ALANIS POV
Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng mga kaklase ko dito sa loob ng classroom. Hinihintay pa namin ang unang adviser na magtuturo sa amin kaya hiyang-hiya na ako sa kinauupuan ko.Napagitla pa ako nang may tumabing lalake sa akin na magiging kaklase ko rin sa inuupuan ko sa dulo. Ang dalawa naman niyang kasamang lalake ay nakatayong pumwesto sa gilid niya."Hi, miss! Transferee ka?" Tanong sa akin nung lalake. Tumango ako.They wearing a Black and White Varsity jacket at sa tingin ko ay mga basketball players sila ng YGA dahil matatangkad rin sila at malalakas ang tindig."I see. Ngayon lang kasi ako nakakita ng napakagandang babae sa YGA." Banat nito at nginitian ako. Gwapo ito at may pagka chinito."Julian, dumadamoves ka kaagad kay Miss Ganda. Hinay-hinay lang bro baka mailang siya sayo," Natatawang sabi naman nang kaibigan niyang moreno pero gwapo rin."Bad shot yan, sige ka!" Banta nung singkit na lalakeng katabi lang ng lalakeng moreno.Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa inis. Hindi pa ba ako nasanay sa ganitong mga scenario?Sa Masbate ay ganito rin naman. Lagi akong nilalapitan at binobola. Hindi ko alam kung bakit trip ako ng mga lalake. Simple lang naman akong babae at walang interes sa kanila."Ang iingay niyo talaga e, no?" Naiinis na sabi nung lalakeng tumabi sa akin.Tatayo na sana ako at lilipat ng upuan nang hinawakan niya ako sa braso."Wait, miss.. mukhang hindi yata bumenta sa'yo ang banat ko. Gusto ko lang makipagkaibigan sa'yo dahil mukhang wala ka namang kakilala dito sa classroom." Mahinahon niyang sabi.Naramdaman ko naman ang sincerity sa boses niya kaya umupo na lang ulit ako sa upuan ko at nginitian siya na ikinatulala niya.Hindi yata makapaniwalang nginitian ko siya dahil kanina ay poker face lang ang ipinapakita ko sa kanila."Ah. Okay lang, Salamat sa concern." sabi ko. Napangiti naman ito."Ako nga pala si Julian Saavedra. Nice to meet you, miss?""Alanis Vien. Nice to meet you rin.""Alanis. What a beautiful name, bagay sa'yo." Banat na naman nito kaya pinuna ko na siya."Ang hilig mo talagang bumanat. Pero tama ka, hindi bebenta sa akin yan." Kibit-balikat kong sagot na ikinatawa naman ng dalawang kasama niya.May nakakatawa ba sa sinabi ko?Nanlaki ang mga mata Julian at sa huli ay natawa na rin."Mukhang magkakasundo tayo nito, Alanis." Nakangiti nitong sabi."Hindi mo man lang ba kami ipapakilala kay Alanis, swapang na Julian? Nakakilala ka lang ng magandang babae kinalimutan mo na kami agad. Ouch!" sabi nung moreno at umacting pa ito na sumasakit ang puso niya. Natawa naman ako do'n."Siraulo ka talaga, Neil!" natatawang sabi ni Julian."Pagpasensyahan mo na ang kolokoy na 'to Alanis. 'yan si Neil at ako naman si Denver." Nilapitan ako nung lalakeng singkit at nakipagkamay sa akin. Ngumiti na lang ako.Mukha namang mababait sila at pwede ko na rin maging kaibigan."Pwede na ba tayong maging friends?" tanong ni Julian.Tumango ako, "Okay. Friends."Biglang tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase. Tumabi naman sa kabilang side ko sina Neil at Denver at kinindatan pa ako.Mabuti na lang at first day pa lang ng klase namin ay may nakipagkaibigan na kaagad sa akin at mababait pa.Break time na at bilang 3rd year high school students ay mas nauna nang 30 minutes ang break namin kaysa sa 4th year high school students.Sasabay sana sa akin sila Julian magrecess pero may basketball practice raw sila kaya bukas na nila ako masasamahan. Naa-appreciate ko ang pakikipagkaibigan nila sa akin. Mabuti na lang at hindi sila 'yung mga bastos at pacool lang na lalake sa isang babae.Si Uste ngayon ang kasama kong kumain. Umupo kami sa isang table dito sa Cafeteria at inilapag sa mesa ang mga inorder namin. Naikwento ko na rin sa kanya ang mga new friends ko at ito ang naging reaksyon niya."Nakipagkaibigan ka na nga lang at kila Julian Saavedra pa? Alam mo ba na mayabang iyon at bully pa?" Medyo pasigaw niyang sabi."Paninira lang daw 'yon sa kanya."Naikwento kasi sa akin ni Julian kanina sa room na sinisiraan raw siya ng mga estudyante sa YGA dahil sa Varsity Top Player raw siya at sinisira ang image niya para mag quit na siya sa Varsity Team at ang ipalit daw ay si Russel na 'Good Boy School President.' Mas gusto raw kasi nila na maging Varsity Top Player si Russel kaysa kay Julian."Anong paninira? Alam lahat ng estudyante dito sa YGA na mayabang siya at mahilig pang mambully. Nakipagkaibigan lang 'yon sayo dahil type ka niyan panigurado. Sinasabi ko 'to sa'yo, Alanis, 'wag ka kaagad magtitiwala sa mga taong kakakilala mo lang." umiiling na sabi ni Uste.Nakonsensya akong bigla. Tama si Uste, dapat ay hindi kaagad ako nakikipagkaibigan sa mga taong kakakilala ko lang dahil hindi ko pa naman sila lubos na kakilala."You're right cous. I'm sorry." Napayuko ako.He sighed and embraced me. "Okay lang. Mag-iingat ka lang, Alanis. You don't know how those guys wanted you to be their girl." sabi niya."Hi. Pwedeng makishare ng table?"Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko dahil siya na naman ang nakita ko."Oo naman President Russel. Ikaw pa!" Nakangiting sabi Uste sa kanya.He look at me then he smiled.ALANIS POV"Hi. Pwedeng makishare ng table?"Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko nang siya na naman ang nakita ko.Russel look at me then he smiled. Kaagad itong umupo sa upuan na katapat lang namin ni Uste at inilapag sa lamesa ang tray na may lamang mga pagkain niya."Dadaan ka ba sa gym mamaya, Russel? Magtatry out ka na ba sa basketball?" Tanong ni Uste na busy sa pagkain ng burger nito."Kapag sumali ako sa basketball team baka mawalan na ng alam mo na.. si Julian kaya 'wag na lang." Natatawa nitong sagot na ikinatawa rin ni Uste.Medyo nayabangan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon ipinahalata."Kung sa bagay, ibalato mo na lang sa kanya ang Varsity Team." sabi pa ni Uste.Ngumiti si Russel doon at nagkibit-balikat na lang.Tahimik lang akong kumakain hanggang sa pansinin ako ni Russel na medyo ikinagulat ko pa."Alanis, mabuti at dito ka inilipat sa school namin ni Uste para naman may kakilala ka rin dito kahit papaano." sa
ALANIS POV"How was your first day in YGA, baby?" Mama asked me while we're eating our dinner."Okay lang naman po, Ma. Uste was taking care of me in our school kaya maayos naman po ako doon." sabi ko.Kahit medyo naweweirduhan ako at pinagtitinginan palagi ng mga estudyante doon."It's good to hear that. How about you, Travis?" Mama asked kuya Travis."Girls in our school are.. weird." Tanging nasabi ni Kuya Travis habang patuloy pa rin ito sa pagkain niya.I know what he meant. Pinagkaguluhan na naman siguro siya sa bagong school niya katulad rin sa amin sa Masbate. My kuya is very handsome and smart at minsan ay nagpapart-time model rin siya para may extra money siya.Marami talagang nagkakagusto sa kuya ko kahit nung nasa Masbate pa kami pero halata namang wala siyang interest magkalovelife dahil ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga pinakamamahal niyang mga libro.Natawa naman si Mama dahil sa sinabi ni kuya. "Mag girlfriend ka na kasi anak, you're already 19 at hindi naman kita
ALANIS POVIt's my 2nd day here in YG Academy. Isang araw na naman para mag-aral at matuto sa mga lessons namin. Kasabay ko ulit si Uste papasok sa school. Akala nga yata ng iba ay magboyfriend/girlfriend kami dahil palagi na lang kaming magkasama. Hindi rin naman kasi kami magkamukha ni Uste kaya napagkakamalan talaga nila kami. Kung alam lang nila, pinsan ko ang lalakeng ito na inlove na inlove sa kaibigan ko."Shit." Rinig kong bulong ni Uste na nakatingin sa may harapan namin.Nang humarap naman ako sa tinitignan niya ay sila Julian ito kasama sina Neil at Denver na papalapit sa amin.Hindi sila naka proper uniform na required dapat sa YGA. Magtataka pa ba ako kung hindi sila mag-uniform ng naaayon sa rules ng school? Lolo ni Julian ang may-ari ng YG Academy kaya okay lang sa kanila na hindi magsuot ng proper uniform. Malakas ang kapit niya raw sa school na ito and he ruled it nga sabi ni Uste."Hi, Alanis! Nabalitaan ko na pinsan mo pala 'tong si Uste. Kung alam ko lang sana pal
ALANIS POVPakiramdam ko ay para akong nakuryente nang inakbayan niya ako. Bakit bigla na lang naging ganito ang apekto ni Russel sa akin?"Bilang Student School President ng YGA, I will tour you around here in our Campus. So, ang first stop muna natin ay sa soccer field." sabi niya na nakaakbay pa rin sa akin habang nilalakad namin ang patungong soccer field.Hindi ko na nga masyadong maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kuryenteng nararamdam ko sa buong katawan ko ngayon.Nang makarating na kami sa soccer field sa wakas ay tinanggal na niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at itinuro nito ang field na may mangilan-ngilang estudyante na nagpapractice ng soccer."They are YGA's Soccer Team. Every Wednesday to Thursday from 8:00am to 11:00am ay dyan sila nagpapractice ng soccer. They already won in different soccer competitions sa labas ng school natin. Their star player is your cousin, Uste. Alam mo na ba 'yon?" He asked. I nodded.Alam ko na si Uste ang star player ng YGA Soccer
