Share

Chapter Seven

Monica

Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan.

"Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa.

"Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa.

"Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael.

"Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan.

"May sinabi ba ako?"

"Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo."

"Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca.

"Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko.

Mula sa kinauupuan ko ay sinilip ko ang dalawa at nakita na nagtatalo pa rin sila.

"Gaano ba karami ang huhugasan at nagtatalo pa kayo? Ano ba kayo? Bata? Pag lumipas ang limang minuto na hindi pa kayo tapos diyan sa kusina, pag-u-untugin ko kayong dalawa!" Sigaw ko mula sa sala.

"Ikaw kasi!"

"Anong ako? Ikaw kaya!"

Narinig ko pang pagtuturuan nila.

"Sige, magtalo pa kayo. Nakastart na ang timer ko!" sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"May timer ka talaga?" bulong ni Geca sa akin.

"Yup. At gagawain ko talaga iyon pag hindi sila sumunod. Mga asal bata." naasar kong sabi.

Wala pang limang minuto ay nakabalik na ang dalawa sa sala.

Pansamantala kong tinigil ang ginagawa ko at hinarap sila.

"Oh, buti tapos na kayo." Mataray kong sabi.

"Tapos na kaya wag ka na manaray." sabi ni Nathan at umupo na.

"Matatapos naman kasi agad kung sumunod ka sa akin."

"Bakit naman ako susunod sa iyo?"

"At bakit naman hindi?"

"Ah, hindi pa tapos," sabi ko kaya natigilan sila. Napatingin sila sa akin at napansin ko na napalunok sila. Bakit? Ganoon na kaya ka-dark ang aura ko? "Oh? Bakit tumahimik kayo?"

"Wala. Sabi nga namin gagawa na kami." sabi ni Mikael bago magtipa sa laptop niya.

"Wala naman kaming sinasabi." sabi naman ni Nathan at nagtipa na rin.

Nabalot ng katahimikan ang bahay at ang tanging maririnig lang ay ang lagaslas ng ulan sa labas at ang paminsan-minsang pagkulog at pagkidlat.

"Natapos ko na yung part ko." sabi ni Geca.

"Sige, open na bluetooth ng laptop ko. Mikael, Nathan send nyo lang sa akin yung inyo once na matapos niyo." sabi ko at nagpatuloy sa pag tipa. Nang ma-recieve ko na ang file ni Geca, idinagdag ko na rin ito sa inaayos ko.

"Nasend ko na rin ang akin." sabi ni Mikael.

"Patapos na itong akin." sambit ni Nathan habang patuloy sa pagtitipa.

"Sige lang." sabi ko habang idinadagdag ang file ni Mikael.

Makalipas ang limang minuto, nasend na rin ni Nathan ang file niya kaya nang malagay ko na iyon sa file, ay ni-review ko na ulit iyon bago i-save.

"Done!" sambit ko bago mag-unat.

"Pasado alas-tres na pala? Nasa ilang oras na rin pala tayong gumagawa. Hindi ko na napansin." sabi ni Geca habang may hawak-hawak na unan.

"Ang bilis ng oras. At ang bilis din natin natapos." dagdag pa ni Mikael.

"At sana, wala na tayong babaguhin pa." sabi ni Nathan bago humilata sa sahig at nag-unat.

"Ipapasa ko na ito kay Ms. Yanika by Monday. For sure naman, wala na tayo kailangan pang idagdag  nasa eight pages na nag nadagdag natin sa chapter na ito." sabi ko habang ikinakabit ang laptop sa cable ng printer.

"I-pi-print mo na agad?" tanong ni Geca.

"Yup. Para malagay ko na sa bag ko. Baka makalimutan ko na naman. Lagot na ako kay mama." Natatawang sabi ko.

"Nga pala, nasaan ang parents mo?" tanong ni Nathan at umupo muli.

"Ah, may pinuntahan sila. Out of town." Sabi ko.

"Hala, edi ikaw lang mag-isa rito?" tanong niya ulit.

"Nope. Kasama ko si Geca."

"Yup. I will be staying here for a while habang wala pa sila tita." sabi ni Geca at yumakap pa sa braso ko.

"Mag-iingat kayo. Maraming mapagsamantala sa panahon ngayon. Lalo na sa ganitong panahon." sabi ni Mikael.

Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o bumaling nang saglit ang tingin niya kay Nathan na para bang may masamang binabalak ito. Pero iwinaksi ko na lang sa isip ko iyon dahil ayoko rin naman na magjudge ng tao.

"Pwede rin kaya na mag send tayo kay Ms. Yanika ng email? Para sure na rin." suhestyoni ni Geca.

