasi pati kumain nakakalimutan mo na?," tanong ko sa kanya.

"Hindi kasi ako makakakain ng maayos kung pagod na ako galing sa trabaho. Siguro tama ka, nalipasan yata ako ng gutom kasi kanina naglinis agad ako," paliwanag niya sa akin.

Tumigil kami sa pagchachat nang marinig kong may napigtas na alambre mula sa pinagsampayan ko.  

Napigtas at lublob sa maduming lupa ang nilabhan ko.

Ibinaba ko ang telepono na hawak ko at nagtungo sa sampayan. Napakamot ako sa ulo dahil sa kabila ng pagod ko sa pagkukuskos at pagsasampay ay ganito lang mangyayari.

Ilang segundo ring pinagmasdan ko ang mga isinampay ko bago ko ito inasikaso.

Habang nagpupulot ako ng maruruming damit ay narinig kong tumatawa si Presy. Siguro ang saya-saya niya at pinagtatawanan na niya ako. As usual. Napakasama.

Naalala kong hindi pa pala ako nagpapaalam kay Sakura kaya saglit akong nagtungo sa kinaroroonan ng telepono ko.

"Cge na muna ah, may gagawin lang ako. Tapusin ko lang ang trabaho ko sa bahay. Ingat ka lagi. Huwag kang magpapalipas ng gutom at magpapakapagod. Hanggang sa muli,"pamamaalam ko kay Sakura.

" Ah okay sige po. Ikaw rin mag-iingat ka palagi at matulog ng maayos kung kinakailangan. Sige," pamamaalam niya rin sa akin.

MATAPOS kong maglaba ay nagtungo ako sa banyo upang maligo. Pagpasok ko sa banyo ay napatigil ako. Basta, hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa ngayon. Nakasilip ako ngayon sa may isang butas ng kabilang banyo.

"Tanya paki-abot naman ng tuwalya ko,"utos nito kay Tanya.

"O eto na,yan kasi ang problema sa iyo. Pumupunta ka sa banyo na hindi kumpleto ang gamit,"sabat naman nito kay Presy.

Napatigil na lamang ako nang narinig ko ang boses ni Tanya. Nandito pa pala itong babaeng to.

Kaya ipinagpatuloy ko ang pagligo.

Linggo ngayon, kaya kahit buong maghapon ay pwedeng matulog. Kaya matutulog muna ako.

Pero bigla akong nagising nang may kumatok sa aking pinto. 

"Ano!?!” sigaw ko sabay bukas ng pinto.Tumingin ako sa relo ko. Alas-singko na pala ng hapon.Napahaba ata ang tulog ko.

"Hoy,huwag mo akong sigawan. Naririnig mo ba? Ang lakas ng ulan! Mababasa na lahat ng sinampay mo! Pinapaalalahanan lang kita. Ako na nga lang nagmamalasakit ikaw pa itong galit,” bulyaw sa akin ni Precy.

Oo nga pala may sinampay ako.  

Hindi ko lang mawari na may kabutihan rin pala ’tong "gagang" babaeng ’to.

Tumakbo ako palabas upang kunin ang mga nilabhan ko. Sumunod naman si Precy upang kunin rin ang kanyang nilabhan.

Dahil basang-basa na ang puting damit ko ay hinubad ko ito.Pagkahubad ko ng puti kong sando ay napansin kong nakatitig si Precy sa katawan ko. Hinayaan ko muna siya hanggang sa…

"Oh ba't ka nakatingin sa akin?” tanong ko kay Precy na akala niya ay hindi ko napansin ang pagsulyap niya sa akin.

"Hoy, kung akala mong pinagmamalisyahan ko ang katawan mo. Mahiya ka. Wala ni isang buhok ng katawan ko ang kinalabutan sa katawan mo. Akala mo naman kung ang ganda-ganda ng hubog,” aniya sa akin at umalis na ito.

Isinampay ko na lamang lahat ng nabasang damit sa may koridor at pagkatapos ay ipinagpatuloy ko ang pagtulog ko. Nakatulog ako na hindi man lang nag didinner .

MAG-AALAS-SAIS na nang nagising ako. Magpapainit pa kasi ako ng tubig pangkape. Sapat na siguro ang walo at higit pang oras upang hindi ako antukin sa trabaho. Habang nagkakape ay napag-isipan kong ichat muna si Sakura. Napansin ko kasing online siya kaya 'di ako nag-atubiling ichat siya.

"Good morning,” bati ko sa kanya.

Tatlong beses ko siyang binati pero di parin siya nag-rereply. Malamang ay natulugan niya ang phone niya kagabi kaya hanggang ngayon ay online siya.

Mag-aalas-otso na nang maghahanda na akong umalis. Suot ang puting uniporme at itim na pantalon.

Papasok na sana ako sa trabaho nang tumawag si tatay.