ALANIS POVHalos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Bakit ko ba hinayaang halikan niya ako? At bakit ako tumugon sa mga halik niya?May gusto na ba talaga ako sa kanya? Sabi niya kasi gusto niya rin ako at nadala ako ng emosyon.Hays! Nakakasakit ng ulo! He got my first kiss too!"Alanis, Okay ka lang ba? Bakit parang matamlay ka?" Puna sa akin ni Marinel na busy sa pagtetake down ng notes namin sa English.Sasabihin ko ba sa kanya na naghalikan kami ng Student School President ng YGA? Kaibigan ko na rin naman siya kaya wala namang masama kung sabihin ko iyon sa kanya, hindi ba?I took a deep breath at humarap sa kanya. "Kahapon sa Gymnasium. Si R-russel at ako.. we k-kissed.." I confessed."What?"Napalakas naman ang tono ng boses ni Marinel dahil sa sinabi ko at napatayo pa. Nagtinginan tuloy sa kanya ang mga kaklase namin. Mabuti na lang at lumabas sandali ang adviser namin para pumunta sa office niya."Sorry," Paumanhin niya sa mga
JULIAN'S POVKung sinuswerte ka nga naman, nakita ko pa na naghahalikan sa loob ng Gymnasium sina Alanis at Russel kaya ang ginawa ko ay vinideohan ko silang dalawa habang naghahalikan.Pagkatapos kasi nila kahapon lumabas ng classroom ay nag-excuse ako kunwari kay Ms. Fuentes na mag ccr lang ako at sinundan silang dalawa. Napangisi ako, magandang pang blackmail ito para mapasunod ko si Alanis sa mga gusto ko dahil kapag hindi niya ako sinunod ay ikakalat ko ang video nila sa buong YGA at kahihiyan iyon para sa kanilang dalawa.Ang isang transferee student ay nakikipaghalikan sa isang nirerespetong Student School President? Ang talino mo talaga Julian!"Ang mataray na pinsan pala ni Uste my loves ang kinababaliwan mo ngayon, kuya?" tanong ni Chloe.Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya kuya ang tawag niya sa akin.Tumango ako at ininom ang wine na nakalagay sa lamesa.Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Why you seem so happy? May binabalak ka na namang masama, no?" I laughed."Ki
ALANIS POVNang mag-break time na ay kaagad akong nilapitan ni Marinel habang sila Julian naman at ang mga kaibigan nito ay nag-uusap.Hinila niya ako papalayo sa pwesto nila Julian saka kami pumwesto sa pinakasulok ng classroom."Bakit ka tinawag na babe ni Julian? Saka bakit doon ka na umupo ulit sa tabi niya? Hindi ba't ayaw na ayaw mo sa kanya? As your new friend, i-explain mo sa akin ang lahat, Alanis kasi naguguluhan talaga ako sa mga pangyayari." Natataranta niyang sabi.Pagod akong umupo sa isang upuan at yumuko. "Kami na dahil sa utos niya. Nakita ni Julian ang paghahalikan namin ni Russel kahapon sa Gymnasium. Vinideohan niya kami. He even blackmailed me na kapag hindi ko sinunod ang lahat ng utos niya ay ikakalat niya ang video sa buong YGA. Ayoko namang mangyari 'yon dahil alam ko na masisira si Russel sa mga estudyante dito sa oras na makita nila ang video na 'yon. He's a Student Council School President at malaki ang respeto sa kanya ng buong YGA." sabi ko.Umupo si Mari
USTE'S POV"Vien! What's happening to you? Bakit parang wala ka sa kondisyon ngayon?" tanong ni Coach Aldrich nang mapansin niyang kanina pa palpak ang pagtira ko ng bola sa net.Napahinto ako at napayuko. "I'm sorry, coach."Bumuntong-hininga ito at inabutan ako ng bottled water. Kinuha ko naman iyon."Sige, pagbibigyan kita ngayon dahil isa ka sa pinakamagaling na player ko pero sana kung anuman ang issue na meron ka ngayon ay hindi ito makaapekto sa mga susunod na practices mo. Maliwanag ba?""Opo, sorry po ulit." sabi ko. Tumango lang ito at pinagpahinga na ako.Umupo ako sa isang bench at galit na sinipa ang batong tinatapakan ko sa field. Hindi ako makapaniwalang gusto ni Alanis si Julian. Ang alam ko ay ayaw niya sa lalakeng iyon.Hindi ko maintindihan. Hindi ko makitang gusto nga niya si Julian.Parang may mali."Tomas my love, nandito ka pala. I'm glad to see you again,"Napaangat ako ng tingin nang makita si Chloe sa harapan ko.Ang kulit talaga ng babaeng 'to! Ayaw akong lu