The Confidence Trick

The Confidence Trick

By:  Ukiyoto Publishing  Completed
Language: English
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
28Chapters
1.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App
The Confidence Trick Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments
No Comments
28 Chapters
Prologue
 "...Si Montealto pala ang nanalong presidente," ani ng isa sa mga preso na may hawak na diyaryo na ipinahiram sa kanya ng isa sa mga pulis, "Hindi nanalo 'yung manok ko... Talo na naman ako sa pustahan..."Ngumisi lamang ang isa pang preso na nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa pader. Wala itong suot na pang-itaas, at abala sa pag-ahit ng buhok niya sa kili-kili gamit ang isang maliit na labaha. "Sus... Kahit sino naman ang manalo diyan, hindi naman uunlad ang mga buhay natin. Yayaman lang lalo ang mga mayaman, at maghihirap lang lalo ang mga mahihirap na katulad natin. Hindi ba, Lucas?"Tumango si Lucas habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. Bagong-ligo ito at nakasuot ng isang asul na polo na kupas na ang kulay sa ibabaw ng isang manipis at lumang t-shirt. Inayos niya rin ang pagkakakuskos ng maong na pantalon niya na medyo masikip na dahil hapit na ito sa binti niya."Ganun ang buhay eh..." tugon ni Lucas, "Kaya nga ako nakulong eh. Dahil mahirap lang ako. Kay
Read more
Chapter One
 Diamonds Are Forever "Hindi ka na ba babalik dito next week, Teacher?"Tinugunan ni Alessa ng isang ngiti ang pitong taong gulang na half-Chinese na batang lalaki na katabi niyang nakaupo sa sofa. Pinagmamasdan siya ng bata habang inaayos niya ang mga aklat at ang laptop na pag-aari sa loob ng bag."Hindi na eh. Sabi ko kasi sa Mommy mo, sobrang galing mo na..." ani Alessa habang pinipisil ang pisngi ng bata bago tinali ang buhok na abot hanggang balikat gamit ang scrunchie na suot niya sa kamay, "Kapag magaling ka na sa lessons, hindi mo na kailangan si Teacher."Malungkot ang ekspresyon sa mukha ng bata habang nakatingin ito sa matataba nitong mga daliri. "Pero hindi pa ako magaling... Gusto pa kitang makita ulit, Teacher.""Huwag kang mag-alala, Timothy... Pwede pa naman tayong magkita eh. Pwede naman kitang bisitahin sa school mo, o kaya dito sa bahay ninyo..." Habang nagsasalita si Alessa ay isang malakas na busina ang narinig nila mula sa labas ng bahay, "Muk
Read more
Chapter Two
 Beauty Has A Price "Maliban sa Archduke Joseph diamond, the other diamonds surrounding it are really amazing. May matryoshka diamonds din pala 'to... It's really pricey, but is still a really beautiful piece nonetheless..." ani Alessa habang pinagmamasdan sa laptop ang larawan ng Luna y Estrella tiara habang kumakain ng pizza. Komportable siyang nakaupo sa sofa habang abala naman sa pagsusulat sa isang white board si Lucas."A lot of beautiful things come with a price... Even those that came from dirty money," he replied with a smirk as he scribbled some more."So nanakawin natin 'to sa isang auction? Saan ba 'yun gaganapin?" tanong ng dalaga.Umikot si Lucas sa kinauupuang metal stool para harapin si Alessa na nakapwesto sa likuran niya. "Wala pang ina-announce na lugar, pero darating din tayo sa specifics para mas mapaghandaan natin 'to. And don't get so worked up, okay? We'll succeed. I'm very certain.""We're going to succeed because I'm helping you. Pero para
Read more
Chapter Three
