"Paano ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Na hindi ka masamang tao?"
She had to make sure. Hindi siya puwede magpadala sa nararamdaman niya. Hindi dahil hindi na siya kinakabahan habang kaharap ito ay pagkakatiwalaan na niya ito. Kaligtasan niya ang nakasalalay rito at wala siyang ibang aasahan para maging ligtas sa lagay niya ngayon na walang maalala, kung hindi ang sarili niya lamang. She had to trust no one but herself.
"Hindi kita sasaktan," David said softly. Parang hinaplos ang puso niya roon. Nakatitig ito sa kanya at ganoon din siya rito. Puno ng lungkot ang mga mata nito sa hindi niya masabing dahilan. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kung sasama ka—"
Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo na lang sabihin dito ngayon? Anong pinagkaiba no'n kung sasama ako sa 'yo?" Hindi siya puwedeng umalis nang wala siyang naaalala. Ito lang ang lugar kung saan niya tiyak na ligtas siya.
Hindi nakapagsalita si David kaya muli siyang nagsalita. Pareho silang nakatitig sa isa't-isa at hindi iyon inaalis.
"Anong pangalan ko?"
"Kailangan mo sumama—"
Hindi niya ito pinatapos. "Anong pangalan ko?" mariin niyang tanong dito, nakatitig pa rin.
"Louise. Louise ang pangalan mo."
Louise. . .
Iyon ang itinawag nito sa kanya nang dumating ito sa café.
"Anong apelyido ko?"
"Schleswig-Holstein-Sonderburg-Glücksburg-Friedrich Wilhelm."
Kusang kumunot ang kanyang mga noo at nagsalubong ang magkabilang kilay. "Lahat yan ay apelyido ko?" Bakit napakahaba naman? Kasama na ba roon ang middle name ng mga magulang niya?
"Pinakasalan ng Duke ng Schleswig-Holstein-Sonderburg-Glücksburg si Prinsesa Louise Caroline ng Hesse-Kassel, ang apo ni Haring Frederik V ng Denmark, noong 1810, taong yan nagsimula ang apelyido niyo."
Ano? Duke? Prinsesa? Hari?
Hindi agad naproseso ng utak niya ang tinuran nito. Kinailangan niya pa iyon ulit-ulitin para lamang maintindihan.
Duke. Prinsesa. Hari.
Pinakasalan ng Duke ang isang Prinsesa na apo ng Hari ng Denmark—at doon nagsimula ang apelyido nila?
Kung ganoon, isa siyang. . .Pero imposible. Paano iyon nangyari? "Sinasabi mo bang isa akong—"
Ito naman ang pumutol sa dapat niyang sabihin. "Prinsesa?"
She was about to speak when a gunshot went off. Parehong nanlaki ang mga mata nila at sabay na napayuko. Mabilis nilang nilingon ang pinanggalingan ng putok ng baril na iyon.
Dalawang sasakyan ang paparating, ang nauunang sasakyan ay nakabukas ang magkabilang bintana at may nakasilip na dalawang lalaki sa magkabila. Pareho ang dalawa na may hawak-hawak na baril. Without a warning, David grabbed her hand, the warmth of his fingers comfortably enveloping her palm, and he tugged her, pulling her inside the car. Hindi na siya nakapalag pa sa takot na baka matamaan. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya, ang ilan doon ay sa tingin niya tumama sa likod ng sasakyan.
"Kailangan natin makalayo rito. Alam na nilang buhay ka."
Hindi na naman niya maintindihan ang mga sinasabi ni David. Pero sa halip na magtanong ay yumuko siya dahil tila pinapaulanan na talaga sila ng bala. Napatakip siya ng magkabilang tainga sa takot at tunog ng mga putok.
Bago pinatakbo ni David ang sasakyan ay nahagip pa ng mga mata niya na bumukas ang gate ng boarding house nila. Nakita niya roon si Aling Vicky na sumilip sa labas ng gate, ngunit agad din isinarado nang muling may magpaputok ng baril.
Hinila niya ang seatbelt at dali-dali iyong isinuot para hindi matumba sa mabilis na pagmamaneho ni David. Lumingon siya sa likuran nila at nakitang sinusundan ng dalawang sasakyan.
