Share

The Demon-Angel
The Demon-Angel
Author: Mirayyy_13

Chapter One

Monica

Sa mundo na ginagalawan sadyang may mga bagay at tao talaga na inakala mo’y alam mo at kilala mo na, pero hindi pa pala. Mga bagay na patuloy na ikinukubli sa dahilang ito ang mas nakabubuti at nararapat. Pero paano nga ba ito haharapin kong ang mga tao mismo sa iyong paligid na akala mo ay kakampi ay siya ring nagbabalat kayo?

******

Pumupungas pa ako habang pababa ng hagdan sa kadahilanang antok pa. Kahit nakaligo at nakabihis na ako ay hindi pa rin naalis ang antok ko.  Hihikab sana ako ngunit nabitin ito nang may marinig akong galabog galing sa kusina. Dali-dali akong tumakbo papunta ng kusina, gayun din si papa na nakasabay ko pa sa pagpasok ng kusina.

"Ma?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa harap ng gas stove. Nagkalat ang mga shell ng itlog sa lababo at gayundin ang ilang kasangkapan pang luto.

"Dear? Anong nangyari?" tanong ni Papa kay Mama bago ito lapitan. Ako naman ay naupo na sa dining.

"Gusto ko sana ipagluto ng almusal si Monica eh." Napakamot si papa ng ulo dahil sa sinabi ni mama.

Ako naman ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwala na napatingin kay Mama. "Ma, mahal mo ba ako?" tanong ko.

Isang matinding irap ang napala ko kay mama. Kinuha ni Papa ang sandok mula sa kanya. "Maupo ka na roon katabi si Monica. Ako na ang bahala sa almusal."

Napabuntong hininga naman si Mama at tumabi na sa akin.

"Ayan kasi. Ang kulit mo rin naman kasi Mama eh. Sabi na wag ka na mag try magluto eh." panloloko ko pa kay Mama. Kung kanina ay irap lang ang nakuha ko, ngayon ay isang malakas na pambabatok.

"Manahimik ka ha. Baka malimutan kong anak kita at matusta kita ngayon." sabi niya pero sa halip na matakot ay natawa pa ako sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay natapos na magluto si Papa ng scrambled egg at naglapag na s’ya ng toasted na tinapay sa harap namin ni Mama. Ako naman ay tumayo na upang kumuha ng baso at fresh juice sa ref.

"Hindi ka talaga pwede sa kusina, dear." sabi ni Papa.

"Sige, maaga n’yo ako asarin mag-ama." sabi ni Mama kaya nagkatinginan kami ni Papa at natawa na lang sa inasal ni Mama. Natigilan kami noong may dumaan na bola ng apoy sa gilid ni Papa.

"Tawa pa?" tila naasar na sambit ni Mama.

"Dear naman. Wala namang ganyanan." sabi ni Papa habang nag aalangan na tumingin kay Mama.

"Kaya nga, Ma. Unfair sa akin. Wala akong pansalag sa iyo."

"Monica, alam mo naman na hindi ka namin pwede turuan ng papa mo. Hindi natin alam ang maaring mangyari. Baka hindi mo makontrol ang kakayahan mo." sambit ni Mama habang nag aalala na nakatingin sa akin.

"Alam ko naman po yun Ma. Alam ko rin po ang pwedeng mangyari sa oras na gamitin ko iyon. Mataas ang tyansa na mas maging target pa tayo ng mga demons."

"Siguro, hindi pa ngayon ang pagkakataon na tuturuan ka namin. Pero panigurado, darating din tayo roon." dugtong pa ni papa sa sinabi ni mama.

Pinilit kong ngumiti sa kanila kahit sa totoo lang ay bahagya akong nagtatampo.

Minsan iniisip ko ay wala silang tiwala sa akin na makokontrol ko ang kakayahan ko bilang kalahating anghel at kalahating demon. Pero mas lamang pa rin ang pag iisip ko na ginagawa nila iyon para rin sa akin- para protektahan ako.

Dahil sa akin ay nahihirapan sila. Dahil isa akong kalahating anghel at kalahating demon ay may tinataglay daw akong pambihirang lakas. At ang kakayahan ko na iyon ay hinahangad ng mga taga-hell. Maari kasi nila akong magamit upang magkaroon ng malaking tyansa na manalo laban sa mga taga-langit. Ngunit hindi naman hinahayaan ng mama at papa ko na makuha ng mga taga-hell.

Kahit na Cherubim si papa at si mama naman ay isang archdemon, ay hindi pa rin maipagkakaila na malakas ang ibang taga-hell lalo na sa oras na sumugod sila sa oras na hindi namin inaasahan. May pagkakataon na isang prince of hell ang nakalaban nila para lang protektahan ako.

