Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nandoon sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin. Pag labas niya ay wala na si Faith doon sa lamesa nito nang tingnan niya, tangging ang platito na pinaglalagyan ng cake nito at baso na kalahati pa ang laman ng juice ang nandoon.
Hindi nga bumalik ang lalaki kahapon katulad ng gusto niya, pero may bago namang sumulpot. Ayaw man niya agad maniwala at huwag makinig sa mga sinabi ng mga ito, ngunit may malaking parte pa rin talaga sa isip niya na sumisigaw na pakinggan kung ano ang sigaw na iyon.
She drew a deep breath and walked towards the counter. Dinampot niya ang tray na inilapag kanina. Umangat naman ng tingin si Ara at tumingin sa kanya.
"Ayos ka lang?"
She slightly nodded and gave her an assuring smile. Tumungo siya sa ginamit na lamesa ni Faith at iniligpit ang mga naroon.
Buong maghapon sa café ay walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang lalaki kahapon, ang reaksyon nito, si Faith at ang mga tinuran nito kanina. Kaya naman nang umuwi siya matapos ang oras ng trabaho ay agad siyang uminom ng gamot dahil sumasakit na naman ang ulo niya.
Nakatulog siya at nang magising ay tagaktag ang pawis sa buong katawan. Nanaginip na naman siya. Nang bumangon siya mula sa pagkakahiga ay naghahabol siya ng hininga, napahawak sa dibdib.
Panaginip na naman. . .
Napabuntong-hininga na lamang siya dahil limot na naman niya ang nangyari sa panaginip niya. Parati namang gano'n.
Itinali niya ang maikling buhok at lumabas ng kwarto, tinungo niya ang kusina para magluto ng kanyang gabihan. Mabuti na lamang at patapos na si Paula magluto ng sarili nitong gabihan nang dumating siya.
Itlog at instant noodles lamang ang kanyang niluto. Hindi na siya nagsaing pa. Napapatulala siya pagkatapos ng bawat higop ng sabaw, iniisip kung may pamilya pa ba siya. Kung meron man, bakit hanggang ngayon ay walang naghahanap sa kanya. Imposible namang kapamilya niya si Faith dahil kung oo, magpapakilala ito agad.
Inubos niya ang pagkain niya at hinugasan ang pinagkainan. Pinunasan din niya ang lamesa at nagwalis ng sahig. Nang makitang puno na ang basurahan nila ay binuhat na niya ang plastic sa loob nito at dinala iyon sa labas.
Wala ng mga nakatambay na ka-boardmate niya sa labas ng boarding house nila. Pati ang ilaw sa garahe ay patay na rin.
Binuksan niya ang gate. Hindi pa iyon naka-lock kaya marahil ay gising pa si Aling Vicky.
Naglakad siya papunta kung saan nakatambak ang mga nakabalot sa plastic at sako ng basura at inilagay roon ang dala-dala niya. Kukunin bukas ng umaga ang lahat ng basura na iyon ng truck na dadating.
Pabalik na siya sa loob nang mahagip ng kanyang mata niya ang poste ng sirang ilaw. Katulad kagabi, may nakatayo na naman doon.
Dali-dali siyang naglakad papasok sa gate sa takot. Pero bago pa siya tuluyang makapasok ay natigilan na siya at napahinto.
"Ang Louise na kilala ko ay hindi basta-basta natatakot. . .Walang kinakakakutan. Matapang. Lumalaban."
Kumabog ang dibdib niya nang marinig iyon. Kilala ang boses na iyon, natatandaan niya. Boses ito ng lalaki kahapon doon sa café.
Face him, take a risk. Tila may boses na nagsasabi sa kanya ng bagay na iyon.
Marahas siyang umiling para iwaksi ang boses na nagsasabi.
"Ang sabi mo ay babalik ka agad," he continue. "Hinintay ka namin, naghintay kami. Hinintay kita."
Napalunok siya. Saan siya babalik? Bakit kung magsalita ito ay parang kilalang-kilala siya nito higit pa sa lahat?
Hindi niya alam kung bakit ayaw humakbang ng mga paa niya para maglakad papasok. Parang bigla na lamang napako roon.
"It has been two years," dagdag nito. "Kailangan ka nila. Kailangan ka namin. . .Kailangan kita."
Bumilis ang tibok ng puso niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya naman ay mas lalo lamang siya naguluhan. Bakit ganito ang kanyang pakiramdam?
