Share

Chapter 3 : Olive

First Encounter 

"Neng, bangon na," nakaramdam ako ng mahinang kudlit sa aking likod at nadama ko naman ang balahibo ni Chuchi sa aking paanan, "Bumangon ka na diyaan at may pasok ka, Apo." papungas pungas akong tumayo at niligpit ang aking higaan. Antok pa ako, anong oras na kasi ako nakatulog kagabi. Bahala na, babawi na lang ako ng tulog mamaya sa classroom.

Agad akong naligo at nagbihis, binuhat ko na din ang lola ko para pakainin at habang kumakain naman siya ay nag ayos ako ng bag ko at sarili ko. Araw-araw ito ang routine ko, magising ng maaga at pagkatapos pakainin si lola tsaka lalarga na papuntang skwelahan. Matapos kumain ng lola ko ay binuhat ko na siya pabalik sa kanyang higaan at itinabi sa knya ang arinola.

"La, pasok na ako. Kapag napuno iyang ihian mo, sigaw ka lang," paalam ko sa Lola ko at bumaba na ng bahay.

Pumunta naman ako sa kapit bahay namin at ibinilin si Lola. 

"Ate, si Lola po a. Pakibantayan, salamat."

"Sige, Oli."

Habang naglalakad ako papuntang school ay naalala ko naman siya kahapon na sunod ng sunod sa akin

_________________________

"Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi ba obvious?" aba? Ang lakas na ng apog niya ah. Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Psh, kinakabahan pa ata. Kahapon ko pa to na huhuling patingin tingin sa akin e. 

"Una sa hallway, pangalawa sa canteen, sa room tas ngayon dito na naman?" may sa lahi ba to ng stalker? "nakangisi kong tanong sa kanya pero nagbibiro lang naman ako, alam ko namang malabo yon e maitsura na siya. Kahit noong bata pa lamang kami ay maitsura na siya. Mas gumwapo na siya ngayon. Singkit pa din naman ang mga mata niya, makapal ang pilikmata at manipis ang labi. Tinignan ko siya ng maigi at inirapan. Mukhang di na niya ako natatandaan. 

"Hindi ah!" tanggi niya sabay irap. Aba? Attitude pa ata. "Hindi kita sinusundan, dito rin daan papuntang bahay namin no." sabi niya sabay turo sa kabilang kanto. Sinundan ko ng tingin ang tinuro niya. Magtatanong pa sana ako pero bakit pa? Ugh, whatever. 

"Ows? Kaya pala dito ka lumiko," sabi ko sabay tango na parang naniniwala. "Ano ba? Eh sa totoo naman a." hindi siya magandang sinungaling, hays ano ba yan. 

"Sige, sabi mo eh." nagkibit balikat na lang ako at pinulot na ang bag ko. Uuwi na ako baka gutom na si Lola at Chuchi. 

"AKO NGA PALA SI FINNICK, IKAW?" 

"TANONG MO SA BUDDHANG JUNTIS, CHUPI!" 

Wala na akong pake kung isipin niyang bastos ako, wala sa plano ko ang magpakilala sa kanya. Ayaw ko sa mga lalake at kabilang siya roon kaya no, no. 

_________________________

Napabalik ako sa reyalidad ng may parang dumudutdot sa likod ko. Hinarap ko ito at nakita kong si Finnick ito. Ano na naman ba ang kailangan ng ulupong na to? 

"Goodmorning, sasabay ako ah?" tanong niya sabay ngiti, pati mga mata niya  ay ngumiti din. "Hindi pwede." 

"Okay lang. Hindi naman ako nagpapaalam." aba't gag* to ah? 

Sumabay nga siya sa akin at habang naglalakad kami ay paminsan minsan siyang sumusulyap sa akin. Medyo naiilang na ako kaya naman hinarap ko siya. 

"Kahapon ka pa, anong problema mo?" 

"Wala lang, gusto lang kita makilala. Ako ba, ayaw mo kong kilalanin?" kumindat pa. Tang*ina may sakit ata to. 

"Olive ang pangalan ko at hindi ko ikinagagalak na makilala ka. Ano tatahimik na ba ang espirito mo?" dire-diretso kong sabi ko habang nakatingin sa mata niya. 

"Ayown! Hi Olive, ako nga pala si Finnick. Tawagin mo nalang akong Fin" nakangiti niyang nilahad ang kanyang kanang kamay. 

"Okay, Nick." saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad hindi binibigyan ng atensyon ang kamay niyang nakalahad. 

"Suplada."

"May sinasabi ka?" 

