Share

Chapter 4 : Olive

Chpter 4 : Olive

"Turuan mo rin akong mag english, Pula."

This guy again? Tinignan ko siya nang masakit at tumalikod na. Bago pa ako makarating sa upuan ko ay hinawakan niya kaliwang kamay at hinila ako paharap sa kanya. Sisigawan ko na sana siya pero halos walang salitang namutawi sa aking bibig dahil ang lapit lapit ng mga mukha namin.

 T*ngina hindi ba uso ang pores sa mukha ng lalaking to? Kahit blackheads wala e. Bumuka ng bahagya ang bibig ko at nakita kong napatingin siya sa mga labi ko. 

"Why are you staring at my lips?" 

Magsasalita pa sana siya pero inirapan ko na siya at tinulak palayo. Pinagkrus ko ang mga kamay ko at tinaasan siya ng kilay. Nahimasmasan na yata siya sa ginawa kong pagtulak kaya bumalik na naman ulit ang mapaglaro niyang ngisi. 

"You look astig kanina habang nagsasalita kaya I wanna learn English." seryoso ba siya? Tss. 

"Hindi ako nakikipag usap sa mga conyo, layas!" inirapan ko siya at tumalikod na. 

"But im serious, turuan mo ko." 

"At ano naman ang ituturo ko sayo, aber?!" pasigaw kong tanong sa kanya. 

"Turuan mo ko mag-mahal!" sigaw niya din pabalik. Turuan ko daw siya mag---- ano daw? Anong pinagsasabi ng gunggong na to? 

"Yiiiiieeeeeee, Olive, turuan mo daw siyang mag-mahal oh," tukso nang mga inutil kong kaklase. Isa-isa kong tinignan ang mga gunggong at nagtagumpay akong patahimikin ang iba pero meron pa rin talagang mga natatawa. Hinayaan ko na lamang iyon at pumunta nalang sa upuan ko. 

Binalikan ko uli ng tingin si Nick pero pero wala na siya doon. Umalis na ata, buti naman. Wala akong balak na e-entertain siya. 

Habang iniantay namin ang first teacher namin ngayong umaga ay hindi ko mapigilang isipin si Nick. Noong una kong nakasalubong ang mga mata niya ay agad ko siyang nakilala, magiging sinungaling ako kapag hindi ko sinabing 'di ako umasa na kamustahin niya manlang ako oh ano. Pero mukhang malabo na iyon kasi mukhang hindi na niya ako kilala. Sabagay, limang taon na rin naman ang lumipas. Sa limang taon na iyon ay maaaring maraming nangyare sa kanya, sa akin nga e. Malay ko ba kung nabagok ang ulo non, eh sa natatandaan ko tanga tanga siya. 

Wala sa sariling napatawa ako pero bigla akong nahinto dahil naramdaman kong may paparating na kung ano sa mukha ko. Bago pa iyon tumama sa mukha ko ay naiwasan ko na. Tumayo na ako tumingin ng diretso sa mata ng teacher naming di ko manlang namalayan na dumating na pala. Alam ko na kung anong susunod nitong gagawin 

"Tell me, Miss Samson. What are you daydreaming about?" tanong niya sabay taas ng kilay. 

"Nothing of the sort, Miss." she preferred to be called Miss, not because she's in 20s but because she's a miserable 40 year old hag who does nothing but to terrorize students. 

"Should we try then?" bring it on. Wala akong sinabi sa bagkos ay tumango ako. 

"What did we tackle last week? And why exactly is it important?" good thing I studied. Ngumiti ako at diretsong tumingin sa mata niya. 

"I believe its about Literary Criticism and its types. Literary criticism is important because it makes better sense of the work, form judgments about literature, study ideas from different points of view, and determine on an individual level whether a literary work is worth reading." 

Nakita kong napanganga ang iba kong kaklase dahil hindi iyon inaasahan. Tss, these idiots. Bobo lang ako sa math, pero hindi sa English. Wala nang sinabi si Mam kaya naman tumalikod na siya at bumalik sa pagtuturo. Before sitting down, I flipped my hair and glanced at my friends. They raised their thumbs while smiling and I just winked at them. 

_________________________

"Girl, you seriously rocked!" papunta kami ngayon sa canteen para bumili ng snacks. Kasama ko ang mga natatangi kong kaibigan dito sa earth. Si Jenna at Eli. And when I say friends, I mean like friends friends. Mga kaibigang hindi ako bibiguin, in short mga kaibigang kaya kong pagkatiwalaan ng nudes ko. 

Duda lang ako kay Eli, siguro mapagkakatiwalaan ko siya pero I doubt na makaligtas ang nude ko sa bibig niya. Laitera pa naman to, walang preno ang bibig. Pero anyways, kung nilait niya man ang isang tao, for sure katotohanan lahat iyon. In all seriousness tho, I haven't sent them my nudes, maybe later. 

