Share

Chapter 6

"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."

Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.

Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.

Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang nandoon na ito sa pang-apat na baitang ay nilingon siya nito. Inilahad nito ang kamay sa kanya, na para bang sinasabi na abutin niya iyon, na lumapit siya rito at hawakan.

Ilang saglit siyang nakatingin dito habang nakalahad ang kamay nito sa kanya at hinihintay siyang lumapit. Nalamayan niya na lang ang sarili na naglalakad papalapit dito. Pumanhik siya sa hagdan at inabot ang kamay nito. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa tapat ng isang pinto.

Inanggulo niya ang ulo at tumingala para makita si David. Sinalubong nito ang tingin niya, subalit sandali lamang iyon dahil bumaling na ito sa pinto na nasa harapan nila. Pinihit nito ang doorknob at itinulak ang pintuan. Nang malaki na ang pagkakabukas no'n ay hinila siya nito papasok sa loob ng kwarto.

"Dito ang kwarto mo," wika ni David.

"Talaga?" Her surprise proved impossible to mask.

Bumitaw siya sa hawak ni David at nilapitan ang maliit na kama. Pinagapang niya ang kamay roon at pinagpag iyon kaya nagsiliparan ang mga alikabok na nanunuot doon. Naubo pa siya dahil dahil may pumasok sa ilong niya. Halatang matagal ng walang nakatira sa bahay na ito dahil inaalikabok na.

Umalis siya sa harapan ng kama at tumungo sa lamesa sa gilid, kung saan nandoon ang mga iba't-ibang libro. Kumuha siya ng isa roon at pinagpag ang alikabok. Pinagmasdan niya ang kinuhang libro at dahan-dahan iyon binuksan at binasa ang unang pahina. Mahilig pala talaga siya magbasa ng libro noon pa man.

Malapit na siyang maniwala kay David.

Ibinalik niya ang libro at tinungo ang puting kabinet na nakadikit sa dingding. Hinawakan niya ang hawakan nito at binuksan iyon. Nakita niya rito ang mga damit na naroon. Mga damit niya ba ito?

Dumampot siya ng isa at ibinuka iyon. Itim na long sleeve iyon at masasabi niyang saktong-sakto iyon sa katawan niya.

"Wala ka pa rin bang maalala?"

Napasinghap siya nang magsalita si David sa likuran niya. Napakalapit nito sa kanya at nararamdaman niya ang katawan nito sa likod niya.

"W-Wala. . ." sagot niya rito. Ibinalik niya ang damit na kinuha at isinarado ang kabinet.

Umalis si David sa likuran niya. Pumihit naman siya paharap dito at hinabol ito ng tingin.

Tumayo si David sa harapan ng kama kung saan siya kanina nakatayo. Bahagya itong yumuko at may hinila mula roon sa ilalim no'n. Umangat ito ng tingin sa kaniya, bago umupo at binuksan ang kahon na kinuha roon. Titig na titig siya sa kahon at naghihintay na makita ang laman no'n.

Mula sa loob ng kahon ay inilabas doon ni David ang dalawang malaking baril. Nasundan iyon ng ilang mga dagger at granada. Nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Nakaramdam na naman siya ng takot at kaba.

Muling umangat ng tingin si David sa kanya, para bang ginawa talaga iyon para makita ang magiging reaksyon niya. Ibinalik nito ang atensyon sa kahon at kumuha roon ng ilang mga handgun. Napalunok siya habang nagtataas baba ang dibdib sa bilis ng paghinga.

"Lahat ito ay pagmamay-ari mo," turan ni David. Kinuha nito ang isang handgun at ikinasa iyon.

Napamaang siya at nanlaki ang mga mata. Para pa siyang nabingi sa sinabi nito.

"Imposible ang sinasabi mo," depensa niya agad sa sarili. "P-Paano ko magiging pag-aari ang ganyang karaming mga armas?" Tumaas pa ang boses niya, tila hindi makapaniwala. Bakit naman siya may nakatagong mga armas sa ilalim ng higaan niya? Para saan iyon? "Bakit, ano ba ako? Pulis? Sundalo?"

Hawak-hawak ang handgun, tumayo si David at deritsong tumingin sa mga mata niya. "Hindi ka pulis, at mas lalong hindi ka sundalo."

