Share

Chapter 3

ALANIS POV

"Hi. Pwedeng makishare ng table?"

Napakalas naman kami ni Uste sa yakapan namin at halos lumuwa na ang mga mata ko nang siya na naman ang nakita ko.

Russel look at me then he smiled. Kaagad itong umupo sa upuan na katapat lang namin ni Uste at inilapag sa lamesa ang tray na may lamang mga pagkain niya.

"Dadaan ka ba sa gym mamaya, Russel? Magtatry out ka na ba sa basketball?" Tanong ni Uste na busy sa pagkain ng burger nito.

"Kapag sumali ako sa basketball team baka mawalan na ng alam mo na.. si Julian kaya 'wag na lang." Natatawa nitong sagot na ikinatawa rin ni Uste.

Medyo nayabangan ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang iyon ipinahalata.

"Kung sa bagay, ibalato mo na lang sa kanya ang Varsity Team." sabi pa ni Uste.

Ngumiti si Russel doon at nagkibit-balikat na lang.

Tahimik lang akong kumakain hanggang sa pansinin ako ni Russel na medyo ikinagulat ko pa.

"Alanis, mabuti at dito ka inilipat sa school namin ni Uste para naman may kakilala ka rin dito kahit papaano." sabi niya na titig na titig sa akin.

Hindi naman ito napapansin ni Uste dahil naging busy na ito sa paggamit sa cellphone niya. Malamang ay katext nito ang kaibigan kong si Lara na nasa Masbate na girlfriend niya.

"O-Oo. Dito na lang daw ako tutal dito naman nag-aaral si Uste." mahina kong sabi. He nodded.

"As a Student President of this school. I want to tour you sa mga Campuses dito para naman marecognize mo ang buong YGA. Is it okay with you?" he asked.

I look at Uste and he's looking at me saying na pumayag na ako. Napabuntong-hininga ako at tinanguan si Russel.

Kailangan ko rin ng tour guide sa YGA dahil sobrang laki nga ng school na ito at ayaw ko naman na abalahin pa si Uste sa pagtotour sa akin dahil alam kong busy rin siya sa sports at academics stuffs niya.

Russel smiled at me. "Good. I will tour you tomorrow."

"Salamat." I thank him.

"Mas mabuti pa nga na ikaw na ang magtour dyan sa pinsan ko kaysa kay Julian." Natawa naman bigla si Russel sa sinabi ni Uste at sumubo na ng kinakain niyang spaghetti.

Bakit? Alam na ba niyang kaibigan ko na si Julian? Pero baka sinabi na ni Uste iyon at sa text na lang idinaan kay Russel.

Tama! Ganoon nga.

Hindi ko pa nasasabi na halos lahat ng estudyanteng kumakain dito sa Cafeteria ay sa amin nakatingin. Halos itago ko na nga ang mukha ko dahil sa hiya.

Natural lang siguro ito, kasama kasi namin ang gwapong Student School President ng YGA at sa tingin ko ay sikat talaga siya dito.

Bigla ay nanahimik ang buong Cafeteria nang pumasok sila Julian, Neil at Denver. They are wearing a shirts at may mga hawak rin silang sports bag.

Dahil walang bakanteng upuan sa Cafeteria ay may tinignan si Julian na group of students at nagulat nalang ako nang magsialisan ang mga ito bitbit ang tray ng pagkain nila at sila Julian na ang umupo sa mga inuupuan nila.

What was that?

"He can rule this school dahil lolo niya ang may-ari ng YGA." sabi ni Uste sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ng pinsan ko. Lolo ni Julian ang may-ari ng YGA? at napalapit pa siya sa akin? Oh god!

"I didn't know that." Tanging nasabi ko nalang.

Habang abala si Neil na mukhang siya ang nag-order ng pagkain para sa kanilang magkakaibigan ay napatingin sa gawi ko si Julian.

Nagulat siya nang makita niya ako pero kaagad rin napalitan ang ekspresyon nito nang makita niya na kasama ko sila Uste at Russel. Parang nagdilim ang buong mukha niya.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at pinagpatuloy na ang pagkain ko.