 The Killer Fist "Mabuti na lang at pumayag si Victoria na tulungan tayo..." ani Alessa habang pinagmamasdan ang interior ng kotseng gamit nila ni Lucas, "Pinagamit pa sa 'tin ang isa sa mga kotse niya. Ibang klase..."Napangisi na lamang si Lucas habang nagmamaneho. "Ganyan talaga si Victoria... Kapag alam niyang may makukuha siya, all-out din ang pagtulong niya."Habang patuloy sila sa pagbyahe, napansin ni Alessa na tila hindi sa apartment niya ang direksyon na tinatahak ni Lucas na siyang nagmamaneho ng kotse. "Hoy... Saan na naman tayo pupunta? 'Di ba ihahatid mo muna ako bago ka umuwi?""Kakain tayo."Napangisi si Alessa dahil sa sinabi ng kasama. "Wow... Ngayon ko lang narinig 'yan sa'yo," she chuckled, "Libre mo?"Tumango ang binata habang tumatawa. "Oo naman.""As in?""Ayaw mo?""Syempre gusto."Isang mahinang tawa ang itinugon ni Lucas, bago sila tuluyang dumiretso sa isang Italian restaurant. Agad silang kumuha ng table para sa dalawang tao, at umor
Read more
Chapter Four
 Black Sheep Nakangisi si Christelle habang nakaharap sa laptop niya at naglilikot ang mga daliri niya sa keyboard. Nasa screen na kaharap niya ang isang camera matrix na nagawa niyang i-hack, kaya maganda na naman ang mood niya. Chineck niya ang mga lugar na sakop ng mga camera habang iginagalaw niya ang ulo kasabay ng tugtog na naririnig niya mula sa suot na headphones.Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa niyang iyon nang bigla na lamang pumasok sa kwarto niya ang ina. Mabuti na lamang at nakaharap siya sa pintuan habang nakaupo sa kama kaya agad niyang sinara ang laptop na nakapatong sa mga hita niya at tinanggal ang headphones na suot sa ulo.Her mom released a disappointed sigh. "Christelle, bakit hindi ka pa nakabihis? It's your grandmother's birthday party tonight. Tumayo ka na diyan at mag-ayos ka na. Then, go to my room so I can put make up on you and fix your hair."Palabas na sana ang ina nang biglang sumagot ang dalaga. "I'm not going."Natigilan ang babae
Read more
Chapter Five
 A Dirty Trade Pagkauwi galing sa shooting ng isang tv series kung saan siya kinuha bilang extra, ibinagsak ni Eros ang pagod na katawan sa sofa. Alas singko na siya ng umaga nakauwi ng bahay matapos siyang ihatid ng manager niya. Sa labas pa kasi ng Maynila ang location ng shooting kaya inabot rin ng ilang oras ang biyahe.Ipinikit niya ang mga mata para sana umidlip, nang bigla niyang maramdaman na may biglang naupo sa tabi niya at yumakap sa katawan niya. Nang idilat niya ang mga mata, nasa tabi niya na ang nakababatang kapatid na si Apollo na sampung taong gulang pa lamang at ipinanganak na may autism."Good morning, Pol..." mahinang bati niya dito habang pinagmamasdan ang kapatid na mukhang inaantok pa.Humikab lamang si Pol bago siya nginitian, pero hindi ito bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti na lamang siya at hinaplos ang ulo ng kapatid para tuluyan itong makatulog sa ibabaw ng mga hita niya niya. Ilang minuto lamang ang inabot bago muling naging mah
Read more
Chapter Six
 The Troika Pangiti-ngiti si Lucas habang pinagmamasdan ang safe house na pinagamit sa kanila ni Victoria. Sa buong duration kasi ng pagpaplano at execution nila ay kailangan ng team ng isang lugar kung saan pwede silang magsama-sama na malayo sa ingay ng siyudad at hindi basta mahahanap ng kahit sino.Nasa labas man sila ng Maynila ay hindi naman sila ganoon kalayo para abutin ng ilang oras sa pagbiyahe. May mga kwarto rin ang safe house na iyon na gagamitin ng iba pang mga miyembro ng team kapag dumating na sila. Hindi man iyon kasinglaki ng mansion ni Victoria, magara pa ring maituturing ang bahay dahil sa mamahaling muwebles na ginamit para punuin iyon. Napapalibutan ng mga puno ang paligid, kaya sariwa ang hangin na malalanghap kapag lumabas ka ng bahay.Nakapwesto sina Lucas at Alessa sa pavilion sa bandang likod ng malaking bahay kung saan nakalatag sa isang mesa ang laptop, mga larawan ng hotel na gagamiting venue ng private auction, mga pangalan ng ilang pupu