Nagtanong din ako noon kila mama kung bakit hindi nila ako ginawang full angel noong bata pa ako. Ngunit ang sabi nila ay maaaring hindi kayanin ng aking katawan ang magiging proseso nito. Kaya para na rin sa ikabubuti ko ay hinayaan na lang nila na maging half demon at half angel ako. Pero, para hindi ko magamit ang kakayahan ko ay may ibinigay sila sa akin na kwintas na nagse-seal ng kakayahan ko.

Nang matapos kumain ay nag toothbrush na ako at kinuha ang bag ko na naka ready na sa aming sala.

"Mama, Papa alis na po ako." pag papaalam ko kila mama bago lumabas ng pinto.

Sa paglalakad ko ay nakita ko ang isang babae na tila may inaantay sa kanto na kinatatayuan niya. Napangiti ako bago siya tuluyang lapitan.

"Good morning, bestie!" Nakangiting bati ko.

"Anong good sa morning, demonyita? Baka nakakalimutan mo, 6:15 ang usapan natin. Aba, 6:20 na kaya." Sabi niya at halos batukan na ako. Alam kong medyo bad trip na s’ya dahil demonyita na ang tawag nya sa akin

"Sorry naman na. Wag mo na akong tawaging demonyita. Baka may makarinig pa. Isipin pang masama ako." Natatawa kong sabi bago siya hilahin para maglakad.

"Tigilan mo ako. Tama lang ang demonyita. Ayun naman talaga pangalan mo ah. Si tita Demenise na mismo nagsabi. Hindi naman dapat Monica Dee pangalan mo. Dapat Dee Monica. Hindi lang pumayag si tito. Sige, sabihin mo na hindi totoo."

Napasimangot na lang ako dahil totoo iyon. Dee Monica dapat ang pangalan ko. At kung iisipin, pag binigkas ito ay parang magkasing tunog sa 'Demonyita' o kaya naman ay 'Demonyo ka'. Which is kabaliktaran naman ng pangalan ng bestfriend ko. Kung ako ang Demonyita, s’ya naman ay Angelica, parang pang anghel lang.

"Oh, 'di ba. Naku, kung hindi lang kita bestfriend malamang, nilayasan na kita." sabi niya at ngumiti na.

"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis." Napa halakhak ako at kumapit sa braso niya.

Pagdating namin sa room ay dumeretso na kami sa upuan namin. Kauupo pa lang namin ay may lumapit na agad sa amin na kaklase namin na si Mae.

"Monica, Geca! Nakita n’yo ba kanina sa faculty yung dalawang transferee?" Tanong nito.

Nagkatinginan naman kami ni Geca.

"Wala naman kaming napansin noong dumaan kami kanina." sagot ko.

"Ang pagkakadinig ko kanina, dito sa section natin sila papasok. Naku, mukhang magkakaroon na ng gwapo sa HUMSS 12-A sa wakas." excited na saad ni Mae.

"Para mo namang sinabi na walang gwapo sa section natin." natatawa na depensa ni Geca.

"Naku! Wala naman talaga. Nakakasawa ang mga pagmumukha nila. Buti na lang talaga, may transfer na. Sige na, magre-review muna ako sa Creative Writing. Baka may pa-quiz na naman si Sir e’." sabi ni Mae bago umalis.

"Ikaw, bestie? Sa tingin mo ba gwapo talaga yung mga yun?" tanong ko.

"Hindi naman natin pwede i-judge agad na pangit o gwapo. Malalaman natin sa oras na makita natin." pakli niya kaya naman nagkibit balikat na lang ako.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag ko at nagbasa na lang ng notes. Maya-maya ay  dumating na ang adviser namin na si Sir Raguel. Kasama n’ya ang dalawang estudyante. Mukhang sila na nga ang sinasabi kanina ni Mae na transferee.

Halos pareho sila ng height. Sa tingin ko ay nasa 5'10 sila. Ang isa ay inosente ang dating. Maamo ang mukha nito at kapansin-pansin ang mga mata nito na kulay asul. Matangos din ang ilong nito at may pinkish na labi. Habang ang isa naman ay parang playboy ang dating. Unang-unang mapapansin sa kanya ay ang ngisi niya sa mapula niyang labi na tila may binabalak na kalokohan. Mapapansin din ang mata niya na tila nanghihigop. Katulad ng katabi niya, matangos rin ang kanyang ilong.

"I'm Mikael Archanghel. 18 years old. It's nice to meet you all." Pagpapakilala nung lalaki na may innocent look.

"I'm Nathan Sandoval. 18." Sabi naman noong isa at kumindat pa dahilan upang mapuno ng impit na tilian ang room.

