Share

Chapter 26

Sobrang sama ng titig ni Kuya Andrei kay Kale habang kaharap namin siya kasama si Tita Josephine. Pinatawag sila ng pamilya ko para komprontahin tungkol sa ginawa ni Kale sa akin.

Hindi ko na muna binanggit na may nangyari na sa amin dahil panigurado na mas lalo lang madadagdagan ang galit nila lalo na si Ash. Hindi pa ako handang sabihin iyon sa kanya at kung pwede nga lang ay itatago ko nalang ang pagkakamali kong iyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo para kidnappin ang kapatid ko at itago siya sa amin. Sino ka ba para gawin 'yon, ha?" Sigaw ni Kuya Andrei at dinuro niya si Kale na kanina pa tahimik at walang halos imik.

Pilit namang pinapakalma ni Mama si kuya at si Papa naman ay tahimik lang habang pinagmamasdan kami. Si Ash ay katabi ko habang nakahawak siya sa isang kamay ko at si Christian naman ay nasa tabi lang namin.

Hindi pa rin sumasagot si Kale sa sinabi ni Kuya Andrei kaya mas lalo lang nadagdagan ang galit ng kapatid ko sa kanya.

I've never seen my brother would be so mad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status