"Anong naramdaman mo nang makita mo siya? No'ng niyakap ka niya? Natakot ka ba?" sunod-sunod na tanong ni Ara sa kanya. "Kahit konti lang ay wala ka bang maalala sa kanya? O, siya mismo, hindi mo ba talaga maalala?”
Umangat siya nang tingin at ibinaba ang baso na hawak. Dahan-dahan siyang umiling kay Ara.
Louise. . .Iyan ang pangalan na itinawag sa kanya ng lalaki kanina sa café.
Louise ba ang totoong pangalan niya? Pero paano siya makasisiguro na Louise nga? Paano niya malalaman na hindi masamang tao at nagpapanggap ang lalaki kanina?
"Pero pamilyar siya. . .ngunit hindi ko masabi kung paano at bakit naging pamilyar," wika niya, naguguluhan at nag-iisip. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana. Hinawi niya ang kurtina na tumatabing sa rehas-rehas na bintana at sumilip doon.
Magdidilim na. Matapos niyang tumakbo kanina at kumawala sa lalaking yumakap sa kanya ay umuwi siya rito. Halo-halo ang nararamdaman niya kanina at hanggang ngayon ay may takot, kaba at may hindi pa rin maipaliwanag.
Bumalik sa isipan niya ang imahe ng lalaki kanina. He was tanned, but it didn't do anything but good. His hair was a brown so dark, it could be black. When his eyes bore into her, she found herself staring into the most hypnotising eyes she'd ever seen. Ang mga titig nito ay tila pakiramdam niya'y ilang beses nang sinalubong. Napakapamilyar talaga nito sa kanya.
"Paano kong. . ." she trailed off. "Paano kung kilala niya nga talaga ako?" Pumihit siya at hinarap si Ara. "Paano kung, siya na yung makakatulong para mabalik ang mga ala-ala ko?” Sa paaran ng pagyakap nito sa kanya kanina ay hindi niya masasabi na baka kapatid niya ito. . .
"Pero paano kung siya rin ang nagtangkang pumatay sa 'yo?" Ara shot back. "Hindi ka puwede basta-basta magtiwala, Rica." Natahimik siya sa sinabi ni Ara. Matapos siyang makita noon ni Ara sa tabi ng daan at dalhin sa hospital ay isang buwan siyang namalagi sa Hospital at na-comatose. "Alam kong gusto-gusto mo na makaalala. Pero, Rica, hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. . . Paano kung mapahamak ka na naman dahil lang sa kagustuhan mong makaalala?"
Tuluyan na siyang hindi nakapagsalita. Naiintindihan niya si Ara. Katunayan ay tama ito. Hindi siya puwede magpadalos-dalos ng pagdedesisyon niya dahil baka ikapahamak niya iyon.
Nagbuntong-hininga si Ara at tumayo. Nilapitan siya nito at humawak sa balikat niya. "Ayaw lang kita mapahamak."
Napakaswerte niya dahil nasa tabi niya si Ara. Parati nitong iniisip ang kapakanan niya. Sa loob ng dalawang taon na wala siyang ala-ala ay ito ang nag-alaga sa kanya. Kinupkop siya nito at itinuring na isang pamilya. Hindi nito inisip na baka masamang tao siya kaya may gustong pumatay sa kanya.
"Kailangan ko na umuwi. Baka hinihintay na ako si Lola sa bahay, pagpahinga ka na rin."
Tango lang ang naging sagot niya. Pinanunuod niya ito maglakad papunta sa pinto at lumabas.
Muli siyang napabuntong-hininga. Bumaba ang tingin niya sa kwintas na suot at hinawakan iyon. Pinagmasdan niya ang pendant no'n. Sa tuwing pinagmamasdan niya ang kwintas na suot niya ay iba ang pakiramdam niya—Maagan sa pakiramdam. . .
Tanging ang kwintas lang daw ang meron siya nang makita siya noon ni Ara. May mga eksena na bigla na lamang pumapasok sa isip niya patungkol sa kwintas, pero mabilis ding nawawala. Hirap siyang alalahanin. Pero parang bang. . .Para bang galing sa isang importanteng tao ang kwintas niya.
Sa ikatlong pagkakataon ay nagbuntong-hininga siyang muli. Tumungo siya sa banyo at naligo. Pupunta siya sa Drug Store para bumili ng gamot niya. Paubos na iyon at kailangan na niya bumili. Isang beses lang kasi makaligtaan iyon ay sumasakit ang ulo niya at sa t'wing sumasakit iyon, parang gusto na niya lang ihampas sa pader. Napakasakit no'n, parang unti-unti binibiyak ang ulo niya.
