Share

Chapter 2 : Finnick

Olive

Araw ang lumipas simula noong huli kong nakita si Pula at matapos yun ay hindi na ito nasundan pa. Mag-mula din noon ay isinawalang bahala ko na siya at nag-focus na lang ako kung paano ko sasabihin kina Mama at Papa na gusto ko na lang umalis sa eskwelahan at tumulong sa kanila.

"Hey Nick!," nilingon ko ang tumawag sa akin na si Paulo at tinignan siya ng nagtatanong. "Punta tayo sa  building nang Juniors ," ano na namang gagawin namin 'don e 30 minutes na lang mag- uumpisa na ang klase namin?

Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya na ako, "Titingin lang ako kay Calla my labs ko," nakangisi niyang sabi sabay talikod na. Kita mo 'tong mokong 'to, 'di manlang ako binigyan ng pagkakataon na mag-desisyon kung sasama ba ako o hindi. Psh, dyahe na nga may 30 minutes pa naman e. 'Tsaka baka masilayan ko din doon si Pula. Ta*na saan galing yun? Sisilay? Ako? Kay Pula? Sa isipang iyon nagtaka ako. Bago na naman 'to ah? Nag-iisip ako ng babae 'tas ngayon naman sisilay ako? Masyado naman atang sineswerte si Pula, okupado niya isip ko. 

Ewan ko ba, 'di ko alam kung anong meron siya at gusto ko siyang kilalanin. Dahil ba sa pamilyar siya sa akin o gusto kong malaman ang rason kung bakit parang patay ang mga mata niya at tila ba'y may ikinukubli? Sa sobrang pag-iisip, hindi ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng classroom nila Calla. Hindi na ako magtataka kung paano ni Paulo nalaman e sa may lahi itong aso e.

"Pre, si Calla oh," tinaas ko ang aking mukha at hindi si Calla ang tinignan ko, napokus ang mga mata ko sa babaeng nakadungaw sa bintana na para bang may malalim na iniisip. Naramdaman niya atang may tumitingin sa kanya kaya naman nilibot niya ang paningin niya at hindi nagtagal ay nagtagpo ang aming mga mata. Huli na ng nakaiwas ako dahil nakita na niya iyon. Hindi na ako nag abala pang mag-baba ng tingin dahil baka akalain niyang nahihiya ako. Pero totoo naman, nahihiya ako. Bakit? Ewan ko. Aish basta.

Nakita kong tumayo siya at naglakad papunta sa direksiyon namin at, "Gusto mo picture? Mas nagtatagal yan, pramis" nagulat ako dahil dire diretsa siyang tumingin sa akin at nagtanong. Biglang nag sitayuan ang balahibo ko. Holy sh*t, am i intimidated with this girl's presence? Pero sa kabila ng nararamdaman ko ay pinili kong ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

"Chill babe, we're just here for your friend." nakangisi kong sabi sa kanya sabay kindat na tiyak akong nakakalaglag panti na walang sino man ang hindi mahuhulog. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay at nang uuyam na tumingin sa kaibigan kong si Paulo na nasa tabi ko pala. Aba? First time kung mangindat tapos parang wala lang sa kanya? Pangit ko ba kumindat? Makindatan ko nga si Paulo mamaya. 

May sasabihin pa sana siya pero naunahan na siya ng kaibigan niya, "Liv, who are they?" ito ata si Calla Asturias na crush ni Paulo. Hindi nakakapagtataka na crush ito ni Paulo, eh ang ganda niya talaga. Maputi, makinis sa malapitan at parang matalino naman. 

"Ah eh, Paulo nga pala," pakilala ni Paulo sa sarili niya sabay lahad ng kamay, "Atsaka si Finnick , kaibigan ko" pakilala niya sa akin sabay turo. 

Imbis na kay Calla ako maglahad ng kamay ay kay Pula ako naglahad, "Finnick nga pala pero Fin nalang para sayo, Pula" pakilala ko sa sarili ko sakanya sabay ngiti. Tinignan niya lang ang kamay ko at tinalikuran. Napaawang ang bibig ko at maging si Paulo ay nagulat din. Si Calla lang ata ang  di na nagulat. 

"Pag pasensiyahan mo na iyon Fin, siya nga pala si Olive," nag-aalangan siyang ngumiti at tumingin sa amin ni Paulo. 

Olive. Olive. Iv. Kumunot ang nuo ko dahil parang minsan ko na iyong narinig. 

"Ganon ba? Sabihin mo sa kanya, ang ganda ng buhok niya." sagot ko nalang sabay tapon ng huling tingin kay Olive. 

Yun lang at umalis kami ni Paulo doon. Habang naglalakad kami ay bigla akong tinapik ni Paulo. 

"Ano? Wala ka 'no?" tinampal ko na lamang siya at naglakad ng mabilis. 

~~~~~~~~~~~--------------------------

"SA WAKAS, UWIAN NAAAAAAAA!" sigaw ko sabay ngiti. Pinakapaborito kong parte ng araw! 

Dinampot ko na ang bag ko at umalis sa room. May plano kami ngayon ng mga barkada kong kumain sa sisigan ni Aling Maring kaya naman mag aabang na ako doon sa gate. Dun kasi tagpuan namin palagi kapag pupunta kami sa sisigan. 

Nang malapit na ako sa gate ay nakita ko si Butchokoy, nakapamewang at nagtitipa sa kanyang selpon. Kita mo tong kaibigan ko, parang yeyemanin maka pamewang a, Butchokoy naman pangalan. Ewan ko ba bat ganyan pangalan niyan, di ata mahal ng magulang. 

"Butchok," nakangiti kong bati sa kanya sabay apir. 

Sinimangutan niya lang ako at nagpatuloy sa pag titipa. Aba bastos, 'di manlang ako inapiran. Hindi nagtagal dumating na din sila Paulo at lima pa naming kaibigan. 

"Ano? Tara na?" tumango naman kaming lahat at kumuha na ng tricycle na masasakyan. Papunta na kami sa sisigan nang namataan ko ang isang pamilyar na likod. Si Pula! 

Awit, mukhang delikado na ako ah? Pati likod na-saulo ko na, ano na naman kaya ang susunod kong madidiskubre kong bago sa akin? Baka kapag mag-patuloy ito, 'di ko namalayan inlab na pala ako. 

Tang*ina! Ano bang pinag-iisip ko? Kadiri naman. 

Pinahinto ko si Manong Driver at agad na kumaripas para masundan si Pula. "Hoy! Malapit na tayo sa sisigan oy!" narinig ko pang sigaw ni Benneth pero 'di ko na pinansin. Bawi na lang ako sa susunod. 

Sinundan ko si Pula pero naglagay ako ng kaunting agwat para hindi niya mapansin. Nakita ko siyang lumiko sa kaliwang kanto kaya maya't maya ay lumiko na din ako, pero nagulat ako dahil pagliko ko walang likod ni Pula akong nakita. Asan na yon? Luminga linga pa ako pero wala talaga. Lumipad ba siya? In the first place, bakit ko ba siya sinundan? Ay ewan.

Tatalikod na sana ako pero biglang may parang dumikit sa buhok ko... bubblegum? 

"Sinusundan mo ba ako?" 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status