Tumikhim naman si Sir Raguel upang mapatahimik ang klase.

"Maari na kayong umupo roon sa fourth row." Itinuro ni Sir ang side namin. Tumango naman silang dalawa bago maglakad papunta sa fourth row- sa likod ng row namin.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang dumaan si Nathan sa gilid ko.

"Hi Monica." sambit nito bago tuluyang umupo sa likod namin. Gusto ko man s’ya tanungin kung bakit niya ako nakilala, ay hindi ko na nagawa dahil nagsimula na ang klase ni Sir Raguel.

Natapos ang first two morning subjects at nagtataka pa rin ako. Nang lumingon naman ako sa likod para tanungin sana si Nathan para tanungin kung paano niya ako nakilala, ay wala na s’ya roon. Si Mikael lang ang mag-isa na nakaupo habang nakikinig ng music sa headphones n’ya.

"Bestie, kilala mo ba si Nathan?" tanong ko kay Geca.

"Hindi. Ikaw ba?" tanong niya pabalik.

"Hindi rin. Pero, paano niya nalaman ang pangalan ko?"

"Baka naman na meet mo na s’ya sa ibang lugar."

"Sigurado akong hindi ko pa s’ya nakikita o nakilala. Nakakapagtaka naman."

"Maganda sigurong gawin ay iwasan mo na lang hangga't maaari. Lalo na at hindi mo pala talaga kilala." payo ni Geca pero bakit parang may iba siyang alam na dahilan pero hindi niya sinasabi sa akin?

Akmang kakain na ako ng sandwich na baon ko nang may kumalabit sa akin mula sa likuran. Nang tingnan ko, ay si Mikael pala.

"Uh, hi?" alanganin na sabi niya habang nakangiti.

"Hi." bati ko naman pabalik at nginitian s’ya.

"Gusto ko kasi sana na makipagkaibigan sa lahat. Kaya lang medyo nahihiya pa ako. Kaya sa inyo muna sana. Kung ayos lang naman." sabi niya at napakamot pa sa batok niya. Halatang halata sa kanya na nahihiya pa s’ya. Nakakatuwa kung iisipin at isa pa, ang cute tignan.

"Oo naman. Monica Dee Saavedra. You can call me Monica." nakipag kamay sa kanya at ngumiti.

"Mikael Archanghel."

"Mikael, this is my best friend, Angelica Guardino." pagpapakilala ko kay Geca at hinarap si Mikael.

Ngumiti naman si Geca sa kanya at nakipag kamay din.

"Nice to meet you." simpleng sabi ni Geca

"Nice to meet you too. It feels so nice na kahit papaano ay may kakilala na ako." tugon ni Mikael sa’min habang nakangiti.

"Don't worry. For sure magiging kaibigan mo ang lahat. Mababait naman ang mga kaklase natin. Mukha lang mga baliw ‘yan." pagbibiro ko.

Natawa naman s’ya sa sinabi ko "Sana nga." Sambit niya.

"Pwede rin ba ako na makipagkaibigan?"

Natigilan naman ako at napalingon sa gilid ko. Nandoon na si Nathan at nakangiti. Well, I’m not even sure if that's a real smile or if it's a smirk.

"Oh, sure. The name is Monica." sagot ko na lang at nakipag kamay kahit na nag aalangan.

"Nathan."

Tumingin siya kay Geca at inalok ang kamay niya upang makipag kamay rin. Napatingin pa sa akin si Geca pero tinanguan ko na lang siya ng bahagya.

"Geca." maikling sabi niya bago tanggapin ang kamay ni Nathan.

Naupo naman na sa upuan niya si Nathan at tumingin kay Mikael.

"Ikaw? Pwede ba ako makipagkaibigan sa iyo?" Hindi ko alam kung ako lang ba o parang nang-aasar si Nathan.

"Oo naman." sagot naman ni Mikael at nakipag kamay din kay Nathan. Ngumiti sila sa isa't isa pero ramdam ko na may kakaiba.

"So, ano pala ang next subject natin?" Tanong ni Mikael.

"Introduction to the Philosophy of the Human Person." sagot ko.

"Tapos ang kasunod naman noon ay Understanding Culture, Society and Politics." dugtong pa ni Geca.

Napatango naman silang dalawa.

Dahil wala pa naman ang teacher namin sa Philosophy ay kinalabit ko si Geca.

"Ako lang ba o parang magkaaway ang dalawa sa likod natin?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang si Geca.

Muli akong lumingon sa likod at tinignan ang dalawa. Si Mikael ay nakaheadphones ulit habang nakatingin sa labas habang si Nathan naman ay nakadukdok sa table niya.

Napailing na lang ako dahil sa kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status