Share

The Crown Princess
The Crown Princess
Author: LoveInMist

Chapter 1

"People of Denmark, here I present unto you, Princess Louise Zara Quinn Isabella, your undoubted Princess: Wherefore all you who are come this day to do your homage and service. Are you willing to do the same?" tanong ng Archbishop.

The people signified their willingness and joy, by loud and repeated acclamations, all with one voice crying out. Then, the trumpets began sounding.

"Princess is your Highness willing to take the Oath?"

Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata. Gusto niyang idilat ang mga iyon ngunit tila napako ito sa pagkakasara.

"I am willing," sagot niya.

"Will you solemnly promise and swear to govern the People of the Denmark and of you Possessions and the other Territories to any of them belonging or pertaining, according to their respective laws and customs?."

"I solemnly promise so to do."

"Will you to your power cause Law and Justice, in Mercy, to be executed in all your judgements?"

"I will."

"Will you to the utmost of your power maintain the Laws of God and the true profession of the Gospel? Will you the utmost of your power maintain in Denmark the Christian Religion establish by law? Will you maintain and preserve inviolably the settlement of the Church of Denmark, and the doctrine, worship, discipline, and the government thereof, as by the law established in Denmark? And will you preserve unto the Bishops and Clergy of Denmark, and to the Churches their committed to their charge, all such right and privileges, as by the law do or shall appertain to them or any of them?"

"All this I promise to do."

She arose out of her chair, supported as before. The sword of State being carried before her as she walked to the altar, and made her solemn Oath in the sight of all the people to observed the premisses: laying her right hand upon the Holy Gospel in the great Bible, which was before carried in the procession and is now brought from the altar by the Archbishop, and tendered to her as she kneeled upon the steps.

"The things which I have here before promised, I will perform and keep, so help me God," she said before kissing the Book and signing the Oath.

Napadilat siya. Mabilis ang hininga at nanunuyo ang lalamunan niya. Napagtanto niyang nakasubsob siya sa lamesa kung saan nasa tabi ang portable DVD na ginagamit kagabi. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya habang nanunuod. Siguro ay dahil sa antok.

Inihilamos niya ang palad sa mukha. Nanaginip na naman siya. Palagi siyang nananaginip. Kaya lang, kapag nagigising na siya sa umaga ay nakakalimutan na niya ang panaginip na iyon. Hindi na niya matandaan. Pero kahit hindi niya matandaan ay sigurado siya na pare-pareho lang ang nangyayari sa panaginip niya. Somehow, it felt that way.

Her life was just like that. A constant search for something she can only be fulfilled in a dream that she couldn't even remember.

Bumuga siya ng hangin at hinawi ang manipis na kurtinang nasa tabi. Noong una ay isang napakatinding liwanag galing sa labas ang sumalubong sa kaniyang namumungay pang mga mata. Nang masanay sa liwanag ang mga mata niya ay tumambad sa kanya ang araw na sikat na sikat na.

Mabilis niyang nilingon ang orasan na nakasabit sa dingding ng kuwarto. Alas onse y media na ng umaga—at alas otso ang pasok niya sa pinapasukang café.

Nahampas niya ang sariling noo dahil ate na naman siya.

Isinuot niya ang isang tsinelas na naalis sa paa, at nagkukumahog na tumayo patungo sa banyo roon sa ibaba. Mahaba ang pila nang dumating siya roon. Pero dahil mahal na mahal siya ng mga ka-boardmate, pinauna na siya ng mga ito.

"Naku naman, Rica! Bakit ba ngayon ka lang?" Bungad sa kanya ng kaibigan at ka-trabahong si Ara, pagdating na pagdating sa café . "Kanina ka pa hinihanap ni Ms. Jaime!"

Hindi Rica ang totoo niyang pangalan, alam niya iyon. Ipinangalan lamang sa kanya ito ni Ara, na siya rin nakakita sa kanya sa daan na walang malay. Ayon dito, no one saw what exactly happened. Nang makita siya nito, akala raw nito ay patay na siya. She got bruises, may tama ng baril sa tagiliran, balikat at ulo.

Hindi niya maalala ang totoo niyang pangalan, maging saan siya galing o kahit ano mang tungkol sa kanya. Ipinaliwanag na rin ng doktor na nakausap nila na normal lamang na hindi siya makaalala dahil sa bala na nakuha mula sa ulo niya.

That was the doctor said two years ago. Dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang maalala.

