Share

Chapter Six

 

The Troika

 

Pangiti-ngiti si Lucas habang pinagmamasdan ang safe house na pinagamit sa kanila ni Victoria. Sa buong duration kasi ng pagpaplano at execution nila ay kailangan ng team ng isang lugar kung saan pwede silang magsama-sama na malayo sa ingay ng siyudad at hindi basta mahahanap ng kahit sino.

Nasa labas man sila ng Maynila ay hindi naman sila ganoon kalayo para abutin ng ilang oras sa pagbiyahe. May mga kwarto rin ang safe house na iyon na gagamitin ng iba pang mga miyembro ng team kapag dumating na sila. Hindi man iyon kasinglaki ng mansion ni Victoria, magara pa ring maituturing ang bahay dahil sa mamahaling muwebles na ginamit para punuin iyon. Napapalibutan ng mga puno ang paligid, kaya sariwa ang hangin na malalanghap kapag lumabas ka ng bahay.

Nakapwesto sina Lucas at Alessa sa pavilion sa bandang likod ng malaking bahay kung saan nakalatag sa isang mesa ang laptop, mga larawan ng hotel na gagamiting venue ng private auction, mga pangalan ng ilang pupu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status