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. "K-Kung ganoon. . .A-Ano ako?"

"Assassin."

Her jaw dropped. Hindi siya nakapagsalita. Ni hindi niya magawang ibuka nang tuluyan ang bibig. Ilang beses niya itong ibinuka para magsalita, pero agad din isinasarado.

Assassin siya. . .Masamang tao—Pumapatay siya? Imposible iyon.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo," mariin niyang saad matapos makabawi sa pagkagulat. "Nagsisinungaling ka." Dinuro niya ito at binigyan nang masamang tingin. "Dapat talaga ay hindi ako sumama sayo rito." Tinalikuran niya ito at mabilis na naglakad papunta sa pinto.

Hindi siya assassin. Hindi siya pumapatay at hindi siya masamang tao.

"Normal na teenager ka lang ako noon. . .hanggang sa nabulag ang Mama mo."

Napahinto siya sa pagpihit ng doorknob.

May mga magulang pa siya?

"September 17 2010, pauwi ka na no'n galing sa isang part time job mo nang ma-kidnap ka at i-recruit ng isang secret agency ng mga assassin."

"Babalik na ako ng Lucena—

David cut her in between. "You was kidnapped and recruited by a secret agency of assassins."

Hindi. . .

Napapikit siya nang mariin, ayaw niya iyon tanggapin.

Kaya ba siya walang ala-ala ngayon dahil doon? Dahil isa siyang masamang tao?

Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo at dahan-dahang pumihit paharap kay David.

"Bakit ako may mga tama ng baril sa ulo?”

"Mula sa Denmark ay umuwi ka rito sa Pilipinas." Muntik na niya makalimutan ang sinabi nito patungkol sa apelyido niya at sa kanya. Isa raw siyang Prinsesa.

"Bakit ako umuwi rito?"

"Para sa burol. . ." He stopped abruptly, as if suddenly realizing what he was saying. "Para sa burol ng kaibigan mo."

"Sinong kaibigan?"

Kita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito, tanda ng paglunok. "Si Yella."

Natigilan siya roon. Ang babae sa panaginip niya? Hanggang ngayon ay malinaw na malinaw ang pangyayaring iyon sa panaginip niya. Para bang totoo ang lahat ng nangyari roon at masakit iyon sa puso.

"Hindi ba't sabi mo, wala akong kakilala na Yella?"

Hindi ito nagsalita at tumitig lamang sa kanya. Bakit nito sinabi na wala siyang kilala na Yella, ganong meron naman pala?

"Gaano ko siya katagal na kaibigan? Anong ikinamatay niya?"

Sa halip na sagutin siya ay tumalikod si David sa kanya. Yumuko ito at ibinalik ang kahon doon sa ilalim ng kama. Naglakad ito papunta sa lamesa kung saan nandoon ang mga libro at inilapag doon ang handgun na hawak.

"Alam kong gutom ka na. Bumaba na tayo, magluluto ako." Hinawakan siya nito sa braso para igaya palabas ng kwarto, ngunit inalis niya ang pagkakahawak nito.

"Anong ikinamatay ni Yella?" matigas niyang tanong pero naroon ang kaba sa magiging sagot nito.

Hindi ito nakasagot. Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya. "Ipinapatay siya ng Uncle Octavio mo."

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha niya nang mapagtanto na ala-ala nang nakaraan ang paniginip niyang iyon. Iyon pa lang ang naaalala niya, pero sobrang bigat at sakit na ng pakiramdam niya.

Hindi niya napigilan ang tunog ng pag-iyak na kumawala sa bibig niya at agad niyang tinakpan ang bibig niya para pigilan iyon.

Hinila siya ni David at niyakap. Hinagod-hagod nito ang likuran niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Hush," he whispered softly in her ear while gently stroking her hair in a comforting way.

Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya. "Bakit siya ipinapatay? Anong naging kasalanan niya?" she asked him, unable to make sense of my current emotion.

"Wala. Wala siyang kasalanan."

Bumitaw siya sa yakap nito. "Kung ganoon, bakit siya pinatay?!"

Hindi sumagot si David, tila ayaw na nito magdagdag pa ng sasabihin para tumahan na siya sa pag-iyak.