"Pwede naman." sabi ko at itinigil ang pagpindot ng key sa keyboard ng laptop para maprint na ang research namin.

"Notify mo na lang kami kapag may kailangan ulit." sabi ni Mikael.

"Sige sige. Pahinga muna tayo. Nai-send ko na kay Ms. Yanika ang file natin. Para wala nang alalahanin. Saka baka bigla pang mawalan lalo ng signal mamaya. Delikado na." sabi ko habang nagliligpit.

"Hmmm, how about nood muna tayo ng kahit isang movie? Unwind tayo kahit saglit." suhestyon ni Geca at tumayo na para kumuha ng ilang chips mula sa grocery bags na dala nila kanina.

"Nice idea." sabi ni Mikael.

"Sorry pero kailangan ko na umalis. Nagtext sa akin ang kapatid ko at may emergency sa bahay. Kailangan ko na umuwi. Any minute ay darating na ang sundo ko." sabi ni Nathan.

"Sayang naman. Sa susunod na lang siguro?" Sabi ko.

"Yup. Sa susunod na lang." sabi ni Nathan. Sakto naman na may narinig kaming bumusina sa labas kaya nag paalam na sya. Hinatid ko sya sa labas at nakita ko ang isang itim na kotse. Hindi ko na nakita ang driver nito pero roon sa kotseng iyon sumakay si Nathan.

"Ano na papanoorin natin?"

"Ito, bagong d******d ko kahapon. The Wretched." sabi ni Geca.

Isinalang na ni Geca ang flashdrive niya sa TV at nagdikit naman kami ni Geca sa malaking sofa habang si Mikael ay nasa single na sofa.

"Ang lakas na lalo ng ulan." sabi ko nang kumulog nang malakas.

"Anong oras kaya hihinto?" sambit ni Geca.

Napatili kami ni Geca nang biglang kumidlat na naman kasabay pa ng pagkamatay ng kuryente.

"Hala naman. Kung kailan nasa climax na tsaka pa nagbrown-out." dismayadong sabi ko habang binubunot ang TV.

"Iniisip ko tuloy kung uuwi na ba ako o magpapahina muna ako ng ulan bago umuwi." sabi ni Mikael habang nakatingin sa bintana.

"Susunduin ka ba?" tanong ko.

"Walang magsusundo sa akin. Lahat ng kasama ko sa bahay ay wala roon. Ako lang mag-isa." sabi niya.

Nagkatinginan naman kami ni Geca.

Muli kaming napatili ni Geca nang humampas ang malakas na hangin sa bintana.

"Maghanap na tayo ng kandila para may magamit tayo mamaya." sabi ni Geca at tumayo na.

"Tulungan ko na kayo." sabi ni Mikael bago tumayo.

"Ang alam ko nasa mga drawer yung kandila."

Sama-sama kaming pumunta ng kusina at ang tanging ilaw lang namin ay ang ilaw na nang- gagaling sa cellphone ni Geca.

Nakahanap kami ng walong malalaking kandila, dalawang flashlight at isang lighter. Dala-dala ang mga nahanap namin, bumalik na kami sa sala.

"Paano iyan? Mukhang hindi pa hihina ang ulan. Mukhang mas lumalakas pa." sabi ni Geca.

"Wala akong choice. Uuwi ako kahit ganyan kalakas ang ulan. Kung ayos lang, iiwan ko ang laptop ko. Baka kasi mabasa habang pauwi ako." Sabi ni Mikael.

"No, hindi." sabi ko.

"Huh?" Naguguluhang sabi ni Mikael.

"What I mean is, h'wag ka nang umuwi. Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Tutal kaming dalawa lang ni Geca rito, kailangan din namin ng kasama na lalaki kahit papaano." Sabi ko.

"Hindi ba magagalit ang mama at papa mo?" tanong ni Mikael.

"Kung nandito sila, hindi ka rin nila papayagan umalis na ganyan ang kondisyon sa labas. Saka isa pa, natutuwa iyon sila mama at papa sa iyo dahil ikaw ang nagdala sa akin sa clinic last time. Kaya huwag nan a mag-alala." pagpapaliwanag ko.

"Pero wala syang pamalit." sabi ni Geca.

"Tingin ko naman may mga damit si papa na kasya sa kanya. As for ano, I think may mga bago si papa sa closet nila ni mama. Sandali, kukuha ako." Sabi ko.

Pumanhik ako saglit sa kwarto para kuhaan ng damit si Mikael. Pag baba ko, naghihintay sila ni Geca roon.

