Share

CHAPTER 4.1

PRECY'S POINT OF VIEW

Kinakabahan na nanenerbiyos na bigla kong kausapin si Victor.Buti na lamang ay hindi ko sinabi sa kaniya ang hangarin ko. Dahil sa magkahalong takot at inis ang nararamdaman ko kay Victor sa tuwing nakakausap ko siya.

Kung kaya't tinalikuran ko si Victor at iniwan sa baba. Mabilis akong umakyat at umupo sa may parte ng hagdanan. Iniisip kung sasabihin ko na talaga itong nararamdaman ko. Pero kung sasabihin ko ito ay baka isipan niyang desperada ako. O baka sabihin niyang ginawa niya lang 'yun upang matigil na ako at wala lang sa kanya iyon.

Magaalas-kuwatro na at nandito pa rin ako sa hagdanan nakaupo, tumatawag sa telepono at nagmumuni-muni. Umakyat na lamang ako at naligo upang maghanda papuntang trabaho.

Nakarating ako sa trabaho ng tamang oras dahil may gusto akong pag-usapan with Tanya. Nilapitan ko siya at hindi na akong nag-atubiling tanungin siya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status