"Sino sila?" sa wakas ay naitanong din niya. "Bakit nila tayo gusto patayin?"
Napatalon siya sa gulat ng tamaan ang bintana sa likuran. Kumabog ang dibdib niya nang makitang inaasinta ang sinasakyan nila.
"Ikaw ang gusto nila patayin," saad ni David. His jaw clenched and eyes darkened. Inalis nito ang isang kamay sa manobela at may kinuha sa dashboard.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang baril iyon. May baril din ito.
Napayuko na naman siya. Ang mga nadadaanan nila ay napapatakbo dahil sa pagkataranta. Lumiko-liko ang takbo ng sasakyan nila para iwasan ang mga bala. Hindi niya naman maiwasang masayangan nang pati ang kariton ng mga tinitindang prutas ay tumilapon nang mabangga nila iyon. Humigpit ang kapit niya sa upuan habang nakayuko. Pati ang mga nakalatag na paninda roon sa bangketa ay nadaanan nila ng gulong ng sasakyan. Nagkakagulo ang mga tao sa pagtakbo para iwasan ang sasakyan nila.
"Magmaneho ka, sa likod ako."
Napamaang siya kay David at umiling-iling rito. "H-Hindi ako marunong magmaneho."
Habang nasa manobela ang kanang kamay, sumilip sa bintana si David doon sa tabi niya at inilabas ang kaliwang kamay na may hawak-hawak na baril. Pinaputukan nito ng apat na sunod-sunod ang sasakyang humahabol sa kanila.
Binalingan siya nito. "Ikaw si Louise. . .Marunong ka," anas nito at bigla na lamang binitawan ang manobela.
Napasinghap siya at mabilis hinawakan ang manobela. Lumiban si David mula sa driver seat papunta sa back seat. Pumalit siya sa pwesto nito na naroon ang kaba at takot na baka mabangga sila at maabutan ng mga humahabol.
"Foot controls as ABC!" mahinang singhal ni David sa kanya nang mabangga niya ang mga nakasabit na tinitindang damit sa bangketa.
Ang pangalan nga nga'y hindi niya maalala, ang magmaneho pa kaya?
Paliko-liko sila ng takbo at tuluyan na nagkagulo ang mga tao sa labas. Nagpapasalamat pa rin siya dahil wala siyang nababangga ni isa sa mga ito. Bawat pihit at ikot niya sa manobela ay sumasama ang katawan niya at masasabi niyang marunong nga talaga siya magmaneho. Pero iyon nga lang ay hindi niya matandaan kaya ganoon ang kinakalabasan.
Bawat tama ng bala sa sasakyan ay nagba-vibrate iyon sa loob. Patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok si David sa mga humahabol sa kanila. Nang maubos na ang bala sa baril nito ay nakita niya mula sa salamin na itinaas nito ang upuan sa backseat at kumuha roon ng baril.
Itinuon niya ang atensyon sa pagmamaneho. Nanginginig ang mga kamay niya habang nasa manobela. Ilang sandali pa ay nasa high way na sila, palabas ng isang bayan sa Lucena. Mas lalo lamang nanginig ang mga kamay niya nang makasabay ang mga bus at iba pang sasakyan.
Napansin ata iyon ni David kaya mula sa backseat ay lumiban ito papunta sa shotgun seat. "Ako na." Hinawakan nito ang kamay niyang nandoon sa manobela, tila libu-libong boltahe ng kuryente ang umakyat sa kanya.
Tumayo siya para makipagpalit ng upuan kay David habang nasa manobela pa rin ang kamay at hawak nito. Nang dumaan ito sa likod niya ay naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa batok niya, na siyang dahilan kung bakit napalunok siya nang sunod-sunod.
This kind of feeling. . .May relasyon ba sila ni David bago siya mawalan ng ala-ala?
**
"Yella!"
She quickly ran towards the edge of seaport. Nakarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran niya. Another gun shot came from behind her, and she felt herself flying on the air before slamming hard on the water. Nang umangat siya ng ulo ay nakita niya ang pag-andar ng gate at nagsisimula na itong umandar palayo. Lumangoy siya sa dating kinalalagyan nito, hindi alintana at iniinda ang ng kanyang balikat dahil sa tama ng bala ng baril na kanyang natamo.