"Hello anak, kumusta ka na? Ipapaalala ko lang sana sa'yo na sa makalawa na ang bayaran ng kuryente. Pasensiya ka na anak wala na kasi kaming pagkuhanan ng pambayad sa kuryente. Namomroblema pa kasi ako sa pantuition ng kapatid mo sa susunod na semester", aniya sa akin.

"Ah sige po Tay, bukas na bukas ay magpapadala ako sa inyo pati na rin po sa pantuition ng kapatid ko. Sige po Tay papasok na po ako sa trabaho", paalam ko kay Itay sabay paandar sa sinasakyan kong motorsiklo.

Malapit na ako sa mismong Ospital nang biglang tumigil ang motorsiklo ko

Ano ba naman ito. Ngayon na nagmamadali ako saka namang naflatan.

Itinulak ko ang motorsiklo ko hanggang sa Vulcanizing shop. Mga isang daang metro lamang siguro ang layo ng Vulcanizing shop mula sa pinagflatan nito kaya nagawa kung itulak ito.

Malelate na ako dahil alas-syete imediya na ng umaga kaya napagpasyahan ko munang iwan ito at balikan na lang.

"Manong, pwede ko po bang iwan na lang muna dito ang motor ko balikan ko na lamang po pag-uwi ko galing Ospital?"pakiusap ko kay Manong.

At pumayag naman ito kaya dali-dali akong naglakad papuntang Ospital dahil alam kong mapapagalitn na naman ako kay Director pag nalate ako.

MATAPOS ang trabaho ay dali-dali akong nagtungo sa Vulcanizing shop.

Nang balikan ko ang aking motorsiklo habang naglalakad ay naaninag ko ang mukha ng isang babae. Malayo pa lamang ay pamilyar na ito sa akin.

Si Precy. Nilapitan ko ito at hindi nga ako nagkamali. Si Precy nga. Naabutan ko silang nag-uusap tungkol kay Tanya.

"Manong, nandiyan pa po ba si Tanya? Pakisabi naman po na hinihintay ko po siya", tanong nito kay Manong.

"Ah sige. Hintayin mo at tatawagin ko lang siya saglit", sagot naman ni Manong sa kanya.

Pagbalik ni Manong ay kinausap niya ulit si Precy. Hindi ko na narinig ang napag-usapan nila kaya lumapit na ako at nagtanong.

"Manong, maayos na po ba yung motorsiklo ko po?",tanong ko kay manong habang kinakausap niya si Precy.

Hindi yata narinig ni Manong kaya inulit ko ang pagtatanong.

"Manong,magandang hapon po. Okay na po ba itong motorsiklo ko?" paulit kong tanong nang biglang nagsalita si Precy.

"Victor hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami. Hintayin mo munang matapos kami saka ka makipag-usap kay Manong. Wala ka bang napag-aralan,” sumbat nito sa akin na parang gigil na gigil sa akin at gusto na niya akong sabunutan.

"Tinatanong ko lang naman kung okay na ito. At kung okay na babayaran ko lang naman at aalis na ako. Yun lang!" sagot ko sa kanya sabay sakay sa motor tsaka umalis.

Umalis na ako at nagpunta sa boarding house. Nang makarating ako ay nakita ko ang pintuan ni Precy na nakabukas. Dahil sa nacurious ako ay napag-isipan kong pumasok muna total wala naman siya dahil pumasok siya sa trabaho niya. Tsaka hindi niya ako maaabutan.

Pagpasok ko ay naabutan kong bukas ang kaniyang ilaw at electric fan. Grabe tong babaeng to. Madami na nga lang bayarin sa kuryente, nag-aaksaya pa siya.

Napasarap ang upo ko sa may harapan ng electric fan at kaya naman hindi ko namalayang nakaidlip pala ako.

NAGISING na lamang ako nang marinig ko ang huni ng tricycle at ang boses ni Presy. Alas- dos na pala ng umaga.

Dali-dali akong lumabas at pumasok sa kuwarto ko. Kinakabahan ako na baka nakita ako ni Precy na pumasok sa kanyang kuwarto.

"Eto po bayad Manong,” narinig kong sabi niya. Hula ko ay nakababa na siya sa tricycle.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam kong nakapasok na siya sa boarding house. Ang mga yabag niya ay naririnig ko at pinapakiramdaman ko lang yon. Mas idiniin ko pa ang tenga ko sa pinto para marinig ko nang maayos ang kanyang mga galaw.

Napatalon ako sa kinatatayuan ko noong bigla siyang nagsalita.

Kinapkap ko ang magkabilang bulsa ng pantalon ko at nanlaki ang mata ko.

Kinabahan ako at para akong nakidlatan.

Ba't wala iyon sa bulsa ko?

Paano na ’to?

Paano ko kaya yun makukuha?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status