5pm na nang matapos ang klase namin. Pagkatapos ng nangyari kanina sa Cafeteria ay hindi na pumasok sa klase sila Julian. Sabi ng mga kaklase ko ay may meeting raw ang mga ito kasama si Coach Paolo na coach nila sa basketball.

Hinihintay ko naman si Uste sa tapat ng classroom nila dahil hindi pa tapos ang klase nito. Kanina pa din ako tinititigan ng mga kaklase niya sa loob ng classroom nila.

Hays. Bakit ba kasi ang tagal nilang matapos?

May mga grupo ng mga babae ang biglang dumaan sa kinatatayuan ko at rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Chloe, Are you joining again in Cheering Squad?" Sabi ng babaeng makapal ang make-up.

"Of course Tania, I will join." Sabi naman nung babaeng tinawag na Chloe nung Tania.

Biglang napatingin bigla sa akin 'yong Chloe at laking gulat ko na lang nang niyakap niya ako.

"Hey!" sabi ko na naguguluhan sa ginawa niya.

Binitawan naman niya ako at nag peace sign sa akin. Kahit ang tatlong babaeng kasama niya ay naguluhan rin sa biglaang pagyakap sa akin nung Chloe.

"I'm sorry if I hug you all of a sudden. You're Alanis, right?" Nakangiting sabi nito.

Maganda siya at makinis. Siya yata 'yong tipong Queen Bee ng school. She looks so fashionable and elegant kahit naka uniform at skirt lang kami.

"Oo. Bakit mo ako kilala?" Tanong ko.

"I have a source, at pinsan mo si Tomas my love, right?"

A-ano? Tomas my love raw?

Oh. I get it! May gusto ang babaeng ito kay Uste. Pero sorry na lang siya dahil may Lara na ang pinsan ko.

"Yeah, at may girlfriend na si pinsan." Sabi ko naman.

"I know pero hindi pa naman sila kasal kaya may chance pa ako, hindi ba, girls?" Nakangiting sabi nito sa mga kaibigan niya.

"Right, Chloe!" sagot naman nila kay Chloe.

Napairap na lang ako. Ayon ay kung papatulan siya ni Uste. Hindi niya alam kung gaano kabaliw ang pinsan kong si Uste kay Lara.

Imposible na mafall si Uste sa babaeng ito. Uste don't like a socialized and Queen Bee girl. Mas gusto niya ang simpleng babae na katulad ni Lara.

Sa wakas ay nagsilabasan na rin ang mga estudyante sa Room 405. Napangiti pa si Uste nang makita niya ako pero kaagad rin itong sumimangot nang makita niya si Chloe.

"Hi Tomas, my love! It's nice to see you again. I miss you so much!" sabi ni Chloe at niyakap ang braso ni Uste na ikinagulat ko.

Inis naman na tinanggal ni Uste ang kamay ni Chloe sa braso niya at kaagad akong hinila papalayo sa kanila.

"See you tomorrow, my love!" Rinig ko pang sabi ni Chloe nang medyo nakalayo na kami sa kanila.

Nang nasa labas na kami ng YGA ay pinameywangan ko si Uste at tinaasan siya ng kilay.

Napahilot naman ito sa sintido niya at bumuntong-hininga.

"She's Chloe Saavedra. Kapatid ni Julian. May gusto siya sa akin pero syempre lagi ko naman siyang iniiwasan dahil alam mo namang si Lara lang ang mahal ko." sabi niya.

"Kapatid siya ni Julian?" Tanong ko. Tumango ito at napasandal sa gate ng YGA.

"Oo. Hindi ko naman siya magawang itaboy dahil baka makick-out ako sa school na 'to kapag ginawa ko 'yon. You already knew that she and Julian are the granddaughter and grandson of YGA's owner which is their grandfather." he said.

Sobra akong nagulat sa mga nalalaman ko. At alam ko na mag-iiba ang takbo ng buhay ko dito sa YG Academy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status