Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma
"Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali
"Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H
Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho. "Check point," bulalas ni Alec
"Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya."Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H
“N-No. . .”Iyon lang ang gustong marinig ni Louise mula sa pinsan niya, na hindi ito sumasang-ayon sa kagustuhan na pagpapakasal. Sapat na ang salita na iyon para ilabas niya ito sa magaganap na kasalan.“I will you out of this," matigas niyang sabi.Kahit gusto niya pa makausap ng matagal si Yasmin ay hindi iyon maaari. Hindi pwede magtagal na wala sa palasyo sina Yasmin at Olga dahil tiyak tumakas lamang ang mga ito sa mga body guard sa tulong ni Aamir. Trente minutos lamang ang ibinigay ni Aamir sa dalawa para makausap siya.Nabanggit din ni Olga kanina sa mensahe nito na naghihinala na ang Uncle Octavio niya na nakabalik na siya rito sa Denmark. Kaya naman ikinalat nito ang mga tauhan nito sa bawat lugar na malapit at sa labas mismo ng palasyo para lamang hanapin siya.Mamaya, pag-uwi niya ay paplanuhin niya ang pagtakas kina Yasmin at Wanda. Hindi pwede manatili ang mga pinsan niya sa kasama ang Uncle nila.“We need to leave now, Yasmin. Aamir's waiting. Let's go." Hinila ni Olg
Tinanggap ni Louise ang nakalahad na kamay ng lalaki sa kanyang harapan. Muli siyang ngumiti bago nagpadala sa kabilang table kung nasaan si Jonas.Sa pagtama ng mga mata nila ni Jonas ay kita niya kung paano ito magningning ngayong kaharap na siya nito. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo at inabot ang kamay sa kanya.“You look ravishing. . . and seems familiar. Have we met before? Oh, by the way, I'm Jonas.”“I don't think so.” Malandi siyang tumawa at umiling. “If we had met before, I am sure I will never forget you. Especially a masculine one is my type.” Binigyan niya ito nang malagkit na tingin mula ibaba hanggang taas. “Anyway, I'm Martha Cecelia.”“Well, Martha Cecelia, care to explain why a beautiful woman like you was alone here?” Jonas asked with a flirtatious edge lacing his voice."Well I'm not alone anymore, am I?"Ramdam niyang nakuha na niya si Jonas sa sandaling iyon. Hindi magtatagal ay mag-aaya na ito umalis kasama siya."Wow. Beautiful with a sense of humour. It must be
Hindi maipaliwanag ni Jonas ang nararamdaman niya kay Martha Cecelia. May kakaiba sa babaeng ito pero hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman para rito. Para bang nahipnotismo siya sa angking kagandahan nito. Ayaw niya malingat ng tingin. Ayaw niya mawala sa tabi niya.Nag-vibrate ang kanyang cellphone nang malapit na sila sa kanyang kwarto. Hindi niya iyon pinansin, hinayaan niya lamang at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad habang naka-akbay kay Martha Cecelia. Bago niya buksan ang pintuan ng kwarto ay muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya iyon pinansin. Kung sino man ang tumatawag sa kanya ngayon ay makakapaghintay iyon. Pero ang babaeng kasama niya ngayon ay hindi. Ngayon niya pa lang ito nakikilala ay masasabi niyang gusto na niya ito. . . Sa lahat ng babaeng nakilala at nakasama niya ay rito lamang siya tinamaan ng sobra. Para bang nasa ilalim siya ng isang gayuma. Kung noon ay wala sa isip niya ang magseryoso sa isang babae, ngayon ay