Agad siyang nagbihis nang matapos maligo. Dinampot niya ang suklay at humarap sa salamin. Napatitig siya sa kanyang buhok na hindi humahaba. Kung anong gupit at haba ng buhok na iyon dalawang taon ang nagdaan ay gano'n pa rin ang buhok niya. Hindi niya iyon hinahayaan na humaba. Sa ganoong paraan ay nagbabaka sakali siya na may makakakilala sa kanya at masagot ang tanong, na kung sino ba talaga siya.
Kinuha niya ang wallet niya at lumabas na ng kanyang kuwarto. Ilang mga ka-boardmate ang bumati sa kanya at sinuklian niya ang mga ito ng isang tango at maliit na ngiti.
Kalilipat niya lang sa boarding house na iyon wala pa siyang isang buwan. Kay Ara kasi siya nakatira kasama ang Lola nito pero ngayong kaya na niya na magtrabaho ay gusto na niya bumukod. Abot lupa na ang utang na loob niya kay Ara at hiyang-hiya na siya sa Lola nito. Hindi man siya pinapaalis ng mag-Lola ay umalis at bumukod pa rin siya.
Paunti-unti, binabayaran niya rin si Ara sa lahat ng nagastos nito sa kanya. Napakalaking pera ng nagamit nito dahil isang buwan siyang comatose. Na kahit nama'y may pamimilian na hayaan na lamang siya, hindi iyon ginawa. Tatanawin niyang napakalaking utang na loob ang pagkupkop ni Ara sa kanya. Bumalik man ang ala-ala niya ay hindi niya ito makakalimutan.
Tiningnan niya ang oras sa relong pambisig. Alas sais y kinse na, hindi na rin siya makakapagluto pa dahil may mga mauuna na sa kanya kaya bibili na lamang siya ng lutong ulam at dalawang takal ng kanin.
Napakaraming pila sa Drug Store nang dumating siya roon. Ayaw niya pumila kaya minabuting tumungo muna ng palengke para bumili ng bigas na gagamitin niya hanggang sa katapusan ng buwan. Pag-uwi na lang siya bibili ng gamot niya.
Dumampot siya ng isang tali ng sitaw para sa almusal niya bukas. Isang kilo rin ng lansones ang binili niya bilang panghimagas.
"Magkano ho lahat?" tanong niya sa tindera.
Inabot sa kanya ng tindera ang plastik na may lamang lansones at inilapag sa ibaba ang sampung kilos bigas na binili niya.
Kumuha siya sa wallet ng dalawang daan para ibayad, ngunit nabilis na napalingon nang may bumangga sa balikat niya.
Isang lalaki. Naka suot ito ng jacket na itim. Napatingin din ito sa kanya, bago ito tumingin sa likuran nito. Humihingal pa ito na halatang galing sa mabilis na pagtakbo.
Bumaba ang tingin niya sa mga kamay nitong may hawak na wallet na itim. Pang babae iyon. . .
“Magnanakaw! Magnanakaw!” sigaw ng isang Ginang sa di kalayuan, dahilan kung bakit naka-agaw pansin iyon sa mga namimili.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng lalaki nang marinig iyon at mabilis na tumakbo palayo.
Hindi niya alam kung anong pumasok sa kukute niya at mabilis na inilapag ang hawak-hawak na plastik at hinabol ang lalaki. Nang lumingon ito sa likuran at nakita nitong hinahabol niya ito ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo, dahilan para itulak ang mga nakaharang sa daraanan nito.
Halos makarating na sila malapit sa labas ng palengke at konti na lang ay maaabutan na niya ang lalaki. Dumampot siya ng dalawang repolyo at malakas niya iyong ibinato roon sa lalaki. Katulad nang gusto niyang mangyari, sapol ito sa batok kay napahinto ito nang bahagya. Hindi pa siya nakontento at ibinato niya pa ang isa repolyo. Sapol ulit ito.
Nang makalapit siya rito ay pagalit niyang hinila ang damit nito sa likuran at marahas na inagaw ang wallet mula nasa kamay nito.
Wala pang dalawang minuto ay dumating na ang mga tanod kasunod ang Ginang na nanakawan ng wallet.
"Naku, iha, maraming salamat. Salamat, salamat talaga," wika ng Ginang at hinawakan ang kamay niya.
Napahinto siya at napatingin sa pinanggalingan, doon sa dulo. Inalis niya ang tingin doon at tumingin sa labas ng palengke. Bumaba ang tingin niya sa repolyo na nasa sahig. . .
Napakurap-kurap siya dahil pamilyar sa kanya ang eksenang may hinahabol na lalaki at binato ng repolyo, ngunit hindi niya masabi kung paano iyon naging pamilyar.
