Share

Chapter 27

Marahang hinahagod ni Christian ang likod ko habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak ko. Nang kumalma na ako ay binigyan niya ako ng isang basong tubig at ininom ko naman iyon.

It's already 11pm in the evening at nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko kasama si Christian. Sinasamahan niya ako sa matinding pag-iyak ko magmula pa kanina.

Kanina pa nakauwi sina Kale at si Tita Josephine. Sina Mama at Papa naman ay nasa trabaho na nila sa kompanya namin at overnight sila doon habang si Kuya Andrei ay bigla nalang umalis at hindi ko alam kung nasaan siya nagpunta.

Alam kong maging pati siya ay tutol rin sa desisyon ni Papa na ipakasal ako kay Kale at masama ang loob niya doon.

"Christian, bakit ganon si Papa? Bakit pinagtutulakan niya akong pakasalan si Kale? Hindi ba niya naiisip 'yung nararamdaman ko?" Puno ng hinanakit kong sabi.

Inakbayan naman ako ni Christian at pinunasan niya ang mga luha ko. "Alam mo Bliss, naiintindihan ko 'yung Papa mo kung bakit naging ganoon ang desisyon ni
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status