Share

CHAPTER 1.2

Chapter 1.2

VICTOR'S POINT OF VIEW

NAGISING ako ng mga bandang alas-kuwatro ng madaling araw dahil sa malakas na tugtog ng katabi kong kuwarto. Alien ba 'tong nakatira dito at ganoon na lamang siya mambulabog ng kanyang kapit-bahay?

Sa inis ko ay tinungo ko ang kaniyang kuwarto saka kumatok nang kumatok. Hindi lang ito ang araw na naistorbo ako ng taong 'to. Pinalalagpas ko lang ang ginagawa niya noong mga nakaraang araw pero ngayon ay hindi na.

Isang buwan ng ganito ang kapitbahay ko. Kung lalaki man siya ay gusto ko siyang pagsususuntukin. Wala siyang respeto.

‘’Hoy, ka rin. Kung ayaw mong maistorbo maghanap ka ng ibang apartment mo. Akala mo naman kung sinong kumatok nang napakalakas sa pintuan ko. Hindi mo ako pinapakain para lamang sigawan,’’

Babae pala siya. Unang beses ko pa lang siyang makita.

"Miss, kung inaakala mong ako dapat ang umalis, nagkakamali ka. Matagal na akong nangungupahan dito kaya kung may dapat na umalis dito, ikaw ’yon. Kabago-bago mo pa lang pero kung umasta ka ay parang sa 'yo ang lahat ng 'to ah. Patayin mo ‘yang tugtog kung ayaw mong pumasok ako para sirain ang speaker mo. Nakakaabala ka na. Pinalalampas ko yung mga nakaraang araw, pero this time hindi na," sagot ko.

Akala mo naman kung sino siya. Dahil sa inis ko ay gusto kong pumasok sa kwarto niya para basagin ang lintik na speaker na iyon. Tang\*na. Nakakasira ng araw.

Bumalik ako sa kwarto kong nakakunot ang noo. Siya na nga yung nakaistorbo tapos siya pa ang may ganang magsalita ng ganun. Kung hindi lang siya babae ay malamang sinuntok ko na.

Sinubukan kong matulog ulit ngunit hindi ko na magawa dahil gising na gising na ang aking diwa.

Kaya naman kinuha ko na lang ang aking cellphone saka inopen ang F******k app.

Hindi kasi ako palakaibigan na tao ngunit dahil sa mundo ng social media ay nakakakilala ako ng ibang tao gamit ang hindi ko tunay na pangalan at larawan.

Dalawa ang account ko sa F******k. Yung isa ay para lamang sa aking mga kamag-anak at ang isa ay ginagamit ko para makakilala ng ibang tao.

Hindi ko alam kung bakit ako ganito.

Nang dahil sa f******k, iba' ibang klase ng tao ang aking nakikilala.

Sa pag-iscroll ko ay nakakita ako ng account na cartoon character din ang pangalan. Siguro ay katulad ko itong ayaw magpakilala base sa totoong siya. Hindi lang pala ako ang ganito.

Naging stalker ako sa mga oras na ito ngunit wala akong ibang makitang post niya kundi tungkol lamang sa mga cartoon characters at ibang shared post about pag-ibig.

Nagfriend request ako sa kanya at sinubukan kong ichat ang account na iyon nang walang pag-aalinlangan.

"Hi,’’paunang chat ko sa kanya.

"Hello," reply niya.

Akala ko naman ay snob ang isang 'to.

Itinigil ko muna ang pagfe-F******k dahil kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok kaya nagtungo na agad ako sa banyo.

Dahil walang tumutulong tubig sa gripo ng aking CR ay sa kabila ako pumasok.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis lang ako ng tuwalya saka lumabas.

Eksaktong pagkabukas ko ng pinto ay nandoon ang babaeng nakasagutan ko kanina.

Kagaya nang inaasahan ko ay nagkasagutan na naman kami ngunit nang marindi ako sa kanya ay nagtungo na rin ako sa kwarto ko para makapagbihis.

Pagkabihis ko ay lumabas na ako mula sa aking kwarto. Nadatnan ko naman sa kusina ang babaeng nangungupahan sa kabilang silid.

Kumakain ito ngunit nakatingin siya sa akin.

Pinalalahanan ko na siya na sana ay huwag na siyang mang-iistorbo mamaya pero nagkasagutan na naman kami kaya umalis na lang ako dahil malelate ako kapag nakipagbangayan pa ako sa babaeng iyon.

Sumakay na ako sa motor ko saka ako nagtungo sa San Lorenzo Medical Center.

PASADO alas-onse na ng hapon nang bumalik ako sa apartment dahil may nakalimutan akong gamit ko.

Nadatnan ko naman ang dalawang babaeng nag-uusap sa labas ng apartment.

ALAS- DOSE na nang makabalik ako sa SLMC dahil umidlip pa ako ng ilang minuto.

Break time namin ng tumawag sa akin ang aming landlady. Sinabi nitong sira raw ang tubo ng CR at kailangan na raw ayusin. Alam ko namang mag-ayos ng mga ganoon ngunit pagod ako kaya nakiusap ako na maaga ko na lang bukas na aayusin.

Nakauwi ako sa apartment ng mga bandang alas singko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin para makapagpahinga nang maaga.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para mag-ayos ng tubo. Pagkatapos ko sa labas ay inayos ko naman sa loob maging ang tubo sa banyo ng masungit kong kapit-bahay.

Dahil naiinitan ako ay tinanggal ko ang aking sando saka isinampay sa bakal na nasa loob ng CR.

Sa di inaasahan ay nakita ko ang nakasampay na puting underwear ng babae.

Naku po! Patawarin ako ng Diyos.

Binilisan kong tapusin iyon bago pa ako madatnan ng mala-tigreng babaeng nasa kabilang kuwarto.

Kinuha ko rin ang naka-hanger na underwear para sana dalhin sa labas upang maarawan. Nagmamalasakit lang ako baka kasi mag-iba ang amoy nito kapag hindi naarawan.

Binitbit ko na iyon saka ko binuksan nang maluwang ang pinto.

"B-bakit hawak mo yan?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status