Tulala siya habang naglalakad pauwi. Hindi katulad ng mga pumapasok na lamang sa isip niya bigla-bigla at bigla-bigla rin nawawala, ang kaninang eksena sa palengke ay hindi mawala sa isip niya. Nakakapanibago dahil ngayon lang iyon nangyari.Inilagay niya ang takas na buhok sa likod ng kanyang tainga at huminto sa karinderia na madalas niyang bilhan ng lutong ulam sa tuwing tinatamad siya magluto o gutom na siya at may gumagamit pa ng lutuan doon sa boarding house nila."Oh, Rica, ano sa 'yo?" nakangiting tanong ni Aling Martha, ang may-ari ng karinderia. "Wala akong adobong sitaw ngayon."Mahina siyang natawa. Suki na suki siya nito kaya alam na nito ang paborito niya. Minsan pa nga'y kahit hindi naman kasama sa menu ang adobong sitaw, magluluto pa rin ito para sa kanya.Itinaas niya ang bitbit na plastik na may lamang sitaw. "Magluluto na lang ho ako bukas," wika niya rito. Binuksan niya ang mga kaldero na pinaglalagyan ng mga ulam para makita kung ano ang mga luto roon. Merong sini
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nandoon sa loob ng banyo at nakaharap sa salamin. Pag labas niya ay wala na si Faith doon sa lamesa nito nang tingnan niya, tangging ang platito na pinaglalagyan ng cake nito at baso na kalahati pa ang laman ng juice ang nandoon.Hindi nga bumalik ang lalaki kahapon katulad ng gusto niya, pero may bago namang sumulpot. Ayaw man niya agad maniwala at huwag makinig sa mga sinabi ng mga ito, ngunit may malaking parte pa rin talaga sa isip niya na sumisigaw na pakinggan kung ano ang sigaw na iyon.She drew a deep breath and walked towards the counter. Dinampot niya ang tray na inilapag kanina. Umangat naman ng tingin si Ara at tumingin sa kanya."Ayos ka lang?"She slightly nodded and gave her an assuring smile. Tumungo siya sa ginamit na lamesa ni Faith at iniligpit ang mga naroon.Buong maghapon sa café ay walang ibang pumapasok sa isip niya kung hindi ang lalaki kahapon, ang reaksyon nito, si Faith at ang mga tinuran nito kanina. Kaya naman nang
"Paano ako makasisiguro na hindi mo ako sasaktan? Na hindi ka masamang tao?"She had to make sure. Hindi siya puwede magpadala sa nararamdaman niya. Hindi dahil hindi na siya kinakabahan habang kaharap ito ay pagkakatiwalaan na niya ito. Kaligtasan niya ang nakasalalay rito at wala siyang ibang aasahan para maging ligtas sa lagay niya ngayon na walang maalala, kung hindi ang sarili niya lamang. She had to trust no one but herself."Hindi kita sasaktan," David said softly. Parang hinaplos ang puso niya roon. Nakatitig ito sa kanya at ganoon din siya rito. Puno ng lungkot ang mga mata nito sa hindi niya masabing dahilan. "Sasagutin ko ang lahat ng tanong mo kung sasama ka—"Agad niyang pinutol ang sasabihin nito. "Bakit hindi mo na lang sabihin dito ngayon? Anong pinagkaiba no'n kung sasama ako sa 'yo?" Hindi siya puwedeng umalis nang wala siyang naaalala. Ito lang ang lugar kung saan niya tiyak na ligtas siya.Hindi nakapagsalita si David kaya muli siyang nagsalita. Pareho silang nakat
"Dito kayo nangungupahan bago ito bilhin ng Lolo mo para tuluyan itong mapunta sa inyo. Dito ka lumaki. Dito kayo nakatira bago ka pumunta ng Denmark."Dahan-dahan, inilibot niyang muli ang paningin sa buong kabahayan na kinaruruonan, nagbabaka sakali na kahit kaonti ay may maalala siya sa bahay.Pinagmasdan niya ang lamesa nang mabuti. Tatlo lamang ang mga upuan na naroon, limang minuto na siyang nakatingin dito pero wala pa ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang kumakain siya roon. Inilipat niya ang tingin sa lutuan. Hindi iyon katulad sa ibang lutuan na ginagamitan ng gas, kung hindi ay de uling, uling ang ginagamit sa lutuan. Tatlong minuto na siyang nakatitig doon, ngunit wala ring ala-ala na pumasok sa isip niya habang nagluluto sa lutuan na iyon. Wala siyang maalala na kahit ano sa sinasabi ni David na bahay kung saan siya lumaki. Hindi niya rin makita ang sarili na nakatira rito noon.Umalis si David sa tabi niya at naglakad papunta sa apat na baitang na hagdanan. Nang na