Nang malapit na siya ay inilibot niya ang paningin sa dagat. Halos kumawala ang puso niya sa matinding takot. Her fear was torturing her. Nang isang katawan ang nakita niyang lumulutang mula sa gilid niya ay agad niya itong nilangoy. Nang malapit na siya roon ay saka naman ito lumubog. Huminga siya nang malalim at sumisid sa ilalim ng dagat.
Sinubukan niyang iminulat ang mga mata, pero napako iyon sa pagkakasara.
"Yella! Yella, gising! Yella gumising ka!"
Mainit na luha ang dumaan sa kanyang pisngi habang sinusubukan niyang magising.
"Yella... Paparating na ang ambulansya. Paparating na sila."
Umiling siya habang tumutulo ang luha.
"You know... I-I've been shot before, but this time, I-I can honestly say it hurts like a bitch."
"Louise," a familiar baritone filled her ears.
"You've lasted this long and you are not going out like this. Hindi mo ako puwede iwan. Lima ang cluster 1 sa pamumuno ni Charlie. Hindi na iyon matatawag na cluster 1 kung makukulanga. You can't leave me on my own. Best friends, remember? You gotta be there for me."
Kasabay nang pagtulo ng luha ay ang panginginig ang labi niya.
"Y-You... will always be my b-best of friends. Y-You know, when y-you... when you spent five years as an assassin... you always picture how you are going to die... You always think because you left everything behind that you are to die alone. Y-You never expect to spend your last memory to your family. And turns out I was one of the lucky bitch."
"You're going to get this through this. Hinahanap ka ni Mama — sinabi kong nandito ka at gusto ka niyang makita — gusto ka niyang makita."
"Louise!" a cold baritone voice made her open her eyes.
Nang magising siya ay nanginginig ang mga kamay niya. Inihilamos niya iyon sa kanyang muka dahil sa emosyong hindi niya alam kung ano. Tears fell down on her cheek as her shoulders shook of fear and pain.
Napahawak siya sa ulo niya nang bigla na naman itong sumakit. She felt it was going to explode.
"Louise, panaginip lang yun. . .”
She quickly remembered where she was. Nasa sasakyan siya kasama si David. Pero hindi hindi na tumatakbo ang sasakyan, sa halip ay nakahinto ito sa tabi, sa ilalim ng malaking puno.
Marahan siyang hinila ni David palapit rito at isinandal sa dibdib nito. Ang kamay niyang nakahawak sa ulo niya ay hinawakan din nito.
"Panaginip lang," wika ni David, at mas hinila pa siya nito pasandal sa dibdib nito.
Patuloy na tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya alam kung dahil sa sakit ng ulo o dahil sa nangyari sa panaginip niya. Malinaw na malinaw ang imahe sa panaginip niya at natatandaan din niya ang pangalan ng babae roon.
Yella. . .Yella ang pangalan ng babae sa panaginip niya. Pero sino ito? Bakit ganito ang pakiramdam niya? Bakit sobrang bigat? Masakit.
Inalis niya ang kamay sa ulo at umalis sa pagkakasandal kay David. Humarap siya rito at pinunas ang luha. "May kakilala ba akong Yella?" tanong niya rito.
She saw his abdomen rise and slowly shook his head. "Wala. Wala kang kilala na Yella ang pangalan."
Tumitig siya rito at ganoon din ito sa kanya. Ito ang unang nag-alis ng tingin. Kinuha nito ang isang bag sa lapag at binuksan iyon. Kinuha nito roon ang bottled water at ibinigay sa kanya. Kinuha niya naman iyon at tumingin sa bintana sa tabi nila.
Mula kung saan nakahinto ang sasakyan ay natatanaw niya and high way. Hindi iyon gaano kalayo sa kanila.
Hindi niya alam kung nasaan na ang mga humahabol sa kanila, kung nailigaw na ba nila o hindi pa.
Ang sabi ni David ay siya ang pakay ng mga iyon. Pero ano bang kasalanan niya? May kinalaman din ba iyon sa kung bakit wala siyang maalala ngayon?
