Share

Chapter Six

Monica

Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok.

"Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal.

"Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok.

"Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya.

"Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy.

"Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi."

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pag kain.

Pagtapos ko magtoothbrush ay nakita ko na nakagayak na rin si papa para maihatid ako.

"Nasa sasakyan na yung bag mo." sabi ni papa

"Opo. Thank you papa. Ma, aalis na po kami ni papa." sabi ko kay mama bago humalik sa pisngi niya.

"Yung payong mo ba nasa bag mo na?" tanong niya.

"Opo."

"Magtext ka mamaya pag magpapasundo ka." bilin pa ni mama.

Bago umalis ay humalik din si papa kay mama.

Habang nasa byahe ay tahimik lang si papa. Makikita ang ilang estudyante na naglalakad habang papasok.

"Wala ka bang kakilala sa mga iyan? Isasabay na natin." sabi ni papa habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kalsada.

Tinanaw ko ang mga mukha ng mga estudyante na nadadaanan namin ngunit wala naman akong kakilala.

"Wala po papa."

"Maalala ko pala. Gusto mo ba na magtraining na?" tanong ni papa dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Seryoso yan 'pa?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Tinatanong pa lang kita."

"Opo naman!" masiglang sabi ko.

"Sige. Magsisimula tayo next week." sabi ni papa bago ako sulyapan.

"Talaga po? Salamat papa!" sabi ko at pumalakpak pa.

"Pero hindi agad tayo magsisimula sa paggamit ng kakayahan mo. Physical Training muna."

"Kahit ano po. Payag ako!"

"Sinabi mo yan, ha?"

"Opo naman!"

Natawa naman si papa sa akin.

Pagdating sa school, may ilang estudyante rin na hinatid ng mga magulang nila. Pero, bigla ring babalik at aalis na.

"Oh, bat umuuwi na yung iba?" tanong ni papa nang itabi niya ang sasakyan.

"Wait lang po. Check ko po sa GC namin."

HUMSS 12- A

Daddeh Raguel

Good day students! Classes for today is suspended as per order of our dear School Administrator. Kindly take care of yourselves and have a comfy rainy day at your houses.

Prez

Hala sir! Papasok na po ako.

Mae

Ako rin po sir...

Angelica

Sir nasa school na po ako.

Nang makita ang chat ni Geca, tinignan ko ang paligid para hanapin sya.

"Hindi ba si Geca iyon?" Tanong ni papa sa akin.

Nakita ko naman siya na may kasama na lalaking pinapayungan siya bago sila pumasok sa isang sasakyan.

"Kasama pala niya si Azrael, eh." narinig kong sabi ni papa.

"Kilala mo po kuya ni Geca?" tanong ko kay papa.

Halos kaharap lang namin ang sasakyan nila Geca.

Mabilis kong tinawagan si Geca nang makita na nagstart na ng sasakyan ang kuya niya.

"Bes!" sambit ko nang sagutin niya ang tawag.

"Oh, bakit? Nasa school ka na ba? Walang pasok. Tara hahatid ka namin ni kuya pauwi." sunod-sunod niyang sabi.

"Hindi. Kasama ko si papa. Hinatid niya ako. Nasa sasakyan pa rin kami. Nakita kita, kasama mo si Kuya Azrael." sabi ko habang tinatanaw pa si Geca.

"Ayun nga. Kita ko na sasakyan niyo. Bakit ka pala tumawag?"

"Overnight ka sa amin." sabi ko. Tumingin ako kay papa at nakita na tumango lang siya.

"Overnight? Ipag-paalam mo ako kay kuya." sabi niya narinig kong ipinasa niya sa kuya niya ang cellphone niya kaya medyo nataranta ako.

"Hello?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Ah, hello po kuya?" Tanong ko. Nagulat ako kay papa nang ilahad niya ang kamay niya.

"Ako kakausap." sabi ni papa.

Binigay ko naman ang cellphone ko kay papa. Hindi ko pa naman ni-loud speaker dahil nataranta talaga ako.

"Oh, kalansay." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni papa.

"Pa!" mahinang saway ko.

Pero sinenyahan nya lang ako na tumahimik.

"Niyayaya ni Monica si Geca na mag-overnight sa amin. Payag ka naman, hindi ba?"

Nabigla pa ako nang matawa si papa.

"Mukha ka bang may choice? Syempre wala kaya papayag ka."

Oo, huwag kang mag-alala."

Oh, sige. Alam mo pa naman daan papunta sa bahay hindi ba? Hindi ka pa naman ganoon katanda para maging ulyanin." Pang-aasar pa ni papa kaya hinampas ko sya. Pero, natawa lang siya.

Natatawa pa rin siya nang iabot niya sa akin ang cellphone. Naka-end na ang tawag kaya naman nagcheck na lang ulit ako sa GC namin.

10 unread messages

Mae

Wala pa ring announcement sa city natin.

Buti nagsuspend mismo yung school

Prez

Kaya lang sana sa susunod mas maaga. HAHAHAHA

Mikael

Hayaan nyo na. Atleast nakapagsuspend. Long weekend tayo ngayon.

Therese

Good thing we have a car. Less hassle para sa akin.