"Ang sabi ng isang servant sa palasyo ay palala lamang nang palala ang kalagayan ng Lolo mo roon. Nakakulong ito sa isang silid at hindi hinayahayaan lumabas. . ." Tahimik siya habang pinakikinggan ang kwento ni David patungkol sa nangyayari roon sa Denmark simula nang mawala siya. Hindi niya maalala ang ginawa sa kanya ng kanyang Uncle Octavio. Pero base sa mga kwento ni David ay masasabi niyang napakasama nito. Hindi makatao ang mga ginawa nito at hindi rin siya makapaniwala na nagawa nito ang lahat ng mga iyon para lamang sa trono at korona ng Denmark. "Binaliktad niya ako. Pinalabas niyang sinubukan kong pagtangkaan ang hari—Gustuhin man namin iligtas ang Lolo mo ay hindi namin magawaPinaghahahanap kami roon ng batas kaya hindi kami makalapit ng palasyo. Pati ang daan sa Throne room ay hinigpitan nila, nagdagdag pa sila ng mga bantay roon." Napapikit siya nang bigla na naman sumakit ang ulo niya. Napahawak siya sa buhok niya. Sa dami ng nalaman niya ngayon ay talaga namang sasak
Wala siyang silbi. Iyon ang pakiramdam ni Louise sa mga sandaling iyon. Wala siyang ala-ala kaya wala man lang siyang magawa.Dahan-dahan niyang nilingon si David na ginagamot ang sarili nitong sugat. Kitang-kita niya sa mukha nito na nasasaktan ito, ngunit wala siyang naririnig mula sa bibig nito na ingay. Napatingin siya roon sa ibabaw ng lamesa sa harapan ni David, kung nasaan ang bala ng baril na inalis nito sa braso. Ang kulay ginto na bala ay nabalutan ng pula mula sa dugo nito.Nang umangat si David ng tingin ay nagtama ang mga mata nila. Nahihiya siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana, pinagmasdan niya ang labas. Doon niya lang napansin na umuulan pala."Kumain na tayo."Napaayos siya ng upo nang magsalita si David sa tabi niya. Siguro'y sa sobrang pag-iisip, hindi niya na naramdaman ang presensya nito.Tango lamang ang isinagot niya rito. Dali-dali siyang tumayo at tinungo ang kusina para maghain. Akma siyang kukuha ng plato, ngunit pinigilan siya ni David."Ako na, ma
"Anong balak mong gawin sa kanya?"Inanggulo ni Louise ang ulo niya para makita si Faith. Nandito sila ngayon sa basement, sa isang bahay na pagmamay-ari ni Charlie. Dito sila magpapalipas ng gabi ngayon.Bukas ay pupuntahan niya si Ara para ipaalam na bumalik na ang ala-ala niya. Magpapasalamat din siya dito sa lahat ng mga ginawang kabutihan at sa tulong nito sa kanya bago siya bumalik ng Denmark. Gusto rin niya makausap si Renzo. Alam niyang may darating din na babae para rito na ibibigay ang hindi niya kayang ibigay.Sina Renzo at Ara ang nasa tabi niya noong mga panahon na wala siyang maalala. Na kahit sa kabila ng walang kasiguraduhan kung isa ba siyang mabuting tao o masama ay hindi siya pinabayaan ng mga ito. Blood is no longer thicker than water. Nowadays strangers help us more than our relatives. Kung alam niya lang na ganitong uri pala ng pamilya ang meron siya, sana hindi na lang niya nalaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya.Pumihig si Louise sa kanyang harapan at inali
"Malalim na ang gabi, malamig dito. . ." Nag-angat si Louise nang tingin sa kanyang harapan. Nandoon si Marco, nakatayo. Humithit ito sa hawak sa sigarilyo at saka itinapon sa lupa bago inapakan.Napatitig siya rito. Kailan pa ito natuto manigarilyo? Kilala niya ang binata na hindi naninigarilyo, maging ang amoy ng usok ay kinaiinisan nito. Pero heto ito ngayon sa harapan niya. . . may hawak na sigarilyo at tila ba sanay na sanay gumamit.Pinanuod niya ito humakbang palapit sa kanya at maupo sa tabi niya. Ibinaba niya ang tingin sa lupa. Tinangka niya magsalita, ngunit hindi niya magawa, tila ba nalunok niya ang sariling dila sa mga oras na iyon."Hindi ka rin ba makatulog?" tanong ni Marco sa kanya. Isinandal nito ang ulo sa dingding at pinag-krus ang magkabilang braso. "Hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, mukha niya na nakangiti ang nakikita ko."Dahan-dahan niyang ipinihig ang ulo at bahagyang binalingan si Marco. Nakapikit ang mga mata nito."Kumusta ka?" H