Yun lang at nag patuloy na kami sa paglalakad. Nang makarating na kami sa eskwelahan ay liliko na sana ako sa kabilang hallway pero pinigilan ako ni Fin. "Bukas ulit ah? Sabay tayo." sasagot pa sana ako pero inunahan niya na kaagad ako. "Hindi kita tinatanong, sinasabi ko lang." yun lang at tumakbo na siya. 

Nagtataka kong tiningnan ang papalayo niyang likod. Anong intensiyon niya at bakit niya ako nilalapitan?

Isinawalang bahala ko nalang ang isiping iyon at naglakad na papuntang classroom. Malayo pa lang ay nakita ko nang parang may nagtutumpukan sa labas. Teka? May nag-aaway ba? Pag ganiyan kasi na may nagtutumpukan sa labas ay tiyak na may nag-aaway. Dali-dali akong tumakbo dahil baka isa sa mga kaibigan ko nadamay na naman, mahihina pa naman yung mga yon. 

"HOY!" sigaw ko kaagad pagkapasok ko. Tama nga ako dahil bumungad agad sa akin ang nagsasabunutang si Lineth at Joan. Anong ginagawa ni Joan dito eh taga science class siya?

" HOY ANO BA YAN?!" pinipilit ko silang paghiwalayin dahil pareho na silang may mga sugat-sugat sa kanya kanyang balikat. Halos hindi ko sila naawat kaya naman nawalan ako ng choice. Tinigil ko ang pag-awat sa kanila at  ubod lakas kong hinila ang buhok nilang dalawa.

Akma pa sanang susugod si Lineth pero tinutukan ko na siya ng stick na ginagamit ng guro namin na napulot ko lng sa sahig kanina. 

"ANONG MGA PROBLEMA NIYO HA?" 

"PAANO BA NAMAN KASI, IYANG SI JOAN SUMUGOD DITO, MAGSISIGAW BA NAMAN NA TIGILAN KO NA ANG SYOTA KO! SIYA NA DAW KASI ANG BAGONG MAHAL!" medyo naiiyak nang sigaw ni Lineth, tinuturo si Joan.

"EH SA TOTOO NAMAN AH! DAPAT BITAWAN MO NA SI DEXTER KASI AKO NA ANG MAHAL NIYA, WALA KA NANG PUWANG SA KANYA!" nanunudyo pang sigaw pabalik ni Joan, si Lineth naman ay umiyak na ng tuluyan. Aba aba gag*ng babae to a? 

Masama kong tinignan si Joan at tinaasan naman niya ako ng kilay." Ano? Gusto mong ikaw ang isunod ko? " ay gaga nga. 

"Such a shame na napunta ka sa science class, balita ko puro matatalino ang estudyante doon, pero mukhang walang katotohanan ang naririnig ko." panimula ko habang diretsong nakatingin sa kanya. 

"What do you mean with that?" consistent ang taas ng kilay ni ate mong girl oh, pak. 

"What I mean is, you stupid bitch. You dont belong there and the audacity of you na sumugod dito eh puk*ngina kabit ka? Ikaw pa ang may ganang mag demand na pakawalan niya ang shota niya eh sa relasyon nila, ikaw ang extra." this time ay dahan dahan akong lumapit sa kanya. Narinig ko ang mahihinang 'oh' ng mga nanonood. Nakita kong bumaba ang kilay ni Joan kaya ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. 

" I thought you guys are role models to us lower than you. Then why the heck did you settle for being a kabit? Boba ka ba?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Yayamanin sapatos, pati tela ng uniform tas kabit? Tapos yung pinatulan niya pa yung mga kauri ni Dexter eh mukhang nawawalang ancestor yun ng mga hoompa loompa. Tsk, tsk. What happened to standards? 

"Look, Joan. You're pretty, you can have any guy you want. Don't settle for less kasi maraming lalaki pa. Huwag kang mang-apak ng kapwa mo babae dahil lang sa lalaki, that's eww. Know your fuc*ing worth, bit*h. We girls are not just pangkabet, oki?" i smiled at her but my eyes are telling otherwise. "And lastly, can you not sugod here lalo na kung mali ka? Its just so pathetic." 

"Do you know na masyado kang pakealamera?" nakangiti niyang tanong sa akin. Natauhan na siguro. 

"Do you know na uso gamitin ang utak?" her smile vanished and she rolled her eyes at me. She turned her back on me and that made me smile. 

Hinarap ko naman ang mga nanunuod at tiningnan ng masama. "Oh ano? Tapos na ang palabas, magsi pasok na kayo sa klase!" nagsialis naman silang lahat at  tatalikod na sana ako para pumasok nang may marinig akong mahinang pumalakpak. 

"Turuan mo kong mag english, Pula." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status