Share

Chapter 5 : Finnick

Iv

"Ipagpatuloy mo pa iyan, sige ka mapuputol yan."

Biglang sumigid ang sakit sa ulo ko at may nakita akong batang babae. Malabo ang mukha niya, lahat ng nasa paligid ay malabo. Nakita ko siyang tumatakbo habang tumatawa. That voice, that sweet laugh. It all sounds familiar. 

Pinilit kong mukhaan ang bata pero mas lalong sumasakit ang ulo ko. Kahit ayaw ko man ay kinalma ko ang sarili ko para tumigil na ang sakit. Ilang minuto lang ay medyo hindi na masakit kaya naman tumingin ako sa paligid kung andyaan pa si Olive. 

Wala na.

Habang umuuwi ako ay panaka-nakang sumasakit ang ulo ko kaya naman nakailang inhale exhale ako kasi baka mamaya niyan matumba nalang ako, halos wala pa namang tao dito.

I was 14 years when I got into an accident. Natamaan ng softball ang gilid ng ulo ko. Buti nalang kamo hindi ako napuruhan dahil tiyak na wasak na sana ang bungo ko. Try outs iyon at nagdesisyon akong mag try ng bagong sports maliban sa basketball at volleyball. 

Turns out mali ang desisyon ko sana pala nag settle nalang ako sa kung ano lang ang kaya ko. Dati ay kapag naaalala ko iyon ay tinatawanan ko lang, ngayon ay hindi na ako natutuwa. I feel like I forgotten something really important. And I need to recover it quickly.

Kapag maalala ko ang malabong mukha ng batang babae sa alaala ko ay tumitibok ang puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ito oh ano pero tiyak akong importante ang batang iyon. Kasi kung hindi bakit ko naman siya maalala?

Ang kinakataka ko lang ay bakit natitrigger lang ang mga memories na iyon kapag kausap ko si Olive? Sumasakit naman palagi ang ulo ko pero hindi ganito ka lala. Nung una kong kita kay Olive ito nagsimula. Damn, what am I missing? Inis kong ginulo ang buhok ko at pumasok na sa loob ng bahay. Sa sobrang lalim ng isip ko nakarating na ako sa bahay, buti na lang di ako lumampas.

Aakyat na sana ako ng kwarto ng naisip kong tanungin sila Mama if may kilala ba silang batang babae from my past.

"Ma, may kaibigan ba ako dati o pinsan na babae?" tanong ko.

"You have a lot of girl cousins, son." sagot ni Mama habang di inaalis ang tingin sa ginaganchilyong balabal.

"How about a friend? May madalas ba akong kalaro na babae o ano?" tanong ko pa at nakita kong natigilan si Mama sabay tingin kay Papa na nakatingin din sa kanya.

Tumayo si Mama at hinaplos ang pisngi ko. May nakita akong nakabakas na excitement sa mata niya kaya naman kumunot ang noo ko. What's that for?

"Are you starting to remember her, son?" confirmed, it's someone I really need to remember. I bet she's important, kasi kung hindi, bakit ganito nalang ang reaksyon ng mga magulang ko.

"Her?"

"Yes, her." i frowned.

"Who is she, Ma? What is she to me?" I ask frantically hoping na sana kahit isa manlang masagot nila. Ngumiti si Mama at inalalayan niya akong umupo sa sofa namin. "Halika dito anak, I'll tell you. But not the whole okay? Its for you to find out na. Im just gonna give you important things about her para hindi na sumakit ang ulo mo kapag sinubukan mo siyang alalahanin." tumango naman ako at nilatag ang bag ko sa baba.

"Her name is Iv. You met her here just after we moved. You like to have a lot of friends but for you, Iv was enough. You did not bother befriending more and just settled with Iv." a little smile appeared at my Mom, at sa di malamang dahilan ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakangiti din.

