Share

Chapter Four

Third Person

Naalerto agad si Geca dahil nararamdaman niya na hindi na natutuwa ang kanyang kaibigan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase nila. At tuluyan na ngang tumayo ito dahil sa inis. 

"Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" Wika ni Monica kaya naman hinawakan na ni Geca ang kaibigan upang pigilan ito at huminahon na ito.

Aaminin niya, maski siya ay naiinis na rin pero kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanyang bestfriend.

"Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sabi ni Therese at tumayo na rin ito sa upuan na tila ba nakikipag-kompetensya pa kay Monica.

"Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." Segunda pa ng kaibigan ni Therese na si Tanya.

Mas naalarma si Geca dahil tila nag-iba ang aura ng kanyang bestfriend.

Gayundin sila Mikael at Nathan na napatayo dahil sa isang iglap lang nasa harap na ni Therese si Monica. Halos lahat ng kanilang mga kaklase ay nag silayuan dahil sa nasaksihan.

"Huwag na huwag mo madamay-damay sa usapan na ito ang pamilya ko. Naintindihan mo?" Sabi nito sa kalmado ngunit nakakatakot na tono.

Tila walang epekto naman ito sa kaharap.

"Bakit ka nagagalit? Totoo naman!" sigaw nito at tinulak pa si Monica.

Ngunit hindi natinag ang huli. Sa isang iglap lang ay hawak-hawak na ni Monica si Therese sa leeg nito. Ang mga mata nito na kulay hazelnut ay naging kulay pula na. Bahagya ring humaba ang mga kuko nito na halos bumaon na sa balat ni Therese.

"D-demonyo ka!" Natatakot na wika ng isa sa mga kaibigan ni Therese habang tinuturo si Monica.

Mabilis namang kumilos si Mikael at hinawakan si Monica. Bigla itong nawalan ng malay at natumba ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ni Mikael.

Habang si Nathan naman ay ipinitik ang kanyang mga daliri at sa isang iglap lang ay nawalan ng malay ang lahat ng nasa loob ng classroom nila.

"Mawawala sa memorya nila ang nangyari kanina." Maikling pakli nito.

"Ha. You must be celebrating deep inside- na ang unang lumabas ay ang demon form ni Monica." sabi ni Mikael at tuluyan nang binuhat ang dalaga.

"Kuya ano na ang gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Geca sa binata.

"Dadalahin muna natin siya ng clinic. H'wag kang mag alala. Hindi rin niya maaalala ang nangyari. Pagkagising ng lahat ang maalala lang nila ay ang pag-uusap tungkol sa activity natin sa P.E." sagot nito.

Ngumiti ng tipid kay Geca ang binata.

"Don't worry. Magiging maayos din ang bestfriend mo. Besides, mayroon na man s’yang guardian angel na bestfriend." Dagdag pa dito bago lumabas ng kanilang classroom para dalhin na ang dalagang buhat sa clinic.

Naiwan sa loob ng classroom si Geca at Nathan. Sinulyapan ni Geca si Nathan at nakita niya na nakatingin ito sa kanya.

"What do you want from me, Satan?" Mataray niyang tanong. Kung tutuusin ay dapat siyang matakot dito dahil isa ito sa Seven Prince of Hell. Hindi rin naman niya alam sa sarili kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para tarayan ito.

"You are her best friend. At the same time, her guardian angel. I wonder what will be her reaction if she finds out your true identity." ngumisi ito sa kanya at bumalik na sa pagkakaupo. Itinaas pa nito ang mga paa sa lamesa at nang-aasar na tumingin sa kanya bago ipitik muli ang mga daliri.

Isa-isang nagkaroon ng malay ang mga kaklase niya. Tulad nga ng sinabi ni Nathan kanina, ay wala itong naalala sa nangyari.

"Ano na nga ba ang pinag-uusapan natin kanina?" Tanong ng isa sa mga kaklase nila. 

"Tungkol sa more than one month na mayroon tayo para makapag handa." Sabi ni Geca bago bumalik sa pagkakaupo.

"So ayun na nga guys. Sana pag may practice tayo ay huwag kayong makulit." Sabi ng class president nila bago bumalik sa upan nito.

Sinulyapan niya ang grupo nila Therese at nakita naman niya na naguusap-usap lang ang mga ito na tila walang nangyari kanina.

****** 

Samantala, nagulat ang school nurse nang makita si Mikael na buhat-buhat si Monica.

"Ano ang nangyari?" Tanong nito matapos ilapag ni Mikael sa kama na nasa loob ng clinic.

"Kanina po habang may pinag-uusapan kami sa classroom ay bigla na lang siyang nahimatay." 

