Share

Chapter Twenty Five

 

Domino Effect

 

"Jeina, bakit hindi ninyo ako tinirhan ng tocino?" reklamo ni Jackson sa kapatid na babae na inaayos ang buhok sa harap ng salamin. Naghahanda na ito para pumasok sa jewelry shop na pag-aari nila.

Inirapan lamang siya ng kapatid. "Hindi ko naman kasalanan kung late ka nagising eh. Alam mo namang malakas kumain si Jeron, 'di ba?"

"Hindi talaga kayo nakakatulong sa buhay ng tao... Ano ba 'yan si Jeron," ang tinutukoy niya ay ang bunsong kapatid, "May bulate ba 'yan? Matagal bago mabusog..."

Umiling-iling na lamang si Jackson habang kinakamot ang ulo matapos maupo sa harap ng hapag-kainan. Humikab muna siya, bago nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya.

Isusubo niya na sana niya ang kanin at maliit na piraso ng hotdog sa kutsara niya nang biglang bumagsak sa tabi ng plato niya ang isang diyaryo.

Nakanganga pa rin siya habang pinipihit ang ulo papunta sa taong naglagay ng diyaryong iyon, just to see Lucas looking at him.

Naibaba ni Jackson ang kut
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status