Binuksan niya ang bottled water at uninom doon. Masakit pa rin ang ulo niya pero na gaano.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga at muling hinarap si David. "Saan tayo pupunta?"
"Sa Maynila."
Hindi na siya muling nagsalita o nagtanong pa kahit na isang malaking tandang pananong man ang tinuran ni David sa kanya kanina. Sa kabila ng ginawa nito ay hindi pa rin siya nagtitiwala rito nang lubos. Hangga't hindi bumabalik ang alaala niya, sarili niya lang ang pagkakatiwalaan niya.
Isinandal niya ang ulo sa bintana sa tabi niya at ipinikit ang mga mata. Maya-maya pa ay tumunog na ang makina ng sasakyan at naramdaman niyang umandar na ito. Gising siya pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Mahigit isang oras yata siyang ganoon—Gising pero nakapikit. Hindi mawala sa isip niya ang babae sa panaginip. Para bang kakilala niya ito. At dahil nga wala siyang maalala ay hindi niya masabi kung bakit parang kakilala niya.
Huminto ang sasakyan. Doon siya nagmulat ng mga mata at deritsong tumingin sa bintana. Napatitig siya sa labas ng sasakyan kung saan naman sila nakahinto ngayon.
Nasa harapan nila ang isang bahay. Simple lang ang bahay, kahoy ang dingding nito na kinulayan ng berde. Ang pintuan ay may nakasulat sa itaas na Welcome.
Lumabas ng sasakyan si David at umikot para pagbuksan siya ng pintuan. Pinagmasdan niya ang bahay habang bumababa ng sasakyan.
Naunang naglakad papunta sa pinto si David. Dinukot nito sa bulsa ng pantalon na suot-suot ang susi, at saka binuksan ang bahay. Gumawa ng ingay ang pintuan nang buksan iyon.
Inilibot niya ang buong paningin sa kabahayan. Maliit pero malinis at maganda ang loob ng bahay. Pati ang mga kagamitan ay simple lang.
Naglakad si David papunta sa divider at kinuha ang maliit na picture frame roon. Pinagmasdan nito iyon ng ilang sandali, bago nilingon siya at muling bumaling sa picture frame.
Dala ng kuryosidad sa picture frame ay lumapit siya rito para makita iyon.
Larawan iyon ng isang batang babae na sa tingin niya'y nasa edad sampu o siyam. Blue eyes. White skin. Small lips. Thick eyes lashes. Well shaped brows and brown hair. Nakasuot ito ng puting bistida at malawak ang ngiti.
Inabot sa kanya ni David ang picture frame para makita niya nang malapitan iyon. "Kilala mo ba siya?"
Pinagmasdan niya ang picture frame. Umangat siya nang tingin kay David. Saglit siyang tumitig dito at muling pinagmasdan ang picture frame. It was then she realized, it was her.
"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang na
"Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak
Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma
"Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali
"Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H
Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho. "Check point," bulalas ni Alec
"Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya."Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H
“N-No. . .”Iyon lang ang gustong marinig ni Louise mula sa pinsan niya, na hindi ito sumasang-ayon sa kagustuhan na pagpapakasal. Sapat na ang salita na iyon para ilabas niya ito sa magaganap na kasalan.“I will you out of this," matigas niyang sabi.Kahit gusto niya pa makausap ng matagal si Yasmin ay hindi iyon maaari. Hindi pwede magtagal na wala sa palasyo sina Yasmin at Olga dahil tiyak tumakas lamang ang mga ito sa mga body guard sa tulong ni Aamir. Trente minutos lamang ang ibinigay ni Aamir sa dalawa para makausap siya.Nabanggit din ni Olga kanina sa mensahe nito na naghihinala na ang Uncle Octavio niya na nakabalik na siya rito sa Denmark. Kaya naman ikinalat nito ang mga tauhan nito sa bawat lugar na malapit at sa labas mismo ng palasyo para lamang hanapin siya.Mamaya, pag-uwi niya ay paplanuhin niya ang pagtakas kina Yasmin at Wanda. Hindi pwede manatili ang mga pinsan niya sa kasama ang Uncle nila.“We need to leave now, Yasmin. Aamir's waiting. Let's go." Hinila ni Olg