Kailangan niya ng sagot sa mga tanong niya. Kailangan na niya makaalala. She had to take a risk.
Kinagat niya ang ibabang parte ng labi at dahan-dahang pumihit paharap. Tumingin siya roon sa poste, kung saan nandoon ang lalaki.
"Sino ka?" ubos tapang niyang tanong.
"David."
David. . .
Ang pangalang iyon ay para bang ilang beses na niyang sinambit noon na may iba't-ibang damdamin. . .Ramdam niya. Her heart was welling up with something she couldn't completely comprehend. Sino ba si David sa buhay niya?
"Pumasok ka na sa loob, malamig na rito." Naputol ang pag-iisip niya at pagtitig dito nang muli itong magsalita. Doon niya lang napagtanto na kalmado na ang pintig ng puso niya at hindi na iyon katulad kanina na kumakabog dahil sa takot at kaba.
Sinalubong nito ang mga tingin niya. Pakiramdam niya'y malulunod siya sa bawat titig na ibinibigay nito. Hindi niya alam kung ilang minuto silang nakatingin sa isa't-isa at walang nagsasalita. Pati ang paligid ay tahimik, kung wala pa sigurong tumahol na aso ay hindi mauputol ang titigan na iyon.
Dali-dali siyang tumalikod rito at naglakad. Nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang muli na naman itong magsalita, dahilan kung bakit muli rin siyang napahinto.
Ang sunod nitong sinabi ay halos nagpatalon ng kanyang puso.
"It's been two years, and I'm still into you. Sa dalawang taon na nagdaan ay wala araw na hindi ka sumagi sa isip ko. . . Gabi-gabi ka kung dumalaw sa panaginip ko. Sa bawat galaw ko ay ikaw ang naaalala ko."
Sunod-sunod ang naging paglunok niya.
"I miss you. I miss you so much. Please. . . Come back to us, come back to me."
Mabilis siyang naglakad papasok sa loob at isinarado ang gate. Isinandal niya ang likod niya doon sa pader at humawak sa dibdib niyang na malakas tibok. Ang huling apat na salita na binitawan nito ay nagpaulit-ulit sa kanyang tainga at hindi siya tinantanan.
Iyon ang dahilan kung bakit buong gabi siyang gising. Hindi siya pinatulog ng pakiramdam na iyon. Isang pakiramdam na ibang-iba sa lahat. Masarap sa pakiramdam pero hindi niya alam kung bakit masarap.
Hinawi niya ang kurtina ng bintana para bigyang daan ang liwanag at hangin na pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Sabado at wala siyang pasok sa café kung kaya magpapa-order siya ng mga tsinelas ngayon.
Itinali niya ang maikling buhok at iniligpit ang hinigaan. Lumabas siya ng kanyang kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng kanyang almusal.
"Good morning," bati sa kanya ni Luna, ang nurse niyang ka-boardmate na nag-aalmusal. Nakaupo ito sa harapan ng lamesa at nasa ibabaw naman ang isang kape ng tasa, dalawang itlog at isang plato ng sinangag.
"Good morning," bati niya rito pabalik, at dumeritso sa lutuan. Nagsaing siya at nagprito ng tatlong piraso ng tinapa. Gumawa rin siya ng sawsawan niya, ang pinagsamang sibuyas at kamatis sa toyo at tinernuhan niya iyon ng kape.
Hindi na niya nakasabay pa sa pagkain si Luna dahil late na raw ito sa duty nito sa Hospital. Karamihan sa mga ka-boardmate niya ay maagang umaalis kaya maaga pa rin lang ay konti na lang ang mga nasa boarding house.
Tinapos na niya ang kinakain at naligo. Isang puting T-shirt at pantalon ang isinuot niya. Nagsuklay siya ng buhok at saka binitbit ang dalawang plastic bag na may lamang mga tsinelas.
"Kanina ka pa hinihintay ng lalaki ro'n sa labas," bulalas ni Aling Vicky nang makababa siya ng hagdan.
Nagsalubong ang magkabila niyang kilay. "Sino hong lalaki?"
"Hindi ko kilala." Umiling ang matanda sa kanya "Ngayon ko lamang nakita iyon dito. Mukhang foreigner siya pero nagtatagalog naman at tuwid na tuwid ang tagalog niya," amaze pang wika ng matanda.