"Mabuti siguro kung tawagin mo ang adviser niyo. Para na rin matawagan ang parents niya." suhestiyon ng nurse habang inaasikaso si Monica.

Tumango na lang siya bago umalis. Bago lumabas ng pinto ay saglit pa niyang sinulyapan ang dalaga na nakahiga sa kama. Tila ba walang nangyari rito. Bumalik na rin kasi sa normal ang haba ng kuko nito.

Ilan sandali lang ay dumating naman si Raguel at kasama pa rin nito si Mikael.

"Good afternoon po Sir Raguel." Bati ng nurse.

"Good afternoon din. Kamusta naman ang estudyante ko?" Tanong nito bago lumapit sa school bed kung nasaan naroon si Monica. Wala pa rin itong malay.

"Maayos naman na po ang lagay niya. Sa tingin ko po ay over-fatigue ang nangyari dahil sa rami na rin ng ginagawa nilang mga Grade 12 ngayon. Kung tutuusin po, ay pangalawa na si Monica na nadala ngayong araw. Nakauwi na ang estudyante na nadala rito kanina bago siya madala rito." Paliwanag ng nurse.

"Tinawagan ko na ang parents niya. Panigurado ay maya-maya lang nandito na sila." sabi ni Raguel.

Binalingan naman ni Raguel si Mikael.

"Mikael, pwede ba na makisuyo na dalhin mo na rito ang gamit ni Monica para hindi na iyon kukuhain ng parents niya pagdating nila rito?" Pagtatanong nito sa estudyante.

Tumango naman ang estudyante at lalabas na sana ng pinto nang bumukas ang pinto nito at bumungad sa kanila ang isa pang estudyante. Dala na nito ang gamit ni Monica.

"Sir, nagtext po sa akin sila tita at parating na raw po sila. Kaya dinala ko na po ang mga gamit ni Monica." magalang na sabi ni Geca bago ilapag ang ng kanyang bestfriend sa isang upuan.

"Tamang-tama. Ipapakuha ko pa dapat kay Mikael. Salamat." Ngumiti na lamang si Raguel sa kaniyang estudyante, bago huminginng pabor.

"Tutal ay nandito ka na, maari bang bantayan mo muna saglit si Monica? Kakausapin ko lang saglit si Mikael."

"Opo naman."

Lumabas na ang dalawang lalaki sa clinic at dumeretso sa rooftop ng building. Nilock nila ang pinto upang siguraduhin na walang ibang makakarinig sa kanilang pag-uusap.

"Now tell me what happened." Bungad agad ni Raguel.

"Well, maayos ang pag-uusap kanina sa classroom tungkol sa magiging performance sa PE. Napunta ang usapan sa research hanggang sa napunta ang usapan sa two-member group nila Geca at Monica." Saad ni Mikael at umupo sa railings na nasa rooftop.

"Is that it?" Nagtatakang tanong ni Raguel.

"Hmm, there's this girl in our class, Therese- if I'm not mistaken. Kasama ang mga kaibigan niya kung ano-ano ang pinagsasabi tungkol kila Demenise. Hindi naman pinapansin ni Monica noong umpisa. Pero mukhang tuluyan na siyang naasar. Nagulat na lang kaming lahat nang biglang nasa harapan na ni Therese si Monica."

"And her demon form showed up." Dagdag ni Raguel sa sinabi ng binata.

"No. I don't think it's her demon form. Not yet. Maybe yes, demon side iyon. But we can't conclude that it's her demon form already. I think it's worse than that. Really worse." sabi ni Mikael bago tumingala sa langit.

"Hindi ka ba nahihirapan sa misyon mo ngayon?" tanong ni Raguel bago sumadal sa railings at tumingala sa din sa langit.

"Hmm, mahirap kasi alam kong matagal ito. Mahirap kasi kailangan kong mag-ingat para hindi malaman ni Monica na isa akong Archangel. Pero, at the same time, madali kasi kailangan ko lang din makisabay sa mga tao nakakasalamuha ko sa araw-araw."

Sandali na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. 

"Eh, ikaw ba? Nahihirapan ka ba ngayon na bantayan siya?" dagdag pa ni Mikael sa sinabi.

Napabuntong hininga ang kanyang katabi. Kahit hindi nito sabihin ang pangalan ay alam niya kung sino ang tinutukoy nito.

"Mahirap kasi kailangan kong pigilan ang sarili ko na yakapin siya sa tuwing makikita ko siya." Malungkot na wika ni Raguel.

"Hindi naman kita masisisi. Afterall, mahal niyo ang isa't isa. Simula pa lang." bumaba na si Mikael sa kinauupuan at nagpagpag ng pantalon.