"You two are the most adorable pair of bestfriends. I remember you noon na kapag umuuwi ka dito sa bahay galing sa kanila, grabe yung ngiti mo. Halos mapunit na nga iyang labi mo eh." my mom sighed after and looked at me, "...but then, we need to leave. Kasi your papa is summoned here again at may kailangan siyang gampanan, kaya naman umalis tayo. " bigla ay napahawak ako sa puso ko. Para kasi itong kinurot. I pat my chest twice and raised my gaze at my mama.

"Tama na muna diyan ma. Ako na bahala mag alala ng iba." nginitian ko siya at hinalikan sa pisnge. Tumango naman ako kay papa na nasa likuran lang niya at umakyat na patatas.

Iv. Iv. Olive.

Tumiim ang bagang ko. I really need to remember.

Whoever that girl is, I have a hunch na may kinalaman si Olive sa kanya. Hindi naman ako ganon ka bobo para hindi mapagtanto siguro iyon. Sa sobrang frustration ko kinalikot ko nalang ang phone ko at nag f******k. Nag s-scroll lang ako sa f******k nang makita ko post ni Paulo. Kita mo nga namang gag*ng to.

Paulo Juntis : pa fs na mn po lods,,,,,,,,,, Calla Asturias.

At nag mention pa.

Calla Asturias : Who u po?

Benneth Dalan : gunggong ka talaga

Ro Benson : update niyo nalang ako kailan kasal, kbye.

Butchokoy Bad Boy : Awesome! You can now enjoy 1 GB STORIES EVERY DAY for TikTok, I*, F*, Twitter, Kumu + 4 GB for 7 days with GI*A STORIES 99..

Hina-haha ko ang comment ni Butchokoy dahil iyon ang napakatino. Napakatino nga naman talaga ng mga kaibigan ko, ultimo pangalan pinag-isipang mabuti. Pati nga akin eh, sobrang tino. Sa sobrang tino kinutusan ako ni Mama. Laking gulat daw niya ng may nakita siyang Finnick Mabagsik sa friendslist niya. Ano ba naman kasing problema sa Finnick Mabagsik?

Speaking of Calla, stinalk ko siya. Gusto kong i-add si Olive. Kaso nga lang hindi ko alam kung ano ang pangalan niya, kaya s-stalk ko nalang si Calla. Siya lang naman kasi ang kilala kong kaibigan ni Olive.

Una kong hinanap si Olive sa friendslist niya pero awit, hindi visible. Ano ba yan. Sunod kong pinuntahan ang mga nag-react at comments sa profile pictures ni Calla. Ano ba yan? Tatatlo lang ang picture tas yung iba madami pang reacts, alangan namang hanapin ko siya dito, baka abutin ako ng siyam siyam. No choice, sa posts ni Calla ko siya hahanapin, baka may tagged siya dun sa account ni Olive. Nahihiya namin kasi akong mag-tanong kaya naman mabuti na tong sariling sikap.

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Scroll...

Ayon! Buti nalang pala may naka-public na shared post si Calla. Post iyon ng mga beaches tapos naka-tag si Olive. Naka one name lang pala siya. Tang*ina kung alam ko lang na one name lang eh sana sinearch ko nalang, awit naman. 

Clinick ko ang pangalan ni Olive at halos mapamura ako ng wala akong nakita na pwedeng paglibangan. Ano ba yan! Kinamot ko ang likod ng ulo ko at walang ano-anong pinindot ang add button. Tapos tinapon ko ang phone ko. 

Tumalon ako agad sa kama ko at nagpagulong-gulong. Para akong tanga, inadd ko lang naman siya. Dyahe na yan.

Sana naman iconfirm niya, gusto ko siyang makilala...research purposes lang. 'Di seryoso, gusto ko siyang makilala. Napakamisteryoso kasi ng dating niya. Hindi ko alam pero may kung anong humuhugot sa akin sa kanya. Hindi ko alam kung interesado ba ako sa buhok niya o sadyang dakilang usisero lang talaga ako? 

Whatever. Makikilala at makikilala din kita, Pula. Ipinikit ko na ang mga mata ko at umaasang sa pagdilat ko bukas ay wala akong muta. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status