"Bakit siya pinapatay?" pag-uulit niya, naroon ang tono na nakikiusap sagutin ang tanong niya.

"Galit ang Uncle mo sayo dahil ikaw ang tagapagmana ng trono at korona ng Denmark. Gusto ka niyang mawala para mapunta sa pinsan mo, na anak nito ang trono at korona, at ito ang pumalit sayo."

Hindi niya maintindihan. Kung siya ang tagapagmana, bakit ang kaibigan niya ang ipinatay ng Uncle niya?

"Anong kinalaman ni Yella sa trono at korona ng Denmark?"

"Wala. Pero sayo, meron. Ilang beses kang tinangkang ipapatay ng Uncle mo pero parati kang nakakaligtas sa mga pagtatangka nito. Kaya nang pumunta ng Denmark ang mga kaibigan mo ay ginamit ng Uncle mo ang pagkakataong iyon para sayo."

Ganoon kagusto ng Uncle niya na mawala siya para idamay ang kaibigan niya?

"Pinasok ng mga private army ng Uncle mo ang bahay na tinutuluyan nila Yella roon sa Denmark at dinakip siya," pagpapatuloy ni David. "Kapalit ng kalayaan ni Yella ay kailangang ikaw ang pumalit sa posisyon niya."

Dumating siya, hindi ba? Natatandaan niya sa panaginip niya ang ala-alang nandoon siya. Kasabay nang paglangoy niya sa dagat para sagipin si Yella ay nabaril siya. Kaya alam niyang dumating siya roon. Tumupad siya sa usapan pero bakit namatay pa rin si Yella?

Hindi niya maalala ang lahat sa pangyayaring dahil putol. May nagawa ba siyang hindi nagustuhan ng Uncle niya kaya pinatay nito ang kaibigan niya?

"Dumating ako, tama?"

Tumango si David.

"Pero bakit pinatay niya pa rin si Yella? May nagawa ba akong mali?" Nagsimula na naman mamuo ang mga luha niya. Agad iyong tumulo at agad din niya iyong pinunas.

"Binigyan ka niya nang pagkakataon na isuko sa kanya ang trono at korona at hayaan ito sa kaniya—"

"At nagmatigas ako?"

Sa hindi pagsagot ni David ay nakuha niya ang sagot sa tanong.

Bumagsak na naman ang mga luha niya. Dahil pala sa kanya kaya nawala ang kanyang kaibigan. Dahil sa pagmamatigas niya. Kung hindi sana siya nagmatigas ay baka buhay ang kaibigan niya. Kya pala ganoon kasakit ang ala-alang iyon sa panaginip niya.

Bago pa niya mapunas ang mga luha sa pisngi ay ginawa na iyon ni David. Bawat bagsak ng luha niya ay pinupunas nito.

"Ang Uncle ko rin ba ang may kasalanan kung bakit ako natagpuang may mga tama ng baril? Kaya wala akong maalala ngayon?"

Tumango ulit si David at nagpatuloy sa pag-punas ng kanyang mga luha. "Ang sabi mo ay maghanda kami sa pagbalik mo. Hinintay ka namin. Lumipas ang dalawang araw, hanggang sa umabot ng isang linggo at hindi ka pa rin bumabalik doon. Kaya humingi ako ng permiso sa Mama mo na sundan ka rito. Pagdating ko rito ay nawawala ka raw. Hinanap ka namin. Hinanap kita."

She wanted to ask him kung boyfriend niya ba ito. Pero sa mga inaasta at ikinikilos nito sa kanya ay tama na iyon na sagot.

"Ang Mama ko?"

"Binabantayan ko siya katulad ng bilin mo. Hindi ko siya pinapabayaan, tinitiyak ko parati ang kaligtasan niya, katulad ng gusto mo."

Pinagmasdan siya nito habang nakatingin siya rito. Napakaganda ng mga mata nito, nangungusap iyon. Unti-unti, inilapit nito ang mukha sa kanya. Napapikit siya. Hinintay niyang dumampi at lumapat ang labi nito sa labi niya, ngunit sa halip na sa labi niya nito idampi iyon ay naramdaman niya iyon sa kanyang noo.

"Kailangan ka ng Lolo mo. Kailangan ka ng Denmark."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status