Share

The Obsessed Guy (Book 1-3)
The Obsessed Guy (Book 1-3)
Author: Ajai_Kim

Chapter 1

THE OBSESSED GUY BOOK 1:

ALANIS POV

It's my first day here in YG Academy. Kakalipat lang ng family namin sa Maynila. Lumipat kami dahil dito nadestino si papa sa isang pinapasukan niyang bangko. Isa siyang Supervisor ng isang kilalang bangko sa Maynila. Nakakalungkot nga lang dahil marami akong naiwang mabubuting kaibigan at mga kakilala doon sa Masbate pero kailangan kong mapalayo sa kanila dahil sa trabaho ni papa.

Kasa-kasama ko ang pinsan kong si Uste dahil nag-aaral siya sa YG Academy at para na rin matour niya ako sa bagong eskuwelahang papasukan ko.

"Aish! Bakit ka pa kasi pinalipat dito sa YGA? Tignan mo nga, halos lumuwa na ang mata ng mga lalakeng estudyanteng manyak dito kakatingin sa'yo!" Reklamo ni Uste habang nilalakad namin ang hallway patungo sa room na naka assign sa amin.

Mabuti na nga lang at Room 405 siya at ako naman ay Room 406 kaya magkatabi lang ang room namin.

Napatingin ako sa paligid ko at halos lahat nga ng mga lalakeng estudyante ay nakatingin sa akin sa may hallway.

Inakbayan ko naman si Uste na nakabusangot pa rin ang mukha. "Baka naman naninibago lang sila sa akin dahil transferee ako." Nakangiti kong sabi.

Umiling-iling ito, "Halos araw-araw ay may transferee sa YGA kaya hindi magandang excuse 'yan. Sadyang maganda ka lang at sexy kaya pinagtitinginan ka ng mga manyakis nating schoolmate." Aniya at mas lalo pa ako nitong itinago sa likod niya.

"Parang ngayon mo lang ako kinompliment, ah? Anong nakain mo, Tomas?" Pang-aasar ko and he hates it when I called him Tomas which is real name niya. Ang luma daw kasing pakinggan.

"Wala lang kasi akong choice kaya kita pinuri and don't call me Tomas o guguluhin ko 'yang straight hair mo?" Pagbabanta niya kaya natahimik ako. Guluhin niya na lahat huwag lang ang buhok ko!

"Titigil na nga e," Nakapout kong sabi at natawa na lang siya.

"Ikaw talaga!" Sabi nito at pinagpatuloy namin ang paglalakad sa hallway.

Sobrang lawak ng hallway sa YGA kaya ang tagal pa siguro bago kami makarating sa room namin. Maganda at well ventilated rin ang lugar kaya mas kumportableng mag-aral dito.

Habang naglalakad pa rin kami ay may isang matangkad at maputing lalakeng estudyante ang lumapit kay Uste at nakipag high five sa kanya.

"President Russel! Kumusta ka na?" Bati ni Uste doon sa lalake.

President?

Tumawa lang yung lalake at inayos ang hawak nitong envelope na sa tingin ko ay laman ng mga papeles.

"Okay naman ako kahit nung summer ay puro paperworks para sa newspaper covers ng YGA ang inaatupag ko. Ang hirap maging Student School President, no." Natatawang ani nito at biglang napatingin sa akin.

Ang gwapo niya! Marami naman akong nakitang gwapong estudyante dito sa YGA including Uste na pinsan ko pero sa tingin ko ay siya na yata ang pinakagwapong lalake na nakita ko sa buong buhay ko. Napaiwas ako ng tingin sa kanya habang ramdam ko pa rin na nakatingin siya sa akin.

"Ang sipag mo talaga, President! kaya idol kita, e. By the way, Russel, si Alanis. Pinsan ko at transferee siya dito sa YGA." Pakilala sa akin ni Uste sa lalake kaya napilitan akong mapatingin ulit sa kanya.

He's smiling at me.

Medyo creepy ang dating no'n sa akin pero hinayaan ko na lang. He seems so cheerful and happy person naman.

"Hi Alanis, welcome to YGA. I'm Russel Madrid, YGA's Student Council School President and bestfriend of your cousin. Enjoy your stay here at pwede rin kitang matulungan para makilala mo pa ang YG Academy." Pakilala nito at nakikipagkamay kaya tinanggap ko na rin ito.

Siya pa pala ang Student Council School President ng YGA kaya dapat ay maging respectful at magalang ako sa mas ahead sa akin.

"Hi din. S-sige, Salamat." Sagot ko at kaagad na binitawan ang kamay ko sa kanya.

Nakita ko pa na medyo napangisi siya sa ginawa ko.

Kung hindi ka lang sana creepy sa paningin ko mister ay baka tinagalan ko pa ang hawak ng kamay ko sa kamay mo. Kahit gwapo pa siya ay hindi ko maipaliwanag ang konting takot na nararamdaman ko sa kanya lalo na sa mga mata niya nang tinitignan niya ako. May kakaiba.

"Sige. I'll go ahead. Idadaan ko pa 'tong mga papers sa Editorial Room. See you around na lang Uste at Alanis." Paalam ni Russel sa amin.

"Magkita na lang tayo sa field mamaya!" Uste at nakipag high five ulit kay Russel hanggang sa makaalis na ito.

Tinignan ako ni Uste at nginitian.

"Russel is my bestfriend. Mabait, matalino at masayahin na tao 'yon kaya gustong-gusto siya ng mga tao dito sa YGA."

Tumango na lang ako.

He's a bit creepy Uste, sa totoo lang.

---

This story has no Prologue

WARNING: The characters of this story and their mindsets were not perfect as you think. You don't need to say offensive things to the story if you don't like it. Research this story genre first. Constructive criticism is allowed and I appreciate that.

This story contains incorrect typos/spelling/grammar. I'm not a professional writer so please bear with me. Thank you. I started writing this story when I was only 12 years old.

Please like my F******k page:

"Ajai_Kim WP Stories"

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Copyright © by Ajai_Kim

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the publisher except for the use of brief quotations in a book review.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status