Share

Chapter Seven

 

Mastermind

 

Madilim pa ang langit nang magising si Lucas noong umagang iyon. Pagtingin niya sa orasan, labindalawang minuto pa lamang ang lumipas pagkatapos ng alas singko ng umaga. Bumangon siya mula sa higaan, at dumiretso sa kusina para uminom ng mainit na kape.

Habang nagtitimpla, naagaw ang atensyon niya ng isang malaking container ng powdered milk. Talaga kasing kinumpleto ni Victoria ang supplies na gagamitin at kakailanganin nila sa bahay na iyon, kung kaya't sagana rin sila sa pagkain at kagamitan, pati na mabilis na internet connection.

Pinagmasdan niya ang lalagyan, hanggang sa unti-unting nabakas ang lungkot sa mga mata niya. Tandang-tanda niya pa iyong isang beses na namili sila ng tatay niya sa isang grocery maraming taon na ang nakakaraan. May nakita siyang malaking pack ng powdered milk na may isang tumbler bilang freebie.

Hinawakan niya ang laylayan ng kupas na t-shirt ng ama para kunin ang atensyon nito. "Papa, ito na lang na mas malaking pack ang b
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status