"Eto. Kasya naman siguro sa iyo iyan. Kung gusto mo maligo, yung banyo rito sa baba may heater naman. Pwede mo naman gamitin." Sabi ko.

"Mamaya na lang. Nilalamig ako." natatawang sabi ni Mikael bago ilapag ang damit sa ibabaw ng backpack niya.

"Yung guestroom pala nandoon sa tapat ng kwarto ko. Doon mo na lang ilagay ang gamit mo. Aakyat muna kami ni Geca." Sabi ko.

"Sige." sabi ni Mikael habang nakasunod sa amin.

"Oh, ba't ka sumusunod?" Pagtataka ko.

"Hindi ko alam kung saan ang kwarto mo. Therefore, hindi ko alam kung saan ang guestroom." pagpapaliwanag ni Mikael.

"Yung totoo bes? Gaano ka kalutang?" natatawang sabi ni Geca.

"Hoy, sorry na agad. Nalutang na dahil sa research. Tara na sa kwarto bilis." sabi ko bago hilahin si Geca.

Nang matapatan namin ang kwarto ko, itinuro ko kay Mikael ang katapat na pinto.

"Iyan. Diyan ka mag-i-stay. Pag may kailangan ka, kumatok ka lang." sabi ko bago hilahin papasok si Geca sa loob ng kwarto.

Natatawa pa rin siya dahil sa kahihiyang nasabi ko.

"Ayos ka na niyan? Masaya ka na?"

"Sorry na kasi. Ang lutang mo kasi, eh." Natatawnag sabi ni Geca.

"Bahala ka nga. Matutulog na ako." Sabi ko bago pumesto sa kama.

"Grabe, malapit pa lang mag alas-sais. Maghahapunan pa tayo, oy." sabi ni Geca habang yinuyugyog ako.

"Mamaya na. Gisingin mo na lang ako pag maghahapunan na." sabi ko at ipinikit na nag mga mata ko.

-------------------------

Geca's Point of View

Mabilis na nakatulog ang kasama ko sa kwarto at mukhang sobrang himbing pa ng tulog nya dahil tumutulo pa ang laway nya.

Maingat akong lumabas ng kwarto at nakita ko naman na nasa tapat si Mikael. Or should I say, Kuya Michael?

"Tulog na tulog ata si Monica?" natatawang sabi niya.

Pumunta sya papunta sa may hagdan kaya naman sinundan ko siya.

"Yep. Napagod ata talaga sa research."

"Aalis muna ako saglit. May aayusin muna ako sa bahay at bibilinan ko si Raguel na mag-ingat. Mukhang distraction lang ang ginawang pagsugod ngayon sa Gate of Heaven." sabi ni Mikael bago mawala matapos mabuo ang isang holy symbol sa kinatatayuan niya kanina.

Napailing na lang ako bago bumalik sa kwarto ni Monica.

Malakas pa rin ang ulan at patuloy pa rin ang pagkulog at pagkidlat. Madilim ang buong bahay at ang tanging nagbibigay liwanag lang sa kwarto ay ang kandila na nakalagay sa study table.

Umupo ako roon at tinignan ang mga gamit ni Monica. Napukaw ng atensyon ko ang isang tila libro na nakasuksok sa gilid. May nakalagay sa unang pahina nito na "Grade 12", kinuha ko iyon at binuklat.

Nakita ko ang mga pictures namin na nakadikit sa bawat pahina nito. Bawat picture ay may nakalagay na maliit na papel na may nakalagay kung ano ang okasyon at petsa sa larawan na iyon. May ilang random shots lang naming dalawa o kaya naman ng mga kaklase namin. Wala pang kalahati ng album ang nalalagyan ng pictures.

Tipid akong napangiti bago ibalik sa dating kinalalagyan nito ang album. Nilingon ko ang bestfriend ko na mahimbing pa rin na natutulog. Tumayo ako at inayos ang kumot niya. Akmang hihiga ako sa tabi niya para sana makatulog din nang may narinig akong galabog mula sa baba.

Tumayo agad ako at naglagay ng protection spell kay Monica bago maingat na lumabas ng kwarto.

Bumuo ako ng maliit na ball of light sa palad ko para magsilbi itong ilaw sa madilim na bahay. Dahan-dahan akong naglakad pababa hanggang makarating ako sa may sala.

Kasabay ng pagkidlat ay ang paglitaw ng isang pigura ng tao sa labas ng pinto ng bahay nila Monica papuntang garden nila sa likod bahay.

Walang takot na pumunta ako roon at nakita ko si Mikael na basang-basa na nasa labas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status