Read more
Chapter Seven
 Mastermind Madilim pa ang langit nang magising si Lucas noong umagang iyon. Pagtingin niya sa orasan, labindalawang minuto pa lamang ang lumipas pagkatapos ng alas singko ng umaga. Bumangon siya mula sa higaan, at dumiretso sa kusina para uminom ng mainit na kape.Habang nagtitimpla, naagaw ang atensyon niya ng isang malaking container ng powdered milk. Talaga kasing kinumpleto ni Victoria ang supplies na gagamitin at kakailanganin nila sa bahay na iyon, kung kaya't sagana rin sila sa pagkain at kagamitan, pati na mabilis na internet connection.Pinagmasdan niya ang lalagyan, hanggang sa unti-unting nabakas ang lungkot sa mga mata niya. Tandang-tanda niya pa iyong isang beses na namili sila ng tatay niya sa isang grocery maraming taon na ang nakakaraan. May nakita siyang malaking pack ng powdered milk na may isang tumbler bilang freebie.Hinawakan niya ang laylayan ng kupas na t-shirt ng ama para kunin ang atensyon nito. "Papa, ito na lang na mas malaking pack ang b
Read more
Chapter Eight
 Da Capo "In the following weeks," pagsisimula ni Lucas, "Paghahandaan natin ang pagnakaw sa target ng trabaho na 'to – ang Luna y Estrella tiara na dating pag-aari ni Infanta Isabella. The tiara was made during the late 18th century, but was stolen during the 1900s from the Spanish Royal Family..." Tinanguan niya si Christelle para ipakita sa screen ang larawan ng tiara, "It rarely resurfaced in the following decades, pero ngayon, nasa pag-aari ito ng isang mayamang pamilya mula sa Germany. Now this certain family owns the tiara illegally and want it disposed, so they are planning to sell it through a private auction that will be held on February 15, 2020."Pinagmasdang maigi ni Jackson ang diamond na centrepiece ng tiara. "Wow... Is this the Archduke Joseph Diamond?"Tumango si Lucas habang nakangisi. "Good eye, my friend... The biggest piece of diamond on the tiara – which is the Archduke Joseph diamond – costs 21 million U.S. dollars. Pero kung ang presyo na ng mi
Read more
Chapter Nine
 An Armor of Words Iginala ni Baron ang tingin sa lobby kung saan sila naroon ni Victoria. May couches sa unang palapag ng building na iyon para sa mga kliyente at bisita, kaya doon muna sila pumwesto ng kasama."Madali kong makukumbinsi si Alfred na ipasok ka sa security team na ipapadala para sa auction na 'yun. Magdadagdag sila ng security detail pagdating ng event, kaya kukuha siya ng iba pang mga tao para dumoble ang seguridad sa area," saad ni Victoria habang nginingitian siya nito, "Kayang-kaya mo 'to, Baron. Just don't blow up your cover."Tumango si Baron at pilit na ngumiti. "Huwag kang mag-alala. Nag-iingat rin naman ako.""You look weird... Kinakabahan ka ba?" tanong ng babae sa kanya.Baron knew that Victoria already saw right through him, so he has no choice but to admit it. "Medyo lang naman... Unang beses ko kasi 'to...""Unang beses mong gumawa ng krimen?" Victoria replied as she smirked, then she chuckled when the burly man looked taken aback. "Ma
Read more
DMCA.com Protection Status