Pagkarating namin sa canteen ay agad nilang binigay sa akin ang pera nila. Tinanggap ko na ang mga ito pumila na. Nakita ko namang umupo sila sa isang bakanteng table. Nilingon nila ako tinaas ko naman ang middle finger ko, bumungisngis lang ang mga bruha. 

Kung nasa dati ko sigurong grupo ako ay iisipin ng iba na inaalila ako. Pero hindi, this time its different. My friends and I have anxiety. We three have different levels of anxiety, luckily for me, I can muster up the courage to talk in various occasions that they can't. They can speak obviously but I'll take someone forever to convince them and when they do, they'll have attacks. That's why among us three, I took the responsibility to take care of them. Im the 'mother' of our group. Sabi ni Jenna, dahil daw iyon sa isa akong cancer, a water sign. And water signs tend to he caring so...maybe.

Those two are unique tho. Magaling sila sa sarili nilang paraan. Jenna is good at logical thinking . Her mind is fuck*ng amazing, I am awed. The way Eli thinks too is amazing, not to mention she's so good when it comes to art. Kaya naman kapag nag-uusap ang dalawang iyan ay talaga namang namamangha ako kahit hindi kaya ng braincells ko ang pinagsasabi nila. Nonetheless, hindi ko dama na bobo ako kapag kasama ko sila. It's actually the opposite of it, I wanna learn from them.

 Kaming mag-kakaibigan ay pareho lang ang gusto, iyon ay ang mamatay at pumatay... 

Speaking of gustong pumatay, naramdaman kong may kumudlit sa aking gilid. 

"Ikaw na oy, kanina ka pa tulala." si Nick. Ugh! Bakit ko ba palaging nakikita ang mokong to eh dati rati halos di ko maaninagan ang anino neto? Mamaya to sakin. 

"Dalawang bread roll po, Isang waffle, Piattos na malaki at Tropicanang tatlo po." inunahan ko nang mag-salita ang bantay kaya naman tinikom nito ang bibig niya. Binalik ko ang tingin ko sa nakangising estupido sa gilid ko. Inirapan ko ito at hinarap uli ang tindera na ngayon ay tinototal ang binili ko. 

Nang matapos ito sa pag kokompyut ay binigyan ko siya ng isang daan. Inantay ko ang sukli ko at nang maibigay ay umalis na ako, ayokong magkalapit lang kami ni Nick. Nakakaurat ang pagmumukha niya kahit wala namang ginagawa. 

"Saan kayo kakain?" sumunod ang hari ng mga ulupong. 

"Sa cr." 

"Puwede sumabay sa inyo?" 

"Hindi."

"Sungit naman." 

Hindi ko na siya sinagot. Dumiretso na ako sa table ng mga kaibigan ko at agad kong binigay sa kanila ang para sa kanila. Pinanlakihan ko sila ng mata, isa ito sa mga senyales namin kapag gusto na naming umalis sa lugar. Walang imik nilang sinuot ang mga bag nila at tumayo na. 

"Oy, oy teka." pinanlisikan ko siya ng mata at inirapan. 

"Ay sige okay, mamaya nalang." mabuti naman at na-gets niya. Tumalikod na ako at sinundan sina Jenna at Eli. 

_________________________

"Bye Liv, bukas ulit!" sigaw ni Jenna habang papasok sa bahay nila. Tumango ako sa kanya at kumaway. 

Habang tinatahak ko na ang daan papunta sa likuan namin ay naramdaman kong may naka sunod sa akin kaya naman hinarap ko ito. 

"May kailangan ka ba?" walang kagana-gana kong tanong kay Nick na may balak pa atang mag-tago. Tss, muntanga. 

"Wala no, uuwi din kaya ako." sabi niya sabay nguso. Naging pato bigla ang animal. 

"Walang nag-tatanong."

"Wala naman akong sinabing may nag-tatanong." huminto ako dahil don at tinignan lang siya.

"Sabi ko nga." yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri niya. Sinundan ko iyon ng tingin at napansin kong pinipisil pisil niya ang kanyang mga daliri. Gawain niya pa rin pala iyan. 

"Ipagpatuloy mo pa iyan, sige ka mapuputol yan." biro ko sa kanya. Nakita kong bigla niyang binitawan ang kamay niya at tumingin sa akin. May bumakas na kalituhan sa guwapo niyang muk--- teka, teka, gwapo? Aba't saan yon galing? Wala sa sariling kinurot ko ang siko ko at bahagyang yumuko. 

Tumikhim ako tinuloy na ang pag-lalakad. Kung masagasaan siya diyan, bahala na siya. Bago ako lumiko sa likuan ay tinapunan ko muna siya ng tingin at nakita kong nakatayo pa rin siya doon at naka hawak sa ulo. Kumunot naman ang nuo ko at kalaunan ay isinawalang bahala ko na din naman. 

Masyadong importante ang oras ko para pag-aksayahan siya ng panahon kaya nag kibit balikat na lamang ako nag-lakad na. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status