Share

Chapter Twenty Three

 

Aftermath

 

"It's worth the wait, right?" nakangising saad ni Alessa kay Lucas habang pinagmamasdan nilang lahat ang Luna y Estrella tiara na nakalagay sa isang glass case sa loob ng function room.

Nakapalibot silang pito sa malaking lalagyan habang pinapaulanan ng titig at papuri ang tiara na gawa sa ginto at tadtad ng mga diyamante. Agaw-pansin ang pinakamalaking piraso ng bato sa gitna – ang Archduke Joseph Diamond na siyang pinagmamalaking bahagi ng piece na iyon.

"Kaya naman pala gusto niyong nakawin 'to..." ani Baron na bakas ang pagkamangha sa mga mata, "Sino ba naman ang hindi matetempt, 'di ba?"

Tumango-tango si Victoria habang nakapatong ang kamay sa balikat ng malaking lalaki. "I'm not into diamonds, but this one is really, really beautiful..."

"So, paano niyo 'to maibebenta?" tanong ni Eros kay Lucas na nakatayo sa tabi niya. "Nagawa na nating nakawin, 'di ba? Oras na siguro para magkaroon tayo ng paghahati-hatian."

"Madali na lang nating maibebenta 'to.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status