Malalaki ang hakbang niya palabas ng boarding house para tingnan ang sinasabi na lalaki, kahit na may ideya na siya kung sino iyon. Pagbukas niya ng gate ay nakompirma niyang tama siya. Si David ang bumungad sa kanya. Bahagya pang umawang ang bibig niya at nahinto. Nakasandal ito sa hood ng isang Mercedes at magkakrus ang magkabilang kamay sa dibdib.
Pinagmasdan siya nito. Their eyes met. Napakagwapo nito sa suot na itim na three forth at puting pantalon, bagay na bagay iyon sa balat nitong moreno.
Nang maglakad ito palapit sa kanya ay bumilis ang tibok ng puso niya. Napalunok pa siya. Nakarating ito sa harapan niya nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"A-Anong. . ." she trailed off. Hindi niya alam ang itatanong dito o sasabihin. Hindi siya makahanap ng tamang salita na ilalabas.
Mula sa mga mata ay bumaba ang tingin nito sa plastic bag na hawak-hawak niya sa magkabilang kamay.
It was then she realized na tila hindi na siya natatakot sa presensya nito. Kinakabahan siya pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa takot.
"Kaano-ano kita?" sa wakas ay naitanong niya rito.
Bakit ganito ang nararamdaman niya ngayong kaharap ito? Sino ba ito buhay niya? Gusto niya iyon malaman.
Hindi niya mapigilan ang magkumpara. Sa mahigit isang taon na panliligaw sa kanya ni Renzo ay hindi naging ganito ang nararamdaman niya. Hindi siya napapatanong sa sarili niya.Hindi rin bumilis nang ganito ang puso niya dahil lamang sa isang titig.
Pero bakit si David ay kabaliktaran ng nararamdaman niya kay Renzo? Sino ba talaga si David sa buhay niya dalawang taon ang nagdaan?
"Kaano-ano kita?" pag-uulit niya nang walang makuhang sagot mula rito. Nakatitig ito sa kanya na tila ba siya ang pinakamagandang tanawin sa harapan nito. "Tinatanong kita," kunwari'y inis na sabi niya.
Mahinang natawa si David. Lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi na siyang dahilan kung bakit mas lalong nagpagwapo rito. Sa halip na sagutin ang tanong niya ay kinuha nito ang dalawang plastic bag sa kamay niya. Tinalikuran siya nito at naglakad papunta sa sasakyan. Binuksan nito ang pintuan sa back seat at ipinasok doon ang dalawang plastic bag.
Mabilis siyang sumunod dito at iniharang ang kamay sa pintuan ng back seat. "Ano bang ginagawa mo?"
Kinuha niya ang dalawang plastic bag, ngunit inagaw iyon ni David sa kanya. Inagaw niya ulit iyon pero inilayo nito. "Ano ba!" asik niya rito.
"Gusto mong malaman kung kaano-ano mo 'ko, hindi ba?"
Naibaba niya ang kamay na dapat aagaw ulit sa dalawang plastic bag at natahimik.
"Sumama ka sa 'kin," wika nito na may maliit na ngiti sa labi, "sasabihin ko sa 'yo kung sino ako."
"Hindi kita kilala," mabilis niyang tugon sa sinabi nito. "Hindi ako sasama sa 'yo."
Unti-unting napawi ang ngiti ni David. Kita niya kung paano bumakas ang sakit sa mukha nito sa salitang binitawan niya. "Kilala mo 'ko. Kilalang-kilala mo 'ko. . .wala ka lang maalala."
"Paano ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Na hindi ka masamang tao?"She had to make sure. Hindi siya puwede magpadala sa nararamdaman niya. Hindi dahil hindi na siya kinakabahan habang kaharap ito ay pagkakatiwalaan na niya ito. Kaligtasan niya ang nakasalalay rito at wala siyang ibang aasahan para maging ligtas sa lagay niya ngayon na walang maalala, kung hindi ang sarili niya lamang. She had to trust no one but herself."Hindi kita sasaktan," David said softly. Parang hinaplos ang puso niya roon. Nakatitig ito sa kanya at ganoon din siya rito. Puno ng lungkot ang mga mata nito sa hindi niya masabing dahilan. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kung sasama ka—"Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo na lang sabihin dito ngayon? Anong pinagkaiba no'n kung sasama ako sa 'yo?" Hindi siya puwedeng umalis nang wala siyang naaalala. Ito lang ang lugar kung saan niya tiyak na ligtas siya.Hindi nakapagsalita si David kaya muli siyang nagsalita. Pareho silang nakat
"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang na
"Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak
Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma
"Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali
"Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H
Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho. "Check point," bulalas ni Alec
"Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya."Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H