Daddeh Raguel

Umuwi na kayo agad.

Huwag na magpunta kung saan-saan.

Mag ingat pag uwi

Mae

Yes daddeh

Prez

Opo dad

Napairap na lang ako nang mabasa ang chat ni Therese.

"Susunod na lang daw sila Geca." sabi ni papa bago umalis sa lugar kung saan kami nagpark.

Pag-uwi namin ay hindi na nagulat si mama nang makita niya ako.

"Buti nagsuspend ang school nyo." sabi ni mama at kinuha na ang bag ko.

"Opo. Kaya lang ang dami na rin ng students sa school noong nakapagsuspend sila."

"Hayaan mo na. Sige na, magbihis ka na roon sa kwarto mo."

Nang makapagpalit na ng damit, ay bumaba na ako sa sala.

Nagtaka naman ako nang makita na bahagyang balisa sila mama.

"Ma, may problema po ba?" tanong ko.

"Anak, iiwan muna namin kayo ni Geca rito. Parating na rin naman siya. May kailangan lang kaming asikasuhin ng papa mo." sabi ni mama.

"Ibig sabihin po ba habang wala kayo ay nandito si Geca?"

"Oo. Kinausap ko na ang kuya niya at pumayag naman." sabi ni papa.

"Wait po. May problema po ba? Bakit parang natatakot kayo?" nagtataka kong tanong.

"Kailangan naming umalis ng papa mo." wika ni mama.

"Kasalukuyang may pag atake na nangyayari ngayon sa Heaven's Gate. Marami na ang sugatan at kailangan naming tumulong doon ng mama mo." dagdag pa ni papa.

"Hindi pa namin alam kung kailan kami makakabalik. Baka matagalan kami. Basta, mag-iingat ka habang wala pa kami ng papa mo. Maliwanag?" Pagbibilin ni mama.

"Opo. Mag-ingat po kayo roon." sabi ko.

Niyakap nila ako at hinalikan sa noo bago umalis.

Ilan sandali naman ang lumipas ay dumating na si Geca. May dala siyang isang travelling bag na kasama ng school bag niya.

"Huwag kayong pasaway, ha?" bilin ni Kuya Azrael.

"Buti po pinayagan niyo si Geca na magstay rito."

"Yup. It's also a good thing since I will be out of town for some days." sabi ni Kuya habang may ipinapasok na plastic bags.

"Wait, ano po iyan?" tanong ko.

"Some snacks. I figured out that you will be needing some since kayo lang ang nandito." sabi ni Kuya nang tuluyan na niyang maipasok ang nasa tatlong malalaking plastic bags.

"Ayaw ni kuya na magutom tayo." Natatawang sabi ni Geca.

"Funny thing. Namili kahapon sila mama. So puno rin ang ref at ang snack cabinet."

"Then that's good. Wala na kayong problema." sabi ni kuya.

"Aalis ka na ba?" tanong ni Geca.

"I need to. Baka mahuli pa ako. Mag-ingat kayo." Huling sambit ni Kuya Azrael bago buksan ang payong niya at lumabas ng bahay.

Malakas pa rin ang ulan at gayon din ang hampas ng hangin.

"Hay nako. Buti na lang suspended ang klase natin." sambit ni Geca.

"Yup. It is really a good thing. May time pa tayo para sa research natin." sabi ko habang inaayos ang mga pinamili nila Geca.

"Yung tipong balak natin sya tapusin ngayong araw sa room, tapos naudlot." Natatawang sabi ni Geca.

"What if tawagin natin sila Mikael para gawain yung research? Pwede naman siguro sila bukas?" Suhestyon ko.

"Pwede naman. Pwede rin na ngayong araw hanggang bukas. Mag overnight na lang sila."

"I don't think na papayag sila mama na may mag overnight na lalaki rito sa bahay. Alam mo naman na sobrang strikto sila. Lalo na si papa."

"Sabagay. Pero kung pwede naman siguro natin sila yayain ngayon, yayain na natin. Para matapos na rin."

"Papayagan naman kaya sila?" Sambit ko nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Pagkakita ko, bumungad sa akin ang Practical Research II GC namin.

Mikael wants you to join the video call.

I pressed the answer button at bumungad sa akin ang mukha nila Mikael at Nathan. Sa left side si Nathan samantalang nasa right side si Mikael at ako naman ang nasa lower side.

"Oh, bakit?" Bungad ko.

"Gawa tayo research." Sabi ni Mikael. Nakita ko na ang sky blue na dingding sa likod niya. Mukhang nasa kwarto siya ngayon.

"Nice idea, pretty boy. Pero saan naman tayo gagawa? And with this weather? Are you really planning to go outside?" Napatingin ako kay Nathan na nakahoodie pa at umiiinom ng kape.

"Actually, we are planning to invite you guys." Biglang singit ni Geca.

"Yup. Yayayin sana namin kayo gumawa ng research dito sa bahay. Only if, pwede kayo." Sabi ko.

"Well, that's a nice idea. Para matapos na natin ang Chapter Three ng research." sabi ni Mikael at umalis na sa harap ng camera.