"Tinanghali ako ng gising," nakangiti niyang sagot dito, bago kinuha ang uniform niya na inaabot nito. "Si Nel?" Tukoy niya sa isa pang ka-trabaho na hindi makita ng kanyang mga mata.

"Inutusan ni Sir magbayad ng bills. Magpalit ka na!"

Tinungo niya na ang banyo para magpalit. Matapos niyang isuot ang uniform ay kaagad niyang nilapitan ang isang lamesa para ligpitin ang mga kalat na naroon. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang marinig ang pagbukas ng pinto. Sabay silang lumingon ni Ara doon, iniisip na si Nel ang dumating. Subalit hindi ang ka-trabaho ang bumuglaw sa kanila.

It was a man she didn't know.

Wait. Didn't she know this man? Bakit parang pamilyar ito sa kanya?

Nakatutok ang buong atensyon ng lalaki sa kanya habang naglalakad ito papalapit sa pinupunasan niyang lamesa. His unique scent reached her nose and had this weird thought how familiar it was.

Now that he was close, she noticed that, despite the smile on his face, the stranger's eyes were a bit. . .lonely as he looked at her.

"Sir—" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla na lamang siya nitong niyakap.

Bahagya siyang napakislot sa init na hatid ng katawan nito. Napakurap pa siya ng ilang beses.

"Louise. . ." Halos mapatalon ang kanyang puso sa sinabi nito.

Isang malaking tandang pananong ang marahil ay nakaguhit sa kanyang mukha. Hindi siya nakagalaw at hindi niya magawang ilayo ang sarili sa nakayakap ngayon sa kanya.

Bakit siya nito tinawag na Louise? Sino ito? Bakit ganito na lamang ang epekto nito sa kanya?

"Louise. . ." usal muli ng lalaking nakayakap sa kanya. Napulunok siya. Naging mabilis ang paghinga niya. Sa sobrang takot niya'y malakas niya itong itulak palayo sa kanya.

Umatras siya nang sunod-sunod at lumayo sa lalaki na may takot. Puno naman ng sakit na tinitigan siya ng lalaki at humakbang ito papalapit sa kanya.

"Nakita lang kita sa daan na walang malaya. Akala ko nga ay patay ka na. Pero nang pulsuhan naman kita ay may pintig pa ito kaya naman agad kitang dinala sa hospital." Naalala niya ang sinabi ni Ara nang magising siya sa isang hindi pamilyar na Hospital at walang maalala.

Ang sabi pa ni Ara ay baka raw may gustong pumatay sa kanya kaya wag na wag siyang magtitiwala sa kahit kanino. Wala siyang ala-ala, hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari nang gabing iyon. Hindi niya alam kung bakit ba siya may mga tama ng baril. May gusto ba talagang pumatay sa kanya? Sino? At bakit? May ginagawa ba siyang kasalanan kaya siya gusto patayin? Lahat ng mga katanungan ay hindi siya kayang sagutin.

"W-Wag ka lumapit," utal niyang wika at iniharang ang kamay nang muling humakbang ang lalaki palapit sa kanya. "Wag kang lalapit sa akin. . .Sisigaw ako kapag lumapit ka pa. Lumayo ka, umalis ka rito." Sinulyapan niya si Ara mula sa counter, nakatingin ito sa kanila at bakas din ang takot.

"Louise—"

"Umalis ka rito! Hindi kita kilala!" Sigaw niya sa lalaki. Ang ilang mga tao na naroon ay napatingin sa kanila.

Kumurap-kurap ang lalaki at muling tumitig sa kanya, na tila hindi makapaniwala. Hindi ito nakinig sa kanya at muling humakbang para sinakop ang espasyo nilang dalawa. Bago pa siya nito mayakap ay naitulak na niya ito. Tumalikod siya at mabilis na tumakbo palabas ng café.

"Louise!" tawag ng lalaki, ngunit hindi niya iyon nilingon. Tumakbo lang siya nang tumakbo, gusto niyang makalayo roon. Nanginginig ang mga kamay niya at mabilis pa rin ang pintig ng puso niya.

Louise. . .

Nagpaulit-ulit ang pangalang iyon sa isip niya. Parang narinig na niya iyon, subalit hindi lamang matandaan kung saan niya narinig.

Gusto niyang maalala ang lahat. Gusto niyang malaman kung sino ba talaga siya. Gusto niyang bumalik na ang kanyang mga ala-ala. Pero paano? Saan siya magsisimula alalahanin ang lahat?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status