Share

Chapter 30

Nag-iimpake ako ng ilang mga gamit para sa pagpunta namin ni Kale sa Bangladesh dahil doon raw kami ikakasal.

Isa iyon sa mga bansa kung saan legal ang minor age wedding. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari ngayon pero siguro ay dahil marami lang akong iniisip nitong mga nakaraang-araw.

Masyado nang pagod ang puso ko para isipin pa ang mga pinagdadaanan ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko at siguro ay kailangan ko nalang itong harapin.

"Christian, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik dyan, ah?" Tanong ko kay Christian na kasama ko dito sa loob ng kwarto ko.

Napansin ko kasi na kanina pa siya tahimik. Sasama rin siya sa Bangladesh sa kasal na gaganapin sa amin ni Kale.

Tumingin naman sa akin si Christian. "Bliss, sigurado ka na bang pakakasalan mo si Kale? Hindi ba't hindi mo naman siya mahal at si Ash ang mahal mo? Papayag ka nalang bang matali sa isang relasyon na alam mong hindi ka magiging masaya?" Nag-aalala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status