Share

Chapter 1 : Finnick

Pula

"Pre, kilala mo ba yung Calla Asturias na nasa Grade 10?" tanong ng kaibigan kong si Paulo sabay ngisi. "Bakit? Type mo? Alam ko na yang ngisi mong yan chong 'oy!" natatawa kong saad sabay batok sa kanya.

"Pero oo pre, kilala ko. Natambakan nga iyan sa friend requests ko e," medyo natatawa kong sabi sa kanya. Nandito na naman kami ngayon sa hallway ng junior high, tumatambay nagbabakasakaling makakita ng chix. Ala una y media na pero wala pa rin naman ang teacher namin kaya lumabas na lang muna kami saglit para mag-pahangin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinipa ang pangalang Calla Asturias. Ilang segundo lang ang lumipas ay agad nang may resulta. 

"Heto oh, katiba-- speaking of the devil." siniko ko si Paulo nang namataan kong paparating si Calla at dito sa amin papunta. Salitan kong tinignan ang profile picture ni Calla at ang masasabi ko lang ay ganda niya. Walang halong catfish. Tipong tipo ni Paulo talaga eh, maganda, maputi at makinis. Parang monyeka, di na ako magtataka bakit maraming nag-aagawan makuha lang ang atensyon ng babaeng to. 

"Oh, yung Calla mo dadaan dito!" tampal ko sa noo ni Paulo sabay turo sa direksyon kung saan si Calla. May dala-dala siyang mga libro at sa likod niya ay isang babae. Kaibigan niya siguro. Pamilyar din ang mukha ng babae pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita. 

" Ah!" napaigik ako sa sakit ng ulo ko dahil pinilit kong alalahanin kung saan ko ba siya nakita pero wala talaga. 

Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang utak ko. Nagbilang din ako hanggang sa hindi na sumakit ang ulo ko. Pag-mulat ko nang mga mata ko ay nakasalubong ko ng tingin ang babaeng kasama ni Calla. 

"Aw." ang kumakalma ko ng utak ay biglang sumakit na naman. Hinabol ko ng tingin ang papalayong likod nito at aakmang hahabol pero hinawakan ni Paulo ang siko ko. 

"Pre, nag hi siya sa akin Pre!" tinampal ko ang noo ni Paulo at binalik ang tingin sa babae kanina. Ay wala na? Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin kay Pau. Sinamaan ko ito ng tingin at sinimangutan. 

"Ano ba! Nag hi lang yung babae sayo e para ka nang inasinan." naiinis kong turan sa kanya. "Bakla ka ba?" tanong ko pa sa kanya at tinitigan siya na parang sinusuri.

"Bob* ka ba? Nasasayahan lang ako napansin ako ng isang Calla Asturias. Calla Asturias, dude." kita mo to crush na ata yung babae e. "Ikaw ba? Kanina natulala ka dun sa babaeng may highlights, ano inlab ka na?" nang-uuyam niyang tanong sa akin pabalik.

"Nagbibiro ka ba? Curious lang ako kung bakit ngayon ko lang siya nakita sa school." palusot ko. Di ko alam bakit ako nagpapaliwanag sa mokong to pero baka kasi ipagsabi niya sa ibang tropa namin na natulala ako sa babae kasi bibihira lang yan mangyari. Mahirap na, chismoso pa man din tong si Paulo kahit lalaki.

" Chill, dude. Nagbibiro lang din ako parang others ka naman," natatawa niyang sabi sabay tapik sa balikat ko. Kumibit balikat na lang ako at " Tara na pasok na tayo sa room, baka doon na si Sir Colton, pag initan na naman tayo,"  aya niya at lumakad pabalik sa classroom

Pumasok na kami sa room at tama nga akong nandoon na si Sir Colton. As expected, nasita kami at buong oras na pinag initan. Isinalawang bahala ko na lamang ito at yumuko para matulog. Nagising na lamang ako ng mag bell na at himala hindi ako sinigawan ni Sir bago siya umalis. Naisip ko na baka nagsawa na kakasigaw, napangisi ako at pumunta na nang canteen. Pag-pasok ko sa canteen ay bumili ako ng paborito kong meryenda, C2 na pula at dalawang piraso ng bread roll. Kukunin ko na sana yung pagkain ko pero nahagip ng mga mata ko yung babaeng may pulang highlights. Kahit sa malayo ay ang tingkad ng buhok niya. 'Di ba siya sinisita ng guard? Hindi naman kami private school pero yung principal namin napaka-istrikta. 

"Di niya ata kasama si Calla," wala kasi akong nakita na naka-sunod sa kanya. Ah, baka naman nasa classroom nila. Nakita kong binigyan siya nang tindera ng bread roll at tropicanang nasa supot na, binigyan niya rin ng bente pesos ang tindera pabalik at lumisan na. Bago pa siya makalabas ng pinto ay bahagya pa siya'ng lumingon sa akin. Teka?! Sa akin? Alam niya ba'ng pinag-mamasdan ko siya? Takte. Umalis na lang ako at dumiretso sa classroom. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Buong araw ay wala akong ginawa masyado halos tinulogan ko lahat ng subjects. 'Di ko alam bakit pa ako pinapa-aral ng mga magulang ko e halata namang 'di ako interesado. Siguro ine-expect pa din nila na balang araw baka magtino ako at pagtuonan nang pansin ang pag-aaral ko. Mahal ko naman mga magulang ko pero wala e nakakaurat mag - aral. 

Sabi ng Mama ko matalino naman daw ako dati, which is hindi naman malabo kasi mukha naman akong matalino. Di ko lang alam ba't na bobo ako ngayon, naapektuhan siguro utak ko ng maaksidente ako. 

Habang papauwi ako ay 'di ko na naman napigilan ang sarili kong isipin si Pula. Pula kasi pula ang highlights niya. Kung iisipin cute siya, bilugan ang mga mata at chubby cheeks. Manipis din ang kanyang labi at medyo chubby siya. Ang mga mata niya naman ay parang may tinago na kung ano...hindi iyon katulad ng mga mata ng mga nakakasalamuha ko, ang kanya'y parang may dina-damdam. Napansin ko rin ang pangingitim ng eyebags niya. Dami kong napapansin, mag-mumukha akong usisero nito. Pero hindi eh, mukhang may pinagdadaanan ang isang ito. 

"Bakit ko ba siya iniisip?" nagtataka kong tanong sa sarili ko sabay kunot ng noo. Kung maririnig man ng mga tropa ko ang nasa-isip ko baka putaktehin lang nila ako ng tanong. Bihira lang naman kasi ako mag-isip ng babae. 'Di naman kasi ako babaero tulad ng mga ka barkada ko kaya medyo bago ito sa akin. Seryoso ako sa pag-aaral, dejok. Seryoso akong 'di ako mag-girlfriend kapag 'di pa ako graduate. 'Tsaka isa pa, ang lala na ng tingin ng kababaihan sa mga lalaki ngayon. Kung hindi manyak, tingin naman sa amin babaero, puro lang laro, ghoster atsaka ano pa. Hindi ako kabilang ni isa sa mga binanggit, 'di lang talaga ako seryoso sa pag-aaral. 

"Pula, pula. Bakit ako nacu-curious sayo? 'Di ka naman gold," sabi ko pa sa sarili ko at pumasok na ng tuluyan sa bahay namin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status