"Okay, fine. I'll go. Text us your exact address." sabi naman ni Nathan na tumayo na rin.

"Good." sabi ko bago patayin ang tawag.

"Guess we need to cook some food?" sabi ni Geca.

"Yeah. Nilagang baboy na lang para may sabaw."

Matapos masalang ang baboy ay dumiretso na kami ni Geca sa sala at nilinis na ang center table. Nilabas ko na rin ang laptop ko ay ang mga research paper namin.

"Ano nga ulit ang kailangan natin i-revise?"

"Bukod sa spacing, kailangan daw dagdagan yung Review of Related Literature at Review of Related Study natin. Bali kulang pa tayo ng nasa limang pages." Sabi ko habang sinasalansan ang mga gagamitin namin.

"Shucks andami pa pala," sabi ni Geca habang nakaharap na rin sa laptop niya. "Pano pala iyan? Malakas ang ulan. Wala tayong signal. For sure hindi rin nakakasagap ng signal ang wifi nyo."

"Yup. Actually nakapatay sya ngayon. Delikado na rin kasi." Sabi ko.

"Si kuya rin nagpapatay ng router pag malakas talaga ang ulan."

"Ay, speaking of Kuya Azrael. Magkakilala pala sila ni papa?" sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-e-edit ng research namin.

Napansin ko na bigla syang napatigil.

"Hindi ko rin talaga alam. Baka magkatrabaho sila." sabi ni Geca bago ipagpatuloy ang pag-ta-type.

"Ilan taon na ba kuya mo?"

"Twenty-eight. Mukhang gurang, ano?" Natatawang sabi ni Geca.

"Hindi, ah. Ang gwapo nga ni kuya eh. Parang nasa early twenties lang." Naputol ang pagkukwentuhan namin ni Geca nang may magdoor bell.

"Sila na ata yun. Wait lang." Sabi ko bago tumayo.

Kumuha ako ng payong bago lumabas ng bahay para buksan ang gate.

Nakita ko si Mikael na nakasuot ng skyblue na hoodie at Jogging pants. May hawak siyang puting payong habang nakasukbit naman sa likod niya ang backpack na gamit nya sa school.

"Nagcommute ka lang?" tanong ko at pinapasok na siya.

"Actually, may naghatid sa akin. Pero umalis din agad kasi may pupuntahan pa."

Sinara ko na ang gate ang sabay na kami pumasok ng bahay.

"Isa na lang kulang." sabi ni Geca nang maupo na si Mikael at inilabas na rin ang iba pang modules na pinagkukuhaan namin ng RRL.

"Tawagan ko ba?" tanong ko.

"Huwag na. Malaki naman na yun. Kaya na nya pumunta mag-isa rito." sabi ni Mikael habang nagsasalansan ng modules at journals.

Nagkibit balikat na lang ako bago pumunta ng kusina para tignan ang niluluto namin at makapagsaing na rin.

Narinig kong tumunog muli ang doorbell kaya naman ibinaba ko muna ang hawak kong mga gulay para sa nilaga.

"Ako na magbubukas." sabi ni Mikael mula sa sala.

"Salamat!" sigaw ko mula sa kusina.

Maya-maya narinig ko na sumara na ang pinto at kasunod ng mga yabag.

"Bes! Nandito na si Nathan!" sigaw ni Geca mula sa sala.

"Sige lang. Maya-maya lang maluluto na itong nilaga. Pwede na tayo humigop ng sabaw." sabi ko bago inilaglag ang patatas sa kaldero at bumalik na sa sala.

"Ano na ba ang gagawain?" tanong ni Nathan bago umupo.

"Kaunting edit tapos dadagdagan ang RRL natin."

"Kailan nga ulit ang pasahan nito?" tanong ni Nathan habang binubuksan ang netbook nya.

"Before ng exams. Pero kailangan matapos na rin natin as much as possible para wala na tayong alalahanin masyado."

"Tama. Marami pa naman gawain. Tapos malapit pang mag English Month. For sure, may kailangan na naman gawain ang strand natin para sa mga events." dagdag ni Geca sa sinabi ko.

"Idagdag pa yung sayaw sa P.E." Sambit ni Mikael.

"May defense ba ulit at the end of this chapter?" tanong ni Nathan.

"Yup." Sabi ni Geca.

"Too many defense. Too many school works. Ano bang balak nilang gawain sa atin?" reklamo ni Nathan.

"Well, that's why ginagawa na agad natin ito. Para hindi tayo matambakan." sabi naman ni Mikael.

"Gusto nyo bang maglunch muna?" tanong ko sa kanila.

"Pwede rin naman." sabi ni Mikael.

"Sige maghahanda na ako."

"Tulungan na kita." Sabi ni Geca at tumayo na para sundan ako sa kusina.

"Wala kayang mangyari na disaster? Mukhang hindi titigil yung dalawa sa pagsasagutan." bulong ko kay Geca.

"Nako, hayaan mo sila. Baka ganyan lang talaga sila." sagot naman ni Geca habang nagsasandok na ng kanin.

Nagkibit balikat na lang ako bago tawagin ang dalawa dahil naka handa na ang pagkain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status