Share

The Borderlines
The Borderlines
Author: _Syete_

Simula

Isa lamang akong normal na babae na namumuhay ng tahimik, kakaunti ang nakakakilala sa akin at hindi kami mayaman. Mahina ako, malamya, walang katangian ng pagiging isang lider at weird pa kung manamit ngunit bakit ako napili? Bakit kailangan pa akong maatasan ng ganitong misyon? Bakit pa akong napili maging Alpha ng isang pack?

"Ano ang gagawin natin Alpha?" Naiiyak na tanong ng isa sa mga pack members ko habang tumatakbo kami papalayo sa mga humahabol sa amin.

"Kailangan natin makapasok sa Kinyege borderline, magiging ligtas tayo roon," sagot ko habang tumatakbo kami gamit ang dalawang paa namin. Hindi siya makapagbagong anyo kaya ang dalawang paa ang gamit niya, hindi rin ako nasa werewolf form ko kasi kailan man ay hindi ko pa iyon nagagawa.

Naiwan na kami ng iba naming kasamahan dahil nasa anyong werewolf na sila kaya mas mabilis silang tumakbo at nakapunta sa Kinyege borderline.

"Ayaw ko pang mamatay, Alpha... Gusto ko pang makilala ang mate ko," naiiyak nitong usal na sumulyap pa sa mga humahabol sa amin. Mga bampira itong wala sa mga sarili, hindi ko alam ang tawag sa kanila pero alam kong nasa mababa silang antas ng kanilang lahi.

"Malalampasan natin ito, huwag ka ng tumingin sa likuran, sa unahan lamang," sabi ko ulit para patatagin ang loob niya.

Takbo lang kami nang takbo at gamit ang mga punyal ay sinasaksak namin ito sa mga bampirang nakakahabol sa amin at pilit kaming kinakagat.

"Malapit na tayo!" anunsyo ko nang makita ko ang mga kahoy na may siga ng apoy na hawak ng mga kasamahan namin na nasa ibabaw ng mga matataas na pader at ilang mga Gama na may mga hawak na armas na nakatutok sa direksyon ng mga bampira na humahabol sa amin.

"Ahhh!" Napatigil ako sa pagtakbo at tumingin sa pack member ko na unti-unti nang pinagkakagat ng mga bampira.

"Hindi maaari!" sigaw ko at susugod sana sa mga bampira na walang habas na iniinom ang dugo ng pack member ko ngunit may humarang sa akin na isang napakalaking lobo na may brown fur, tumingin siya sa akin na napakasama at saka umangil pa.

Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating sa pag-angil niya, agad akong sumakay sa likod niya at yumakap sa kanya. Tahimik akong umiyak hanggang sa narinig ko na lang ang pagsarado ng tarangkahan at pag-angil ng mga bampira at alulong ng mga lobo. Alulong ng tagumpay, pagpapasalamat, lungkot at paghihinagpis ngunit karamihan ng alulong ay paghihinagpis lalong-lalo na sa mga nawala at namatay.

"Bakit kailangan pang itaya ang buhay natin sa kamatayan bago mapatunayan na may karapatan tayong mabuhay sa mundong ito?" tanong ko habang nakatingin sa nakasaradong tarangkahan.

"We are not ordinary beings, we are werewolves and we are born to fight for our lives and survive in this unfair world," sagot ng lalaking walang suot na pang-itaas at tanging pantalon lamang ang suot.

"Oo at hindi talaga patas," mapait kong usal at tumalikod na sa nakasaradong tarangkahan at naglakad na papalayo rito.

Someday, all of you will be free--- I will freed you.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status