"Sa tingin ko kailangan na natin bumalik sa clinic. Naramdaman ko ang presensya ni Demenise. And I can tell that she is seriously mad right now." sabi nito bago tuluyang naglakad palayo.

Napabuntong hininga muli si Raguel bago sundan ang binata.

Saktong pagdating nila sa clinic ay nandoon na sila Demenise. Ngunit wala pa ring malay si Monica.

"Ah, Nurse Anne, maari bang maka-usap ko muna ang parents ni Monica?" tanong nito.

"Sure po sir." Saad nito bago lumabas.

Wala pang ilang segundo na nakalabas ang nurse ay nag-iba na agad ang atmosphere sa loob ng clinic.

"T-tita," takot na saad ni Geca "Tita, I can explain."

"No need to explain, anak. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon." Nagtitimping sabi ni Demenise. Maski ang asawa nito na si Richard ay hawak-hawak ang asawa.

"Mga inggitera yang classmates niyo! Che! Ano? Inggit ba sila kasi ang mama ni Monica ay kasing ganda ko? Baby face? Ha! Palibhasa kasi, yung iba sa kanila, trying hard para mag-itsurang bata. Ako? No need. Nasa dugo ko na ang pagiging maganda." Mayabang na sabi ni Demenise at naghairflip pa.

Lahat sila ay natahimik. Hindi nila inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ni Demenise.

"Po?" Hindi makapaniwalang saad ni Geca.

"Anyways, we all know that we need to be aware. Nakaya ni Monica na palabasin ang kakayahan niya bilang demon. We're not even sure kung ilang porsyento ba ng kakayahan niya ang nailabas at naipakita niya kanina."

"That's why you really need to train her. Let her use her ability. Para rin naman sa kanya ito. Hindi sa lahat ng oras ay mapoprotektahan niyo siya." Saad ni Mikael na nakasandal sa pintuan.

"Let us think about it first. Hindi rin pwede na biglain siya dahil baka hindi kayanin ng katawan niya. Nakaseal ang kakayahan niya sa loob ng labing-walong taon." sagot naman ni Richard.

"We'll wait for your decisions, then." malumanay na sagot naman ni Raguel.

"Malamang ay nagdiriwang ngayon sila Satan." Bakas sa pananalita ni Demenise ang inis na nararamdaman niya.

"Pero hindi naman namin hahayaang tumagal iyon hindi ba?" Determinadong tanong ni Geca.

"Of course. But right now, kailangan niyo muna maiuwi si Monica. Huwag kayong mag-alala dahil wala siyang maalala sa mga nangyari kanina." paninigurado naman na sabi ni Mikael.

Binalingan ni Demenise ang anak na nakahiga sa kama. Nilapitan niya ito at marahang tinapik.

"Anak? Anak." Pagtawag nito rito.

Dahan-dahan namang iminulat ni Monica ang kanyang mga mata at bumangon. Ngunit napatigil siya dahil biglang gumapang ang sakit sa kanyang ulo.

"Ayos ka lang ba? Uuwi na tayo." nag-alalang tanong ni Demenise sa anak.

"Ma? Bakit kayo andito? At saka, ano ang nangyari? Bakit ako nandito sa clinic?" tanong ni Monica nang nakaupo na siya nang maayos.

"Nahimatay ka kanina sa classroom. Si Mikael ang nagdala sa iyo rito." Paliwanag ni Geca.

"Nahimatay ako?" Tila hindi makapaniwala na tanong ni Monica.

Tanging tango naman ang isinagot sa kanya ni Geca.

"Kaya mo na ba tumayo?" tanong ni Richard.

"Opo." Sambit ng dalaga bago ibinaba ang paa sa gilid ng kama na kinahihigaan.

"Naka-ayos na ang gamit mo. Sigurado ka ba na kaya mo na?" tanong ni Mikael.

"Oo naman. Ako pa ba? At saka bakit, kung hindi ba, willing kang buhatin ako papunta sa sasakyan?" Biro pa ng dalaga sa kanya.

Natawa na lang siya ng bahagya dahil sa inasal nito.

"Oo nga pala, Mikael." sambit ni Monica kaya tinignan niya ito. "Maraming salamat sa pagdadala sa akin dito." 

"Wala iyon. Ang mahalaga ay maging maayos na ang pakiramdam mo."

Ilan sandali lang ay nakita na lang niya na umalis na ang sasakyan nila Monica na umalis ng kanilang paaralan.

"Nagsisimula pa lang ang lahat. Paniguradong marami pa ang darating." sambit ni Mikael habang nakatingin sa papalayong sasakyan nila Monica.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status